Magbigay kayo at kayo'y bibigyan din;

hustong takal, siksik, liglig,

at umaapaw pa

ang ibibigay sa inyo.

 Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba

ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.”

— Lucas 6:38 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

 

Ngayon, ako ay nasa kalagitnaan ng isang maliit na krisis sa pananalapi, kaya’t walang ibang mas kahanga-hangang panahon kundi ngayon upang ibahagi ang isa sa nakamamanghang prinsipyong itinuturo ng Diyos sa aking buhay? Karamihan sa inyo na nahaharap sa diborsiyo at paghihiwalay ay makakaranas din ng problemang pinansyal dahil sila ay laging magkasama. At dahil sa problemang ito sa pananalapi, nakakakita ng pagkakataon ang takot upang pahirapan ka at atakihin ang iyong pananampalataya. Ito ay nasasabi ko mula sa aking sariling karanasan.

Ang magandang balita ay, kung ating uunawain at yayakapin ang prinsipyo ng pagbibigay sa kalagitnaan ng ating pangangailangan, iyong mahahanap, kagaya ko, na ginawa ng Diyos ang mga pagsubok upang mas mapalago kung ano ang mayroon ka, hindi upang subukin lang ang iyong pananampalataya. Hayaan mong ipaliwanag ko sa ganitong pamamaraan: kung mayroong “pagkukulang” sa iyong pinansyal (o sa kahit na ano pang lugar sa iyong buhay), gusto ng Diyos na ikaw ay magbigay (kung saan ka Niya ituturo), upang Kaniyang mapalago ang kung anong mayroon ka.

Oo, gusto ng ating laman na gawin ang kabaliktaran nito; kapag tayo ay nangangailangan ay malamang na ating itago o ipagdamot ang mayroon tayo. Ngunit tulad ng lahat ng bagay na espiritwal, kailangan nating pahinain ang laman (sa pamamagitan ng hindi pagtugon dito) at lumakad sa gabay ng espiritu upang ito at ang ating pananampalataya ay lalong tumibay. Dahil sa katotohanang ito, magkakaroon ka ngayon ng kakayanan na baguhin ang takbo ng iyong pag-iisip, kaya kung magkakaroon ng kakulangan, ikaw ay magdiriwang dahil alam mong ginawa ng Diyos ang pagkukulang na ito upang magbigay ng karagdagan sa iyong buhay!!

Noong sinabi ng aking asawa na siya ay makikipag-diborsiyo sa akin, sinabi rin niya sa akin na iiwan nya ang lahat ng utang ng aming pamilya (na karamihan ay itinago), at hindi siya magbibigay ng sustento para sa mga bata. Mga kababaihan, kung kayo ay ginigitgit pabalik sa Red Sea, na aking masasabi, ay isang kaaya-ayang lugar na puntahan, hindi ito ang oras para mataranta. Ang ibig lamang nitong sabihin ay magpapakita ang Diyos! Sa totoo lang, mas gusto ko ang mga malalaking krisis kaysa sa maliliit dahil mas madalinkong nakikita na ang Diyos ang may gawa nito sa akin. Naiisip ko dati na ito ay demonyo o ibang bagay na hindi maintindihan (katulad nung taong gustong manakit sa akin). At dahil sa kamangmangang ito, hindi ko lubos maisip kung ilang beses kong pinalagpas ang isa sa mga biyaya ng Diyos dahil sa nilabanan ko ito—habang Siya ay sumusubok na biyayaan ako. Hindi rin ako sigurado, ngunit wala akong naaalalang kahit na sino na nagturo sa akin ng prinsipyong ito, ito ba ay sapakat wala talagang nakakaunawa dito?

