Sa inyong lupain ay dalawang bahagi ang aariin ninyo . . .

Aking tapat na ibibigay sa kanila ang kanilang gantimpala . . .

—Isaiah 61:7-8

 

Nitong nakaraang lingo, tinamaan ang aming tahanan ng “hagupit ng kasamaan”, gamit ang mga akusasyon, pang-aasar, pamamaliit, masasakit na salita, at panghusga, na nagdulot ng takot. Nakakalungkot na ito ay nagmula sa aking dating asawa patungkol sa aking pinaka batang anak na babae at sa akin.

Maiintindihang ang naging bunga nito ay ang sobrang pagtataka ng aking anak, liban sa sakit. Nang akin siyang inalo, nagkoroon ng sandaling panahon para lahat ng emosyon ko ay mawala, tinawag ko ang Panginoon na bigyan ako ng kaalaman at pang-iintindi. Ipinaalala Nya sa akin kung ano ang isusulat ko sa mismong kabanatang ito. Kinukumpirma ng Diyos ang prinsipryong ito – “sila, ang iba, ay wala nito.”

Pinakita ng Panginoon sa akin na ang pagiging mapagbigay ng dati kong asawa ay nagging pangit, dahil sa unang pagkakataon mula nang humingi sya ng diborsyo, parating siya ang humihingi at parating ako ang nagbibigay. Ng araw na iyan nagkamali akong humingi ng tulong para sas tatlong maliit na bagay: website links ng produktong pangkalusugan na dati niyang binibili para sa aming pamilya, kompyuter na hindi na niya ginagamit para magamit ng aming mga anak sa kanilang pag-aaral, at ang tawagan niya ang mga bata dahil iniisip nilang wala nang pakialam sa kanila ang kanilang ama. Pumangit ang mga bagay dahil lumapit ako sa kaniya, humihingi, kaya’t nagbago ang isang mapagbigay na lalake at naging galit at mapang-away na lalake.

Sa unang pagkakataong pinakita ng Diyos sa akin ang napaka importanteng prinsipyong ito, “wala sila nito,” ay sa dulo ng isang mahabang panahong pagkabigo at nakaka-ubos oras na pakikipag-usap sa aming bodegang pamilihan. Doon ako namimili ng aming mga pagkain at gamit pang-opisina ng samahan. Napakadaming pagkakamali tuwing ako ay namimili na dumating ang panahong sumobra na ang pagkabigo ko. Bilang halimbawa, sa isang pagkakataon, inabot kami ng higit isang oras para mag-ayos ng mga bagay bagay, lahat ng frozen na pagkain (na laging maramihang nabibili) ay natunaw na.

Sa susunod na pagpunta ko, nasa customer service counter nanaman ako dahil hindi gumagana ang membership card ko. Habang nasa counter, nabanggit ko ang mga nasirang frozen na pagkain nung nakaraang buwan, kaya humingi ng paumanhin ang manager at sinabing dalhin ang resibo ng nasirang pagkain sa susunod na pagbisita, na ginawa ko naman. Subalit, imbis na ibalik ang pera ko, ang manager nung araw na iyon ay sinabing, kailangan niya ding maibalik ko ang mga karting walang laman para maibalik ang pera ko. Diyan nagsimulang mawala ang aking kapayapaan, at imbis na makitungo ng kalmado at mapagpasensya, naramdaman ko ang pagka-inis at galit, kahit na, Salamat sa Diyos, di ko ito ipinakita or sinabi. Subalit, ang maramdaman ang ganitong pakiramdam ay sapat na upang mabahala ako.

