Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;Â
Na ako'y makapanirahan sa bahay ng Panginoon,Â
sa lahat ng mga araw ng aking buhay,Â
upang mamasdan ang kagandahan ng Panginoon,Â
at sumangguni sa kanyang templo.Â
âMga Awit 27:4Â
Sa pagsangguni ko sa Panginoon kung ano ang aking isusulat sa panghuling kabanatang ito, napakaraming prinsipyo ang aking sanang maaaring ibahagi. Oh, gaano kaangkop na ito ay magtatapos sa pagsasara kung ano ang pinakamahalaga sa aking buhayâSiya at Siya lamang! Tanging Isang bagay na aking hiningi mula sa PANGINOON. . .
Dahil sa pagharap sa mabangis na pagsalakay ng mga krisis sa aking buhay, madalas sa loob ng isang araw Ako ay nagugulat at punong-puno pa ng pagkamangha sa halip na takot o pagpaplanong pagtakas, at ako ay nakadarama ng nag-uumapaw na pagkahilig para sa Kaniya. Kaya pa aking tinanong ang Panginoon upang ako ay matulungan man lang na makahanap ng mga salitang makapagpapaliwanag ng lubos na pagpapapla, nababakas na kaligayahan at kamangha-manghang paghanga ng pagkakakilala sa Kaniya mula noong tinanggap ko Siya bilang aking Asawa, dahil tila walang nakakaintindi nito. Ngunit iyon ay dapat ng asahan, sapagkat Ako, mismo, ay walang ideya kung paano hanggaât hindi ko isinabuhay ito.
Kadalasan, lalo ngayon, ako ay napapahinto upang pagnilayan kung ano ang aking iniisip at nararamdaman noon patungkol sa mga bagay. Isang halimbawa, ay ang papalapit na kasal ng aking asawa, naaalala ko kung paano ako naiinggit noon sa mga babaeng may Maka-diyos na asawa. Alam mo na, iyong mga katulad kong babae na nakatingin sa akin, dahil nagkaroon ako ng isang asawang pastor bago siya umalis. Napakaraming babae, alam ko, bago naisapubliko ang lahat sa akin, ang nagsabi sa akin na nakaupo sila sa kanilang bangko at nakatitig sa akin, ng may pagkainggit, habang sila ay nakaupo sa tabi ng kanilang mga asawa na hindi interesado sa mga usaping pang-espiritwal o bagay na patungkol sa Kaniya. Ang anyo, minamahal ko, ay lubos na nakapanlilinlang. Ngunit ako din ay nakagawa ng kaparehas na bagay, kaya sa palagay ko ako ay pinag-iimbutan. Buti na lang, Siya ay sobrang mapagmahal kayaât dinadala Niya tayo sa mga lambak at nakikita paring tayo ay nasa posisyon upang mabiyayaan sa kabila ng ating mga sarili.
Kayaât hayaan mong sabihin ko ang isang bagay na alam kong alam mo na sa ngayonâhuwag tularan ang isang bagay na tingin mong nakita mo. Karamihan sa mga babaeng iyong kinaiinggitan ay mas malala ang kalagayan kaysa sa iyo. Katulad ko, mayroon silang mga asawa mukhang maka-espiritwal, sa panlabas ay tila isang espiritwal na higante, kayaât kinaiingitan tayo ng ibang babae, at kadalasang nababanggit, ngunit sa katotohanan ay ang lalaki at ang pangarap nating buhay ay hindi ang iyong naiiisip. At dahil sa paraan ng hindi mo pagkaunawa sa kalagayan niya, mayroon siyang naipon na sakit tuwing pinipili niyang parangalan ang kaniyang âhindi marangalâ na asawa. Kailangan lahat tayo ay umamin na walang tunay na nakakaalam kung ano ang nangyayari sa loob at likod ng saradong pinto pagkatapos ang isang lalaki (o babae) ay umalis sa pulpito pagkatapos ng pagsamba, o sa buhay ng mga nakikita mo sa telebisyon. Alam ko.
