At dahil dito maghihintay ang PANGINOON, upang siya'y maging mapagbiyaya sa inyo,
 at kaya't mabubunyi siya, na siya'y magdadalang habag sa inyo:
sapagka't ang PANGINOON ay Dios ng kahatulan;
 mapapalad yaong lahat na nangaghihintay sa Kaniya.
â Isaias 30:18 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang pinakamahalagang mensahe sa atin sa panimulang bersikulo ay isang bagay na HINDI KO napansin noon. Binabasa ko halos araw-araw, sa loob ng halos isang taon, ang bersikulong ito ngunit ang tunay na kahulugan ay hindi ko lubos na naunawaan. Kung hindi ako umabot sa puntong masasabi ko (at naisakatuparan na nga sa aking buhay) naââIkaw lang ang aking kailangang Hesus!â Ang mensahe? Gaano ka-pinagpala ang mga taong NAGHIHINTAY para sa Kaniya!
Sa simula ng bagong paglalakbay na ito, napansin ko na sinasabing Siya ay naghihintay upang makiramay, naghihintay na maging mapagbigay at naghihintay na kumilos, para sa atin, bilang Diyos ng kahatulan, ngunit hindi ko naunawaan noon kung ano ang Kaniyang hinihintayângunit ngayon alam ko na.
Ang ating pinakamahalagang Lalaking nakatakdang pakasalan ay naghihintay  upang tayo ay maghintay at manabik para lamang sa kaniya! Ngunit sa halip, tayo ay naghihintay at nananabik para sa ibang tao o bagay. Tayo ay hindi matapat sa ating pagmamahal habang ang ating Pinakamamahal ay nagpapatuloy sa pag-akit sa atin, sa pakikipag-usap ng mahinahon sa atin, at ginagawa ang lahat upang maalis ang lahat ng Baal (ibang Diyos na nilagay natin sa altar ng ating puso) mula sa ating bibig at puso. (Oseas 2:13-15).
Sa ating lipunan, ang pagkahumaling sa mga lalaki ang pinakadakilang diyos para sa mga kababaihan (mula sa isang dalagita hanggang sa nakatatandang-babae). Bata o matanda, dalaga, kasal, hiwalay o diborsiyada: gusto at naniniwala ang mga kababaihan na kailangan nilaâng lalaki sa kanilang buhay. Ang mga kilusang kababaihan ay namili ng gamot para sa pagkahumaling na ito sa pamamagitan ng pagkamuhi sa mga lalaki at panggagaya sa kanila, upang hindi sila magnasa para sa lalaki at hind maging mahina kagaya ng ibang babae pagdating sa mga ito. Gayunpaman, hindi ito nakatulong sa problema, dahil hindi nila pinuntahan ang pinaka-ugat ng kanilang pag-aalinlangan.
Ang mga babae ay nilikha upang mangulila at manabik para sa Isa lamang. Noon lamang si Eba ay nagkasala kaya siya ay isinumpa, âSa babae nama'y ito ang sinabi: Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin;ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundinââ (Genesis 3:16 Magandang Balita Biblia (MBBTAG). Hindi lamang winasak ni Hesus ang sumpa ng kasalanan na namayani sa atin, sinira Niya lahat ng sumpang ating pinaniniwalaan. Bilang mga babae, hindi na natin kailangang pagdaanan ang sakit ng panganganak (pakiusap basahin ang Supernatural Childbirth ni Jackie Mize), o hindi kaya ay magnasa at mangulila para sa lalaki, o kahit na sinong tao na âhindi nagtataglay nitoâ kagaya ng natutunan natin sa nakaraang kabanata.
