Sapagkat darating ang panahong
hindi na sila makikinig sa wastong katuruan;
sa halip, susundin nila ang kanilang hilig.
Maghahanap sila ng mga tagapagturo
na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig.
Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay
ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.
—2 Timoteo 4:3-4 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Kagabi lamang, nakatanggap ako ng tawag sa telepono na kung nangyari noon ay magdudulot ng pagkabalisa sa akin sa loob ng daraang mga araw o linggo. Ang kapatid kong babae ay “sumabog” noong ako ay humadlang sa kaniyang kagustuhang mangyari. Ang aming usapan ay nagtapos sa kaniyang paninigaw ng malulupit at masasamang salit sa telepono bago niya ako binagsakan nito.
Noong natapos na ito, Ako ay namanghang matagpuan ang aking sariling perpektong kalmado. Dahil siya ay nakatatanda kong kapatid na babae, naaalala ko kung paaanong noon ay lubos akong naaapektuhan ng ganito.
Nasa personalidad ko ang paghahanap at kumikilos patungo sa kapayapaan; Ako ay naghahanap ng kapayapaan ano man ang maging kapalit. Nguniy ang aking pokus ay nagbago mula sa paghahanap ng kapayapaan sa ibang tao patungo sa paghahahanap ng kapayapaan sa Diyos at hindi mag-alala sa sasabihin ng iba o magsumikap na malugod sila sa akin. Ang aking buhay kasama ang Panginoon ay isang paglalakbay na hindi kapani-paniwala na nagdulot din ng hindi kapani-paniwalang gantimpala. Ang aking kagustuhan sa pagtatapos ng kabanatang ito ay ang tulungan kang maghanda sa pagtahak sa isang nakamamanghang paglalakbay kasama ang Panginoon na hihigitan ang kalayaan, at magdadala sa iyo sa Masaganang Buhay!
Ang nagpanatili ng kapayapaan sa akin habang binabato sa akin ang mga salitang iyon ay (at marami pang iba pagkatapos ng pamamaalam ng aking kapatid) ay ang kaalaman na sa nararamdaman ng aking Panginoon at Asawa patungkol sa akin. Kaya’t kung may mga pangunahing sitawasyong nagaganap katulad nito, ang pagpunta sa Kaniya agad pagkatapos (kagaya ng aking ginawa noong una siyang tumawag) o kahit pa sa kalagitnaan ng atakeng ito, Ako ay nakakasumpong ng kapayapaan. Tinuro ng Panginoon sa akin na itanong sa Kaniya kung ano ang KANIYANG iniisip tungkol sa akin, o kung ano ang KANIYANG nararamdaman tungkol sa akin, na ginawa ko noong binagsakan niya ako ng telepono.
Ang sinabi NIYA sa akin ay ibang-iba sa narinig ko sa telepono. At bukod sa natagpuan kong kapayapaan, gustong-gusto ko kung paaano ako pinasaya ng Diyos at ang Kaniyang kakalmahan, na hindi taglay ng karamihan sa atin sa tuwing tayo ay nasa kalagitnaan ng krisis. Sinabi ng Panginoon sa akin na, “nagbibiro ka ba?” noong aking tinanong kung totoo ang sinabi kapatid ko. Gumawa din ng “daan palabas” ang Diyos noong may tumawag sa akin sa kalagitnaan ng unang atake, na nagbigay ng oras sa akin upang humingi ng dasal sa aking matalik na kaibigan (ng hindi nagbibigay ng kahit na anong impormasyon dahil ito ay nagaaya ng mga payong hindi mo gusto at kailangan). Ito rin ay parte ng plano ng Diyos upang hindi ako magpokus sa problema noong binagsakan niya ako ng telepono; Sa halip ay kinailangan kong tawagan ang naunang tawag, na nagbunga sa pagdarasal ng aking kaibigan na pagpalain ang aking kapatid.