Bagamaât mayroon ding mga kababaihan na biniyayaan ng nakamamanghang mga asawa, kadalasan ay nakapagpabago pa ng kasaysayan. Kayaât lubos kong kinainggitan ang mga babaing ito. Ngunit ngayon alam ko na kung sinomang babae ang makakaalam ng buhay na aking sinusunod ngayon, sa halip, sila ang maiinggit sa akin! At ang nakapagpapasabik sa akin bukod sa paniniwala at ang hindi mailarawan na katotohanan ay ang buhay na ito ay pwedeng maging parehas para sa bawat isa sa inyo! Hindi lang ako ang nag-iisang bride na Kaniyang ipinatawag. Bawat isa sa inyo ay mayroong parehas na pagkakataon na maging Kaniyang brideâano man ang estado ng inyong buhay may-asawa, estado sa lipunan, itsura, kalagayang espiritwal, o mental na kakayanan. Naluluha ako na isipin na mahal ka Niya bilang ikaw at mahal ka Niya, hindi sa kabila ng, ngunit ng dahil sa iyong mga kahinaan! âNa noong tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atinâ âKamangha-mangha: lubos na kamangha-mangha!
Noong ako ay nagtatrabaho pa kasama si Erin, noong ang kaniyang ministeryo ay mas nakatuon sa âpagpapanumbalik ng kasalâ na ministeryo, alam naming pareh na walang katiyakan na ang babaeng darating at naghahanap ng tulong ay makasusunod ng husto sa lahat ng prinsipyo upang magkaroon ng naipanumbalik na kasal. At ang malala pa, sa oras na naipanumbalik ito, mayroong ibaât-ibang antas ng pagpapala depende sa uri ng lalaking nagbalik. Ngunit ngayon, lahat ng ito ay nagbago! Ang bagong pagtawag sa aking buhay at ang pansin ni Erin ay nagbago na rin sa paghihikayat ng mga brides para sa aming Minamahal. Lahat (kahit pa mga lalaki kahit mas mahirap na isipin para sa akin ito) ay tinawag upang maging Kaniyang bride na Kaniyang babalikan upang âupang kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungisâ (Efeso 5:27). Ito ay nangangahulugang bawat isang babae ay maaaring magtiwala sa kaniya, hanapin Siya lamang, at lahat ng nagnanais na mahalin, at maghilom at sumaya ay magiging! Gayunpaman, ito ay mangyayari lamang kung ikaw at ako ay handing bitawan ang buhay na mayroon tayo at ating pinlano. Sapagkat kailangan Niya ng buo ang ating puso upang maging Malaya at makamtan lahat ito.
âSapagkat ang sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay[a] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay makakatagpo nito.â (Mateo 16:25).
âAng walang asawa ay nababalisa sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya mabibigyang-kasiyahan ang Panginoon;Â ngunit ang may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya mabibigyang-kasiyahan ang kanyang asawa.â (1 Corinto 7:33).
âAng babaing walang asawa at ang dalaga ay nababalisa sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu, ngunit ang babaing may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang kanyang asawa.Sinasabi ko ito ngayon para sa inyong ikabubuti, hindi upang lagyan ko kayo ng silo, kundi kung ano ang nararapat at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang sagabal.â (1Corinthians 7:34-35).Â
âSa Panginoon ikaw ay magpakaligaya, at ang mga nasa ng iyong puso sa iyo'y ibibigay niya. (Mga Awit 37:4).
Noong bumagsak ang aking buhay noong nagdaang taon (kasabay ang pagdidiborsiyo sa akin ng asawa ko upang maikasal sa iba), ito ang pagtatapos ng buhay na inasahan at pinangarap ko buong buhay ko. Ngunit, sa pagtatapos ng aking naiplanong buhay na ito, at pagbubukas ng aking puso, Ako ay nagbukas ng nakamamanghang bago at kapana-panabik na karanasan na nakapagbago sa aking buhay. Ang aking pangarap ay ikaw din magkaroon ng tapang na gawin ang parehas na bagay at ang naibahagi ko ay makapagbago sa iyong buhay sa parehas na pamamaraan.
Isang nakamamanghang katotohanan na aking natutunan ay hindi Niya ipinakahulugan na mamatay tayo ng literal upang makapamuhay sa paraiso, o kailangan nating maghintay na kunin Niya tayo bilang Kaniyang bride. âTayo'y magalak at tayo'y magpakasaya    at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero,    at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili.â (Apocalipsis 19:7). Tayo ay magpakatotoo, masyadong maraming babae na nasasaktan ng sobra: iniwanan, inabandona at nagluluksa para isipin na ito ang buhay na ating dapat harapin hanggang sa tayo ay mamatay. Ito ang paniniwalang naituro sa atin at hindi ito tama!