Sa halip, kapag tayo ay nagpasya na ibaling ang ating pagkahilig at pagka-uhaw para sa nag-Iisang may likha sa atin, at tanggapin na tayo ay ang  babaeng Kaniyang nakatakdang pakasalan, tayo ay mapupuno ng magagandang bagay, lahat ng magagandang bagay , dahil tayo ay tunay naâKaniyaâKaniyang matapat na babaeng pakakasalan. Ngunit ang nakakalulungkot ay kaunting babae lamang ang nakakaabot sa puntong ito ng buong pagkagalak para sa Kaniya. Sa halip, hinahabol nila ang tingin nilang magbibigay ng sa kanila ng kasiyahan. Naalala mo ba sa Mga Awit 37:4 ay sinabi na, âMagpakaligaya ka naman sa Panginoon; At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.â?
Hindi mahalaga kung ito ay isang dalagitang babae na nangungulila para sa kaniyang kasintahan o isang babae na nahiwalay sa kaniyang asawa ( na iniwanan siya o siya ang kusang umalis at ngayon ay pinagsisisihan niya na), ang pagkahumaling sa pagkakaroon ng lalaki ang nagdudulot sa atin, bilang mga babae, na maging mahina at biktima ng sakit, pagtanggi, pagdurusa, kalungkutan, at ang listahan ay magpapatuloy pa. Ang tunay na trahedya ay ang kaligayahang pinaniniwalaan ng mga kababaihan na magpapabago sa kanilang buhay, na kanila ring pinaniniwalaang matatagpuan sa pagkakaroon ng lalaki sa kanilang buhay, ay walang katotohanan.
Tayong mga babae, kahit na hindi na tayo mga bata at nakalakihan na natin, ay naniniwala parin sa mga mga kwentong pambata tungkol sa pagmamahal. Nababasa natin bilang maliliit na mga batang babae at kalaunan bilang mga dalagita ang pagmamahalan sa mga nobela. Pinanonood natin ang hindi-makatotohanang mag-asawa sa mga pelikula at telebisyon, at umaaawit ng mga awiting tungkol sa pagmamahalan. Ngunit, ang ganitong uri ng pagmamahalan ay hindi nangyayari, katulad ng kwento ni Snow White o Cinderella.
Mayroon lamang isang tunay na kuwento ng pagmamahal at iyon ay matatagpuan sa Bibliya at sa ating lumikha, ang ating Pinakamamahal.
Nilikha ng Diyos ang bawat babae upang mangulila para sa ganitong klase ng pagmamahal na nababasa natin noong tayo ay maliliit pang mga bataâ ngunit HINDI kailanman mapupunuan nga pagmamahal nga tao. Ang klase ng pagmamahal na ating kailangan ay mapupunan lamang ng Kaniyang pagmamahal, ang agape  at walang pasubaling pagmamahal na pinatunayan Niya sa atin sa Kalbaryo. Walang ibang makakapuno sa atin, at makakapaglutang sa ating mga puso.
Sa loob ng taong ito, sa aking pakikipag-pulong sa misyonero mula sa ibaât-ibang mga simbahan at maging mga miyembro ng RMI na naninirahan sa ibaât-ibang panig ng mundo, nakita kong ang mga kababaihan ay lumuluha at nangungulila para sa kanilang mga asawa, kahit na sila ay mayroon ng paniniwala, hindi parin ganoon ang kanilang pangungulila para sa Lalaking nakatakda nilang Pakasalan. Sa tuwing ang mga babaeng ito ay nagkukwento ng patungkol sa kanilang mga asawa, kahit iyong mga propesyunal at makapangyarihan na, sila ay nagiging wasak at lumuluhang mga kababaihan na unti-unti ng bumibigay. Ang mga babaeng ito ay nangungulila para sa isang taong namumuhi sa kanila! Ang mga ganitong uri ng kalunos-lunos na kababaihan ang ginagamit na halimbawa ng mga kilusang pang kababaihan upang umapela sa ibang kababaihan sa mundo. Ang ganitong uri ng pananabik ay walang kahahantungan kundi trahedya. Nakakadurog ng puso ang ganito para sa akin. Ngayon, mayroon ng mga mas nakababatang mga kababaihan ang nagdedesisyong manatili sa isang mapang-abusong relasyon pagkatapos makita ang ganito sa kanilang mga ina.
