Magbigay kayo at ito ay ibibigay sa inyo,
mabuting sukat,
siniksik, niliglig at umaapaw
sapagkat ang panukat na inyong ipinangsukat
ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.
—Lucas 6:38
Para sa kabanatang ito, hindi ko naging problema kung ano ang itatawag dito. Sa halip, nakapakadaming pamagat ang nais kong gamitin.Ang mensahe ng pagbigay ay isa sa mga naabuso na nagdulot upang ito ay tuluyang mapabayaan. Ang pag-abuso sa pagbigay, sinundan ng kapabayaan sa pagbahagi ng mensahe ng pagbigay, ay naging sanhi para sa mga Kristiyano na mawala ang imahe bilang “anak ng Diyos”— sa halip ay mukha tayong mga ulila.
Ito ang ilan sa mga pamagat na naisip ko:
Magbigay— Ang Daan Paalis sa Kahirapan
Magbigay Sa Oras na Ikaw ay Nangailangan
Tulad ng mga bagay na natutunan natin, ang pagbigay ay salungat sa kung ano ang mas natural sa atin. Sa ating pangangailangan, ang pagbigay ay talaga namang huli sa mga bagay na nais nating gawin. Hindi ako naiiba sa inyo. Ang laman ko ay nais na makontrol ang buhay ko tulad ng kagustuhan ng laman mo na makontrol ang buhay mo. Ngunit, bilang taga-sunod ng Panginoon (na tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano), sinusubukan nating makawala sa tawag ng ating laman at mamuhay ng masaganang buhay, na ibig sabihin ay mamuhay sa utos ng Diyos sa pamumuno ng Espiritu Santo at pag-gamit ng Kaniyang biyaya sa lahat ng mahihirap na pinagdaraanan natin.
Ang pagiging tagasunod ay nangangahulugang makawala sa ating laman at lumakad sa ating pananampalatayang parating di nakikita.
Kung napanood mo lahat ng bidyo ni Erin, maaring maalala mo nang sinabi niyang mamuhay “hindi sa kung ano ang nakikita”. At tulad ko, natutunan mo na ang Diyos ay inilalagay tayo kung saan tayo ay nangangailangan upang tayo ay mabibiyayaan Niya. Na sa gitna ng ating pangangailangan sa ating kapalaran, o biyaya, ay nasa harapan na natin, at tayo na ang namimili. Ang ating laman ay umaatras, nagpipigil, at naghahanap ng ibang makakapuno ng pangangailangan sa ating buhay. Ngunit, bilang may paniniwala, tayo ay inatasan na mabuhay sa ating pananalig kahit na hindi natin makita kung ano ang ating hinaharap. At tayo ay aabante sa pamamagitan ng ating tiwala sa Panginoon.
Para sa mga hindi nakapanood ng bidyo, sasabihin ko sa inyo na ang Panginoon ay nilagay ako sa mapagbabalang posisiyon. Isang umaga, ako ay nag-online banking upang makakuha ng kopya ng aking bank statement para sa aking personal na account at ang account ng simbahan. Ako ay tunay na nagulat, nang nakita kong WALA nang laman sa mga ito. Sa “pinaka mahirap na taon ng aking buhay” maraming miyembro ng aming simbahan ang umalis dahil sa pambababae ng aking asawa: una, ang mga nakakatandang miyembro, sumunod ang mga kalalakihan (na pinaka malaking magbigay ng donasyon), at lumaon, ang mga naiwan ay naghirap kung kaya’t hindi na sila nagbibigay pabalik sa simbahan. ako ay hihinto sandali upang maibahagi sa iyo ang prinsipyong tunay na makakapagpabago ng iyong buhay.
Sa oras na tila wala ng natitira sa iyo, kailangan mong magbigay upang ikaw ay makatanggap. Kung ikaw ay mabigo sa pagbibigay, ikaw ay mananatiling nangangailangan.
“May taong nagbibigay ng masagana at lalo pang yumayaman, may magkakait ng dapat ibigay, ngunit naghihirap lamang. Ang taong mapagbigay ay payayamanin, at siyang nagdidilig ay didiligin din” (Mga Kawikaan 11:24-25).
Ganito ang pagkakasabi sa The Message Bible: “Ang mundo ng mapagbigay ay lumalaki ng lumalaki; ang mundo ng mga kuripot ay lumiliit ng lumiliit. Ang isang namamahagi ng kaniyang biyaya ay siyang nabibiyaan ng kasaganaan; siyang tumutulong sa iba ay matutulungan.”