Hindi namatay si Hesus upang tayo, isang araw, ay mapunta sa langit. Ibinigay Niya ang Kaniyang buhay upang mapalaya tayo ngayon, sa lahat ng bahagi ng ating buhay: ang Kaniyang dugo at ang Kaniyang pagkabuhay ang nagpabago sa lahat at ngayon ito. Nangangahulugang tayong mga babae na mangmang sa katotohanang ito ay patuloy na maglalaho dahil sa kakulangan ng ating karunungan at pag-asa. âAng aking bayan ay nawawasak dahil sa kakulangan ng kaalaman; sapagkat itinakuwil mo ang kaalaman. . .(Oseas 4:6). Hanggat hindi tayo namumuhay sa paraan na nagpapakita ng maaari din nilang maranasan, at kapag natanong, ibabahagi lamang natin ang ating puso na nag-uumapaw sa pagmamahal!
Ginagawa Niyang Bago Ang Lahat Ng Bagay!Â
Ngayong umaga, Sa palagay ko masasabi mong nasa katapusan ako ng aking sarili, o maaaring ang pagharap ko sa katapusan ng aking ministeryo, o maaring itong dalawa mismo. Ngunit, ako ay malayo sa pagkabahala, takot o kahit na ano pang negatibong emosyon. Ako ay nasasabik kung ano ang maaaring mangyayari. Ngayong umaga pagkagising ko, at kinausap ko ang Panginoon tungkol rito, binigyan Niya ako ng panibagong rebelasyon o prinsipyo. Sinabi Niya sa akin na kinailangang pasalamatan ko Siya, at maging wasak ng husto, upang tayo ay mabiyayaan.
â. . . Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda; nang siya'y makapagpasalamat, pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad sa mga taoâ (Mateo 15:36).
âInutusan niya ang maraming tao na umupo sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ihain. At inihain nila ang mga ito sa maraming taoâ (Marcos 8:6).
âAt siya'y dumampot ng tinapay, at nang siya'y makapagpasalamat, kanyang pinagputul-putol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, âIto'y aking katawan na ibinibigay dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akinââ (Lucas 22:19).
âNang masabi na niya ito, at makakuha ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Diyos sa harapan ng lahat. Ito'y kanyang pinagputul-putol at nagsimulang kumainâ (Mga gawa 27:35).
â. . . at nang siya'y makapagpasalamat, ito ay kanyang pinagputul-putol, at sinabi, âIto'y aking katawan na pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akinââ (1 Corinto 11:24).
Ang tanging paraan upang lumago, at ang tanging paraan upang maipamalas ang Kaniyang kaluwalhatian, ang sa tuwing tayo ay nagpapasalamat at pinahihintulutan ang ating sarili na mawasak upang mabusog ang mga gutom sa katotohanan, upang maghilom ang mga taong hindi nakaramdam ng pagmamahal.
Kaninang umaga, kinailangan kong harapin ang mga bagay na ang aking ministeryo sa loob ng simbahan ay MUKHANG pabagsak na. Ngunit alam nating lahat (o dapat na alam natin sa ngayon) na pinakamadilim bago ang bukang liwayway: na bago ang muling pagkabuhay, kailangan muna ang kamatayan: na kung walang kaaway na nagpapabagabag sa iyo, walang Red Sea na kailangang hatiin. Upang palakasin pa lalo ang aking loob, hinayaan ng Panginoon na basahin ko ang mga pangakong binigay Niya sa akin sa Isaias at Jeremias, patungo hanggang sa Malakias. Ako ay lumua ng husto (ng kaligayahan) noong nakita kong 90 porsyento ng mga pangakong iyon ang naisakatuparan na. Kung kayaât, ang mga bagong krisis na ito ang magsisilbing tirador upang maranasan ko ang katuparan huling 10 porsyento ng mga nalalabing pangako, na ngangahulugang kahaharapin ko ang mga pinakamatitinding pagsubok. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ng Apostol na si Paul palagi upang palakasin ang loob ng kaniyang mambabasa at hindi ito sumuko at tapusin ang karera.