Ngunit ang sagot ay hindi matatagpuan sa paglisan sa isang kasal sa isang mapang-abusong lalaki, ngunit sa halip ay humanap ng Katipan. Isang Lalaki na mag-iingat sa kaniya, na aking narinig ay nangyayari ng paulit-ulit dahil Siya ay matapat! Sa kabilang banda, sinasabi ko sa mga nakababatang babae na aking nakakasalamuha na huwag makuntento sa isang lalaki na hindi sila iingatan, sa tuwing aking naibabahagi ang aking testimonya.
Bilang mga naniniwala, kailangan nating talikuran ang kahindik-hindik na pagkahumaling sa mga kalalakihan sa pamamagitan ng pagbabaling ng ating mga puso at mga hilig sa Kaniyang pagmamahal, sa nag-Iisang may kakayanan na hilumin ang ating mga sugatang puso. Ang mga babaeng tinanggihan. ââSapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios,â ay hindi lamang kailangang marinig ang aral na ito ngunit makita ito sa ating mga buhay mismo.
Tanging kung kailan lamang tayo lumapit sa Kaniya saka natin masasabing, âTayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang kaniyang asawa ay nahahanda naâ (Apocalipsis 19:7 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978). Kapag atin nang narinig ang, âAt ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay,â (Apocalipsis 22:17 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) doon lang natin tunay na makikita kung ano ang naghihintay at nakahanda para sa atin na umiibig sa Kaniya.
Kapag tayong mga naniniwala, ay nagpamalas ng siglang Siya lamang ang magbibigay sa atin, na sinusundan n gating pangako at katapatan ng pagnanais para sa Panginoon lamang, tayo ay magkakaroon ng kakayanan na mamuhay at magpamalas ng mukhang nagliliwanag tulad ng parol sa isang nagdidilim na mundo. Ang klase ng pamumuhay na ganito ang maghihikayat sa bawat babae na patuloy na namumuhay sa walang katapusang bagyo sa kanilang buhay upang magnais at mangulila sa kung ano ang taglay natin, ang Kaniyang pagmamahal.
Isang ligayang hindi kapani-paniwala ang makasaksi na marami na sa atin ang  nakadiskubre sa ministeryong itinatag ni Erin, ay nagkaroon ng kagustuhang palakasin ang loob ng isaât-isa, at tugunin pa nakatataas na tawag Niya, âsa ganitong pagkakataonâ (Ester 4:14). Ang dating makadamdaming pagkagusto para sa pagpapanumbalik ng kanilang mga asawa at sumusunod sa lahat ng prinsipyo na nagdudulot upang makamit ito, tayo naman ngayon ay tutugon sa Kaniyang mas nakatataas na tawagângunit ito ay pagkatapos lamang nating magkaroon ng madamdaming pagnanais para sa Kaniya lamang. Maraming babaeng nakahanap sa RMI ang umaaaming hindi na sila naghahangad ng pagpapanumbalik ng kanilang mga asawa, ngunit sa halip nagpupursige na mahanap ang Panginoon lamang! At karamihan sa mga babaeng ito, sa ganitong punto, ang nakatamasa na ng naipanumbalik na asawa; ngunit ang iba ay hindi. At ako ay naniniwala na ang ibang hindi pa nakakaranas nito ay dahil sa kinakailangan pa nila ng lubos na sapat na panahon uoang maghilom.
Kamakailan lamang ako ay nakabasa ng pahayag ng papuri  mula sa isang tao na lubos na nangangailangan ng paghilom dahil sa kaniyang pinagdaananag pang-aabuso noong siya ay bata pa.Maraming tao ang hindi maniniwala dito, ngunit ang matapang na babaeng ito ay naging Kaniyang katipan at babaeng nakatakdang pakasalan, at nakuha niyang patawarin ang taong umabuso sa kaniya. Kung hindi siya naiwanang mag-isa, pagkatapos matalo sa laban para sa pangangalaga ng kaniyang mga anak, Ako ay naniniwala, na hindi niya matatagpuan ang paghilom na kaniyang kinakailangan at dapat na maranasan!