Kaya atin itong klaruhin, kung kayo ay nahaharap sa kakulangan o makahanap ng isang taong nagtutulak sa iyo upang magkaroon ka ng pagkukulang—huwag itong labanan at pakiusap huwag ding mataranta; sa halip magdiwang— sapagkat bibiyayaan ka ng Diyos! Itong bersikulo ang nagturo sa akin ng dapat kong gawin, “Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong  sa masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa. Kung isakdal ka ninuman upang makuha ang iyong damit, ibigay mo ito sa kanya pati ang iyong balabal. Kung pilitin ka ng isang kawal na pasanin ang kanyang dala ng isang milya,[a] pasanin mo iyon ng dalawang milya.” (Mateo 5:39-41).

Ngunit, kahit na sinabi sa atin ni Hesus ang dapat nating gawin, mas gusto pa rin nating kumapit sa ating mga damit o itago ito. At tulungan nawa tayo ng Diyos, ayaw nating tumahak ng isa pang milya! Sa kabaliktaran, kahit ang mga Kristiyano ay naghahanap ng abogado upang maitago ang pera at makakuha pa mula sa taong gusto ring kunin ang ano mang atin. Iyon ang binayaran mo sa iyong abogado, kaya’t ako ay nagpapasalamat na naturuan ako ni Erin ng maaga na magtiwala lamang sa Panginoon na lumaban sa aking mga giyera at pakawalan ang abogado.

Ating harapin ito, kung tayo ay gagaya sa gingawa ng mundo, pinapakita natin ang ating kamang-mangan sa Salita at Pamamaraan ng Diyos, at nagpapatunay na hindi Niya tayo mga anak, dahil kung anak Niya tayo, hindi tayo kikilos ng walang kahihinatnan! At sa panahon na tayo ay kumilos ng tama na naaangk bilang tagapag-mana ng ating Ama sa Langit, mapapatunayan nating tayo ay kakaiba at hindi maiiwasan na maakit sa atin ang mga naliligaw at hindi kalaunan sila din ay maniniwala kay Hesus. Ikaw ba ay maniniwala sa karagdagang bonus na ito sa ating paglago?!

Ito ang kahuluhagan ng “pagpapatotoo” sa mga naliligaw, hindi ang pagtuturo sa kanila ng daan o pagbabasa ng Roman’s Road to salvation. Kailangang masaksihan ng mga naliligaw kung paano tayo mamuhay ng kakaiba sa kanila.

Kaya’t pagtapos ng bawat sitwasyong nangangailangan o nagkukulang na mistulang binabato sa akin sa bawat sulok,  at dahil sa kinikilala ko sa aking mga labi na, “Diyos ko alam kong ako ay bibiyayaan mo!” Maaaari akong magpunta sa aking kwartong dasalan upang kausapin ang Panginoon at malaman kung paano Niya gustong panghawakan ko ang bawat sitwasyon.

Isang halimbawa, noong isang linggo ay nakatanggap ako ng mga papeles mula sa aming accountant na nagsasaad na kami (na ngayon ay “ako” na lamang dahil sumang-ayon akong angkinin ang utang) ay nagkakautang ng libo-libo sa balik buwis. Nakababaliw man pakinggan, ako ay nasasabik kung ano ang gagawin ng Diyos dahil alam kong siya ang may kagagawan ng buong sitwasyon upang ipakita sa akin ang Kaniyang kapangyarihan at katapatan. Gusto ng Panginoon na Siya ay pinupuri, at tulad ng kahit sinong asawang lalaki, nais Niyang ipaalam sa akin kung gaano Siya kahanga-hanga bilang aking asawa dahil ngayon  ako ay ang Kaniyang bagong bride (o sa pakiramdam ko ay bagong kasal ako)!