Nang umagang iyon, ako ay naharap sa kabiguan. Sa loob ng ilang bwan, nakita ko ang mga miyembro ng aming simbahan na mag-update ng kanilang personal na profile (na napupunta sa aming email sa opisina) na “hindi magbibigay” na paulit-ulit. Nakadagdag pa rito, ang pagnanais ko (dahil ito ay nasa puso ko na sa loob ng MARAMING TAON) na magbigay nang libre sa mga naiimbitahang miyembro ng mga librong kailangan mabasa online sa mga naiimbitahang miyembro, sa halip na ipabili ito sa kanila mula sa bookstore ng simbahan. Dahil dito, ang mga libro sa bookstore ay ibinenta sa mas mababang presyo, na nangahulugang ang mga manggagawa ay part-time na lamang dahil wala nang sapat na trabaho para sa manggagawang full-time.
Kung hindi mabilis ang takbo ng aking buhay (na tila nasa German Autobahn), maaaring nakita ko ang naging mga problemang pinansyal, ngunit ako ay naging napaka abala upang mapansin ito - hanggang nang umagang iyon. Tila nabuhusan ako ng napakalamig na tubig sa mukha nang umagang iyon. Nasabi ng Panginoon sa akin ang mga pagbabagong nangyayari nung panahong maayos pa ang lagay ng aking pinansyal. Hinintay ng Diyos kung kailan malinaw kong makikita na ako ay pabagsak na bago iutos sa akin na magbigay.
“Nang mabalitaan niya na si Lazaro ay may sakit, siya'y nanatili ng dalawang araw pa sa dating lugar na kinaroroonan niya. . . Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw nang nakalibing si Lazaro” (Juan 11:6, 17).
Inihanda ako ng Panginoon para sa napakalaking biyaya upang ang Kaniyang Ama ay mapuri. Ngunit upang ito ay mangyari, kinailangan Niyang ihatid ako sa daan na makipot at mahirap hanapin. “Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Sapagkat makipot ang pintuan at masikip ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon” (Mateo 7:13-14).
Kinausap ako ng Panginoon nang umagang iyon, matapos makitang walang wala nang natitira sa akin, na gusto Niyang magtungo ako sa online store ng simbahan at ibigay ng may diskwento lahat ng libro, bidyo at audiotape, subalit hindi ito nagtapos diyan. Nang matapos ito, sinabihan Niya ako na bigyan ng mas mataas na diskwentong 50% ang mga miyembro ng simbahan mula sa 20% na naibigay sa mga miyembro sa loob ng maraming taon. Wala kaming kikitain dahil dito. Ang presyo ay sapat lamang upang matustusan ang gastos ng pag-imprenta.
Pag tiningnan ang mga nagaganap noon, ang aking mga ginawa ay magdudulot sa pagbagsak ng aming simbahan, ngunit ano ba ang magagawa ko pa? Tinuruan ako ng Panginoon sa loob ng maraming taon na magtiwala sa Kaniya at sa Kaniya lamang. Hindi na ako gumagawa o nag-iisip pa ng ibang bagay, ako ay lulong na para gumawa pa ng pagkakamali. Sa lahat ng ito, inilagay ng Diyos sa puso ko ang pagnanais na magbigay, na tila nanggaling (o “nagmula) sa Kaniyang pusong nagbigay sa akin.
Sa loob ng nakaraang taon, napakaraming naibigay sa akin ng Panginoon: pagmamahal, kahabagan, aliw, katiwasayan, kapayapaan, kaligayahan, pasensya, kabutihan, at napakarami pang iba. Dahil dito, ang nais ko lamang ay magbigay: magbigay ng oras ko, magbigay ng umaapaw na pagmamahal, magbigay ng lahat ng naibigay sa akin ng libre! Napakaraming pagkakataon na tila ubos na lahat ng pinanggagalingan ng biyaya ko, para lamang maipakita ng Diyos na matuto akong magbigay kahit na ako ay walang wala na, at sa oras na ginawa ko ito - umaapaw nanaman ang yaman ko!
Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ibang pagkakataon na ang pagbibigay ay hindi pagbigay ng pero upang makita mo ang pangangailangang magbigay sa oras na ikaw ay nangangailangan ay isang prinsipyong kailangang sundin, hindi batas na dapat lamang gawin o ipinipilit sa atin.
