âSiya ang Bato, ang kanyang gawa ay sakdal;
sapagkat lahat ng kanyang daan ay katarungan.
Isang Diyos na tapat at walang kasamaan,
siya ay matuwid at banal."
âDeuteronomio 32:4
Walang duda na nais ng Diyos na magsulat ako patungkol sa huling mga linggo ng aking buhay. Kahit pa nakahirap at hindi masukat, at kahit pa ako ay nasa kalaliman ng kalagitnaan nito, masasabibkong ito ay kapana-panabil. Isang linggo lamang ang nakakaraan, hindi ko maipapaliwanag ang aking mga pagsubok bilang âkapana-panabik,â ngunit muli, Hinawakan ako ng Diyos ( sa aking paghiling narin), at muli, Ako ay nagbago (sa pamamagitan ng aking Makalangit na Asawa at ang Kanyang perpektong pag-ibig sa akin).
Ngayon, ako ay nasa maliit na eroplano na patungong Miami; ito ang aking pangalawang paglipad at mayroon pang labing tatlong parating bago ako bumalik sa tahanan namin higit isang buwan mula ngayon. Inaasahan kong makasalamuha ang mga miyembro ng RMI sa oras na dumating ako sa Miami, upang makita ang Kanyang pinlano. Ito ay magiging kapana-panabik. Ang pananabik ay lalong tumindi sa kadahilanang ang ibang kompanya ng eroplano na dapat na magdadala sa akin sa Brazil kinabukasan ay nagdeklara ng pagkalugi, kaya ang aking byahe ay hindi natuloy.
Hindi sobrang abala para sa Diyos, ngunit kinakailangan ng pagtapik sa Kanya upang masiguro ang pananampalatayang aking kakailanganin upang hindi ako, sa halip, na mataranta at manatiling manabik na lamang sa kung ano mang paparating.
Ito ay dahil sa Diyos na nagpabago sa akin. Binago ako ng Diyos sa pamamagitan ng paghahatak sa akin hanggang sa puntong malapit na akong mapatid. Sinabi Niya sa aking hindi, kaya tinigilan ko na ang pag-aalala. Sa halip na iligtas ako, pinaalala Niya lamang sa akin na ito ay kinakailangan upang maging handa ako sa kung ano man ang plano Niya para sa akin. Alam kong ito ay malaki, sinabi Niya sa akin,ngunit ang mga detalye ay tila isang panaginip, isang nakakatawang panaginip, na walang sinomang maniniwalaâkahit pa akoâat ako ay naniniwalang ito ay nakakabaliw, ngunit kamangha-manghang bagay bago pa man mangyari ang mg pinlano Niya para sa akin.
âMagmasid kayo sa mga bansa, at tumingin kayo; mamangha at magtaka. Sapagkat ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga arawâNa hindi ninyo paniniwalaan kapag sinabi sa inyo.â (Habakuk 1:5).
Diyos laban kay Hesus
Maaari ba akong magsingit ng isang bagay rito? Karamihan sa Kristiyano ay naniniwalang mapagpapalit mo ang Diyos at si Hesus, Ama at Asawa dahil sa itoây payak na âpangalanâ lamang ng parehas na Tao. Umaasa akong alam mong hindi ako interesado sa pakikipagdebate ng relihiyosong paniniwala o doktrina, ang aking layunin ay simpleng matulungan ang bawat kababaihan na matanggap ang lahat ng ipinagkait sa kaniya. Kaya ang katotohanan ay ito, kung kinakailangan mo ng asawa, nais ni Hesus ang higit na maging iyong Asawa. Makipag-usap lamang sa Kaniya tulad ng gagawin mo sa pinakanakakamanghang umiibig sa iyong lalaking iyong pinapangarap. Kung kailangan mo naman ng Ama, marahilmay dahil wala kang ama o mabuting ama o iniwan ka ng iyong ama (siya ay umalis, pinabayaan ka o namayapa na), kung gayon ay makipag-usap sa Diyos, sa ganoong paraan. Sa pagkakaunawa nito, tuwing nararamdaman kong sinusubok ako, alam kong ito ay ang aking Ama, Diyos, na gumagawa ng panunubok. Ang aking Asawa ay hindi ganoon, lalo paât kami ay nawa walang hanggang puloât gata.
