Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang Aking mga utos.

—Juan 14:15

 

Dahil inakala ko na ito na ang huling bahagi ng librong ito, tinawag ko ang Panginoon para sa pinaka importanteng prinsipyo para sa katapusan: ang pirnsipyong nakapagbago ng buhay ko, at sana, makapagpabago rin ng buhay mo.

Nasurpresa ako sa sinabi sa akin ng Panginoon. Sa mga araw na nasabi Niya sa akin na ang kabanatang ito ay kinakailangang patungkol sa biyaya ng pagsunod (pakumbaba at tulad pa nito), mas marami pa Siyang ipinakita sa akin kaya umaasa akong maibahagi ko lahat ng mga ito sa iyo sa kabanatang ito. Isang paghahayag na alam kong magbabago sa takbo ng iyong buhay, kung isasapuso ito at pipiliin mong sumunod, kahit ano pa man ang halaga nito.

Ang pangbungad na linya sa bibliya ay muling basahin: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang Aking mga utos” (Juan 14:15).

Para sa akin, pag-ibig ang susi. Kung mahal natin ang Panginoon, maipakikita natin sa Kaniya (at sa iba na nakakakita), kung gaano tayo kapursigido na sundin Siya. Ngayon ay tumigil at sandaling pagnilayan ang bagay na iyan.

Ngayon, kung ang pagtalima sa Kaniya ay magpapakitang mahal natin Siya, ang kakulangan sa pagtalima sa Kaniya, o ang pagsuway, ay nagpapakita sa Kaniya (at sa iba) ng kasalungat. Ibig sabihin kung sinusuway natin Siya ay HINDI natin Siya iniibig. Naiintindihan mo ba?

Gamit ang prinsipyong itong nagpatatag sa atin, malinaw na sinasabi ng Bibliya na tayo ay kailangang sumunod sa mga namamahala sa atin. Kung tayo ay kasal, tayo ay susunod sa ating asawa. Kung hindi tayo kasal (at nakatira sa tahanan natin pagkabata), tayo ay susunod sa ating mga magulang. Kung may mga magulang tayo na buhay pa, kailangan natin silang parangalan. Kung may amo, tayo ay magpaparaya at susunod sa kanila. Kung tayo ay nasa paaralan, tayo ay dapat sumunod sa ating mga guro, prinsipal at iba pa. Lahat tayo ay nasa bansang mayroong mga batas: trapiko, publiko, estado, lokal; at ang listahan ng mga namamahala sa atin ay walang katapusan.

Sinabi ng Panginoon na upang tayo ay mapagpala DAPAT tayo ay sumunod sa bata isang namamahala sa atin, sumang-ayon man tayo o hindi o ang mga namamahala ay mabuti at mapagbigay o malupit. Kung hindi ka kumbinsido, basahin ang dalawang linyang ito ng maigi:

“Ang bawat tao ay magpasakop sa mga namamahalang awtoridad, sapagkat walang pamamahala na hindi mula sa Diyos; at ang mga pamamahalang iyon ay itinalaga ng Diyos.

Kaya't ang lumalaban sa may kapangyarihan[a] ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at ang mga lumalaban ay tatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. 

Sapagkat ang mga pinuno ay hindi kilabot sa mabuting gawa, kundi sa masama. At ibig mo bang huwag magkaroon ng takot sa may kapangyarihan? Gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan mula sa kanya:” (Roma 13:1-3)

“Mga alipin, magpasakop kayo nang may buong paggalang sa inyong mga amo; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi gayundin sa mababagsik. Sapagkat ito'y kapuri-puri, kung dahil sa pagkakilala sa Diyos ay nagtiis ang sinuman ng sakit habang nagdurusa nang hindi nararapat. Sapagkat anong pakinabang nga, na kapag kayo'y nagkakasala at hinahampas dahil dito, ay inyong tinatanggap na may pagtitiis? Ngunit kung kayo'y gumagawa ng mabuti at kayo'y nagdurusa dahil dito at inyong tinatanggap na may pagtitiis, ito'y kalugud-lugod sa Diyos” (1 Pedro 2:18-20).