Ang unang inilagay sa isipan ko ng Panginoon ay ang aking unang pag-iikot upang makilala ang miyembro ng simbahan. Ako ay nasa kalagitnaan na ng pag-iikot (umikot sa 14 na siyudad sa loob ng 16 na araw) at ako ay pagod na pagod! Hindi ko na alam kung paanong makakabangon pa. Kaya ako ay bumalik sa aking kwarto mula sa aking tinutulyan at kinausap ang Panginoon tungkol dito. Habang lugmok ako, sinabi sa akin ng Panginoon na bumaba at bigyan ang punong-abala ng aking tinutuluyan ng isang “make-over”. Sa oras na humihingi ako, nagkaroon ng pagkakataon na magbigay AKO.
Nang gabing iyon hindi ako nakatulog ng maaga tulad ng nakagawian ko, ngunit nang magising ako, napakarami kong lakas at sigasig kaysa nung ako ay magsimula sa paglakbay! Imbis na ako ay ay nagdamot, ipinamigay ko ang natitirang lakas ko at dahil dito ay nakatnggap ako ng tila isang himala.
Ang susunod na pagkakataong naalala ko ay nang nasa dulo na ako ng aking sarili (at lakas). Nangyari ito ilang buwan matapos ang diborsyo nang ang aking pagiging “single mom” ay nilulugmok ako. Kakakuha ko lamang ng posisyon ng aking dating asawa sa simbahan (liban sa pagbigay ng sermon), upang ang aming kita ay magtuloy. Kaya’t liban sa dati kong posisyon sa simbahan, ang pagministro sa libo-libong kababaihan, kailangan ko din gampanan ang iba pang trabaho sa simbahan at sa tahanan. Dagdag pa rito ay kinailangan kong maglakbay sa loob ng 2 linggo bawat buwan upang makatulong sa pagbawi mula sa adultery scandal kung saan bumitaw sa aming ang maraming tagapanood sa telibisyon at mga miyembro. Dagdag pa dito ay ang mga anak ko na naghihirap sa naramdaman nilang kawalan, kung kaya’t kinailangan ko kumilos (umaasa sa lakas mula sa Diyos syempre), sa aming bahay sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga gawaing-bahay na dati ay ginagawa ng mga anak ko para sa akin tulad ng pagluluto.
Nang araw na iyon ay tila naubos lahat ng lakas ko. Naka-upo lamang ako sa lamesa ng aking dating asawa sa opisina niya sa bahay nag-iisip kung paano makakalagpas sa problema, nang binigay ng Diyos ang “pagkakataon” na malagpasan ito sa pamamagitan ng pagbibigay upang mabiyayaan Niya ako.
Una, nakatanggap ako ng email mula sa kapatid ko na nakatira sa ibang lugar. Sinabi niyang “bumili na siya ng tiket para sa pamangking kong babae” (na 16 anyos) upang tumira sa amin ng isang taon. Natulala ako (dahil sinulatan ko siya na HINDI maaring tumira sa amin ang pamangkin ko, ngunit napagtanto ko na naipadala ko ito sa maling address). Lumipas ang ilang sandali at sinabi ng anak kong lalake na ang kaniyang kaibigan ay napalayas sa tirahan at kung maari ay tumira siya sa amin. Hindi lamang ito dahil dagdag tao sa aming tahanan -ang batang ito ay malaki at malakas kumain!
Lumipas ang wala pang sampung minuto, pumasok ang anak kong babae at nagtatanong kung ano ang dapat niyang gawin. Ang kaniyang kaibigan ay nasaraduhan sa sariling tahanan, at ang ina nito ay nasa pagpupulong na tatagal ng isang linggo, at hindi nito alam ang kaniyang gagawin upang makatulong.
Sa puntong ito, ang aking laman ay nais nang magwala at tumakbo palayo, ngunit sa kaibuturan ng aking kaluluwa, kung mahanap ang katahimikan sa puso, maririnig ang Panginoon na binibihag tayo gamit ang Kaniyang pag-ibig, nakikiusap na tayo ay magbigay. Ang kasaganahan ng Kaniyang pag-ibig ay “inihanda” Niya upang mabiyayaan ang iba, hindi para sa sarili lamang natin.