At, dahil alam kong ang pananalapi (o kahit anong kakulangan) ay madaling nagiging sanhi ng takot, hindi ko binasa ang tambak na papeles ng maigi, at hinayaan lamang sila sa aking lamesa hanggang kinabukasan ng umaga upang magkaroon ako ng sapat na panahon upang maikwento ang mga ito sa Panginoon. Nais kong malaman kung ano ang gusto Niyang gawin ko, at hindi rin makabuo ng plano (hindi ko plano o kahit kanino kaya’t hindi ko rin kinukwento ang problema ko sa kahit na kanino!). Huwag nating kalilimutan na ang bawat problema, pagsubok o krisis, may nakahandang Biyaya ang Diyos sa huli dahil ito ay Kaniyang plano. Hindi Niya nais na gumawa tayo ng sarili nating plano kung paano malulusutan ito. Sa halip, naghihintay lamang Siyang lapitan natin, hind isa estado ng pagkataranta o pagmamakaawa, ngunit sa lubos na pagtitiwala ng isang batang lumalapit sa kaniyang ama dahil alam nitong kakayanin (at gugustuhin) nitong maayos ang kahit na ano.

Sa aking kwartong dasalan sinabi ng Panginoon sa akin na Siya ang “bahala” sa akin at ako ay aakayin Niya sa bawat hakbang sa tamang daan tungkol sa aking mga buwis. Ng hindi tuluyang sinabi, pinaalala Niya sa akin kung ano ang nangyari ilang linggo na ang nakalipas noong simulan kong gawin ang mga prinsipyong ito: noong ako ay nagbigay kahit na wala na akong ilalabas  (at dahil Siya ay nagbigay ng abilidad na magbahagi oras na sinabi ko sa Kaniyang gagawin ko ito), at ako ay binigyan Niya ng hindi inaasahang biyaya ng libong dolyares!

Balikan natin ang mga balik buwis. Sumunod na umaga, inakay  Niya ako upang kuhanin ang aking checkbook at simulang basahin ng maigi ang mga papeles na naglilista ng iba’t-ibang cheke para sa federal at state back taxes na aking pinagkakautangan. Sa kada paglipat ko ng pahina, palaki ng palaki ang halaga ng dapat kong bayaran hanggang mapansin ko na ako ay nagkakautang ng libo-libong halaga na sisimot sa napakagandang safety net (ang libong dolyares na natitira sa aking bank account), at habang nagbabasa,, naririnig kong bumubulong ang Panginoon sakin, “Nagtitiwala kaba sa akin?” at ako ay napangiti sa aking sagot, na siyempre “Oo naman!”

Kaya inakay Niya akong sumulat ng cheke para sa bawat isa rito. Noong ako ay natapos, inakay Niya akong iwan ang mga cheke sa aking lamesa. Noong gabing iyon at kinabukasan ng umaga, sa tuwing maaalala kong muli ang tungkol sa mga balik buwis, sinasabi ko sa Pinakamamahal ko na Siya lang ang gusto ko at Siya lang ang kailngan ko at kung gaano ko Siya kamahal at hinahangaan. Noong sumunod na umaga, habang aking inilagagay ang lahat ng cheke sa kanya kanyang envelope upang mailiham, minulat ng Diyos ang aking mga mata sa katotohanang hindi ko maaaring ipangalan ang mga chekeng ito mula sa church account na mayroon ako, dahil sila ay mga personal na buwis kailangan kong mabayaran gamit ang aking personal na account! Kung ang halagang ito ay sapat para masimot ang  malaking safety net sa aming church account, walang paraan na magkaroon ako ng ganoon kalaking pera sa aking personal na account!

Ngunit noong sinabi ko sa Panginoon ang tungkol rito, tinanong Niya muli ako kung ako ay nagtitiwala sa Kaniya at sinabi Niya sa akin na, “Andoon lang iyon.”

Mga kababaihan, hinihinging tayo ay magtiwala sa mga bagay na hindi natin nakikita, at magtiwala sa Diyos para sa bawat milagro sa pananampalataya, kaya ako ay naniwala kahit pa “nakita” kong ako’y walang-wala, at muling kamangha-mangha ang katapatan ng Diyos! Inakay muli ako ng Panginoon na sulatan ang mga cheke paisa-isa mula sa aking personal na account, hanggang sa may natira na lamang na isang cheke na kailangan ko pang bayaran. Noong ginawa ko ito, napagtanto kong ito ang pinakamalaking halagang cheke at ako ay nagsulat sa ibang ng “wala sa ayos” mula sa kanilang due date. Doon inumpisahan ng kalaban na guluhin muli ako sa pag-iwan sa isang ito na hindi bayad at pahirapan ako sa pagbabayad sa mga utang na “wala sa ayos”. Ngunit nagpatuloy ako at pinabayaan ang isang utang na iyon ng halos isang linggo hanggang inakay ako ng Panginoon pabalik sa mga papeles at checkbook.