Alam mo, sa tuwing binabasa ko ang huling linya ay naiintindihan ko kung BAKIT ako nagmatigas at naging maingat na maging masunurin sa bawat sandali ng aking buhay, Paki-usap. Ang pag-sunod ay kalugod-lugod sa Diyos. Hindi ko alam sa iyo, ngunit ang gusto ko sa buhay ay mapaligiran ng kaluguran ng Diyos. Ito ang paraan kung paano mamuhay ng masagana - langit sa lupa.

Tulad ng nasabi ko sa huling talata, mayroon akong nais na idiin sa kabanatang ito at ito ang dahilan kung bakit ko sinabing “maingat” ako sa pag-sunod sa bawat sandali ng aking buhay. Sa ngayon, ako ay nalipad pauwi, aking ika-17 na lipad (may isa pa) matapos libutin ang Asya, ang Malayong Silangan, o ang Orient, ang tawag ng marami. Dahil sa sobra sobra kong paglakbay, narinig at nakita ko na ang mga habiling pangseguridad hanggang sa tingin ko ay kaya ko na ito maipakita mag-isa! Ngunit, binibigay ko pa rin ang atensyon ko at nakikinig pa rin ako dahil gusto kong sumunod sa mga namamahala ng eroplano, ang kapitan, at ang mga tagapaglingkod sa eroplano. Maaring isipin mo na ito ay kalokohan at sinobrahan kong pagiging masunurin. Ngunit kung hindi ko papansinin ang ganitong antas ng pamamahala, hanggang saan ko ito dadalhin - ang hindi pagpansin hangga’t makalayo na ako sa hangganan ng pagbibigay ng Diyos? Hindi ako sigurado kung gaano kalawak ang Kaniyang pagbibigay; kung kaya’t ako ay maingat sa bawat antas dahil ayaw ko ilagay sa panganib ang aking sarili sa paglagpas sa hangganang ito.

Sa lahat ng kabanatang naisulat ko sa librong ito (at sa ibang libro na kinalulugod kong naisulat at ikinamuhay), ang Panginoon ay ipinakita sa akin ang mga pagkakataon sa aking buhay na nagsisilbing halimbawa ng mga prinsipyong itinuro Niya sa akin, upang maibahagi at maituro ko sa iyo ito. Kahit na may malalakas na kababaihan sa ating ministro at pamunuan, kani-kanina lang ay ipinakita sa akin ng Panginoon ang katotohanan na napakarami ang hindi namumuhay sa pagsunod, at ito ay kumakalat sa ibang bahagi ng kanilang buhay. Sa totoo lang, kung ikaw ay nasa ilalim ng isang pamunuan, at ginagawa mo ang gusto mong gawin sa halip na ang sinabi ng taong namumuno ang gawin mo, ikaw ay naghihimagsik.

“Sapagkat ang paghihimagsik ay gaya ng kasalanan ng pangkukulam,    at ang katigasan ng ulo ay gaya ng katampalasanan at pagsamba sa mga diyus-diyosan. Sapagkat itinakuwil mo ang salita ng Panginoon,     itinakuwil ka rin niya sa pagiging hari” (1 Samuel 15:23).

Ang paghimagsik ay pamumuhay ng mapanganib, at hindi ko gustong maging bahagi nito. Sa katotohanan, ni hindi ko nais na maiugnay dito. Sa napakahabang byaheng ito, umuwe akong hiwalay sa miyembro ng ministro ng mga kababaihan na naglakbay kasama ko, dahil patuloy siyang hindi nagpasakop. Ang hindi pagpasakop ay hindi pareho sa paghimagsik, bagaman inakala kong pareho ito sa loob ng mahabang panahon.

Ang hindi pagpasakop ay kapag kinuha natin ang pamumuno mula sa iba. Ito ay maaring, at sa napakaraming panahon sa aitng buhay mag-asawa - kung ang isang babae ang namumuno sa buhay mag-asawa at pinamumunuan ang kaniyang asawa. Sa mga tahanan ngayon, ang kabataan ay hindi nagpapasakop halos mula nang sila ay sanggol. Ang kabataan ang namumuno habang ang nanay at/o ang tatay ay sumusunod sa kanilang gusto at hinihingi. Isang trahedya!

“Tungkol sa aking bayan, mga bata ang nang-aapi sa kanila, at ang mga babae ang namumuno sa kanila. O bayan ko, inililigaw kayo ng inyong mga pinuno, at ginugulo ang daan ng iyong mga landas.” (Isaias 3:12).

“Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan, ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay-kahihiyan” (Mga Kawikaan 29:15).

Ang pag-agaw sa pamunuan ng mga dapat na namumuno sa atin (alalahanin na lahat ng pamunuan ay itinalaga ng Diyos?), kung gayon tayo ay hindi para sa Diyos. Sino ang ating idolo? Ang ating sarili. Inuuna natin ang atin sarili sa pagsamba. Huwag nating kalimutan na ito ang unang kasalanan, ang kasalaan na gumawa ng mundo ng demonyo na nilalabanan tayo sa bawat araw. Si Lucifer ay ninais na makapantay o higitan ang Diyos, at dahil dito, ang kasalanan ay naitalaga. Ang bagay bagay ay hindi na naging tulad ng dati kailanman. Ang hindi pagpasakop, na pagsamba sa kabagayan, ay isang bagay na dapat nating layuan anuman ang halaga.

Kahit na kailangan ko talaga ng isang buong kabanata, at marahil ay isang libro, upang maitalakay ang prinsipyo ng hindi pagpapasakop at ang hindi pagparangal sa mga magulang, hayaan mo akong sabihin na sa Estado Unidos, kami ay walang wala sa pagaruga sa mga magulang na may edad na. Ang mga kabataang ngayon, sa kanilang paglaki ay kinalilimutan ang pagparangal at respeto sa kanilang magulang na tunay na nakakalungkot at nakakasuka. Sasabihin ko sa iyo na ako ay tunay na nagbayad ng napakalaking halaga upang maipagpatuloy ang pagpaparangal sa aking mga magulang bago sila nawala: napakalaking halaga. (Ngunit ito ay maaring maikwento sa ibang pagkakataon dahil hindi pa ako handang talakayin ang sakit na dulot nito.) Ngunit ito ay gagawin ko muli kung kinakailangan. Kung may magulang ka nagkaka edad na, binabalaan kita na maging maingat kung paano mo sila pagsasalitaan, paano mo sila ikukwento, at paano mo sila pakitunguhan.

“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng Panginoon mong Diyos; upang ang iyong mga araw ay humaba pa at para sa ikabubuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos” (Deuteronomio 5:16).

“Sapagkat sinabi ng Diyos, ‘IGALANG MO ANG IYONG AMA AT ANG IYONG INA;’ at ‘ANG MAGSALITA NG MASAMA SA AMA O SA INA, AY DAPAT MAMATAY’” (Mateo 15:4).

Sinasabi ko sa iyo na walang dahilan upang maging masama ang pakikitungo sa iyong magulang na parang sila ay iyong anak; kahit na sila ay nakalilimot na (tulad ng Alzheimer’s). Maari mo pa rin silang maigalang sa alam mong nais nila, tulad ng mga babae na nagsimulang sumunod sa kanilang mga asawa ay nawala. Ang pagparangal sa kanila sa paraan ng paggawa ng desisyon para sa kanila na alam mong nais nila kung masasabi lamang nila sa iyo. At huwag kang magdahilan na ang desisyon mo ay para sa ikabubuti nila kung ito ay pagdadahilan lamang upang magtago, sapagkat ang Diyos ay nakikita ang iyong puso.

Ang kaalaman at pag-intindi na binabahagi ko sa iyo ay natamo ko sa pamamagitan ng aking mga pagkakamali, at paghanap sa tamang landas nang hanapin ko ang Panginoon. Nang ang aking ama ay na-ospital, sinabi na kinailangan niya ng pacemaker. Mapagkumbaba niyang sinabi sa mga doktor (at sa kaniyang pamilya) na namuhay na siya ng napakatagal at hindi na niya gusto nito. Sa kasamaang palad, ako ang may hawak sa kaniyang “power og attorney”, at sa kapangyarihang ito, ako ay pinatamaan ng mga kapatid ko (isa ako sa labing isa) na magdesisyon laban sa kaniyang kagustuhan “dahil halata na hindi niya kayang magdesisyon para sa kaniyang sarili” lahat sila ay sumang-ayon, ngunit ito ay bago pa nagka-dementia ang ama. Kinalulungkot kong pinirmahan ang dokumento upang siya ay magka-pacemaker.