Hindi na mahalaga ang itsura ng mga bagay, nais ko lamang na bitawan ang lahat at pahintulutang mabigo at bumagsak. Kagaya ng nangawa ko sa nakaraan, pinapaubaya ko na lamang ang lahat at ibinibigay sa Panginoon. Sinasabi ko sa Kaniya na hindi na mahalaga ito, dahil Siya lamang ang aking gusto at kailangan, kayaât hindi na mahalaga sa akin kung mawala man ang lahat (kahit pa ang ministeryo ng aking simbahan lamang ang tanging pangkabuhayan ng aking pamilya, kayaât nangangahulugang ang pagkawala ng aking ministeryo ay nangangahulugang pagkawala din ng aming tahanan) âmahal kong Panginoon, ikaw lang ang mahalaga sa akin!
Hindi lamang ito tungkol sa akin. Ang aking mga anak ay nagmamatyag at nag-aabang, at sila ay nakatuon (at madalas na nagpapahayag ng opinyon) dahil ang kanilang ama ay kasalukuyang umuunlad, habang ang natitira sa akin ay unti-unting gumuguho. Ngunit alam din nila, at patuloy naming pinaaalalahanan ang isaât-isa na ang katuwiran ay, at lagi at magpakailanman, magwawagi sa bandang huli. Ganito nilikha ng Diyos ang buong kalawakan, kayaât kahangalan na mag-alala kung ano ang nakalaan para sa atin sa hinaharap, hindi ba?Â
âGanito ang sabi ng Panginoon: âSumpain ang tao na nagtitiwala sa tao,    at ginagawang kalakasan ang laman,    at ang puso ay lumalayo sa Panginoon. Sapagkat siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang,    at hindi makakakita ng anumang mabuting darating. Siya'y maninirahan sa mga tuyong dako sa ilang,    sa lupang maalat at hindi tinatahananââ (Jeremias 17:5â6).Â
Ang Balangkas ay Nangangapal
Ang kawili-wili, ang âtilaâ pagguho ng ministeryo ng aking simbahan ay wala pa sa kalahati nito, dahil ang akin pang ibabahagi ay magpapayanig pa lalo sa karamihan sa inyo. Eksaktong dalawang linggo ang nakaraan noong nakatanggap ako ng email mula sa aking FH na nagpayanig sa aking mundo. Ito ang aking âMala Abraham-Isaac-altar na pagsubok sa aking puso.â Dahil lamang sa Kaniya at sa Kaniyang pagmamahal para sa akin ang tumulong sa akin na malagpasan ito ng may kaligayahan at walang bahid ng kahit na anong takot. Ako ay namamangha kung paano Niya binago si âMuch-Afraid,â oo, ako iyon!
Ang email ay dumating sa Ika-25 sanang anibersaryo ng aming kasal, na nag-udyok sa akin na harapin ang ilang mga bagay na alam kong posible kong kaharapin din sa hinaharap (hindi, alam kong maaaring kaharapin) sa hinaharap. Ang atake ay two-fold.
Una, ipinaliwanag ng aking FH na kaniyang kukuhanin ang kustodiya sap ag-aalaga sa tatlong pinaka-batang mga anak naming kapag siya ay ikinasal, na ngayon ay kulang dalawang linggo na lamang mula ngayon. Hindi ba kayo nalulugod na âSa bawat panig ay pinagmamalupitan kami, subalit hindi nadudurog, nililito subalit hindi nawawalan ng pag-asa; pinag-uusig, subalit hindi pinababayaan; inilulugmok, subalit hindi napupuksaâ (2 Corinto 4:8â9)?Â
Alam ko, ng walang pagdududa at pag-aalinlangan o takot, na anoman ang maaaring mangyari ay isang magandang bagay. Ito ay nangangahulugang ako ay titira ilang oras ang layo mula sa aking mga anak, ngunit kung ganoon, ito ay magandang bagay. Paano ito nagging possible, wala akong ideya: ngunit walang makakapagkumbinsi sa akin isang taon na ang nakalipas na ako ay makakaranas ng ganitong KALIGAYAHAN sa pag-alis ng aking asawa, pagsasabi sa akin na âmaghahanap siya ng ibang pakakasalan, didiborsyohin ako, iiwan ako kasama ang lahat ng mga utang, hindi pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga bata, magkaroon ng paghukom na makasisira sa aking credit sa loob ng sampung tao, at sirain ang pinagkukunan ko ng kabuhayan (ang pangkabuhayan ng aking pamilya) habang siya ay nagmiministro sa Hong Kong, at ang aking mga anak ay dadalo sa kasal ng aking FH noong nagpasiya siyang makipag-isang dibdib sa AW.