Para sa mga naipanumbalik na ang asawa na tulad ko, at kagaya ko, maaaring kayo ay ipatawag upang mawala muli ang inyong naipanumbalik na buhay upang magsimulang mangalaga para sa kaluluwa ng mga lalaki sa ating buhay na kinakailangan din ang Taga-pagligtas natin. Ang mga kalalakihang ito ay kailangan ding tumingin sa Panginoon upang mapunuan ang kanilang pangangailangan, dahil bilang hindi nila mapunuan ang pangangailangan natin bilang mga babae, ganoon din tayo sa kanila.
ââSinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nitoââ (Mateo 16:24-25 Magandang Balita Biblia (MBBTAG).
Sa oras na lahat tayo ay tumanggap bilang mga babaeng nakatakdang magpakasal sa Panginoon, tayo ay magniningning sa pagmamahal na makikita ng lahat ng tao.
Testimonya
Habang ako ay nasa paliparan ilang araw na ang nakalipas, napansin ng babae sa counter kung gaano kaganda ang aking singsing. Bago ang diborsiyo ko, ako ay nagdasal  patungkol sa isang singsing na aking susuotin upang ipaalam sa mga lalaki na hindi ako libre at sa bandang huli, ako ay nakabili ng isang magandang singsing, ng hindi ako gumagastos. Ngunit ito ay nakalaan para sa panibagong testimonya na umaasa akong maibahagi ko sa inyo sa susunod; maaaring sa pagtatapos ng aklat na ito.
Ang babae sa paliparan ay nagtanong kung ako daw ba ay âbagong kasalâ dahil kaniyang napansin ang singsing na aking suot ay bago. Ako ay napangiti at napasagot ng âOo,parang ganoon nga,â at ako ay napatingala at napangiti. Siya ay nanabik na nagkwento sa akin na kaniyang napansin ito dahil mukha daw akong âbaliw sa pag-ibigâ dahil ang aking mukha ay nagniningning! Habang naglalakad ako palayo, sa pakiwari ko ay sasabog ang aking puso sa sobrang kasiyahan at pagmamahal na umaaapaw para sa Panginoon dahil sa Kaniyang walang hanggang pagmamahal na ibinuhos para sa akin. At biglang napatalon ang utak ko noong napag-isip ko ang itsura ng mga babaeng kakatapos lamang dumaan  sa diborsiyo-wasak at pinatanda, at agad-agad ay nagkaroon ako ng pagnanais na ibahagi sa kanila ang bagong pag-ibig na aking natagpuan.
Sa loob ng maraming linggo bago ako tumulak paalis upang mag-ikot sa hilagang silangan ng U.S.A., bilang naipadala ng aking simbahan (na sa aking pakiramdam ay parang pulot-gata na akin lamang pinangarap), ako ay nakapanood ng serye ng palabas sa telebisyon na ang tanging layunin ay tulungan ang mga kababaihan na magmukhang mas bata ng sampung taon. Ang palabas ay magsisimula sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga litrato mula sa nakaraan ng mga babaeng ito ( noong siya ay bata pa at mukha pang masaya) at kanilang tatanungin kung ano ang nangyari kaya nagkaganoon ang kaniyang itsura (malungkot at tumanda). Sa paulit ulit na panahon, ang mga bababe ay sumasagot ng ito ay dahil sa ânapakasakit na diborsiyo.â Bawat isang babae ay nagbahagi na ang kaniyang pangarap ay nasira noong hindi natupad ang kaniyang mga plano. Pinakamamahal koâhindi talaga nangyayari ito!
