Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito;
at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon.
— Mateo 10:39
Sa nakaraang ilang linggo, habang ako’y nagmamaneho, ako ay naakit sa isang awitin na kinakanta ng mga anak ko sa kanilang worship band. Nasisiyahan ako sa mataas na himig nito, ngunit ang mga salita nito ang lalong umakit sa akin.
Sinasabi ng koro:
"Upang mahanap ang iyong buhay,
Kailangan mong mawala ito,
Ang lahat ng mga natalo ay makakakuha ng korona. "
Wala pang limang buwan ang nakalipas, nawala ang buhay na aking tintamasa at masigasig na hinabol ng 14 taon. Sa buong buhay ko, gusto ko lang ng isang simpleng buhay ng pagiging isang asawa at ina; Gustong-gusto ko lang ang manatili sa bahay at hindi mangahas na lumabas sa mundo ko.
Wala pang limang buwan ang nakalipas ako ay asawa ng isang pastor ng isang megachurch at nagsimula ng isang malaking ministeryo para sa mga libu-libong kababaihan, na itinatag hango sa panunumbalik ng aking sariling kasal. Ako ay kilala, hinahangaan at minamahal bilang isang co-pastor (women's pastor ng aming simbahan), at madalas na naglilingkod kaagapay ng aking asawa. Kahit ang mga anak ko ay namumuno ng ibat-ibang posisyon sa loob ng aming simbahan. At dahil sa atensiyon na ibinigay ng media sa aming simbahan, ang aming pamilya ay nagiging kilala sa buong lugar namin at maging sa buong estado namin.
Malinaw na ang aming pamilya ay isang high-profile, dito sa Estados Unidos at maging sa iba’t ibang bansa. Hanggang sa isang araw, ang mundo ko’y gumuho — pumasok sa aming kwarto ang aking asawa at sinabi sa akin na paalis siya nang umagang iyon para makipagkita sa isang abogado para maghain ng diborsyo at ang kanyang intension ay maghanap ng isang babae para pakasalan.
Ano ang gagawin mo kapag gumuho ang iyong mundo?
Ang sabi ng kanta na gustung-gusto kong kantahin, "at kahit na gumuho ang mundo ko sasabihin ko... Higit sa lahat ako ay nabubuhay para sa iyong kaluwalhatian!!"
Hindi agad-agad, pero kalaunan, naunawaan ko na hinanda akong ng Diyos para sa mga panahong iyon na umabot ng mahigit isang taon. At ibig sabihin nun ay determinado akong gawin iyon — mabuhay para sa kanyang kaluwalhatian. Alam ko na ang Diyos ang siyang may kontrol at kahit anumang mangyari, ang Panginoon, higit sa lahat, lang ang kailangan ko, at Siya lang, higit sa lahat, ang gusto ko. Sa pamamagitan ng aking pagmamahal at tiwala sa kanya, alam ko, ang pagbagsak ng aking mundo ay gaagamitin upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos.
Ang araw na pinili ng Panginoon para ihanda ako para sa aking paglalakbay ay siya ding araw na narinig ko ang sermon na aking nabanggit sa kabanata 1, o marahil mula sa iilang mga kanta na hindi ko mapigilang pakinggan ang siyang nag-udyok sa akin upang muling suriin ang buhay ko. May isang nagsabi, tungkol sa paghahanap ng aking lugar sa mundong ito, at tungkol ito sa isang tao na minsan ay nakapaglipat ng bundok ngunit sa ngayon ay isang taong nawawala sa landas. Gusto kong maramdaman iyon muli, magiging isang taong napakasigla, ang maging isang taong naniniwala sa Panginoong para gawin ang impossible at nabubuhay sa isang sanga na kung saan aking pananampalataya lamang ang siyang humahawak.
Ang pakiramdam ay napakasakit sa buong kalooban ko. Hindi ko alam kung paano bumangon kaya madalas kung kinausap ang Panginoon tuwing umaga bago pa man sumikat ang araw, nagsusumamo ako sa kanya, humihimok sa kanya, na tulungan ako na makarating muli sa lugar kasama Siya.
Nung una pa lang akong nagsimula ng aking paglalakbay, nung sinimulan ko ang RMI at gusto kong ipinanumbalik ang aming pagsasama, iyon talaga ay para sa kung ano ang maidudulot nito para sa akin. Ito ay ang laging simula ng ating paglalakbay — kapag mayroon tayong isang krisis na tumama sa ating buhay. Noon ay gusto kong mawala ang sakit at ang kahihiyan (ng paghihiwalay at kalaunan diborsyo) ay alisin sa buhay ko. At gusto ko rin ng isang ama para sa mga anak ko, at ayaw kong maging isang solong magulang.