- Hangga’t hindi tayo naiipit sa Dagat na Pula na ang karagatan ay mahahati upang makadaan tayo sa gitna nito (pati na ang paglunod ng ating mga kalaban).
- Hangga’t hindi nauubusan ng alak sa handaan ng kasal ay hindi nangyari ang unang himala sa ating mga buhay.
- Hangga’t hindi huling pagsalo ng pagkain kasama ang nag-iisa nating naka na darating ang isang propeta ay darating at magsasabing lutuan ng keyk, upang ang ating kusina ay mapuno ng langis upang mabayaran ang ating mga utang at maging masagana (basahin 1 Hari 17:8-16). Sa halip ang ating lamay ay nais kainin ang keyk sa ating anak na nagugutom at malapit nang mamatay.
Dahil alam ko ang Diyos at ang Kaniyang mga prinsipyo, at alam ko ang walang hanggang pagmamahal ng Panginoon sa akin, na walang pahiwatig na ito ay magdudulot ng kasaganahan ng lakas, maligaya kong tinanggap ang aking pamangkin, ang batang lalake na tumira kasama ang mga anak kong lalake, at ang kaibigan ng anak kong babae na sumama sa kaniyang kwarto. Ang resulta ay natagpuan ko ang walang hanggang lakas na nabigay ng Espiritu Santo! Kinaya kong harapin ang mas madami kaysa noon, at imbis na maghirap “kawawa naman ako, ano ang gagawin ko”, nalabanan ko ang pakiramdam na ito ng bukas ang aking puso. Sa halip na maghirap sa nararamdaman ko, napagdaanan ko ito dahil sa walang hanggang lakas, ligaya sa aking puso, at papuri sa aking mga labi. Ang tanging nakikita ko ay ang kamay ng Diyos at ang Kaniyang pagbigay sa paligid ko, hindi ang kakulangang natatanaw ko.
At mga kababaihan, hindi ito natigil sa pisikal na kasaganahan. Ang kasaganahan ay pati sa pinansyal, hindi nagkukulang tulad ng umagang iyon ng nakita ko ang balanse ng mga bangko. Ilang minuto ang lumipas mula sumunod ako at binuksan ang tahanan ko sa tatlong kabataan, ang pagkakataong makaahon sa utang ay literal na kumatok sa aking pintuan. Ang “pagkukulang” sa aming bank account ay natapos sa pinaka hindi kapani-paniwalang biyayang nakita ko, ngunit hindi bago maipakita ng Panginoon sa akin ang isang lugar na kailangan kong bigyan mula sa aking kawalan.
Nung araw na ding iyon, tulad ng nasabi ko, wala akong pera mula sa mga bank account. Ang Panginoon ay inatasan akong kumuha ng order ng libro para sa aming aklatan sa simbahan, kung saan naroon ay halos mga bagong biblia. Agad agad nang mailagay ang mga kahon sa aking kotse, nagsalita ang Panginoon na nais Niyang ipamigay ko ang lahat, ng walang sinisingil, kahit na isang kusing. Sa halip, nais Niyang magtanim ako sa buhay ng mga walang tahanan sa aming lokal na silungan, at inilatag Niya ang Kaniyang plano habang ako ay nagmamaneho pabalik ng simbahan. Lahat ng “pagkakataong” ito ay para sa aking napakalaking pangangailangan pinansyal, ngunit hindi bago mahayaan ng Diyos ang huling “pagkakataon” upang ako ay makabigay. Ang resulta ay agad agad - nung gabi ring iyon pagbukas ko ng kompyuter ay nakatanggap kami ng napakalaking donasyon naipadala sa pamamagitan ng email, na pinakamalaking donasyon mula sa isang tao na natanggap ng simbahan kailanman.
Kung hindi ako sumunod sa bawat “pagkakataon” na ipinakita ng Panginoon sa akin, hindi ako magiging bukas na matanggap ang napakalaking biyayang natanggap ko at ng simbahan nang araw na iyon. Ito ang mga prinsipyo sa kasaganahan:
Habang humihirap ang pagsubok, mas malaki ang pangangailangang sumunod, na nagreresulta sa mas malalaking biyayang umaapaw- siksik, liglig, at umaapaw.
Kung kaya’t kung ikaw ay nabibigatan sa iyong dala, bitbit ang para naman sa iba, kung sabihin Niyang ipamigay mo - ang iyong mga bisig ay hindi bubuka upang matanggap ang Kaniyang planong ibigay sa iyo.