**Patawarin niyo ako sa pagbabahagi ng mga detalyeng ito sa inyo, ngunit ginawa ko ito para paalalahanan ang aking sarili din, ng kahanga-hangang kagalingan ng Diyos!! Gaano kadalas tayong nabibigo sa pagalaala at pag-iisip ng lahat ng Kaniyang nagawa para sa atin!!
Kayaât sa parehas na sigasig na aking naipamalas sa diborsiyong nagbunga sa kaligayahn sa halip na kapighatian, niyakap ko ang krisis na ito, at sa loob lamang ng 48 na oras, ang alon ay bumaliktad na ang tangi ko na lamang nagawa ay purihin ang Panginoon at mahulog muli sa pag-ibig ko para sa Kaniya! Ang krisis na ito ay naganap upang biyayaan ako at ang aking mga anak. Kahit na ang intensiyon nito ay para sa kasamaan, ginamit ito ng Diyos para sa kabutihan. Sa huli, sa halip na tumira sa malayo kasama ang kanilang ama at ang AW ang mga nakababatang mga anak ko, nagdulot ito upang mamulat ang kanilang mga munting puso, na nagresulta sa aking FH na magplanong dalawin sila at bisitahin rito (nang hindi kasama ang AW) pansamantala ngayon!
Hindi maiiwasang ang krisis na ito ang naglabas ng katotohanan na, ang pagmamadali ng aking FH na lumayas, diborsyohin ako, tumira sa malayo, at ang pinakanakakadalang pangyayari ng pagpapakilala sa AW at pagiging bahagi niya ng kanilang buhay, ang nagdulot sa aking mga anak na ilayo ang kanilang loob at pagmamahal sa kanilang ama dahil ang sakit ay sobra na para kanilang pasanin. Kung sinubukan kong pigilan o pabagalin ang mga nais gawin ng akng FH ngayong taon, hindi ko (at ng aking mga anak) mararanasan ang bagong tuklas na kalayaan at kaligayahan na amin ngayong ipinagdiriwang!! Kahit pa ang minsang âsobrang nakakasabik na kasalâ ay isa ng halos mapait na pangyayari para sa kaniya. Ito, sa muli, ang paglalagay sa aking mga anak ng isang posisyon na maaaring makawasak ng kanilang pagmamahal, ang pagmamahal na dati ay mayroon sila para sa kanilang ama. Alam ng aking FH at nasabi niya ito, ngunit alam rin niyang hindi niya mapipigilan ang pagdalo at pagsaksi ng mga bata sa isang pangyayaring makakaapekto sa relasyon nilang mag-aama sa hinaharap habang-buhay.
Ang ikalawang pag-atake sa email ng aking FH ay sobrang maliwanag na nagsabing ang pagwasak sa aming pinagkukuhanan ay hindi sapatâsila (siya at ang babaeng nakatakda niyang pakasalan) ay determinadong pahintuin ang minsiteryo ng aking simbahan ng tuluyan, pagsasabi ng maraming kasinungalingan at kasiraan. Ipinahiwatig nila ng malinaw na gusto nila akong patalsikin sa âministeryo ng mga kasalâ panghabang buhay, kapwa sa aking kapisanan sa RMI at aming simbahan. At sinabi ng aking FH na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mailayo sa akin ang kaniyang mga anak. Ngunit, ââWalang sandata na ginawa laban sa iyo ang magtatagumpay, at bawat dila na babangon laban sa iyo sa kahatulan, ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon,    at ang pagiging matuwid nila ay mula sa akin, sabi ng Panginoon.â (Isaias 54:17). Sa kaalaman sa Kaniyang katotohanan ang nangahulugan na noong aking narinig ang mga banta, hindi ako nayanig man lamang, sa halip, ako ay lubusang nasabik na makita kung anong mga biyaya ang magbubunga mula sa harapang pagatakeng ito.
Kayaât hindi ko lamang inilagay ang aking mga anak sa altar ng aking puso, ngunit nagpatuloy ako sa paglalagay ng ministeryo ng aking simbahan at ang aking pagbobluntaryo sa RMI, kasama ang potensyal ng pag-iisa ko sa hinaharap, pagbibigay sa Panginoon ng lahat dahil tunay namang Kaniya ito!