Muliât-muli, ginawa tayo ng Diyos upang mangailangan ang pagmamahal ng nag-Iisa, at bukod tangi. At sa tuwing tayo ay nagtataksil sa Kaniya, tayo ay makasusumpong ng sirang buhay katulad kung tayo ay nagtaksil sa ating makamundong kasal at maging isang kabit. Ang mga bagay ay mistulang masaya sa umpisa, ngunit kalaunan ito ay papangit.âtulad ng ating kasal dahil tayo ay nangulila para sa maling lalaki. Di kalaunan ang ating itsura at pagmumukha ay papangit nadin, dahil sa poot na nag-ugat sa hindi pagpapatawad, dahil tay ay parang hangal na naghahanap ng pag-ibig mula sa mga taong hindi at âwala nitoâ.
Sa halip, ang ating pagpupursige, ay dapat mas matindi para sa Diyos at maging mas malapit sa ating pinakamamahal na Asawa. Na hayaan siyang maging lahat sa atin: Tagapag-bigay, Kasintahan, Kaibigan, Tagapag-aliw, at Tagapag-tanggol. Ito ay nangangahulugang pag-usad mula sa ating nakikita, hanggang sa antas ng ating pananampalatay kung saan tayo ay namumuhay sa Esiritu. Para sa isang babae na pumili ng hangaring ito sa kanyang buhay, ipagpapalit niya ang sakin para sa kaligayahan at ito ang tutulong sa kaniyang labanan ang sakit, kasamaan, at bigat na dala ng mundong ito,
Kung si Hesus ay namatay upang mabigyan tayo ng Masaganang Buhay, kung gayon, nasaan ito, pinakamamahal ko? Natitiyak kong hindi sa pamumuhay ng mga babaeng Kristiyano ngayon! At ang ating buhay, ang ating pagnanais na magkaroon âlalaki para sa atinâ ang nagpapain sa obsesyon na ito sa sarili mismo nating mga anak na babae at mga nakakabatang babae na nagmamasid sa ating mga buhay. Ating pinapatunayan, sa ating mga luha at sa ating pakikipag-usap (na LAGING sumesentro sa mga lalaking hinahangad natin na balang araw ay mahalin din tayo), na ang layunin ng ating buhay ay para sa isang lalaki, hindi para sa Anak ng Ama. Para sa mga babaeng iniwanan at inabandona ng kanilang mga asawa, ang pagpapanumbalik ng kanilang buhay may-asawa at pakikipag-sundo lamang ang tumatakbo sa kanilang isip at napag-uusapan, at ito ang umuubos ng lahat ng kanilang lakas.
Hindi na nga kataka-taka kung bakit ang ating tagapag-Ligtas ay naghihintay lamang sa kaitaasan upang maging mapag-bigay sa atin?
Mahal kong mambababasa, sa oras na ikaw at Ako ay makapagpatunay ng pagmamahal para sa ating Minamahal na Lalaking nakatakdang pakasalan, Siya ang gagawa ng tamang pagkakataon sa ating mga buhay upang basbasan tayo sa lahat ng aspeto nito: relasyon (mula sa iyong mga anak hanggang sa iyong mga kapatid, magulang, biyenan, asawa at kahit sa iyong mga ka-trabaho), salapi (mula sa palaging kapis hanggang sa pagtupad ng lahat ng nais ng iyong puso, hindi lamang ang sapat na pangangailangan), kalusuguan (dahil kasama sa kaligayahan ang magandang pakiramdam at hindi pagiging masakitin; ang paggaling ay para sa katawan at sa kaluluwa), at sa iba pang bahagi ng ating buhay.
Walang ibang lalaki sa iyong buhay ang makagagawa noon! Nag-Iisa lamang ang may kapangyarihan at kakayanan na makapag-bigay sa atin ng Masaganang Buhay sa oras na tayo ay maging Kaniyang Minamahal na babaeng nakatakdang pakasalan!