Noong natapos at nasabi na ang pagsubok na iyon, nabayaran ko lahat ng aming balik buwis mula sa aking personal na account!! Walang paraan para maging posible ito—wala!! Ngunit nakagawa Siya ng paraan, bagaman hindi ko lubos maipaliwanag kung paano Niya ginawa!

Kaya, noong ako ay humarap muli sa panibagong pinansiyal na krisis ngayong linggo, ang lahat ng aking sariling testimonya ay tumakbo sa aking isip, noong ako muli ay ginipit pabalik sa Red Sea. Sigurado aking ito ay epekto ng mga balik buwis, ngunit ngayong linggo noong oras na para bayaran ang aming bahay, alam kong wala akong ibabayad dito. Walang-wala ako. Ang nakalulungkot, ngunit nakatatawa, wala akong kapera-pera upang bayaran ang field trip ng aking tatlong nakababatang mga anak—na may kabuuang halagang $6.00 lamang (ako ay umaasang matatawa din kayo)! Katatapos ko lang magsukat ng cheke para sa pasahod at pagbabayad ng bayarin ng simbahan noong ako ay naharap muli sa Red Sea.

Ang isa pang nagpatawa sa akin ay ito ay isang aspeto na tinutuligsa palagi ng aking FH at parati niyang sinasabi na mangyayari. Umabot pa sa puntong sinabi niya sa aming mga nakatatandang mga anak na “mawawala ang aming bahay” dahil sa “hangal na pagbibigay” ko at ako ay isang hangal  na umaakong dahil ito sa “pananampalataya”. Hindi ko na pinagtangkaang ipagtanggol ang aking sarili sapagkat alam ng Panginoon na ako ay isang hangal. Sinabi sa 1 Corinto 1:27 na, “Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas.” Oo, ako iyon.

Kaya kahit  na pangkaraniwang kong ginagawa ang lahat ng accounting tuwing Sabado, wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. Sa tuwing hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, wala akong ginagawa; Hindi ko din sinubukang isipin kung ano ang dapat kong gawin. Muli, iniwan ko ang checkbook at lahat ng bayarin at umakyat at mamahinga sa kasama ang Panginoon at ang Kaniyang kabutihan. Ginamit ko lahat ng pagkakataon na mapag-isa kasama ang Panginoon hindi upang ako ay matiyak Niya, hindi para umiyak at magmakaawa, sapagkat ako ay punong-puno ng sigla at kagalakan. Napag-isa ako kasama Siya upang palakasin muli ang pagmamahal ko para sa Kaniya at Siya para sa akin—pagsasabi sa Kaniya na Siya lang ang aking gusto at kailagan. Sa nalalapit na pagtatapos na pagtatapos ng aming usapan noong sinabi Niya sa akin na “Nandoon iyon,” na nangagahulugang ang pera ay nandoon lamang.

Alam kong hindi ko alam kung saan ito nakatago, ngunit kapag sinabi Niyang andoon ito, ipapakita Niya sa akin kung paano ito matatagpuan.

Hayaan mong putulin koi to para sabihing maraming nagawang maganda ang Diyos sa pagbuo ng aking pananampalataya. Nakita ko kung paano Niya ginawa ang nakamamangha, at pataasin ang aking pananampalataya, at ako ay nag-uubos ng maraming iras sa isang araw sa pag-iisip kung paano Niya ako tinulungan at Biniyayaan. “Sa pagbibilang” at paglilista ng mga biyaya, isa-isa araw-araw ang nagpapatulog sa akin,at ganito rin akong gumising sa pamamagitan ng pag-uulit sa kanila. Ginagawa koi to upang baguhin ag aking pag-iisip, at sa bawat oras na nakakasama ko Siya ay gusto ko ring sinasabi kung gaano nakamamangha ito, o iyan.