Gayunpaman, sa isang punto nung una kong paglalakbay ay nabago ang pagtuon ko, at kasama nito, nagbago rin ang puso ko. Mas higit kong ninanais ang Panginoon kaysa sa maibalik ang aming pagsasama. At hindi kataka-taka, sa sandaling hindi ko na ninanais na maibalik ang pagsasama namin, o kaya’y maibalik ang aking asawa, binago ng Diyos ang puso ng aking asawa patungo sa akin (at patungo sa bahay), at ang aking kasal ay naibalik.
Ang pagbabagong ito sa aking pagtuon (at sa paglaon ng aking puso) ay ang siya ding nangyari sa panahong ito. Nilakbay ko paglalakbay na ito para sa kung anong magawa sa akin ng mas malapit na paglalakad kasama ang Panginoon. Gusto kong maramdaman na akoy minamahal, tiwasay at itinatangi-maramdaman ang lahat ng gustong maramdaman ng bawat babae ngunit hindi maaaring makuha mula sa isang makalupang asawa. Di-nagtagal, muli, sa kabila ng aking paglalakbay, nagbago ang aking pagtuon. Sa sandaling nagsimulang maramdaman ko ang lahat ng mga bagay na iyon (minamahal, tiwasay at pinahahalagahan), gusto ko ng higit pang matalik na relasyon sa Panginoon para sa Kanya, ito’y hindi na tungkol sa akin.
Iyon na ang simula ng mapag-isipan ko kung bakit tayo nilikha ng Diyos – nilikha ng Diyos ang sangkatauhan upang makasama Siya. Balang araw kapag ang bagong langit at ang bagong lupa ay nilikha ito ang patuloy nating gagawin, isang mundong walang kalungkutan, sakit o luha. Subalit, ito ba ay sapat para sa ating Panginoon at Tagapagligtas na maghintay hanggang sa umalis ang bawat isa sa atin sa mundo upang simulan ang ating pakikisama sa Kanya, kung saan nilikha tayo para ito’y dapat gawin? Alam ko na ito ay hindi sapat, hindi ito sapat kapag iniisip ko kung ano ang ibinigay niya sa akin.
Aking pinakamalalim na hangarin ay naging si Jesus ang kung ano ang nararapat at inaasam niya — ang makikisama sa kanya sa malalim at matalik na paraan. Nais kung maging, sa panahong ito, katulad ni Adan (na lumakad na kasama ang Diyos sa "lamig ng araw"), tulad ni Enoc (na dinala hanggang sa langit, marahil dahil ang Diyos ay nasiyahan sa kanyang pakikisama), at tulad ni Moses (na nagsalita sa Kanya nang harapan, kaya't ang mukha ni Moses ay "nagningning na katulad ng araw"). Ito ngayon ang gusto ko at ang inaasam ko.
Kahit na alam kong ako’y walang halaga at tiyak na hindi karapat-dapat na magiging kasama ni Jesus, tiyak na magagawa ng Panginoon na ako’y gawin niya sa kung ano ang gusto niya para sa akin kung akin lamang itong hihingin sa diyos. Kaya hiningi ko sa kanya na ipakita sa akin, na ituro Niya sa akin, at gawin niya akong kasama ng Panginoon, ang maging nobya na kanyang hinangad at nararapat sa kanya.
Dahil sa aking paghingi, maraming bagay ang nangyari sa loob ng mga sumusunod na ilang buwan; ang ilan ay natatandaan ko, at ang ilan naman ay ang Diyos na ang bahalang magbalik sa aking alaala kung ito ay mga bagay na dapat kong ibahagi sa inyo. Ang pangunahing bagay na nangyari, ang nagiging hudyat, ay nang sinimulan kong sabihin sa Kanya na Siya ang lahat na aking nais, at Siya ay ang lahat na kailangan ko, tulad ng nabanggit ko sa huling kabanata.
Maaring hindi kinakailangan na kayo ay makaranas ng lahat na pinaranas ng Diyos sa akin upang maabot niyo ang tuktok kung saan ang iyong buhay ay magbabago magpakailanman. Kung hindi pa ninyo sinimulang sabihin ang mga salitang ito sa Panginoon, mangyaring magsimula ngayon. Upang mahikayat kayo, sa napakahabang panahon hindi ko nadama ang mga salitang iyon, ngunit sa kalaunan makikita mo, tulad ng ginawa ko, na ang iyong pagtuon ay magbabago, at sa pamamagitan nito, magbabago din ang iyong puso.