Paano ko nabitawan ang pagkahumaling kong ito? Ito ay simple lamang, sa pagiging mas malapit sa Nag-Iisang laging nariyan, nang-aaakit at kumakausap ng may kabaitan sa akinâkagaya ng pakikipag-usap Niya ng may pang-aaakit at kabaitan sa iyo! Walang formula upang mas mapalapit sa kaniya. Katulad ng lahat ng bagay, ito ay isang bagay na iyong HIHINGIIN sa Kaniya. Para sa akin, sinabi ko lamang sa Panginoon na gusto kong mas mapalapit, mas malapit kaysa sa sinomang taong namuhay sa mundoâŚngunit hindi ko alam kung paano, at hiningi ko sa Kaniyang gawin ito. Bilang resulta ng aking paghingi, sa bawat araw, ako ay mas lalong napapamahal ng husto sa Mangingibig ng aking kaluluwa. Nakikita ko bawat araw kung paano Siya nagbibigay hindi lamang para sa mga pangangailangn ko, kundi sa kagustuhan rin ng aking puso!
Isa pang halimbawa ay noong ako ay bumibyahe. Nagpalipas ako ng ilang araw sa Canada sa isang napakagandang resort, ng mag-isa, kasama ang aking Minamahal. Dinala Niya ako doon upang mamahinga mula sa paglalakbay sa ibaât-ibang syudad sa loob lamang ng isang linggo. Doon ko nasaksihan mismo na wala Siyang ibang hinahangad mula sa akin, wala bukod sa pagmamahal ko para sa Kaniya. Hindi ko inubos ang mga araw ko sa pagdarasal o pagbabasa ng Bibliya. Hindi rin ako nagpunta doon upang mag-ayuno (ngunit sa bahay, Ako ay nag-aayuno halos araw-araw, at kumakain lamang ng hapunan). Ang akin lamang ginawa ay samahan Siya at ang Kaniyang nakamamanghang pagmamahal. Noong ako ay nanood ng romansang pelikula sa aking computer , patuloy akong nagpapasalamat sa Kaniya na hindi na ako nalilinlang (sa paniniwala na ang aking pinapanood ay totoo), ngunit sa halip, mabighani sa pakiramdam na Ako ay magkakaroon at makakaranas nito sa Kaniya, kagaya ng lahat ng mga babae!
Aking minamahal, kailangan nating palakasin ang loob ng bawat babae na iwan ang kaniyang sakit at humanap ng kapayapaan, at mula sa kapayapaang ito ay lumakad papunta sa walang hanggang kaligayahanâdahil lamang sa nakilala at naranasan na Siya. Ito ay posibleng maranasan ng bawat isa sa inyo, lalo na kung kayo ay nakaranas ng sakit o pambabalewala. Ang ibig lamang sabihin nito ay ibabaling na natin ang ating pansin mula sa mga lalaki sa ating buhay papunta sa Anak ng Ama at Mangingibig ng ating kaluluwa. At habang patuloy natin Siyang pinupursige, tayo naman ay hahabulin ng mga kalalakihan! Ngunit hindi na ako lilingon muli sa aking pinagmulan. Walang ibang lalaki ang mananalo muli sa aking puso (para lamang saktan at iwan akong nananabik), hindi kung mayroong Isang nag-alay ng buhay para ako ay mabuhay ng mag-muli!! Kahit pa ang isang babaeng may-asawa ay nararapat ilaan ang kaniyang puso para sa kaniyang Tagapag-ligtas. Ibig sabihin ang lahat ng kaniyang nais, at lahat ng sikreto ng kaniyang puso, ay narararapat lamang sabihin sa Kaniyang Makalangit na Asawa, hind sa kaniyang makamundong asawa.