Sa karagdagan, hindi ko itinatago ang mga nakagagagalak na bagay sa sarili ko. Marami rin akong natatagpuang pagkakataon upang sabihin sa ibang tao ang milagrong nagawa Niya. At dahil ako ay may limang anak, gusto kong sinasabi sa kanila ng magkakahiwalay.

Dahil tuwing ako ay nagkekwento ng tungkol rito, mas lalong lumalakas ang aking Pananampalataya (At sa kanila) at nagbibigay ng papuri na karapat-dapat sa Diyos. Kadalasan, tuwing dumarating ang Diyos para sa atin, hindi natin tinatanggap na ito ay nangyari. Ito ay nagpapahina sa ating pananampalataya sa halip na magpalakas dito. Ang mga nag-aabakang magpadala ng praise reports sa RMI, na gustong-gusto ko nga palang binabasa, at mga nag-aaksaya ng panahon na ibahagi ang katapatan ng Diyos sa ibang tao ang mga nakasasaksi ng magaganda at kamangha-manghang bagay sa kanilang buhay! Kaya’t kung mayroong nagawang maganda ang Diyos, isipin mo kung paanong hindi mo alam ang gagawin noon, at kung gaano kaperpekto ka natulungan ng Diyos sa pinagdaanan mo. Isipin ito ng paulit-ulit at ibahagi ang iyong testimonya sa ibang tao tuwing ikaw ay inuudyok ng Diyos at binibigyan ka ng pagkakataon. Tinutupad din nito ang prinsipyo ng pagbibigay tuwing ikaw ay nangangailangan, at ang “pagsaksi”. Kaya’t kung kailangan mo pa ng pananampalataya, ibahagi ang kung ano mang mayroon ka sa pagsasalaysay ng nangyari sayo sa nakalipas.

Kaya’t noong sumunod na umaga, araw ng linggo, nagising ako sa normal na paraan at sinasabi sa Panginoon kung gaano Niya ako napapasaya at kung gaano ko Siya kamahal at pag-iisa isa ng lahat ng magandang bagay na ginawa Niya para sa akin noong nakalipas na araw noong may inilagay ang Diyos sa aking isip. Pinaalala Niya na noong lumipat ang aking FH, humingi siya ng “utang”, na nagdulot sa pagkasimot ng aking pera (na naging dahilan kung bakit halos imposible na makapag-pasahod kami. Ngunit, hindi ko pala siya “pinautang”, at sa halip ay ibinigay ko ang pera sa kaniya at sinabi na ito ay isang regalong hindi niya kailangang bayaran). Noong linggong iyon, dahil may kakulangan, sinabi Niya sa akin na huwag akong kumuha ng sahod para sa sarili ko, (o hindi ko mababayaran ang aking mga empleyado). Ngunit naalala ko, mayroon parin akong malaking safety net (na naroon parin dahil milagrong ako ay nakapagbayad ng mga buwis muka sa aking personal na account!). Kaya, kagaya ng sinabi ng Panginoon, ang pera ay nandoon! Kaya binayaran ko ang aking sarili ng sahod na hindi ko nakuha noon, ngunit habang nagkukwenta ako sa aking isip, kulang padin ito—ngunit hindi! Nabayaran ko lahat (hindi ilan lamang) ng personal na bayarin ng aming pamilya! Kung kaya’t kahit mahigit na 24 oras na simula ng lumipas ang milagrong ito, hindi parin ako makapaniwala at ako parin ay natutulala kung paano Niya ito nagawa!! Imposible. Marcos 10:27, “Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”

