Sapagkat ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito;

at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling.

Kung ito'y parang mabagal ay hintayin mo;

ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.

—Habakkuk 2:3 (ABTAG2001)

 

Nitong umaga, sinimulan kong magbasa ng aking Bibliya, lalo na ang Mga Awit, lahat ng mga linyang na-highlight ko mula ng binuo ng Panginoon ang aking buhay may asawa nung 1991. Sa tabi ng mga linya ng Banal na Kasulatan, sinulatan ko ng “PF” na ang ibig sabihin ay Promise Fulfilled (Natupad na Pangako)! Kahit na gumugol ako ng higit sa isang oras na pagbabasa at pagsulat sa mga kataga nito, hindi ako nakakita ni isa ng pangakong hindi tinupad ng Panginoon.

Sa pagbasa at pagmarka ng PF ay nagkaroon ako ng oras na magnilay at balikan ang mga araw na tila hindi ko na makikita ang Diyos! Taon ng pagtawag sa Kanya, taon na tila ang ngayon (na aking napagtanto na bawat isa sa Kanyang pangako ay natupad) ay hindi na darating. Mahalagang dilag, kung hindi ako nagkakamali, ay ganun ka din sa ngayon. Naniwala kang may mas magandang araw, magandang panahon, at talgang ibinigay mo sa Panginoon ang iyong tiwala, subalit, ikaw pa rin ay naghihintay, naghihintay, naghihintay…

Makakamtan mo kaya ang kapayapaan, kasaganaan, at (kaya mo bang isipin?) ligaya sa iyong buhay? OO! Nandyan ako kung saan ka man naroon ngayon sa loob ng maraming taon, taon, taon! Kung titingnan ko ang aking naging buhay, marahil ay ganito ang sitwasyon ko sa loob ng… ay, ang aking math ay hindi ganun kagaling sa umaga! Ang buong buhay ko ay naging mahirap. Ang matalik kong kaibigan, na kilala ako mula ika-walong baitang, ay nagsabi na wala syang kilala sinuman na nagkaroon ng buhay ng tulad ng sa akin. Subalit, dahil ako ay nakapag byahe na, at kilala ko ang marami sa inyo sa ating samahan, alam ko ring marami sa inyo ang nakaranas ng buhay na mas mahirap. Pero sa tingin ko marami na rin akong naranasan at kaya ko na sabihin sa iyo na, OO, sulit ang paghihintay –at ang paghihintay mo ay mayroong nakalaang layunin!

Habang nagbabalik tanaw ako, napagtatanto ko na ang paghihintay ko ang humubog sa akin kung ano man ako ngayon. Ang paghihintay ko ang naging dahilan sa pagkakilala ko sa Panginoon katulad ng pagkakilala ko sa Kanya ngayon. Hindi ko Siya makikilala ng lubusan, at hindi ko Siya mapapahalagahan, o ang buhay ko, nang tulad ngayon, sa paraang kinakailangan ko Siya. Hindi ko mapapangasiwaan ang mga kababaihan, tulad ng nagagawa ko ngayon. Sa aking palagay ay dahil sa nabuo ang aking kasal kaya ako nakakapangasiwa ng mabuti. Kaya nung nawala ang aking nabuong kasal, akala ko ang pangangasiwa ko sa kababaihan ay tapos na. Subalit tulad ng lahat ng pagkabigo dahil sa aking diborsyo ay natulungan ko ang napakaraming kababaihan! At ang ibang katanungan ko kung “bakit” ay nasagot na rin. Noon akala ko ang aking ministro ay dahil sa nagkabalikan kami mag-asawa, at dahil dito, iyon din ang inasam ng mga kababaihang napangasiwaan ko, kung ano ang meron ako –ang magkabalikan ang mag-asawa. Ngunit, ngayon, nakikita ng mga kababihan ang aking ligaya at masaganang buhay, at ngayon gusto na rin nilang makamtan ang mayroon ako –ang aking Minamahal ng buong buo! O, magsdududa ba tayo sa Kanyang paraan o panghihinaan ba ng loob (o wag naman sana) sumuko nang di naghihintay sa lahat ng Kanyang pangako na matupad?!