Sa susunod na pagkakataon na magbabayad na ako, muli akong sinabihang pumunta sa customer service, ngunit sa pagkakataong ito ako ay humahalakhak na. Habang iniintindi nila kung bakit hindi gumagana ang membership card ko, kinakausap ko ang Diyos at tinatanong sa Kaniya kung hanggang kailan ba magkakaproblema sa aking membership card. Sinabi Niya nang napaka linaw, “Sa oras na hindi ka na inaabala nito.” Aray. Kaya habang nakatayo ako sa counter, ipinaalala Niya sa aking ang linyang ipinakita Niya nung umagang iyon na kasama ko Siya. “Magtatamo kayo ng dalawang bahagi sa halip na kahihiyan. Sa halip na paghamak ay magagalak kayo sa inyong kapalaran. Kaya't sa inyong lupain ay dalawang bahagi ang aariin ninyo, walang hanggang kagalakan ang mapapasa inyo. Sapagkat akong Panginoon ay umiibig sa katarungan, … at Aking tapat na ibibigay sa kanila ang kanilang gantimpala” ( Isaias 61:7-8) Nakita mo ba? Sabi Niya, gagawin Ko.

Kahit hindi sinabi ng Panginoon, alam ng kalooban ko na humugot ako sa maling bagay para sa aking gantimpala. Hindi nito sinabing “gagawin nila” pero sinabi nito na, gagawin Ko. Ibig sabihin ay gagawin ng Panginoon….

Kaya’t agad sa puso ko ay inamin kong muli na Siya lamang ang gusto ko at Siya lamang ang kailangan ko. Hindi ko kailangan ng mga tong ito o kung sino man para itama ang mga bagay o makamit ang aking gantimpala. Kahit na inabot ako ng napakaraming abala o naging dahilan na nasayang ang daan-daang pera sa sirang pagkain –ang aking Mahal ay ang tanging kailangan ko. Sa sandaling iyon, hindi ko lamang tinigil na “itama” nila ang kabagayan, wala akong gusto mula sa kanila –gusto kong magmula sa Kanya lahat ng gantimpala ko at wala na mula kanino man.

Nang umapaw ang pakiramdam na ito, ipinaalala ng Diyos sa akin na ang mga ito ay naramdaman din ni Abram. Ito ay nang ang hari ng Sodoma ay sinubukang bigyan siya ng gantimpala para sa “bagay’ na nakuha nang natalo nila ang Chedorlaomer. Tumanggi si Abram, “Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, ‘Ako'y sumumpa sa Panginoong Diyos na Kataas-taasan, na lumikha ng langit at ng lupa, na hindi ako kukuha kahit isang sinulid, o isang panali ng sandalyas, o ng anumang para sa iyo, baka iyong sabihin, ‘Pinayaman ko si Abram’ (Genesis 14:22-23). Si Abram (na sa kalaunan ay naging Abraham) ay tumangging tumanggap ng papuring alam niyang naayon dapat sa Diyos sa pamamagitan ng pag-ako ng hari sa anumang kayamanang matatanggap ni Abram sa hinaharap, at alam nating, ang kanyang yaman ay sumobra ng dami sa dulo ng kanyang buhay –ito ay naging sigurado dahil sa tindi ng paniniwala niyang sa Diyos lamang dapat maibigay ang papuri.

Sa loob ng tatlong minuto, dun sa customer service counter, may ginawa ang Diyos na sobrang nakakamangha at nakakatawa at nakakabilib para mapatunayan ang pagkakataong ito. Ang bagay na ito ay alam kong dapat maibahagi sa iyo. Agad agad, ang babaeng tumutulong sa akin ay nagtaka kung bakit isang porsyento lamang ang naibabalik sa akin imbis na dalawang porsyento. Sinabi ko sa kanya na hindi ko alam ang dalawang porsyentong pagbalik-bayad. Kaya binuksan niya ang kompyuter at ipinakita sa akin ang natanggap kong balik-bayad ng nakaraang buwan, at kung magkano ang dapat na natanggap ko. Ito ay dumoble! Sa sandaling iyon, agad niya itong binago at pinanood ko ang Diyos sa pagbigay sa akin ng dobleng gantimpala, sobra sa doble ng nasayang na pagkaing nasira. Nangyari ito sa sandaling hinayaan ko ang Panginoon na muling maging ang lahat ko!