Bago ko nabayaran ang aming bahay, inudyok ako ng Panginoon na gumawa ng malaking cheke para sa aming mga Misyonero sa Afrika, at marami paring natira sa aking personal na account! Kinalaunan, noong aking napagtanto na gusto ko pang palaguin ang naiwan sa akin (hindi lang upang mabayaran ang mga gastusin sa bahay), tinanong ko sa Panginoon kung paano Niya pa ako gustong magbigay. Sa isang iglap ay naalala ko na isa sa mga anak kong lalaki ang nangangailangan ng bagong comforter set para sa kaniyang kuwarto. Kaya, habang may inasikaso akong mga bagay ilang araw na ang nakalipas, nakakita ako ng mga panglalaking comforter sa malapit na tindahan, at naalala kong noong lumipat kami sa bago naming bahay, ang anak kong ito ang hindi nabilhan ng bagong comforter set para sa kaniyang kama. Kaya pagkatapos kong magsimba, nagpunta ako sa tindahang pinaalala ng Panginoon sa isip ko. Alam kong mahahanap ko ang kailangan ko, kaya nakita ko ito. At kinalaunan noong sinabi ko sa aking anak kung ano ang nabili ko para sa kaniya, sinabi niya sa akin na palagi niyang naiisip ang pangangailangan niyang ito, ngunit wala siyang perang pambili, kaya nagtiwala siya sa Panginoon para maghandog sa kaniya. Gusto siyang biyayaan ng Diyos at ako ang ginamit Niya!

Dahil mayroon paring pangangailangan sa aking bank account, at alam kong ang Diyos ang nagdulot ng ganitong pangangailangan upang sa muli, mapalago kung anong mayroon ako, ako ay patuloy na maghahanap ng pagkakataon upang magbigay. Maraming ibat-ibang ideya ang pumapasok sa aking isip, ngunit ako ay maghihintay at hahayaan ang Panginoon na simulan ang pagbubukas ng pinto ng mga ideya Niya at hind ng mga naiisip ko. Ang gustong-gusto ko ay hindi natin kailangang gumawa ng lahit na ano upang mangyari ang mga bagay, ang kailangan lang natin gawin ay lumakad patungo sa pintong paliliwanagin ng Panginoon sa ating isip o puso, at hintayong buksan Niya ang pinto (katulad ng isang tunay na Maginoo). At kung walang pintong nagbukas, magpatuloy na maglakad patungo sa ibang pinto. Huwag na huwag, ipilit na buksan ang pinto—ang Kaniyang pamamaraan ay walang kahirap-hirap; ang hirap lang na kailangan mong pagdaanan ay ang pananampalataya. 

Testimonya: Maraming Pagbibigay

Ang prinsipyong ng pagbibigay tuwing ikaw ay nangangailangan ay hindi lamang para sa pinansyal at pera, ito ay para sa bawat aspeto ng iyong buhay. Noong aking nararanasan ang epekto ng pagiging “single na ina ng lima,” tinanong ako ng anak kong lalaki patungkol sa kaniyang kaibigang makikitira sa amin ng isang linggo dahil wala itong mapupuntahan, ilang oras ang nakalipas, ang kaibigan ng anak kong babae ay napagsarhan naman ng bahay dahil wala ang kaniyang ina ng halos dalawang linggo, kaya ako ay nagmungkahing makitira siya sa amin. Dahil alam kong gusto ng Diyos na madagdagan ang aking lakas at resistensya, at gusto ko ding makipagtulungan sa Diyos!

Noon ding linggong iyon, ang kapatid kong lalaki na naninirahan sa Asya, ay hindi nakatanggap ng aking email sa hindi malamang paraan, dahil hindi maaaring manirahan ang kaniyang anak na babae sa amin ng isang taon upang makapag-aral, at ako ay kaniyang pinilit na asikasuhin ang lahat para sa byahe ng kaniyang anak! Noong ako ay pumayag na makipagtulungan sa ginagawa ng Panginoon, nakahanap ako ng lakas at resistensya na hindi ko akalaing mayroon ako! Sa aking pangangailangan, nagdala ang Diyos ng pagkakataon na ipamigay ang lakas na mayroon ako upang mas mapalago kung ano man ang pangangailangan ko! At ngayon sa tuwing humaharap ako sa mga problemang pinansyal, alam kong kailangan kong pagmasdan kung ano ang gusto ng Diyos na ipamahagi ko.