Isa sa mga huling beses na pakikipag-usap sa aking dating asawa ang nagdulot sa kaniya, na muli, magpursigeng makipagbalikan sa akin. Kapwa kaming dalawa nagulat noong tinanong ko siya kung paano niya naiisip na kalabanin kung anong mayroon ako sa ngayon kasama ang Panginoon! Wala siyang masabi, at sa puso ko, nakikita ko kung gaano ako katama sa sinabi ko. Walang lalaki sa mundong ito ang kayang makipaglaban sa kung anong mararanasan mo kapag iyong nakamit ang lalim ng relasyon, pagmamahal, at pag-iingat na ibibigay sa iyo ng Lalaking nakatakda mong pakasalan kapag ikaw ay tunay na naghangad at nangulila para sa Kaniya. At kung ang ating pangungulila ay para sa tamang Tao, ang atin ding mga asawa ay mangungulila para sa atin, at magpapatuloy na ganito. Hanggat hindi mangulila ang ating mga asawa para sa Isang may kakayanan magpuno  ng kaniyang mga pangangailangan ay hindi niya mararanasan ang kapayapaan at ligaya at katuparan na kapos para sa mga kalalakihan.
Ang uri ng pagmamahalang ito ay isang paglalakbay na nagsisimula sa isang hakbang. Lahat ng relasyon ay nabuo at lumago mula sa oras at atensyon na ating inilalaan dito. Ito ay maaaring magsimula sa pagbabasa ng Bibliya, na Kaniyang mga liham ng pag-ibig para sa iyo, o sa pag-awit ng mga awiting pagmamahal sa Kaniya. Kahit pa ang mga papuring awitin ay  kahanga-hanga, ikaw ay patungo sa isang relasyong kaiinggitan ng mga babae at gugustuhing magkaroon din. Maraming mga awit ang kinakanta ng mga Kristiyanong kasalan ang nagdudulot ng sakit sa aking puso; ngayon, itong mga awit na ito ang nagdudulot sa puso kong umawit, sa kaaalamang ako ay mahal, at itinatangi dahil sa pagkatao ko ng aking Minamahal.
Hindi kinakailangang ikaw o Ako ay maging mahusay o mag-iba ang itsura sa kung anong taglay natin ngayonâmayroong kalayaan sa kaalamang nilikha tayo ng Diyos kung ano tayo at hindi Niya tayo mamahalin ng husto kung tayo ay kikilos ng kagaya ng Kristiyano. Ang Kaniyang perpektong pagmamahal ang magtataboy ng lahat ng takot. Kasama ng pagkawala ng takot na iyon, magiiwan ng mas maraming puwang para sa Kaniya, at magsisimula itong makita sa iyong mukha.
Wala ng puwang para lumuha (sa hinaharap, kasalukuyan at nakaraan) para sa iyong asawa o dating asawa o kasintahan, sa halip ang iyong puso ay ilaan para sa Nag-iisang inilaan para pakasalan mo.
Atin munang isantabi ang galak para sa pagpapanumbalik ng ating makamundong relasyon, at ituon ang ating pansin sa relasyon na mayroon tayo ngayon kasama ang ating tunay na Asawaâating Panginoon, Tagapag-ligtas, at ating kaibigan.
Huwag na tayong maglaan ng luha para sa pag-ibig na nawala, sa halip, tignan ang ating hinaharap kasama Siya. Hindi na kinakailangang maghanap ng pag-ibig o maunawaan, maaari na nating simulan mamuhay araw-araw bilang regalong Kaniyang handog para sa atin.
Para sa bawat isa sa inyong nasasaktan, natatakot o nalulungkotâkinakailangan mo lang ng mas maraming pagmamahal Niya. Iyon lang. Wala ng ibang makakalutas ng bawat problem asa buhay mo bukod sa pagkakaroon ng mas maraming panahon sa Kaniya.
At kung ikaw ay may mga anak, sa tuwing sila ay aalis upang dalawin ang kanilang ama, magalak dahil alam mong magkakaroon ka ng mas maraming panahon kasama Siya. At ng sa gayon, wala ng dahilan upang manaik k asa kanila.