At dahil Siya ay gumagawa ng mga bagay higit pa sa ating hinihingi o iniisip, sunod na binigay ng babaeng tumulong sakin ang iba’t ibang produktong pang-promosyon na ipinamimigay sa mga bagong customer!! Tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya, at sinabi niya na ito na lamang ang kaniyang magagawa para sa akin sa lahat ng napagdaanan ko.

Nakita mo ba kung ano ang nangyari? Sa sandaling itinigil ko ang pagtama mula sa pinanggalingan ng aking problema (na “wala nito”) at tumingin sa Panginoon ko na Tagapagbigay ng lahat ng kailangan ko, binuhusan Niya ako ng napakaraming kabutihan at napakaraming gantimpala, na Kaniyang ipinangako sa bawat isa sa atin!

Ito ang sinabi ng Panginoon habang nagmamaneho ako pauwi mula sa pamilihan –wala sila nito; wala lang talaga sila nito. Sabi Niya lahat ng tao sa mundong ito ay walang wala sa lahat ng pagkakataon. Isipin mo. Ang mga tao sa mundo (at karamihan sa Kristiyano) ay kulang sa pagmamahal, pagbibigay, pagi-ibig at lahat ay kinukulang, ngunit sa ating kalokohan hinahanap pa rin natin ang ating kailangan sa kanila. At sa panahong ito, ang Panginoon natin, ang ating Tagapagmahal, at ang ating Kaibigan ay ang pinagmumulan ng ating walang hanggang pangangailangan at kagustuhan –na maaaring mapasa atin –kung tayo lang ay tumingin lamang sa Kanya!!

At sa bawat sandaling na tumitingin tayo sa iba imbis na sa Kanya, tayo ay lalong nagkukulang ng ating pangangailangan habang nagkukulang ang iba sa pagbigay ng ating pangangailangan, nararapat sa atin o ating kagustuhan. Ito ay sa panahong tayo mismo ay nagkukulang dahil sa pagtingin sa iba, kinailangan nating putulin ang koneksyon mula sa ating Tagapagbigay, Siya. “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa Akin at Ako rin sa kanya ay namumunga nang sagana, sapagkat hindi kayo makagagawa ng anuman kung kayo'y hiwalay sa Akin” (Juan 15:5).                   

Kaya nang binigay ng Panginoon sa akin ang prinsipyong “wala sila nito” sa aking isip nitong linggo, na may kinalaman sa dati kong asawa, alam kong nagkulang ako sa paghingi ng aking kailangan mula sa aking tunay na Tagapagbigay. Sa halip, hinanap ko ang aking kailangan (at ang kailangan ng aking mga anak) mula sa taong “wala nito”. Ipinakita sa akin ng Diyos na bilang asawa ng Panginoon, ibinibigay Niya sa akin ang higit pa sa kailangan ko kung kaya’t hindi ko kailangang humingi ng anuman mula sa kung sinoman. Sa halip, inaasahang ako, bilang mapapangasawa Niya, ay kailangang magbigay sa iba ng kanilang kailangan mula sa aking sobrang biyaya; aking umaapaw na yaman. At kung hanapin natin mula sa ibang “wala nito,” tayo mismo ay magkukulang sa ating kagustuhan at pangangailangan at agad na magiging maramot at kuripot –hindi ito katangian ng mapapangasawa ng Panginoon.

Nang tinanong ko ang Panginoon kung paano ito gawing tama sa aking dating asawa, sabi Niya lang ay maghintay ako at dahil ito ay bahagi ng Kaniyang plano. Alam ko na ang plano Niya ay bigyan ako ng mas malalim na pangiintindi (habang sinusulat ko ang kabanatang ito), ngunit para gamitin din ang buhay ng dati kong asawa upang padalisayin at baguhin siya upang siya din ay maranasan ang pagmamahal Niya. At ito ay plano ng Diyos para sa akin upang maipaliwanag ko ang prinsipyong ito, maituro sa aking mga anak at bawat kababaihan na magbabasa ng librong ito.