Ipinakita ng Diyos sa akin ang prinsipyong ito ilang taon na ang nakalipas noong ako ay nagpapagatas ng aking mga sanggol. Habang mas maraming bata ang aking pinapagatas, mas marami akong nailalabas. Maraming doktor o espesyalista ang nagsasabi sa nanay na kailangan niyang magdagdag ng formula at wala siyang nailalabas na sapat na gatas kapag ang kaniyang anak ay sinusumpong at gustong dumede maghapon! Ngunit ang  totoo ang nilikha ng Diyos ang perpektong sanggol at ipinagkaloob Niya sa ina ang lahat ng pagkaing kakailanganin nito (dahil nagkaroon ako ng malalalaking sanggol, isang halos malapit sa 12 pounds noong aking sinilang), alam kong mayroon akong sapat na gatas kung ako ay mananatiling nakaupo at hahayaan ang aking anak na kumain hanggat kaniyang gusto sa bawat yugto ng kaniyang paglaki!

Bukod sa hindi ko na kinailangang magformula para idagdag sa gatas ng aking anak, ako din ay nakapagbigay ng sobrang gatas sa isang pambatang ospital. Sa isang punto ay hiniling nilang tulungan ko ang isang batang babae na kaya lamang tanggapin ang gatas ko. Kaya ang ospital na ito ay nagpapadala ng taksi upang kuhanin ang gatas ko araw-araw. Sa gitna ng krisis na ito, nagdesisyon akong magpagatas sa aking anak sa isang kaliwa at ibigay ang gatas mula sa kanan para ipadala sa ospital. Ilang buwan ang nakalipas, ako ay nakatanggap ng litrato ng isang malusog at maliit na batang babae na maayos ang kalagayan at nakauwi na sa kaniyang pamilya.

Nais ng Diyos na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay kapag tayo ay nagtiwala sa Kaniya ng lubusan upang ibigay ang ano mang gusto nating panghawakan o ipagdamot dahil sa takot na mauubusan tayo.

Katulad ng parati kong sinasabi, ang prinsipyong ito ay pwede sa lahat ng aspeto ng iyong buhay: pinansyal, pagmamahal, lakas, at oras—ang listahan ay hindi natatapos. Kung iyong nasimulang mapansin na may “kakulangan” sa kahit na anong aspeto ng iyong buhay, ito ay ang panahon kung saan sinasabi ng Diyos na, “Palalaguin ko kung ano mang mayroon ka! Kaya magtiwala k asa akin ngayon, Paniwalaan mo kung ano ang hindi mo nakikita, at maglakad sa pananampalatayang iyon. Huwag kang umatras; huwag kang matakot na ikaw ay mauubusan. Ako ang Pagmumulan, ngunit kailangan ko ang pananampalataya mo, na pinapakita sa gawa mo (pagsasabuhay nito) upangang espiritwal na batas na ito ay maisabuhay.”

At ang paniniwala sa pananampalatayang ito ay hindi ang pagsasabi ng, “Panginoon ibigay mo sa akin ito, ito, at ito,” ngunit sa halip, mag-abang sa  mga pagkakataong ibibigay ng Panginoon at nilikha para sa iyo. Ito ay malaki at maliliit. Isang umaga, nakakita ako ng pagkakataon upang biyayayaan ang isang kabataan (na alam kong kailangan si Hesus) ng isang baso ng Starbucks coffee. Noong siya ay tumanggi, naibahagi kong ang Diyos ang may gustong magbiyaya sa atin at ako ay nasasabik sa tuwing pinapakita Niya sa akin kung paano ako makakapagbigay ng biyaya sa ibang tao! Kaya’t tinanggap niya ito dahil nalaman niya kung sino ang Pinagmumulan  nito, at maaaring para sa kaniya rin. Napakaraming gustong makakita ng patunay upang makita kung gaano kabuti ang Diyos, ngunit paano nila malalaman kung hindi nila makikita sa ating buhay?