Nakasanayan ko ang pakiramdam na “utang” ko sa aking problema o sa aking kaaway, na pagnilayan ang problema o pagdusahan man lang ito ng kaunti bago ito pakawalan! Walang kabuluhan. Ngayon, dahil ako ay Nakatakdang Ikasal sa Kaniya, inilalayo ko ang lahat ng problema sa aking puso at emosyon habang nagagawa ko ito sa tulong ng Panginooon.
Sa tuwing inaatake ako ng pang-iinsulto, hinihiwalay ko ang aking emosyon at ako ay nagtatago sa likod ng aking Pinakamamahal at sa Kaniyang pagmamahal. Kaya kung ikaw ay nakakaranas ng atakeng emosyonal ngayon, ihinto ang pakikinig (at sa pag-uulit nito sa iyong isip) sa kaniyang mga sinasabi sa iyo, at makinig lamang sa sinasabi ng Panginoon.
Kung ikaw ay wala sa lugar kung saan maririnig mo ang Diyos, pakinggan ang Panginoon na nagsasabi sa iyo, puntahan ang iyong Bibliya at basahin kung ano ang iniisip Niya sa iyo. Magpatuloy sa pagbabasa hanggang makita mo ang kapayapaan na hindi kayang maunawaan ng tao. At habang naghahanap, siguraduhing magtanong sa Kaniya, “Ito ba ang iniisip mo sa akin?” Sasabihin ng Diyos ang katotohanan, ngunit nasa saiyo kung sino ang pakikinggan mo!
Karamihan sa atin ay komportableng malaman kung paano dapat mamuhay at rumesponde sa mga nakalulungkot at hindi komportableng sitwasyon dahil nagagawa na natin ito ng madalas. Kaya’t sa halip na pakawalan ang sitwasyong ito, at pagnilayan kung gaano kabuti ang Diyos at kung gaano tayo kamahal ng Panginoon, pinipili parin nating ulit-ulitin sa ating isip ang mga hindi mabuting salita. Karamihan sa ating natutunan ay nagmula pa sa ating kabataan at ang kasinungalingan na ating pinaniwalaan noon, at ang nakalulungkot, pinipili nating maniwala bilang mga nakatatanda sa halip na paniwalaan ang katotohanan. Ano ba ang katotohanan? Ang Diyos ang katotohanan, ang Salita Niya ang katotohanan, at lahat ng bagay na hindi naaayon sa Kaniya at sa Kaniyang katotohanan ay pawang mga kasinungalingan.
Habang nasa huling paglilibot ng aking pakikisalamuha sa karamihan ng mga misyonero ng aming simbahan at mga miyembro ng RMI na namumuhay sa ibang panig ng mundo, nakilala ko ang ibang babae mula sa silangang baybayin ay Canada, at hindi ko mapigilang matawa sa mga puna ng karamihan sa kanila. Ang una nilang ikinagulat ay kung gaano ako katangkad. Ngunit ang ikalawa ay ang “napakaganda ko.” Ang kabalintunaan ng lahat ng ito ay BUONG buhay ko ako ay nasasabihan ng aking pamilya na HINDI ako maganda, sa halip ay biniyayaan ng magandang personalidad. Ito ay hindi nakasira sa pagkatao ko kailanman, ngunit sa halip ako ay nagtuon sa aking pangloob na katangian sa halip na mag-alala kung ano ang hindi ako sa panlabas.
Noong pinakasalan ko ang aking DA (*FH-Former Husband/ DA-Dating Asawa), katabi ko siya noong narinig niya ang aking pamilyang nagsasabi ng opinyon tungkol sa aking itsura. Isang araw, noong bagong kasal pa lamang kami, nasabi ko sa aking ina na naisip niya na ako ang pinakamaganda sa aming magkakapatid, na sinagot niya ng, “Napakalambing…bulag talaga ang pag-ibig.” Sa totoo lang, malamang ang Diyos ang nag-ingat sa akin upang hindi malamatan o masira ang pagkatao ko mula sa mga ganitong klase ng pananalita, dahil alam kong marami sa inyo ang nagdurusa sa mga nasabi sa inyo noong kabataan ninyo. Kahit na hindi nasira ng kalaban ang layunin niya, ang mga sinabi nila tungkol sa aking pagkatao ang nakagawa nito, dahil siguro sa pagkakaalam kong ito lang ang mayroon ako. Kaya’t noong inatake ng kapatid ko ang pagkatao ko, “nagkaroon ito ng potensyal” na magdulot ng pinsala.