Ang mabuting balita para sa inyong lahat na kababaihan sa mundo ay di mo na kailangang hintayin ang ligaya, kapayapaan o kasaganaan (kahit ang pag-ibig) na inaasam mo mula sa lalake o bagay o posisyon. Kahit inabot ako ng taun-taon upang marating ito sa buhay ko, ang mga taong iyon ay para lamang magamit ako ng Diyos na mabuo ang super-highway o bullet-train papunta sa inaasam natin sa pamamagitan ng pag-una ko sa malubak na daanan na napakaraming kababaihan ang nahuhulog. Ang pangalan ng freeway na ito ay Hesus, ang ating Minamahal na Asawa, at dadalhin Niya tayo sa Kaniyang mga naipangakong bisig ng pagmamahal. Maaring hinihintay mo ang mga pangako na matupad, pero ang paghihintayan mo ay nadisenyo para sa mga tulad mo. Interesado ka? Ikaw ay sumunod habang matutunan natin kung bakit ang Diyos ay inadyang dinisenyo na paghintayin tayo bago ibigay ang Kanyang mga pangakong nais Niyang ibigay sa sandaling alam Niyang tunay na handa na tayong mapanghawakan ito.

Bakit Tayo Naghihintay

Ang paghihintay ay isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng buhay Kristiyano; hindi natin alam kung paano ito gawin ng tama. Imbis na mapakinabangan natin ito, at masiyahan dito, naghihirap tayo; madalas hindi na inaabutan ang katapusan at dahil dito nawawalang ng bisa ang pangakong magtiwala sa Diyos.

Subalit malinaw ang sinabi sa Bibliya na kapag may ipinakita sa atin ang Diyos, kapag umiyak tayo sa pagtawag sa Kanya, may takdang panahon, na (madalas) ay hindi ngayon. Habakkuk 2:2-3, “At ang Panginoon ay sumagot sa akin: ‘Isulat mo ang pangitain, at gawin mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang ang makabasa niyon ay makatakbo. Sapagkat ang pangitain ay naghihintay pa ng panahon nito; at nagsasalita tungkol sa wakas—hindi ito magsisinungaling. Kung ito'y parang mabagal ay HINTAYIN mo; ito'y tiyak na darating, hindi ito maaantala.’” At ito ang dahilan kung bakit Siya ay nagsabing isulat ito, para mabasa nang madalas, sa kadahilanang Siya ay tapat.

Ang pag-intindi kung bakit tayo naghihintay ay marahil mas mahalaga sa paniniwala sa mismong naipangako. Sa madaling salita, kapag may ipinakita ang Diyos sa atin para sa hinaharap, ito ay dahil hindi pa tayo handang tanggapin ito, o lubusang maligayahan dito, nang wala ang naitakdang paghihintay.

Tingnan ang buhay ni Jose. Isa lamang siyang batang lalake nang magkapangitain na siya ay mamumuno at ang kanyang pamilya ay luluhod sa kanya pagdating ng araw. Subalit, kinakailangan niya pa ng maraming taon upang magtanda, sa panahong ito siya ay naghirap at lumago ang kaluluwa bago siya maging handa para sa responsibilidad o posisyon na nakatakda para sa kanya. Wala syang nagawa upang ito ay madaliin, o baguhin ang isip ng Diyos na siya ay handa na, upang ang naipangako sa kanya ay kanhyang makamtan at makita.

Sa isang banda ay si Moses. Isa siyang batang lalake nang tumakas papunta sa disyerto, at maraming taon siyang namuhay mag-isa bago siya naging handa sa pamumuno sa milyun-milyong tao papunta sa Pangakong Lugar.