Kung pinagdududahan mo ang katotohanan nito, subukan mo lamang. Magsimulang maunawaan na mas marami ang nagmamalasakit sa iyo kaysa sa mga nasabi sa iyo. Hindi lamang Isang Tao, at maraming patunay sa loob ng Bibliya. Eto ang isa, sa bersikulong ito nagsalita ang Diyos: âLalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangisâŚâ Genesis 1:26. May sinabi pang iba ang Diyos sa Isaias 6:8, âSinong susuguin ko, at sinong hahayo para sa atin?âAng pagtukoy sa Atin at Tayo sa loob ng Bibliya, at dahil sa hindi pagkakaunawa, ang simbahan ay nakaramdam ng pagka-obligang ipaliwanag ang kanilang pinangalanang Trinidad, at ang ibang denominasyon ay nagpahayag ng ibat-ibang malalakas na opinyon tungkol sa usaping ito sa loob ng mga siglo.
Sa kasamaang palad, karamihan ay hindi tugma, dahil sa kadahilanang hindi mo naman maipapaliwanag ang isang bagay na sobrang makapangyarihan, at dahil imposible lalo ito kung hindi mo pa nararanasan, dahil isang uri ng relasyon ang kanilang ipinapaliwanag. Ito ay tulad ng isang babaeng sumusubok na ipaliwanag kung paano maging ina sa hindi pa naging ina. Hindi mo maipapaliwanag kung papaano ka nagbago, hanggat hindi mo dinaranas ang maging ina. Paano mo maipapaliwanag? At kapag iyong sinubukan, ito ay imposible, dahil ito ay hindi mauunawaan ng isipan. Kaya ganoon din, ang karanasan mo sa anak ng Diyos bilang iyong Asawa, at ang Diyos bilang Ama na sobrang nagmamahal sa iyo para ibigay sa iyo ang Kanyang Anak, at samakatuwid sobrang minamahal ka uoang tulungan kang magbago at tulungan kang ipagpatuloy ang iyong paglagonsa pamamagitan ng pagbabanat sa iyo. Ngayong nasabi ko na ang aking nais, muli tayong magbalik sa aking ibinabahagi sa inyoâŚ
Walang dudang ang nakalaan para sa akin sa hinaharap ay magpapabago ng aking buhay at ng buhay ng mga nakapaligid sa akin, ngunit sa kabanatang ito, minamahal kong babaeng nakatakdang ikasal, ay hindi tungkol sa akin, ito ay tungkol sa iyo. Nais ng Diyos na magbago rin ang iyong buhay, ngunit para mangyari iyon ay kailangan ka niyang banatin, at ang paraan para  mangyari iyon ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga nakamamanghang pagsubok sa iyong buhay upang mabanat ang iyong pananampalataya at tiwala sa Kaniya. Ito ay pamamaraan talaga ng Diyos. Hanggat hindi nauunawaan ang prinsipyomg ito, na nangangahulugang niyakap mo ito, ay hindi ka makakarating sa puntong ikaw ay mananabik sa mga ibinabato laban sa iyo dahil dito mo lamang matatanggap ang nais Niyang ibigay sa Iyo, sa paraang ng Kanyang pagbibigay. Subalit hindi natin maiintindihan ito hanggat hindi tayo handang makipagtulungan kasama at makipagtulungan sa pamamagitan ng prinsipyong ito, sa halip na labanan ito.
Nang hindi ito nauunawaan, ang simbahan ay pinapaniwalang (kasama ako) lahat ng nangyari sa atin, o nangyayari sa atin, na hindi halatang biyaya, ay isang atake ng kalaban na kailangan nating labanan. At kahit pa, ang natagpuan ko sa pamamagitan ng napakaraming pagsubok, pagdurusa at krisis ay karamihan sam ga âatakengâ ito ay dahil sa nais ng Diyos na diretsuhin ang aking daraaanan, tumutulong upang banatin ako upang mabiyayaan, at ang aking nilalabanan ay ang Diyos at hindi ang kalaban. Oo, alam ko at naniniwala akong mayroong kalaban, sinabi ng Bibliya sa atin iyon, ngunit sa aking palagay ang maliit na mamang ito ay nabibigyan ng sobrang atensyon kung sa totoo lamang ay wala siyang kapangyarihan sa buhay ng isang mananapalataya na nabubuhay para kay Hesus.
Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng halimbawa nito. Noong simula ng taon, habang ako ay patungong Europa, hindi ko inabutan ang byaheng magdudugtong sa aking byahe (dahil tanghaling dumating ang aking eroplano), at nasumpungan ko ang aking sarili sa isang maliit na propeller na eroplano (talagang mahilig magapatawa ang Diyos at nais Niyang masira ang pamatok ng aking pagkaayaw sa paglipad ano man ang kailangan Niyang gawin). Ito ay hindi, katulad ng inaasahan, na pagpipigil sa akin ng kalaban na makapagsalita sa kaganapan sa Geneva, Switzerland. Lumabas na ito, ay ang Diyos na nais iderekta ang aking landas upang hindi lamang ako makapagsalita sa maliit na grupo ng kababaihan (aking kagustuhan), ngunit dahil sa naantala kong nagdudugtong na biyahe, pumwersa sa aking kumuha ng prop na plano sa pamamagitan ng Alps sa halip na lumipad lamang sa ibabaw ng kahanga-hangang mga bundokâ Alam kong Siya ang may kagustuhang magsalita sa buong simbahan (Kaniyang plano), kasama ang mga lalaki (na hindi ko nais na makausap).
âSapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip.â (Isaias 55:9)
Kahit pa alam ko ang bersikulong ito bali-baliktarin man, Ako padin ay namamangha kung paanong sa bawat pagkakataon na aking binabasa at pinangninilayan ito, ang kapangyarihang taglay ng mensahe ay mas lalong nagiging totoo habang ako ay patuloy na namumuhay sa bawat araw sa pananampalataya. Ang ating pag-iisip at plano ay sadyang napakaliit at nasa kailaliman ng plano ng Diyos para sa atin. Kaya ang aking panalangin sa buhay ay tuluyang nagbago, dahil ngayon ay alam ko na para makuha ko ang aking nais (paggawa ng detalyadong listahan) ay lalong nagpapagulo sa aking buhay. Sa halip, ang aking nais ay maisakatuparan ang Kanyang plano para sa aking buhay. Hindi ko na kinakailangang maging bahagi ng pagpupulong para sa plano Niya. Kaya sa halip na panalangin, mas natutuwa lamang ako na makipag-usap sa aking Asawa: Sinasabi ko sa Kanya kung ano ang aking nadarama at pinilit na tandaan na maupo ng tahimik dahil kadalasan, mayroon Siyang nais ding sabihin sa akin. Ngunit hindi na ako masigasig na sabihin sa Kanya (o mas malala, magmakaawa sa Kanya) para sa aking kagustuhan o kailangan dahil taglay ko ang lahat ng aking nais at kailangan sa Kanya.
At sa parehong oras, kinakailangan ko ding ipaliwanag na lahat ng mangyayari sa oras na pinili mong magtiwala sa Kanya sa ganitong antas ay tila walangowedeng mangyari na simple at perpekto kahit kailan. Sa oras na pinabayaan mo ang Diyos na maging Diyos at hayaan ang Kanyang kalooban na mangyari, hindi maiiwasang tila hindi mo Siya narinig ng husto. Tila imposble para sa akin na mabilang kung ilang beses o pagkakaton kong tinanong ang aking sarili sa loob ng ilang nagdaang linggo, âMaaari bang ito ang Kanyang plano?â
Halimbawa, sa isang umagang umalis ako patungo sa aking pag-iikot sa buong mundo, huminto ako sa isang bangko upang kumuha ng pera tulad ng madalas kong ginagawa. Karamihan sa tao ay sasabihin sa iyong delikadong magdala ng pera (lalo na kung ikaw ay patungo sa lugar na aking pupuntahan), ngunit walang pinagkaiba ito sa akin. Mas nanaiisin king mabuhay ng delikado sa pisikal na mundo kaysa sa mamuhay ng delikado sa espiritwal na kaharian, kung kaya mas pinipili nating mamuhay ng ligtas, maginhawa o kung ano mang mas nais nating gawin sa halip na kung ano ang sinasabi ng Diyos sa atin. Ang kamangha-manghang bagay ay sa pamamagitan ng pagkuha ng payak sa perang ito, sinimot nito halos lahat ng laman ng aking mga accounts sa bangko. Kamangha-mangha. Hindi bai to nangangahulugan na hindi Niya ito plano? Ang Kanya bang plano ay maglalagay sa akin at sa aking pamilya sa alanganing posisyon?