Isa sa aming miyembro ang nagsabi sa akin (noong tinanong ko kung bakit hindi siya ngumiti sa litratong kinunan noong araw na iyon) na sinabi sa kaniya ng kaniyang tatay na huwag ngingiti, dahil “nagmumukha siyang tanga kapag ngumingiti siya.” Malinaw na hindi niya tinanong sa Panginoon kung ano ang KANIYANG pakiramdam sa kaniyang napakagandang ngiti, at nanatiling nakakulong sa paniniwala sa kasinungalingang naitanim sa kaniya maraming taon na ang nakaraan.
At ang pagdadahilan at pagtingin sa mga katunayan ay hindi ka pakakawalan sa mga nasabi sa iyo sa nakaraan. Kahit na ilang beses sinabi ng DA ko sa akin na ako ay maganda, kasama ang “patunay” na sa loob ng tatlong taon ginawang PANGINOON na modelo ang pamilya ko (kasama AKO) sa mga patalastas, billboard, at brochures (maniniwala ka ba?), ni hindi ko naisip na ako ay maganda. Noon lang sinabi ng Pinakamamahal ko sa akin ako ay maganda para sa KANIYA—dahil iyon lang ang mahalaga sa akin.
Maaaring hindi ikaw ang pinaniniwalaan ng ating lipunan na maganda, ngunit walang dapat ipagtaka na iyon ang nararamdaman Niya para sa iyo! Ang pinaniniwalaan ng lipunan na maganda ay nagbabago kasabay ng panahon, kaya bakit kailangan nating ituon ang atinb sarili at ang ating nararamdaman sa isang bagay na nagbabago— kagaya ng pagbabago ng pananamit? Hindi lamang kahangalan ang pagkulomg sa ganitong klase ng pamosong opinyon, ngunit kapwa delikado dahil ang ating mga babaeng anak, at lahat ng nakababatang kababaihan sa ating buhay ay magsisimulang gawin ito dahil na rin sa ating halimabawa.
Hindi ibig sabihin nito ay ipagsawalang bahala natin ang paggawa ng kahit na anong magpaparamdam na maganda tayo. Kung pakiramdam natin ay maganda tayo, kakaiba ang kinikilos natin. Kaya kailangan nating muling lumapit sa Diyos, at itanong kung ano ang tingin Niya sa atin. Kapag ating niyakap ang katotohanan na nilikha tayong perpekto ng Diyos, magsisimula tayong magkaroon ng lakas ng loob na magbihis at alagaan ang ating mga sarili ng naaayon. Totoo, maaaring mawala sa balanse lalo na kung ang ating itsura lamang ang ating pinagtutuunan ng pansin. Ngunit ang pagpapabaya dito ay ang panlilinlang sa ating sarili sa pag-iisip na hindi tayo dapat mag-alala sa ating panlabas na anyo. Kung hindi importante ang ating mga itsura, hindi sasabihin ng Diyos sa atin kung gaano kaganda si Sarah (ang pagkahumaling ng Faraon sa kabila ng kaniyang edad ay hindi kapani-paniwala sa akin!) o si Reynang Ester, at kung gaano kaguwapo si David at Joseph.
Ang ibang kababaihan ay kampante sa kanilang mga itsura, ngunit napupuno ng ibang isyu katulad ng pagiiisip na sila ay bobo o hindi naaaayon o mananatiling mataba dahil tulad sila ng kanilang ina at lola na mataba rin. Alin man sa mga ito ay hindi dapat makapigil sa iyo na mamuhay ng masagana dahil namatay si Hesus para ipagkaloob ito sa iyo. Maaari mong palayain ang sarili mo mula sa kulungang ito na nagtali sa iyo kung ititigil mo ang pakikinig sa kasinungalingan tungkol sa iyong nakaraan (o kasalukuyang sitwasyon) at sa halip, magsimulang magtanong sa Panginoon para sa Kaniyang opinyon. Ito ang katotohanang magpapalaya sa iyo! Kaya kapag sinabi sa atin ng ating Asawa na tayo ay maganda o matalino (dahil taglay natin ang pag-iiisip ni Kristo) kailangan nating ihinto ang pagsasabi ng lumang kasinungalingan at simulang maglakad sa pananampalataya ng bagong tuklas nating katotohanan.