Nang sumunod na umaga, sinabi ko sa mga anak ko (na nalaman ang nangyari kasama ang kanilang ama) na ito ay aking kasalanan. Na sinubukan kong “kumuha” imbis na “magbigay” kahit na meron kami ng lahat, dahil meron kaming Diyos na binigay ang lahat ng gusto at lahat ng kailangan namin, at ang Panginoon ang aking pinaka Asawa at mapagbigay na Ama nila. At siya (kanilang ama), sa ngayon, ay walang pag-aari. At tinuloy ko ang pagpapaliwanag ng prinsipyo na ang Diyos ay nagbibigay ng dobleng gantimpala kapag tumingin kami sa Kaniya kaysa sa iba, at ang aking kwento sa pamilihan.

Sa loob ng kalahating oras ng pakikipag-usap sa aking mga anak, tumawag ang dati kong asawa sa aking bunsong anak na babae upang itama ang mga bagay. Matapos niyang makipag-usap sa aming anak, ay tinanong niya kung maaari ko siyang makausap, at iyon ang naging pagkakataon upang masabi ko sa kaniya na ang nangyari nung isang araw ay kasalanan ko dahil dapat ay sa Panginoon ako humingi ng mga kailangan ko, imbis na tanungin siya. Alam kong hindi niya itong gusto marinig dahil hinahanap niya pa rin kung paano siya makakabalik sa aming tahanan (kahit na mukhang tumigil na siya sa paglapit sa akin). Ito rin ay naging pagkakataon upang masabi ko sa dati kong asawa na ang Diyos ang naging bahala sa aking mga pangangailangan at kagustuhan dahil ang Panginoon na ang aking Asawa. Sa oras na iyon, ang dati kong asawa ay sinubukang ibigay sa akin ang aking mga hinihingi, mula sa mga website links. Nagpasalamat ako agad sa kanya, pero sinabing hindi ko na ito kailangan. Tas sinabi niya ring maaring maibigay na niya ang kompyuter, ngunit sinabi ko na kung tunay na kialngan naming nito, ang Diyos ang magbibigay o di kaya ang mga bata ay maaring pumunta sa opisina ng ministro upang makigamit ng kompyuter doon.

Bigla niyang sinabi na gusto niyang malapitan siya ng mga bata, na sinagot kong ito ay sa kaniya at sa mga bata na, at walang kinalaman sa akin. Sinabi ko na rin na ako ay nagkamali na gustuhing magkaroon sila ng mas magandang relasyon dahil ang relasyon ng aming anak (sa mga bata at sa akin) sa Panginoon ay higit na sapat na para sa mga bata, at ito ay makikita sa ligayang nasa aming tahanan na nakikita rin sa aming mga mukha at boses. Sa sandaling ito naiba ang takbo ng pagkakataon at nawala ang sakit sa aking puso at napunta sa kanya. Nang inilagay ko ang Panginoon sa Kaniyang tamang lugar sa buhay ko, na lahat ng aking kagustuhan at kinakailangan, ipinagbunyi Niya ako lalo!

Matapos ang pananghalian, sa gitna ng isang maliit na gulo sa aming ministro, nakita ko ang isang website na dati kong ginagamit ngunit nakalimutan na. Dun sa kaisaisahang site na iyon nakita ko ang lahat ng gamit pangkalusugan na kailangan ko, sa mas mababang presyo, at sa mas murang pagpapadala (ngayon at sa hinaharap)! Dahil sa Diyos lamang ako tumingin, Siya ang nagdala sa akin sa website na ito imbis na sa maraming website na ginagamit ng dati kong asawa. Makalipas ang ilang minuto, nakakuha ako ng mensahe mula sa dati kong asawa (na umalis ako bago niya ako nakausap nung inako ko ang kasalanan). Ang mensahe niya ay mapagkumbabang mensahe ng nagawa niyang pagkakamali sa akin at sa aming anak, na humihingi ng kapatawaran namin!