Napakaraming kababaihan ang nais na mabiyayaan ng ganito sa kanilang buhay, ngunit hindi nila nais na magbigay ni kusing upang sila rin ay makatanggap. Simulang magbigay ng kung ano ang mayroon ka at makikita mo na ang Panginoon ay binigyan ka ng pagkakataong magawa ito.
Isang importanteng prinsipyong kailangang parating maalala, ngunit hindi upang makulong tayo at matakot na maging mapagbigay sa ngalan ng Panginoon, ay ang kalaban, ang demonyo, ay mahilig magpanggap upang mawalay sa ating landas. Ilang beses ko na nakitang ang mga kababaihan “tumatalon mula sa bangin” at makita ang kanilang sarili na nalugmok sa gulo para makita ng lahat at makutya ang kanilang “pananampalataya”? Ang Diyos ay hindi ninais na tayo ay gumawa ng kakaibang bagay (alalahaning ang kalaban ay mayroon ding sinasabi) ngunit sa iba, lahat ng ating ginagawa ay tila kakaiba. Kaya paano ba natin malalaman ang pagkakaiba nito?
Syempre, ang pagkakakilala sa boses ng Diyos ang susi, at lahat ng nangyayari kahit na ito lamang ay ang paglagi sa Kaniyang presensya at hayaan Siyang kausapin ka bawat umaga at sa buong araw. Ito ang pagkakaiba nito sa pagbasa ng Bibliya - ngunit ang pagbasa sa Kaniyang Salita ang simula. Ang malaman ang Kaniyang mga prinsipyo ang maglalayo sa iyo sa mawalay sa Kaniya dahil ang Kaniyang Salita ang magbibigay ng karunungan at magsasabi sa iyo kung ano saan ka Niya tinatawag, at ang nais Niyang magawa mo. Huli, sa pag-upo ng tahimik at pakikinig sa Kaniyang marahang tinig, upang makilala mo ang Kaniyang boses mula sa iba.
Kasama rin dito ang hindi pagtatanong o pakikinig sa opinyon ng iba kung ano ang dapat mong gawin. Kahit na hindi ka “humingi” ng payo, ikaw ay makakakuha nito kung sasabihin mo sa lahat (o sa iilan o kahit sa isa lang) kung ano ang nangyayari sa iyong buhay. Sa ganitong pagkakataon dapat manaig ang “banayad at TAHIMIK na kaluluwa”. Manahimik sa kung ano ang nangyayari sa iyong buhay at sa halip ay kausapin ang Panginoon - patayin ang telepono upang marinig mo ang Kaniyang boses na mangibabaw sa lahat.
Pangalawa, nakita kong ang kalaban ay nais na mawala ako sa landas sa pamamagitan ng pag-udyok sa aking “makasariling laman.” Gustong gusto nito na bilugin ako upang maisip ko ang napakalaking testimonya kung saan makakapamahagi ako kung magawa ko ito o iyan! Kung ito ang nagtutulak sa iyo, ibig sabihin ay nilalapit mo ang sarili mo sa bangin upang ikaw ay magmukhang hunghang sa oras na pumait ang pangyayari.
Isa pang maling motibo ay kung ang ibang kababaihan ay maging mapangahas upang maipakita sa iba, liban sa Panginoon, kung gaano sila nagmamalasakit o handang maipakita ang kanilang pagmamahal - lalo na sa mga asawa o dating asawa. Kung ikaw ito, ikaw pa rin ay bihag ng paghanga sa pamamagitan ng pag-una sa iyong asawa (o di kaya ay ang iba at kanilang opinyon o pagmamahal) kaysa sa Panginoon.
Ang pag-gawa ng kung ano ang nais ng Diyos na gawin mo ay nangangahulugang 1) mabuhay sa prinsipyo ng Diyos, tulad ng pagbigay, 2) hindi naghahangad ng papuri ng iba, 3) at magiging testimonyang hindi mo nanaising ibahagi sa iba dahil “hindi nila maiintindihan” at iisipin lamang nilang baliw ka na.