Testimonya
Sa tuwing umaalis ang aking mga anak at dadalaw sa kanilang ama kamakailan lamang at mas kilalanin ng husto ang ibang babae na ito, pinigil ko ang aking sarili sa pagsasabi na ako ay mananabik sa kanila. Sa halip sinasabi kong, âTiyak na magkakaroon  kayo ng masayang oras kasama ang ama ninyo!â Sinasabi ko rin sa kanila na hindi nila kailangang mag-alala para sa akin, dahil alam nilang magiging masaya ako saan man ako naroroon. At dahil sa pagmamahal na mayroon kami para sa isat-isa, hindi rin sila kinakailangang manabik para sa akin, at kinakailangan lamang na sulitin ang panahon kasama ang kanilang ama dahil silaât-sila lamang ang magkakasama. Alam niyo ba kung gaano kalaya ang ganitong pakiramdam para sa isang bata? Ang hindi niya kinakailangang makonsensya dahil sa masaya siyang aalis at walang dalang bigat na maiiwan niya ang kaniyang ina, sa bahay?
Maaaring nagtataka din kayo, kung ako ay nag-aalala sa pagkamulat nila sa buhay ng kanilang ama sa ngayon, o sa ibang babae na ito sa buhay ng aking dating asawa (at ang kaniyang impluwensya). Ang sagot ko ay âHindi.â Alam kong nangako ang Diyos na ang lahat ng bagay ay maaayon  sa aking ikakabuti at ng aking mga anak! Sapat na iyon para hindi na ako mag-alala o mag-isip. Kung ako ay naniniwala sa Kaniyang Salita at Kaniyang Pangako sa akin tungkol sa pagkaligtas, madali ko ng maipagkakatiwala sa Kaniya ang lahat ng bagay. At ang maiiwan lang sa akin ay ang namnamin ang buhay ko at mamuhay ng masagana,
Ang paglalakbay para sa aking simbahan o bilang kinatawan para sa ministeryo ni Erin, bilang malayo sa aking mga anak ng mahabang panahon, ang nagdudulot ng pagkabahala sa nakararami na nagtatanong kung ako ba ay nasa matinong kaisipan pa at ang ang pagmamahal ko para sa aking mga anak. Ang pagkalayo ng halos kalahating buwan ay sobra, ngynit upang makasigurado, ipinangako muli ng Diyos na siya ang bahalang magdulot ng mabuti mula sa lahat ng aking gagawin. Hindi lang dahil sa masunurin ako kung saan Niya ako pinapatawag, ngunit kahit na aksidenteng ako ay magkamaliâSiya ay nangakong bibiyayaan ako!! Sa ganoon klaseng kasiguraduhan, bakit kinakailangan pa nating mag-alala kung sa halip ay maaari naman tayong maging maligaya? At ito rin ay nagbigay ng sapat na oras sa aking mga anak na makasama ang kanilang ama na namamalagi sa aming bahay sa tuwing ako ay umaalis.
Isang babala lamang, siguradong susubukan ng kalaban ang kaniyang pinakamahusay na dahilan upang mabuhusan k ang pagkakonsenysa dahil sa nasumpungan mong kalayaan sa pamamagitan ng pag-iisio ng: âWala ka na talagang malasakit sa iyong mga anak!â Huwag pansinin ang mga ganoon klase ng pag-iisip. Sa halip, ang iyong mga prayoridad ay tuwid na at ginagantimpalaan ka ng Diyos dahil inalis Niya na sakit at pag-aalala. Maaaari mo ring marinig ito mula sa mga kaibigan, kapamilya at ka-trabaho. Labanan lang ang pag-atras (sa pamamagitan ng pagpapaunlak ng ganitong klaseng ideya) at gamitin ang oras at lakas upang tumaas pang lalo.
Pagkatapos mamuhay ng ganito sa loob ng ilang buwan, walang dahilan para ako ay unatras. Sa halip, ako ay nangako sa aking buhay na palalakasin ko ang loob ng bawat babae sa mundong ito na umoo  sa Diyos at maging babaeng nakatakda Niyang pakasalan. Ang aking dasal sa kabanatang ito, at sa kabuuan ng aklat nq ito, ay magdulot ng init sa loob ninyo na magpapaalab ng apoy ng  pagkahilig sa Nag-iisang bumubulong naââPakasalan mo ako.â