Ito ay parehong prinsipyo sa linya ng bibliya na maari nating mabigkas, ngunit iilan lamang ang namumhay gamit ito: “At pupunuan ng aking Diyos ang lahat ng inyong mga pangangailangan ayon sa kanyang maluwalhating kayamanan na matatagpuan kay Kristo Hesus” (Filipos 4:19). Nang sabihin ng Panginoon na Siya lamang ang ating gustuhin at kakailanganin, kailangan natin itong mapasa-totoo gamit ang ating mga kilos at reaksyon. Sa oras na may gawing masama ang iba sa atin, na tila halos araw araw nangyayari, buong araw, kailangan nating tingnan ang ating puso: mula kanino ba natin makukuha ang “karapat-dapat” sa atin –mula sa Diyos o sa tao? Nasa Diyos ang lahat; ang tao ay wala (kundi ang naibigay ng Diyos sa kanya).

At, tama, totoong ang Diyos ay gumagamit ng tao at pagkakataon para maibigay sa atin ang dobleng gantimpala. Syempre ako ay nagpapasalamat at tunay na nagpapahalaga sa babaeng nagbigay sa akin ng dobleng balik-pera at mga libreng bagay, ngunit sa puso ko alam ko kung sino ang nagbalak nito! Alam ko din kung sino ang nagpabago sa aking dating asawa at sa kanyang puso at humingi ng kapatawaran.

Ang nakakatuwang karagdagan sa prinsipyong ito ay sa tuwing tayo ay kumilos at gumanti ng naayon, na nagdudulot ng kasaganaan, nagiging kasangkapan tayo ng Diyos upang magdala ng kabutihan sa iba na nangangailangan at walang wala. “Marami ang naghahangad ng pagpapala ng taong may magandang-loob, at ang bawat tao'y kaibigan ng nagbibigay ng mga handog” (Mga Kawikaan 19:6). Sa oras na tayo ay lapitan, at piliing maging mapagbigay, maiimpluwensyahan natin ang iba, dahil sa ating halimbawa, na hanapin at lapitan ang Diyos bilang Tagapagbigay, ito ay pag-ebanghelyo at pagsaksi sa iba –lahat nang walang sinasabi.

Ito ang problema sa mundo ngayon, dahil hindi tayo epektibong Kristiyano; tila ang dami nating sinasabi, ngunit wala tayong ginagawa o naipakikita upang masuportahan ito o kung pano natin pakitunguhan ang mga paghihirap sa ating buhay. Ito ang sanhi ng ating paging Pariseo. Niloloko din nito ang Diyos at ang Kaniyang kabutihan, at nagiging sanhi upang hindi imaging epektibo ang ating pagbahagi ng ebanghelyo at pagdulot sa iba na kilalanin din Siya. Sa kabilang banda, kung isabuhay natin ang prinsipyong ito, kahit na minsan tayo ay magkamali, mayroon tayong pagkakataon ipakita ang ating liwanag at ipakita ang ating alat na magpapa-uhaw sa iba para sa Kanya! “Sa gayunding paraan ay paliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa harap ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit” (Mateo 5:16). “Kayo ang asin ng lupa, ngunit kung mawalan na ng lasa ang asin, paano pa maibabalik ang alat nito? Wala na itong paggagamitan liban sa ito'y itapon at tapak-tapakan ng mga tao” (Mateo 5:13). Kung ikaw ay inaapakan, ibig sabihin lamang nito ay nawawala na ang iyong alat.

“Kung paanong ang usa ay nananabik sa batis na umaagos, gayon nananabik ang aking kaluluwa sa iyo, O Diyos” (Mga Awit 42:1). Dahil sa nakakasama ko ang marami sa inyo na RMI partners din, ang pagka-uhaw ko sa Diyos ay tuloy tuloy na tumitindi sa bawat araw. Ito rin ang epekto (kung ikaw ay maalat) sa iba na magiging nasa iyong mundo. Ang ating buhay ay nagniningning ng kaligayahan, kasaganaan, at kagustuhan na kinaiinggitan ng lahat ng kakilala natin o ang mga nakakaalam tungkol sa atin. Saka lang natin magagawang tumabi at maituro ang Tagapagbigay ng ating kaligayahan –ang ating Kasintahan at Kaibigan, ang Panginoon at ang ating Asawa sa langit.