Ito pa ang isang nakakasirang motibo: “Kung ako ay magbibigay ng pera sa RMI ang aking buhay mag-asawa ay maayos.” Mahal ko, hindi tumatanggap ng suhol ang Diyos at ang RMI ay hindi kailanman humingi o hihingi ng pera. Kadalasan sa oras na tinawag ka ng Panginoon na magbigay (o sumunod sa ibang paraan) wala kang partikular na gantimpalang naiisip. Ikaw lamang ay determinadong magbigay kung hingan at susunod kung nasabihan.
Hayaan mong tapusin ko ito gamit ang ilang testimonya, nang ang Diyos ay nagsabing mapagtatagumpayan ang kasamaan sa pamamagitan ng Kaniyang mahal na dugo AT mga salita sa ating pagpapatotoo (basahin ang Pahayag 12:11).
Ang tunay na pagsubok-pinansyal sa akin ay dumating agad matapos ang aking diborsyo nang ako, sa unang pagkakataon sa 16 taon, ay namamahala ng kaperahan ng pamilya. Lumapit ako sa Panginoon at tinanong sa Kaniya kung saan ako magsisimula. Agad ay ipinaalala Niya sa aking ang naipangakong pera para sa simbahan. Kami, bilang mag-asawa, ay nangako ng $10,000 na ibibigay namin sa loob ng dalawang taon; ngunit kulang kulang dalawang buwan na lamang ay $7,000 pa ang kailangang maibayad. Sinabi ng Panginoon na gusto Niya akong magsimula doon.
Naalala mong sinabi ko na hindi ko pa rin napipigilan ang sarili kong hindi ibahagi sa iba kung ano ang mga ginagawa ko o di kaya ang mga gagawin ko? Hindi ko masabi ang dami ng taong sinubok na pigilan ako sa pag-gawa ng bagay na, sa totoo lang, ay di ko magagawa kung hindi dahil sa tulong ng Diyos. Kaya sinubukan kong ipaliwanag na wala lang talaga akong ganun kalaking pera. Pero alam ko na ung tama ang nasa puso ko, gagawa Siya ng paraan kung ito ang nais Niyang mangyari. Kagulat-gulat na ipinakita agad ng Diyos kung paano ito matutupad dalawang oras lamang ang nakalipas matapos ko ibigay ang $7,000 na checke bilang donasyon, nakatanggap ako ng $10,000 (ang buong halaga na naipangako) pabalik!
Sa sinabi ko sa simula, nang walang walang laman ang mga bank account, sa kalaluan ay humantong sa nakakabilib na refinancing na mangangahulugang wala na akong utang maliban sa bayarin sa bahay (pati ang sasakyan ko ay matatapos na ang bayarin) at isang checke mula sa miyembro ng telebisyon na sumulat sa akin upang malaman ko na darating ang $15,000 na checke para sa ministro ng kababaihan.
Alalahanin, nangyari ito matapos na makita ko ng umaga ring iyon, na higit ang mga nakikita kong bayarin kaysa sa laman ng bangko. Nakikita ko araw araw ang “hindi magbibigay” na mga miyembro, habang nakikita ko ang pagbaba ng benta sa online na libro at bidyo, ngunit kung ihahambing sa mga pangako ng Diyos, na sinasabing magtiwala ako sa Kaniya, nasusunod ko Siya sa lahat ng oras na sinabi Niyang magbigay ako, nasusunod ko Siya sa tuwing sinabi Niyang magbigay ako, kahit na wala ako, kaya lalong tmibay ang aking pananampalataya at sa huli, makakapagbigay papuri sa Diyos!
“Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa'y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog. 20 Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. 21 Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito” (Roma 4:19-21).
Hayaan mong tapusin ko ito sa pagsabi na karapatdapat akong matuwa dahil sa “ikaw na may maliit na pananampalataya,” ngunit dahil sa pananampalatayang kasing laki ng butil ng mustasa ay nakita ko ang sagabal na bundok ng kakulangan sa pinansyal na dumausdos sa karagatan.
Mahal na mambabasa, itanim ang butil ng mustasa ng pananampalataya habang ang Panginoon ay ginagabayan ka at makita mo ang mga “pagkakataon” na magbigay sa oras na ikaw ay “magkulang” dahil alam mo, pinakamamahal, na ang Diyos ay ibubuka ang daan sa Dagat na Pula sa iyong likuran - kaya ihanda mo na ang iyong mga bagahe sapagkat ikaw ay maglalakad at daraanan mo ang tuyong lupa habang ang tubig ay babalot at lulunurin ang iyong mga kaaway!