Tingnan si Esther, na talagang hindi handa na maging reyna hanggang siya ay natutong maunwaan ang kanyang kapwa, ang mga Hudyo, sa ilalim ng pamumuno ng kanyang pinsan, Mordecai. Kinailangan niya ang buong taon upang gumanda bago niya tawagin ang kaniyang asawa, ang hari, na sa ordinaryong pagkakataon ay naipapatay na siya dahil sa kaniyang ginawa. Alam ng Diyos na hindi pa siya handa na harapin ang pambihirang gawain na maisalba ang kapwa nya Hudyo, pati na sa paghayag sa kaniyang totoong pagkatao na isa rin siyang Hudyo.

Subalit ang paghintay ay hindi lamang para sa ating kabutihan, ito rin ay dahil sa hindi pa tama ang oras. Ang Diyos ang namumuno sa buhay ng tao at sa mga pangyayari upang mangyari ang mga bagay-bagay sa tamang panahon para sa Kanyang kaluwalhatian. Madali sa ating kalimutan ito, dahil natural na tayo ay makasarili at nakatuon lamang sa ating sarili. Ang alam lang natin ay pagod na tayo maghintay, habang nalilimot na ang Panginoon ay nalalapit nang mapuri at dahil dito ibibigay ng Diyos ang inaasam na himala sa ating buhay.

Sa aking sitwasyon, kinailangan ang napakaraming taon upang maging handa ang aking emosyon at espiritu, pati na rin ang paglugar ng Diyos ang lahat ng Kaniyang pangako sa akin at maipakita ang liwanag sa iba. Kahit na minsan pinangarap kong mapabilis ito, nakikita ko ngayon na wala pang handa sa anupaman kung napaaga ito ng kahit isang araw. Pero ating pag-usapan ang panahon sa gitna ng paghihintay na madalas ay naghihirap tayo, na nagdudulot ng pag-iisip kung tunay bang may pakialam ang Diyos.

Hindi ba ito naman ang punto ng lahat ng ito?

Kapag tayo ay nahihirapan at ang sitwasyon natin ay hindi nagbago, nagsisimula tayong magduda sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Magtataka tayo kung Siya ba ay may pakialam sa atin tulad ng pakialam Niya sa iba na hindi kinailangang maghintay nang kasing tagal ng paghihintay natin. At sa ganitong negatibo at nakakasirang pananampalatayang pag-iisip, madalas ay tumatalikod na tayo at iniiwan ang Kanyang pangako, tinatalikuran natin at iniiwant ang Kaniyang pangako, lumilisan, papunta sa ibang bagay na maaring makuha na agad ngayon. At kung ang orihinal na pangako ay sana matatanggap na, madalas ay wala na tayo at wala na ring pakialam na ang Diyos ay naging tapat sa atin. Nakakalungkot.

Ganito ang mga Kristiyano –ngayon na o hindi kailanman, at kung bakit ang parehong mga taong ito ay binibigay ang lahat ng kanilang husay upang ikaw ay mamuhay din ng tulad nito. Gusto nilang maniwala kasama ka at ipagdasal ka sa loob ng katanggap-tanggap na panahon, at kung ang pangako ay hindi natupad, gagawin nila ang lahat upang magduda ka sa pagbigay ng Diyos sa pangakong ito. Ang pagpatuloy sa pagdasal sa isang bagay na hindi natatanggap kaagad ay hindi na akma na paghirapan –na mayroon silang mas magagandang bagay na magagawa sa kanilang oras at pagdadasal.

Aminin natin, namumuhay tayo sa “ngayon” na taliwas sa paraan ng Diyos. At ang mas malala pa dito, ay ang napapa-agang pamumuhay ng ganito. Nakikita natin ito kung saan saan. Ang mga kababaihang pagod na mabuntis ay pinipilit manganak; o ang mga natural na nanganganak, minamadali nila gaimt ang mga gamot o binubutas na ang patubigan. Oo, madaling bumigay sa ganitong mga temptasyon kapag naghihirap, lalo na at nandyan ang duktor o nars na handang magbigay ng madaliang ginhawa.