Ang Taong ito ay totoo kung hayaan natin Siyang maging totoo sa ating buhay, sa oras na tunay tayong Kanyang maging Mapapangasawa. At bilang Kaniyang Mapapangasawa, wala na tayong gugustuhin pa. Ito ang mensahe sa ating buhay, sa ating mga labi, at ang kaligayahan sa ating puso na dapat nating maipahayag sa pamamagitan ng ating pamumuhay –na Siya, ang ating Minamahal, ay ang lahat ng kinakailangan ng mga kababaihan. Wala na tayong kakailanganin pa na maghahabol pa tayo sa ibang lalake upang bigyan tayo ng kahit ano o protektahan tayo. At hindi lamang ang pangangailangan natin ang kanyang ibibigay sa atin kundi higit pa sa ating inaasahan, hihingin o maiisip, lahat ito darating ng walang sakit o kahihiyan o pagsisisi. Wow!

“Ngayon, sa kanya na may kapangyarihang gumawa ng higit pa at lalong sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang kumikilos sa atin” (Efeso 3:20 Filipino Standard Version)

Ang pag-ibig na nakikita sa telebisyon o sa pelikula, o sa mga kanta, ay hindi totoo. Ito ay pilit na mga karanasan, dahil sa hindi nalunasang sakit, kahihiyan at pagtanggi. Ang mas malungkot ay iniiwan tayo nitong mas kulang sa ating mga kagustuhan at pangangailangan. Hindi tulad ng pag-ibig na nagmumula sa ating Kasintahan, kung saan nagmumula ang lahat ng pag-ibig, na walang sakit o mga hindi kanais-nais na epekto –at ang Tagapgbigay ay hindi nauubos!

Ikaw ba? Nakakaranas ka pa ba ng kakulangan sa iyong buhay? At ito ay dahil hindi ka lumalapit sa iyong tunay na Tagapagbigay ng lahat.

Ikaw ba ay nakakaranas pa ng sakit, kahihiyan, konsensya, paghatol at luha? At, mahal ko, kulang ka pa ng Sa Kaniya. Ang Panginoon ay tinatawag ka upang Kaniyang mapapangasawa, hindi Kaniyang asawa. Gusto Niyang buhusan ka ng pagmamahal, pag-aalaga, kagandahang-loob, at pag-iingat mula sa pinsala at lahat ng nagbibigay ng sakit sa puso. Ang tanging luha na aagos mula sa iyo ay yung mga luha dahil sa naiisip mo kung gaano kabuti ang Diyos at kung gaano ka Niya nabiyayaan.

Kunin mo ang pagkakataon, ngayon na, para lalong mapalapit sa iyong pinagpalang Mapapangasawa. Siya lamang ay naghihintay upang yakapin ka at punasan lahat ng luha at alisin ang takot mo. Pinakamamahal, mahal ka Niya!

Nakatatahimik na Pag-aalala

Sa kabanatang ito at sa iba pa, nabanggit ko na ang dati kong asawa ay “sinusubukan pa ring bumalik sa tahanan ko” at naramdaman ko ang pangangailangan na ibahagi ang ilang kaisipan. Kahit na ikaw o ako man ay gustuhing mabuo pa ang aking kasal, ang naipakita sa aking ng Panginoon (paulit-ulit sa tuwing nanalig ako sa Kaniya tungkol dito), ay kailangan ng dating kong asawa at ng aking mga anak ng tunay na relasyon sa Kaniya. Bilang dating pastor, at ang lalakeng kilala ng publiko, tulad ng iba, ay lantarang namumuhay sa hindi pinagsisihang kasalanan, dahil sa naputol o di nabuong personal na relasyon sa Panginoon. At sa napaka daming pagkakataon ay sinabing hindi siya patatawarin ng Diyos muli, kaya Siya ay tinatalikuran na lamang niya.