Kapag pinili nating paniwalaan ang kathang isip, na ipinaliliwanag bilang isang kasinungalingan, pinipigilan natin ang ating mga sariling mamuhay ng masagana. Ang ating pamilya, mga kaibigan, o asawa ang maaaring nagtanim ng kasinungalingan, ngunit kung patuloy natin itong paniniwalaan, tayo ang nagdidilig at bumubuhay sa kasinungalingang ito.
Pananatiling Tahimik
Mayroon ding mga panganib na dulot ang pakikinig sa ibang boses maliban sa boses ng Diyos. Alam natin mula sa Banal na Kasulatan na nawala ang korona ni Saul mula sa pakikinig sa boses ng mga taong nanghikayat sa kaniya na suwayin ang Diyos (basahin ang 1 Samuel 15:24). Ang batang propeta ay nawalan ng higit pa noong nawala ang kaniyang sariling buhay noong siya ay nakinig sa boses ng matandang propeta na nagimbita sa kaniyang kumain kasama siya sa halip na gawin kung ano ang sinabi ng Diyos sa kaniya (basahin ang 1 Mga Hari 13:11-32).
Nasaan dapat ang Herusalem kung nagpadaig si Nehemias sa panunukso at nakinig sa boses ng mga pinuno ng simbahan na gustong ipatigil ang pagbuong muli ng mga pader at bumaba upang makipag-usap sa kanila tungko dito? ( basahin ang Nehemias 6:1-9)
Lahat tayo ay kinakailangang matutong makinig at sumunod sa boses ng Diyos bukod kaninoman, kahit pa sa sarili natin. Ito ay magsisimula sa ating araw-araw na pamumuhay at hindi lamang sa mga importanteng desisyon na ating gagawin. At ang patuloy na magpapakomplikado n gating abilidad na marinig at sundin ang boses ng Diyos ay ang mga opinyon na ating naririnig mula sa paligid natin, dahil narin sa kahangalan NATING pagbabahagi ng ano mang gagawin natin!
Hayaan mong ikumpisal ko na ito ang pinakamahirap na leksyong aking natutunan na kailangan ko pading aralin sa buhay ko! Halos araw-araw akong nagbabahagi ng mga bagay sa buhay ko na dapat ay sinarili ko na lamang. Tayong mga babae ay mahilig magbahagi n gating buhay sa iba, ngunit hindi ako sigurado kung gusto ko pang magdusa ng dahil dito.
Kamakailan lamang ako ay tinamaan ng malaking pagsubok sa aking buhay noong nakasagupa ko ang aking ate na mayroong mentalidad ng isang 14-anyos na bata ngunit may emosyon na kagaya ng sa 4-taong gulang, na mag 65 na ngayong taon. Isa sa aking mga kapatid na babae ang naging kaniyang tagapangalaga at tumawag bago ako umalis patungo sa aking dalawang-linggong paglalakbay na nagpupumilit na akin siyang “isama”. Ito ang naging sanhi ng mga salitang naunang sinabi sa akin sa umpisa ng kabanatang ito. Ngunit, alam kong hindi siya maaaring manatili dito habang ako ay bumabyahe dahil hindi ko sinabi sa kaniya na umalis na muli ang aking asawa. Ang aking kainosentehan at kahangalan noong una kong ibinahagi ang aking sitwasyon sa aking ibang kapatid pagkatapos kong marinig sa Diyos ang dapat kong gawin. Ikaw ba ay magugulat kung malalaman mong malayo ang sinabi ng aking mga kapatid na gawin ko kaysa sa sinabi ng Diyos?