Hindi natin hinihintay ang mga gusto natin, kahit mga kabagayan. Ngayon, wala na tayong pinag-iipunan. Maari na nating bilhin lahat ng gusto natin ngayon, at bayaran sa ibang panahon. Hindi naman ito bago, matagal na itong nangyayari. Tingnan natin si Sarah na nakuha ang kanyang pangako buhat kay Hagar, subalit pinagbayaran ito sa ibang pagkakataon. At lahat tayo ay nagbabayad pa rin sa pagkainip ni Sarah na nakikita natin sa patuloy na mga giyera, karahasan, poot, at pag danak ng dugo sa Gitnang Silangan sa gitna ng mga anak ni Abraham, Ishmael (Islam) at Isaac (Israel). Kung si Sarah lamang ay naghintay sa ipinangako sa kanya.

Madalas nating nalilimot na nauuna tayo sa Diyos at nadadamay nito ang iba, at ito ay dahil makasarili tayo. Hangga’t hindi natin ninanais ang kagustuhan nang Panginoon kaysa sa ating kagustuhan natin tunay na matitiis hanggang katapusan. Kung nakikita lamang natin kung ano ang pangako, or mga pangako (bawat isang nasambit sa atin) -kung paano ang buhay pag dating ng panahon -mas matitiis natin ang mga kaganapan hanggang sa dulo, at maaring matuto pa tayong lumigaya sa paghihintay.

At paano naman ang ibang mga naiisip natin, ang mga walang kabuluhang imahinasyon? Ang mga walang kabuluhang imahinasyon bang ito ay nakakasagabal sa ating pananampalataya o ito ay paraan upang makamit natin ang ating ninanais na mapuntahan? Para sa akin ay maaring pareho. Kung tayo ay namumuhay sa ating imahinasyon, maaring mawala na natin ang ating sarili doon, at maligaw ng landas. Ngunit naniniwala din akong maaring makabuti ang ating imahinasyon sapagkat ito ay “imahinasyon o paniniwala” sa kung ano ang hindi nakikita at pag bigay ng ating galling upang makita ang pag-urong sa ating kabundukan. Subalit ang mamuhay sa mundo ng imahinasyon ay pagwalay sa pagtingin sa Diyos at kung ano ang mayroon para sa atin dito, sa ating paghihintay, sa gitna ng pinaka mahihirap na pagkakataon kung saan tayo ay mapapainam at maihanda.

Sa aking pagbalik tanaw, nakikita ko ang Diyos sa pagbigay Niya ng lakas sa akin upang matiis ko ang mahabang paghihintay at ang mga taon na iba’t ibang paghihirap – lahat para maihanda ako ngayon tulad ng kay Jose at Moses. Ngayon ko lamang kayang kumalma habang namumuhay sa mundong napakabilis ng takbo, puno ng pagsiubok sa araw araw at hindi ko ito mahaharap kahit nung ang edad ko ay trenta o kuwarenta. Wala akong alam kung paano Niya ginawa, pero iyon ang mahalaga –ito ay bagay na Kaniyang ginawa, hindi ako ang gumawa, at lahat ito ay nangyari habang naghihintay. Hinuhubog tayo ng Diyos sa bawat sandali, araw araw, sa bawat panahon at pagkakataon ng buhay natin. Walang hindi mahalaga at walang kabuluhan. Lahat ay pangkasanayan at paghubog na maghahanda sa atin kung saan tinatawag Niya tayong gawin. Naniniwala akong karamihan sa mga babaeng tinawag upang magsilbi at magamit Niya ay napaka abala para makita kung ano ang ginagawa ng Diyos at madalas ay nakakaligtaan ang tawag o hindi nagiging handa sa tawag nang ito ay dumating.