Agad-agad, kinausap ako ng Panginoon ng mahinahon sa aking prayer closet tungkol sa kailangan kong gawin. Sa totoo lang, ito ay isang bagay na inilagay Niya sa aking puso matagal na pahanon na ang nakakaraan: noong aking dating asawa* ay nagpapatakbo pa ng minsiteryo. Sinabi ng Panginoon sa akin na bitawan ang lahat at isuko at umalis sa bawat posisyon ko.
*Sinabi ng aking FH sa akin na hindi ko na maaaring gamitin ang mga inisyal para sa kaniya mula ngayon: kung kayaât makikita ninyong magsisimula ko na siyang tawaging dati kong asawa, hindi FH.
Kahit pa hindi na ako ânagpapasakopâ sa aking dating asawa dahil hindi ko na siya asawa, sinabi sa atin na huwag labanan ang kasamaan at gawin ang higit pa sa hinihingi sa atin. âKung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal.Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya. Bigyan mo ang humihingi sa iyo, at huwag mong pagkaitan ang ibig humiram mula sa iyoâ (Mateo 5:40-42).
So, by letting go, I believe I will have more time to write and for now, spend time with my children!! Iâm not sure where our income will come from, but itâs God who provides for âall of our needs according to His richesâ so why should you or I worry?Â
Kayaât sa pamamagitan ng pagpapaubaya, ako ay naniniwala na magkakaroon ako ng mas maraming panahon upang makapagsulat, at sa ngayon, maglaan ng oras sa aking mga anak!! Hindi ako sigurado kung saan manggagaling an gaming pagkakakitaan, ngunit ang Diyos ang nagpupuno sa âbawat kailangan ninyo ayon sa kanyang mga kayamananâ kaya bakit kailangan ko o ikaw na mag-alala?
Ang Diyos ang tunay na may hawak ng lahat, kaya dapat LAHAT TAYO ay magpahinga lamang sa Kaniya, hindi na kailangang mag-alala na magkakamali tayo o mapapalagpas ang Diyos. Kung kailan lamang tayo napapaligiran ng kalaban at tinutulak pabalik sa malaking Red Sea, ay saka lamang ito hahatiin ng Diyos! At sa oras na mahati ito ay gumagawa ito ng malinis, at diretsong daan na magdadala sa atin kung saan Niya tayo EKSAKTONG nais na pumunta!! Â
Kahit mayroon akong ministeryo para paglabasan, mga anak na malapit sa akin upang mahalin, ako gayonpaman ay magiging masaya sa pagpapatuloy sa pagtuon ng aking pansin sa kalapitan at kaisahan ng aking loob sa Panginoon. Ang paghahanap sa aking Minamahal, sa huli, ay ang aking ibinabahagi kapag ako ay nakatatagpo ng kahit na sinong babae, dito kung saan ako nakatira at sa mga kababaihan sa buong mundo. Kapag nagbukas Siya ng pintuan para sa akin upang magpatuloy sa pagsasalita sa mga simbahan at sa mga komperensya ang aking panghabang-buhay na mensahe ay âSiya lamang ang mahalaga.â
Mahal kong mambabasa, ang lahat ng ito ay upang Siya ay maging ating Asawa at tayo ay Kaniyang maging bride. At mangyayari lamang ito kapag tayo ay handing yakapin ng masigasig anoman ang pahintulutan Niyang dumating laban sa atinâdoon lamang ang mga krisis ay magbubunga sa âwala ng luha at wala ng kalungkutan.â Walang banta ng pagkawala ng aking mga anak o aking ministeryo o pagkakakitaan o tahanan ang maaaring makayanig sa akin, dahil ang aking gusto at kailangan ay Siya lamang. At kahit pa isipin ng mga tao na ako ay napapagsamantalahan, katulad ni Hesus, walang kukuha ng aking buhay, dahil ito ay ibibigay ko ng bukal sa kalooban.
Kagaya ng lagging nasasabi ni Erin, âAng aking minamahal ay akin, at ako ay sa Kaniya. . . nang masumpungan ko siya na iniibig ng aking kaluluwa. Pinigilan ko siya, at hindi ko hinayaang umalis; Â na ako'y may sakit na pagsintaâ (Awit ng mga Awit 3:2â4; 5:8). Nawaây bawat isa sa inyo ay magkaroon rin ng sakit na pagsinta.