At kahit na ang iba ay husgahan ako, alam ko kung Sino ang kailangan ko upang masigurong ako ay kanais-nais, ay kung Sino ang aking sinusunod at pinakikinggan dito sa bagong paglalakbay.

Hinayaan ng Diyos ang aking bagong paglalakbay para sa ikabubuti nating lahat, ng aking mga anak, para matuto ako, at lalong para sa dati kong asawa –lahat ay para makita Siya, ang Kaniyang pagmamahal, at maintindihan Siya lalo. Tulad ng marami sa inyo, nang nawala ang lahat sa akin ay dun ko lamang nakita ang tunay kong kinakailangan, ang aking Tagapagligtas, at sa kalaluan ay nang Siya ay maging Panginoon ko, at nang Siya ay aking maging Minamahal. Ipagkakait ko ba ang ganitong biyaya sa iba? Hindi ba’t kailangan din ng kalalakihan na magkarelasyon sa Kaniya? Hindi ba’t karapat-dapat ding makilala ng kalalakihan ang Diyos ng personal? Ito ba ay tungkol lamang sa pangangailangan ng mga misis o tungkol lamang sa RMI at kung ano ang pinapaniwalaang layunin ng samahan? Ang totoo ay, ang layunin ng RMI ay nag-iisa, ito ay tulungan ang lahat ng kababaihan at kalalakihan na makilala ang Panginoon ng personal.

Oo, ang kagustuhan ng Diyos ay ang mabuo, hindi lamang ang mga mag-asawa at mga pamilya. Ito ay ang mabuo ang bawat isa sa Kaniya na kailangan ng lahat, Siya lamang.

“Ang Panginoon ay ibinabaling ang puso saanman nya ibig…” (Mga Kawikaan 21:1) at ang ibig sabihin nito, bilang babae, maari din Niyang mabago ito. Kung kaya’t maari ding sabihin ng mga kalalakihan na “Inalis Mo [Diyos] sa akin ang aking mangingibig at kaibigan, ang aking mga kasamahan ay nasa kadiliman” (Mga Awit 88:18). Na ibig sabihin, sino mang tao, pati na ang lalake, kung hindi lalapit sa Kaniya, sila din ay sasabihing, “Pinalayo mo sa akin ang aking mga kasamahan; ginawa mo akong isang bagay na kanilang katatakutan. Ako'y nakakulong upang ako'y hindi makatakas” (Mga Awit 88:8).

Ang totoong panganib nito ay kung ang babae (o sinoman) ay patigasin ang puso sa Kaniyang tawag na kanila ay dapat gawin. Kaya bilang tagapangasiwa, hindi ako dapat kailanman makialam sa kung ano ang nakikita kong ginagawa ng Diyos sa iba at umasa na sa pamamagitan nitong bagong paglalakbay ko, walang sumubok makialam o husgahan ako. Kahit sandali ay hindi ko maaring isipin na alam ko kung paano mangyayari ang Kaniyang plano. “’Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip, ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan’, sabi ng Panginoon. ‘Sapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip’” (Isaias 55:8-9). Sa halip, tulad ni Job, sasabihin kong, “Alam kong magagawa Mo ang lahat ng mga bagay, at wala Kang layunin na mahahadlangan. ‘Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman?’ Kaya't aking nasambit ang hindi ko nauunawaan, mga bagay na lubhang kahanga-hanga para sa akin, na hindi ko nalalaman. ‘Makinig ka at magsasalita ako; tatanungin kita at sa akin ay ipahayag mo.’ Narinig Kita sa pakikinig ng tainga, ngunit ngayo'y nakikita Ka ng aking mata, kaya't ako'y namumuhi sa sarili ko, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo” (Job 42:1-6).

Talaarawan