Sila din ay nabibigla sa kalakhan ng tawag na sila ay natatakot na kumilos tungo dito. Kaya kong sabihin, minamahal, isa ka sa mga kababaihang ito. Binigyan ka ng Diyos ng pangitain na hindi kapani-paniwala na nagdulot ng pangamba sa iyo, sa pag-isip na maaring totoo ito. Kaya itigil mo ang pag-isip sa kalakhan nito, sa halip, hindi mo natatanggap kung ano ang maghahanda sa iyo, dahil ikaw ay nagdadasal at nagmamakawa na magbago ang paghihirap mo ngayon. Ganyan ka ba ngayon? Kinikinita kong may ilang mga luha ang dadaloy habang pinakikita Niya ang liwanag sa mga nakatagong bahagi ng iyong puso. Alam ko dahil pinagdaanan ko rin ito. At sa totoo lang, sa ibang paraan, ako ay bumabalik rito, dahil sa ipinakita ng Diyos na mas malalaking bagay na inaasam Niya para gawin ko at ito ay mga bagong pangako –malalaki, di kapani-paniwala, at totoong nakakatakot na pangitain.  

Gayunpaman, sa oras na ito ay nangako akong pagdadaanan ko ang lahat at maliligayahan sa paghihintay. Sa ganitong paraan maaari kong mapagtibay ang aking pananalig, at magamit ang mga oras na ito habang naghihintay. Sa bawat araw ay tinitingnan ko ang lahat ng biyaya ng Diyos sa akin at pinasasalamatan ko Siya sa mga ito (tulad ng aking nasabi sa unahang bahagi ng kabanata). At ngayon, sa panahong ito, titingnan ko ang ganda ng paligid ko sa mundo na nagawa Niya para sa ating Kaniyang mga napangakuan, ikaw at ako. Kukunin ko ang oras na ito upang magmahal at namnamanin ang bawat tao na ipinagkaloob ng Diyos sa akin, tulad ng pagmamahal at pagbigay importansya Niya sa iyo at sa akin.

Sa araw-araw, uulit-ulitin ko sa aking Minamahal na Siya lang ang gusto ko at Siya lang ang kailangan ko. At sa tuwing nakikita ko ang maaring mangyari sa hinaharap o mabasa ang isang pangako sa Bibliya, aasa akong ito ay darating, at hindi na mag-aaksaya ng panahon isipin kung tama ba ang narinig ko sa Diyos –kahit gaano man magmukhang malaki ang pangako o nakikita ko. Basta maniniwala ako sapagkat kilala ko ang Diyos at alam ko kung paano Siya kumikilos. Sa dami ng nagawa Niya sa aking buhay alam kong tapat Siya. At kung sa tingin mo hindi sapat ang pananampalataya sa iyong buhay, tingnan mo ang buhay ko (o ang buhay ng iba nating kasamahan). (At kung di ka kabilang sa samahan, dapat ikaw ay sumama na, dahil ang mga kababaihan sa samahan namin ang nagpapatibay sa akin!)

Bago ko tapusin ang kabanatang ito, hayaan mo akong magsabi sa iyong tunay na naghihikahos dahil ako ay nagmula din diyan. Una, ang paghihirap na ito ay may layunin; alam ko dahil naging buhay ko ito. Ang wasak at nagsisising puso ay hindi madaling makamtan ninoman, at tunay itong masakit, subalit kailangan lamang nating tingnan ang buhay ni Hesus para maintindihan na naiintindihan Niya at tunay na “alam Niya ang pighati”. Ito ay minsan mahirap intindihin para sa atin kung paanong ang Diyos, Siyang Ama, ay hinayaan na magdusa sa krus ang Kanyang nag-iisang Anak. Nakitang nagmakaawa ito sa Hardin ng Gethsemane, ngunit di pinigilan nang marinig ang Anak Niyang umiyak at namilipit at nakipagbuno sa kung ano ang alam Niyang mangyayari, maari nating maintindihan dahil ngayon natatanaw natin ang kalalabasan nang pag-alay Niya sa Kanyang Anak upang matapos ang layunin nito.