Ito, ngayon, ang lumikha ng alon na kailangan kong languyan palayo na nagpahirap sa akin na sundin ang plano ng Diyos! Ang ibang kahirapan ay nagmula sa kanilang pagtatanong kung ano ang aking mga plano dahil lahat ng kanilang “mungkahi” (na karaniwan, sa aking pamilya, ay mg autos) ay nagsimulang sumalungat sa direksyon ng Diyos para sa gusto Niyang gawin ko.
Ang realisasyong hindi ko kailangang ibahagi ang aking kasalukuyang sitwasyon lalo na ang aking diborsiyo (at ang iba pang detalye na inaasahan ng iba na ipaliwanag mo) ay nagmula sa mga patotoo ng mga miyembro ng RMI na nanatiling tahimik tungkol sa sitwasyon ng kanilang pagsasamang may-asawa (hiwalayan, ang pangangalunya ng kanilang asawa, at maging ang kanilang diborsiyo). At dahil sa hindi pagbabahagi ng kahit anong detalye ng kanilang buhay, mas madali nilang naririnig ang Diyos at sundang ang Kaniyang hakbang ng walang halong pagkalito o paghahadlang ng pamilya o mabubuting kaibigan na gustong makialam. Nagbigay din ito ng panahon sa kanila na harapin ang matinding pagkawala (ng asawa o ng kanilang pagsasamang mag-asawa) at lahat ng emosyong kasama nito. At kinalaunan, noong “napag-alaman” na ng kanilang pamilya ito ay naharap nila ang galit ng bawat miyembro dahil sila ay matatag na (sa Bato).
Kahit na sinunod ko ang karunungang ito sa pagkakataong ngayon sa akng diborsiyo, ako ay patuloy na nabibigo sa ibang krisis at sa ibang pang araw-araw na desisyong aking kinakaharap. Malinaw na mas higit ang mayroon sa pagkakaroon ng “magiliw at tahimik na espiritu” na akin pang kailangang matutunan. Kapag tayo ay “nagnilay ng mga bagay sa ating puso” kagaya ng ginawa ni Maria (ang ina ni Hesus), ang lahat ng ating iniisip ay ang paghahanap sa Diyos at ang humingi ng tulong Niya sa lahat ng bagay. Hindi matin kailangang idagdag ito sa sasabihin ng ibang tao o mga emosyon na makakahadlang at magdudulot sa atin upang malito, matalo o mapagod.
Kagustuhan ng aking puso na hanapin ang Diyos para sa kalayaang ito dahil binibigay Niya sa akin ang higit na kakayanan na manatiling tahimik at ibahagi lamang ang mga bagay sa Kaniya. Kasama dito ang pagbibigay ng maraming impormasyon kaysa sa kinakailangan lamang sa pakikipag-usap sa ibang tao. Sa madaling salita, alam kong kailangan ko ng mas higit na pag-iingat sa aking buhay. Lahat ng kasalukuyan kong problema ay nagmula s asa aking bibig, na ngayon ko lamang naunawaan. Kadalasan, ang isang bagay kung saan tayo lubos na pinagpala, kagaya sa aking buhay ay ang kagalingan ko sa pagsasalita, ay ang atin ding pinakamatinding pagbagsak; kung kaya’t, personal kong kinakailangan ang patnubay ng Panginoon at ng Espiritu Santo.
Minamahal kong kaibigan, ano man ang iyong pinagdadaanan ngayon (ang iyong kakulangan sa pag-iingat, ang iyong bibig, ang iyong emosyon, o iba pang bahagi ng iyong buhay na kinakaharap mo ngayon), ang iyong Lalaking nakatakdang pakasalan ay handang tumulong sa iyo tungkol rito. Hindi Niya nais na mahirapan kang buhatin ang mga bigat na iyong pinulot o mga kabiguang ibinagsak sa iyo ng iba. Sa halip, ipasa sa Kaniya upang buhatin ito para sa iyo. Magdudulot ito ng malayang mga bisig upang yakapin mo Siya ng lubusan ng may pagpapahalaga at pagmamahal na dapat sa Kaniya at pinangungulilang matanggap mula sa iyo!