Sa kalagitnaan ng pagbibigay na ito, nagkaroon ako ng isang sitwasyon kung saan kinailangan kong lumapit sa Diyos upang maunawaan. Nagpunta ako sa Kaniya upang magsisi talaga, dahil akala ko ay napalagpas ko ang isang pagkakataon upang magbigay. May isang babaeng lumapit sa akin at nanghingi ng aking tarheta, ngunit ako ay nag-alinlangan at tinanong ko siya kung bakit. Sinabi niya sa akin na gusto niya akong makilala at tumawag pag minsan upang makipag-usap. Sinabi ko sa kaniya na marami akong ginagawa dahil sa 5 kong anak (at ang aking pamangking babae) at tuwing ako ay nasa bahay (at hindi bumabyahe), sobrang kaunti lang ang aking oras para sa paglilibang. Sa totoo lang, aking kinansela ang pakikipag-kita sa isang mabuting kaibigan dahil tinuturuan ko sa bahay ang tatlong maliliit kong anak sa umaga. Buti na lamang, ako ay inistorbo ng isang kaibigan na lumapit upang mangamusta kaya’t ang babae ay umalis na lamang.

Noong binanggit ko sa Panginoon ang tungkol rito, nang nagsisisi, sinabi Niya sa akin na ako ay hinikayat Niyang tanggihan ang babaeng ito dahil ito ay kalaban na dumarating upang magnakaw sa atin at pagurin ang Kaniyang mga anak. Sinabi Niya sa akin na kahit na nagbibigay Siya ng mga pagkakataon para tayo ay magbigay, ang kalaban ay nandiyan lang din upang magnakaw o pagurin tayo. Noong tinanong ko Siya kung paano malalaman na kung ito ba ay galing sa Kaniya at hind isa kalaban, sinabi Niyang kung tayo ay didikit sa Kaniya, malalaman ng kalooban natin ng kusa,  sa ating espiritu, ang kaniyang pag-udyok at hindi tayo magpapabihag rito.

Isa pang bagay na nagpapabihag sa atin ay sa tuwing tayo ang nagiging mapagmataas tungkol sa ating pagbibigay. Ang atng testimonya ay hindi na tungkol sa papuri sa Diyos, ngunit papuri sa sarili natin (at kung gaano tayo naging mapag-bigay)! Ito ay isang lambat na ating kahuhulugan. Kaya tayo ay mag-ingat sa tuwing nagbabahagi ng testimonya. Siguraduhing ang Panginoon ang iyong iniaangat at hindi ang iyong kagalingan.

At, humanap ng pagkakataon na magbigay, ngunit huwag tumakbo lamang sa paligid at magbigay sa kung sino-sino. Kailangang ipakita ng Diyos ang mga pagkakataon na magbigay at buksan ang pinto upang makatanggap ng Kaniyang paglago. May mga pagkakataon na makakakita tayo ng pangangailangan, ngunit hindi gusto ng Diyos na punuan natin ito.  Maaaring ang kakulangang ito ay para punuan ng ibang tao o maaaring ang kakulangang ito ang ginagamit ng Ditos upang mahikayat ang taong ito na umiyak sa Kaniya. Kagaya ng sinabi ng Diyos sa akin, ang pagdikit sa Kaniya ang magbibigay sa atin ng pinakamamagandang proteksiyon ng paggawa ng tama!

Kaya’t sa muli, maglaan ng oras upang  mahulog sa Nagmamahal sa Ipiyo ngayong araw at linggo. Sabihin sa Kaniya na Siya lang ang iyong gusto at kailangan. Umawit  ng paborito mong awitin para sa Kaniya at ipaalala sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon na biniyayaan ka Niya. Walang kailangang mamuhay ng may kakulangan dahi ang ating Diyos, at Asawa, ang Pinagmumulan ng lahat ng bagay at hindi ito mauubos! 

Talaarawan