Paanong ang Ama sa langit ay pinapanood ang pinakamamahal Niyang anak na si Hesus na binuhat ang kanyang krus sa mga kalsada, alam Niya, na mahahawakan nito ang Kanyang katawang wala nang buhay matapos ang ilang sandali. (Pero nagpadala ang Diyos ng bubuhat ng krus Niya at Siya din ay magpapadala ng bubuhat ng krus mo, magsabi ka lang.) Naisip mo ba kung paanong and Diyos Ama ay pinanood lamang ang Kaniyang Anak sa krus habang siya ay nakapako naghihirap at nang mamatay, subalit hindi Niya tinigil ang paghihirap at dusa nito? Hindi ba nakita ng Diyos ang ligaya sa mukha ng mga nag-aabang sa araw na si Hesus ng Nazareth ay mamatay sa wakas? Hindi ba Niya narinig ang mga insulto at pangungutya na binabato sa Kaniyang Anak mula sa katauhan at ang mga walang interes sa sakit ng Taong ito, ang perpekto at walang bahid ng salang tao, na kanilang pinaghatian ang Kaniyang mga damit sa pamamagitan ng pagsugal? Paanong hinyaan ito ng Diyos mangyari? Bakit hindi Niya ito hininto, huwag hayaang lumipas ang isa pang sandali? Mananalo ba talaga ang kasamaan, tunay bang masisira ang kabutihan na ginawa ni Hesus habang nandito sa mundo?

Alam nating ang katotohanang nagkaroon ng layunin, ang Layunin na dinisenyo upang maligtas tayo. Kinaligtaan ng Diyos Ama lahat ng sakit, insulto, paghihirap at pangungutya ng mga tao sa ating harap, ang mukha mo at akin (at ng kaibigan, kapitbahay, kapatid, inay, itay, at anak) na kinailangan ang kanyang mahalagang dugo na unang tumulo mula sa Kanyang pawis, sa Kanyang korona, sa papghahagupit sa Kanya, at huli mula sa mga pako sa Kanyang kamay at paa –kahit sa Kanyang nasibat na tagiliran. Bawat isang tulo nito ay kailangan upang mailigtas tayo. Wala ni isang patak ang nasayang, hindi nawala ang paghihirap ni Hesus at ng Diyos na nanunood, nagtiis para sa iyo at sa akin.

Sa bawat sandaling nahihirapan ka aking mahal, tulad ko, alalahanin mo si Hesus at ang ginawa Niya para sa iyo at sa akin. Kung paano Niya tayo tinutulungan ngayon, upang ang bawat hagipit ng sakit ay may nakalaang ispesyal na layunin. Ang pagalala ang nagbigay sa akin ng kahabagan upang matulungan kita ngayon. Maniwala ka dahil pinagdaanan ko kung ano man ang pinagdadaanan mo, at tunay kong naiintindihan. Minamahal ka ng Diyos at may pakialam Siya sa iyo. Kung bawat masasakit na bagay sa nakaraan ay tinapos ng Diyos para sa pagkilala sa Kaniyang Anak, hindi ba gagawin Niya rin ito ng may magandang plano para sa iyo at sa iba na makikinabang dahil sa pagtanggap mo ng paghihirap? Habang lumalapit ako sa iyo at dinamayan ka, upang gawin mo din sa mga kababaihan sa iyong paligid na hindi ko makikilala at nmngangailangan din ng kalinga. Walang iba kundi ikaw ang makaka-intindi o magbibigay ng kalinga at pag-asa na kailangan nila.

Mahal kong nagbabasa, ang Diyos ay may layunin para sa iyong paghihintay. Bawat luhang pumatak ay kinukolekta Niya sa kanyang botelya. Kaya ngayon, isara mo ang librong ito at pumunta agad sa iyong dasalan, at hayaan Siyang kalingain ka at hayaan Siyang lunurin ka sa Kaniyang pag-ibig. Kaya Niya at gagawin Niyang bigyan ka ng kapayaaan sa gitna ng unos na ito, ligaya sa iyong wasak na puso, at lakas sa iyong nanghihinang katawan at kaluluwa. Ang ating Asawa, mahal ko, ay naghihintay lamang sa lugar ng iyong katahimikan kung saan  pupunasan Niya lahat ng luha at kahihiyaan mo. Pumunta ka dun at lumabas na handang kalingain ang iba tulad ng kalinga na kinailangan natin mula sa Buhay na Diyos –ang ating Asawa sa Langit.

Talaarawan