Pagkatapos ay maghanda. Sa sandaling ikaw ay nagbago na ng sapat, gagawin ng Diyos ang isang bagay na magbabalik sa iyong buhay. Kung nakikinig ka, kung gumugol ka ng sapat na oras sa iyong prayer closet, naglaan ka ng oras para sa Kanya, malalaman mo ang lahat kung ano ang mangyayari bago pa man ito mangyari. Nagbibigay sa iyo ng sapat na oras upang hindi ka matayod. “10 Sapagka't ang mga bundok ay mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo. Isaias 54:10. Ipakikita niya sa iyo, bago ito mangyari, na ang iyong mundo, tulad ng alam mo, ay babagsak tulad ng ginawa Niya sa akin. “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.” Isaias 44:8
Ang dahilan kung bakit ang iyong buhay ay gumuho ay dahil ang ating pundasyon ay tayo lamang ang naglikha at humawak. Ngunit ang aming pagnanais, at ang Kanyang pagnanais, ay magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Ang mismong pundasyon na ibibigay Niya sa iyo: Ang Kanyang buhay para sa iyo, ang Kaniyang pundasyon, na kung saan ay magiging mataas sa Bato, higit sa iyong mga kaaway, kung saan ay ilalagay Niya ang "bagong awit sa iyong puso, isang awit ng papuri sa ating Diyos! "
"Upang mahanap ang iyong buhay,
Kailangan mong mawala ito,
Ang lahat ng mga talunan ay makakuha ng korona. "
Sa sandaling bumagsak ang mundo ko, noong nawala ang buhay ko, natagpuan ko Siya, ang nilikha ng Diyos para sa akin. Ang pagkakaiba ay katulad ng pagkakaiba sa pagitan ng daigdig na ito at ng Langit. Ang aking paglalakbay at aking pagtuon ngayon, ay upang simulan na ibahagi sa lahat ng mga kababaihan sa iba’t ibang dako ng mundo, katulad mo mahal ko, kung paano hanapin at mamuhay sa masaganang buhay na nilikha Niya para sa iyo.
Hindi na sapat para sa akin na gustuhin ang buhay na ito para sa aking sarili lamang, at maging "kasama" para sa ating Banal na Asawa na alam kung nararapat at tinatamasa Niya. Ninanais kong magiging katipan Niya, at hanggat kaya ko, gusto kong manghikayat ng marami pang mapagmahal na katipan patungo sa Kanya— ng marami hanggat kaya ko, at hangga't nabubuhay ako sa buhay na ito na ibinignay Niya sa akin dito sa lupa.
Ang makikita mo, habang nilalakbay mo ang "paglalakbay sa buhay" ay isang buhay na sumasabog sa GALAK na tunay na hindi masambit. Ito ay ang hinihintay sa bawat pangako, na ngayon ay tinatamasa. Ito ay higit pa sa anumang bagay na iyong inaasa, sinisigaw, o iniisip. Lahat ng meron ka ay magiging walang halaga kung ihahambing mo sa kung ano ang matatanggap mo sa pamamagitan ng iyong relasyon sa Lover ng iyong kaluluwa, at mula sa kamay Niya na siyang naghahangad sa iyo!
Dalangin ko na ang kabanata ding ito, ay magdulot ng isang mas malaking pananabik na napakalalim, at ang madamdaming hangarin, na sisimulan mong sasabihin sa Panginoon kung gaano ninyo (ninanais) karamadam Siya. Bawat oras na ikaw ay nasasaktan, ikaw ay naguguluhan, ikaw ay nag-iisa, o pakiramdam mo hindi mo na kayang magpatuloy, kailangan mong humanap ng isang tahimik na lugar (kahit na ang katahimikan na iyon ay iyong sariling isipan sa kabila ng mga ingay paligid mo) at sabihin sa Kanya na Siya ang lahat na gusto mo at Siya ang lahat na kailangan mo.
Sabihin kay Jesus na dahil Siya ay nasa sa iyo, mayroon ka na ng lahat na kailangan mo upang maging masaya, ligtas, minamahal, at kumpleto.
Sa pangwakas, hayaan niyo akong magbahagi ng ilang karagdagang salita mula sa awitin na binuksan ko.
"Sa iyong kahinaan, Siya ay mas malakas,
Sa iyong kadiliman, lumiwanag Siya.
Kapag umiiyak ka, Siya ang iyong ginhawa,
Kapag nag-iisa ka, BINIBITBIT ka NIYA"