Isa pang halimbawa ay limang araw bago ako umalis, hindi ko lamang napansin na malapit ng maubos ang aking pera sa lahat bg aking accounts, ngunit hindi ko din taglay ang aking mga tiket sa pagbyahe sa mundo, o ang akin man lang pasaporte o bisa patungong Afrikaâang listahan ay hindi matatapos. Noong lunes ng umaga, noong ginawa ko ang nagbabantang listahan na ito sa aking isip, nararamdaman ko ang mga negatibong emosyong nagnanais na mamayani. Kaya sinabi ko sa Panginoon, âMahal ko, kinakailangan ko ang mas maraming Ikaw ngayon.â Tandaan, hindi natin kailangang magmakaawa o makiusap o humingi ng kahit na anong âbagayâ na partikular, sa halip, alam kong ang kailangan ko (at laging kailangan mo) ay mas maraming Siya. Gayunman, kahit pa ilang beses komg sabihin iyon, ang emosyon ay patuloy na nagpalula sa akin. Doon ko napagtantong walang perpektong âpormulaâ at ang bagay kung saan Niya ako dinadala ay ang itanong sa Kanya kung ano ang dapat kong gawin upang makaramdam ng kapayapaan. Dito Niya ako inakay palabas sa aking kubyerta, dala ang kape sa aking kamay, at walang Bibliyaâupang makausap Niya lamang ako.
Sa oras na ako ay naupo, sinabi Niya sa aking isipin ko ang âpinakamalalalalang bagay na maaaring mangyari,â na kung saan kapag wala ang aking mga dokumento sa pagbyahe at pera, hindi ako makakaalis;
Sa isang iglap, ang aking âpinakamalalalalang bagay na maaaring mangyariâ ay naging pinakamagandang bagay na maaaring mangyari! Masaya akong ipagpapalit ang lahat ng oras at perang inilaan sa byaheng ito upang manatili na lamang sa bahay kasama ang aking mga anak. At kahit pa, ang posibilidad na ito ay tumagal lamang ng 24 oras. Kinahapunan ng araw ding iyon habang ako ay nagmamaneho, ang maliit at nagpapanatiling boses ng Panginoon (na aking nakilala at minahal na) ay nagsabi sa aking, âAlam mong aalis ka.â Kahit pa ayokong aminin, namuo ang luha sa aking mga mata dahil ayoko talagang umalis. Kahit pa hindi ako tumugon sa paraang gusto ko, kahit ganoon, hindi nagbago ang Kanyang pagmamahal. Alam mo ba iyon? Ang Panginoon ay hindi nabibigo sa iyo, hindi Siya galit sa iyo, hindi ka Niya parurusahanâmahal ka Niya higit pa sa nalalaman mo.
Sa loob lamang ng 72 oras, ang lahat ng imposible ay naging posible dahil kalooban Niya at plano Niya itong pag-alis ko, at sa pamamagitan ng pagbabanat sa akin ay naturuan Niya ako ng kaunyi pa tungkol sa pagtitiwala sa Kanya. Ang aking tiket ay dumating, ang bisa ko ay nasa liha, patungo sa Kenya at ang pasaporte lo ay dumating sa tamang otas. Ang lahat ng imposible sa aking listahan ay natupad dahil Siya ay ang Diyos.
âNarito, ako ang Panginoon, ang Diyos ng lahat ng laman; mayroon bang anumang napakahirap para sa akin?â (Jeremias 32:27).
Ang Balangkas ay Nangangapal at Ako ay Nananatiling Nakangiti
Ngayon ay Lunes, tatlong araw bago ang aking paglilibot, at ako ay naglalakad sa kalsada ng Miami hatak hatak ang 100 toneladang (46 na kilong) maleta (dahil sa pagdadala ko ng mga aklat ng RMI) habang ang eroplanong aking naibook (sa oras na ito mismo) ay lumilipad patungong Venezuela.  Ang kompanya ng erpoplanonh na nabanggit ko kanina na magdadala dapat sa akin sa Brasil ay umalis ng hindi ako kasama, dahil habang sinusubok akong ibook sa panibagong kompanya ng eroplano (naaalala niyo ba, na ang unang magpapaalis sa akin ay nagdeklara ng pagkalugi), doon lamang ako tinanong ng ahente ng tiket para sa aking bisa patungo sa Brasil. Ang kamangha-mangha ay wala ako nito; at hindi kondin alam na kailangang magkaroon pala ako nito. Kaya tinanong ko sa Panginoon kung ano ano ang nais Niyang gawin ko at tinuro Niya ako upang kumuha ng kape at ilang donuts. Hindi niyo ba mamahalin ang lalaki sa buhay nating ito?!?! Sa kapihan, ibinahagi ko ang aking laesa sa isang nars na bumibyahe na masigasig na nakikinig ng tungkol kay Hesus, ang aking bagong Asawa.
Nag-usap kami ng buong dalawang oras, na ako ay nababahalang gawin, ngunit aking naalala, gumawa na ako ng mga âPinakamalalang bagay na mangyayariâ at ito ay nangangahulugang ako ay nagkaroon lamang ng maiksing byahe sa Miami at maaari ko ng kalimutan ang Timog Amerika. Afrika at Europa. O mahabaging langit, gaano kamangha mangha iyon!
Ang hindi ko alam ay kaya Niya ako pinaghintay ay dahil sarado pa ang opisina ng konsulado ng Brasil. Sa oras na umalis na ako sa paliparan ang sitwasyon ay naging magulo ng kaunti dahil nangahulugang mayroon lamang akong 40 na minuto para magtungo sa opisina, sulatan ang papeles, at ipasa ang aplikasyon ko. Noong panahong iyon, hindi ko alam na kinakailangan ng kahit man lamang isang linggo para maaprubahan ito, ngunit nagpapasalamat ako tinago Niya sa akin ito. Kaya pagtapos kong tumawag ng taksi, ako ay nagtungo sa bayan (30 minutong byahe) habang ang taga RMI na hostes ay nagtungo sa tanggapan ng koreo upang kumuha ng order ng pera para sa isang daang dolyar dahil sinabi nilang hindi sila tumatanggap ng salapi.
Kahit pa dumating ako roon sa loob ng limang minuto bago magsara ang opisina, ang aking hostes (na papunta na) ay ipinatawag, sa isang, naniniwala kabang, kagipitan? At kung wala akong order ng pera, nangangahulugang walang bisa. Maaari bang plano ito ng Diyos? Mayroon na lamang akong isang araw upang umalis sa Estados Unidos at magtungo sa Brasil, o kung hindi ay hindi ko aabutin ang byahe ko patungong Johannesburg, South Afrika. Habang lahat ng oposisyon ay patungo sa akin, gumawa ang Diyos ng daan kung saan wala ng daanâang aking bisa, sinabing, magiging handa na sa pagitan ng tanghalinat ala-una, ng susunod pang araw. Gayunpaman, ang kompanya ng eroplano, tulad ng aking nasabi, ay nalugi na, at ang kanilang linyang pang reserbasyon ay putol na. Kahit pa, alam kong kung nais ng Diyos na dalhin ako sa Brasil at manatili sa pagbyahe, gagawa Siya ng paraanângunit sa muli, sinong hindi makapagtatanong kung plano nga ba ng Diyos ito? At kinakailangan kong itanong sa aking sarili, âHindi ba posibleng hindi ko lamang narinig ang Diyos?â
Kaya dahil dito, kinakailangan natin ng Salitang nagpapalakas:
âAkong PANGINOON ay sumisiyasat ng pag-iisip, at sumusubok ng puso, upang ibigay sa lahat ang ayon sa kanilang mga lakad, ayon sa bunga ng kanyang mga gawa.â (Jeremias 17:10).
âSapagkat ang mga mata ng PANGINOON ay nagpaparoo't parito sa palibot ng buong lupa, upang ipakita ang kanyang kapangyarihan alang-alang sa kanila na ang mga puso ay tapat sa kanya.â (2 Cronica 16:9)
Kaya, hindi, ito ay hindi nangangahulugang hindi mo narinig ang Diyos, at ako rin! Kapag ang mga bagay ay hindi nangyari ayon sa nais mo, hindi ito nangangahulugang hindi mo narinig ang Diyos, o pinabayaan Niya tayo. Ito ay nangangahulugan lamang na dinadala Niya tayo sa mas matayog na antas ng pananampalataya at tiwala sa Kanya. Tandaan . . .
âNgayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikitaâ (Hebreo 11:1). âSapagkat kami ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin. . .â (2 Corinto 5:7).
âSinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo.â (Juan 16:33 ASND).
Ang punto ay ito, maging ako ay mapunta sa Timog Amerika, Timog Afrika, Kenya o the Netherlands sa paglilibot kong ito ay hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay magal ko Siya ng sapat upang iempake ang aking maleta, iwanan ang aking mga anak sa loob ng limang linggo, at umalis. Â Ito lamang ang Kanyang hinihingi sa iyo at sa akin.
- Aalis ka ba kung aakayin ka Niya?
- Magtitiwala ka ba ng sapat sa Kanya upang iwanan mo ang iyong komportableng lugar at magnais na makinig sa maliit at nakakapagpanatiling boses kahit pa mukhang ikaw ay patungo sa maling daanang walang balikan?
Oo akoâpano ka?
Kaya paano naman, ang mga taong kakilala mo na manlilibak at manunuya sa iyo sa ganitong pamumuhay mo? Kung gayon, nangyayari iyon kapag nagtitiwala k asa Diyos hindi ba? Tignan lamang si Nehemias na sumusubok na buuuin muli ang templo sa Nehemias 4.
Kinakailangan lamang natin tignan kung Sino ang nagsusulat ng huling kabanata upang malaman na Siya ay nangangangakong hindi tayo mapapahiya. Sa huli, ang mapagkumbaba (ang mga nagtitiwala aa Kanya at handang magmukhang hangal para sa Kanya) ang itataas. Kahit pa, sa kalagitnaan, ang ibang ay mang-uuyam at mangungutya at maninigaw sa iyo, âNassan na ang iyong Diyos ngayon?â At kahit pa, alam nating magpapakita Siya; kahit pa pagminsan, Siya ay nahuhuli. Ay, pasensya na, ito ba ay nagpayanig sa iyong bangka?
Alam kong ikaw at ako ay narinig nang ang Diyos ay hindi nahuhuli, ngunit ito ay hindi totoo. Tandaan, si Hesus ay nahuli ng may dahilan noong ang Kanyang mabuting kaibigang si Lazaro ay nagkasakit. Hinayaan Niyang ang mabuti Niyang kaibigang mamatay para sa isang layunin. Ito ay dahil gusto ng Diyos na Siya ang magsusulat ng huling kabanataâang uri ng kabanatang magpapalundag sa atin pataas at pababa at mapapasigaw ng papuri! Sa halip na pagalingin ang isang taong maysakit, dinala ni Hesus ang milagrong ito ng mas mataas at pinabangon ang Kanyang kaibigang nakabalot sa damit panglibingâpinabangon Niya si Lazaro mula sa kamatayan!
Ganoon ba ang iyong nararamdaman ngayon, patay? Ang iyo bang milagro, ang iyong pangako, ang iyong pangitain, ang iyong paglilibot sa buong mundo ay namatay na. . .ito ba ay namatay sa hukay? Oo, ito man ay mukhang patay, maaaring ikaw ay sigurado ng ito AY patay, ngunitâ ang parehong kapangyarihan na nagpabangon kay Lazaro mula sa kamatayan, na nagpabangon kay Hesus, ay gumagana parin ngayon. Nais ng Diyos na pagpatungin ang mga kalamangan, itulak tayo pabalik sa Dagat na Pula kasama ang mga kaaaway nating nag-iinit, at siguraduhin muling maitipon ang lahat ng manlilibak upang ang lahat, lahat, ay malamang Siya ang Diyosâang Lumikha ng mundo. Ang oras at mga pangyayaro ay nasa Kanyang kamay. Kaya kapag hindi natin nauunawaan ang mga nangyayari, kinakailangan lamang nating tandaan na ang Kanyang pamamaraan,  ay higit kaysa sa ating pamamaraan at kung sa tingin ninyong napag-alaman na ninyo ang Diyos, ipapakita Niya sa inyong marami pang tungkol sa Kanya ang hindi mo nalalaman.
Mayroong higit pang pag-ibig, higit pang awa, higit pang pagpapatawad, at higit pang bagay ang nais Niya para sa iyo habang iyong tinatamasa ang iyong paglalakbay sa masaganang buhay na ito na nagsimula sa oras na isinuko mo ang iyong buhay sa Kanya at sumang-ayon na sumama sa Kanya kasama ang iyong pananampalataya.
Kaya, Oo sa palagay ko, ito AY Kanyang plano.