Sa mga sumunod na taon, nakita ko ang aking ama na unti unting namamatay hanggang sa huling siyam na buwan ng kaniyang buhay ay nakahiga na lamang siya. Hindi ito nakita ng mga kapatid ko dahil sila ay nakatira sa ibang estado o ibang bansa. Kung kaya’t dahil sa ginawa ko, nakita ko ang aking bayani (na minsan ay isang sikat at talentadong manlilikha) na hindi na kinakayang isulat ang kaniyang pangalan o pakainin ang kaniyang sarili. Hanggang sa panahong ito ay iyon ang pinaka malaking pagkakamali sa aking buhay nang pirmahan ko ang mga papel para sa pacemaker at hindi tinupad ang kagustuhan ng aking ama. Pinagbayaran ko ng napakalaki ang hindi pagpasakop sa kaniya.

Ngunit tulad ng alam nating lahat, ang Diyos ay Diyos na nagbibigay ng pangalawang pagkakataon. Sa loob ng limang taon, nagkaroon ako ng pagkakataon na matubos ang pagkatao ko at natuto ng napaka hirap na aralin tungkol sa pagparangal sa magulang, kahit ano pa man ang halaga nito. Una, kinailangan ko humingi ng patawad sa aking ina sa pagsuway sa aking ama. Sya din ay nahirapan at inalagaan ang kaniyang asawang dahan dahang namatay at kahihiyan. Kahit na ginamit ako ng Diyos para sa kabutihan (Roma 8:28) dahil ang aking ina ay isa rin sa mga tumulong sa pag-edit ng A Wise Woman na libro, kasama ako nang binago ito ni Erin. At kahit na sinabi niyang ang mga prinsipyong ito ay para sa ibang kababaihan, hindi sa kaniya, binago siya ng Diyos. Matapos ay binigyan rin siya ng pagkakataon na maging asawa na sa tingin ko ay kung paano niya gusto noon sa aking ama. Naibalik niya ang mga na-peste. Magaling ang Diyos. Salamat Erin.

Hayaan mong ituloy ko ang kwento ng aking pangalawang pagkakataon. Dumating ito nang taong 2000, limang taon matapos mawala ang aking ama. Nanghina at naging sakitin ang aking ina ngunit hindi niya gustong pumunta sa doktor. Ganun talaga siya. Sa totoo lang, nang mawala ang aking ama, habang inaayos ko ang mga papel para sa insurance, tinanong ng insurance company kung kailan nawala ang aking ina. Sinabi kong hindi pa siya namamatay; siya ay buhay pa rin. Nagtanong siya dahil inakala niyang patay na ang aking ina dahil sa insurance records na nagpapakita na ang huling beses na siya ay nagpa doktor ay nung taong 1959, na araw na ang huli kong kapatid ay pinanganak - buong tatlumpu’t siyam na taon na hindi nagpapadoktor.

Nang ang aking ina ay tuluyang nagkasakit, tulad ng dati, nakatanggap ako ng pagpipilit mula sa mga kapatid ko, na kailangan ko diumano dalahin ang inay sa doktor - tumanggi ako. Pagkalipas ng ilang linggo, ang aking inay ay nagsimulang nakipag-usap sa aking tungkol sa “sa oras na ako ay mamatay . . .” Sinabi niya nang buong katotohanan at kalmado na maaring pagalingin siya ni Hesus o siya ay pupunta sa langit. Walang doktor.

Ano pa man ang mangyari, desidido akong panatilihin ang dangal at sundin ang gusto ng aking inay. Ilang linggo pa ang lumipas, habang naglilinis ng kwarto, ang aking inay ay pumanaw sa kanyang sariling kama, walang doktor. Nasa tabi niya ako, nakikinig, ngunit hindi na siya huminga. Kalmado kong tinawagan ang kanyang pagbuburulan. (Kami ng inay ay naiayos na ang kanyang burol nang pumunta kami noong nawala ang aking ama.) Sinabi nilang dahil siya ay sa bahay pumanaw, kailangan kong tawagan ang mga paunang-lunas upang makumpirma ang kanyang pagkamatay. Nang sila ay dumating, pati ang mga pulis, sa loob lamang ng ilang sandali, ay may iba’t ibang mga pulis na ang nagtatanong sa akin. Ang huling pulis na nakadamit sibilyan ang nagtanong sakin, “Alam mo ba kung ano ang nangyayari?” Nang sinabi kong “hindi,” sinabi niya na ako ay maakusahan sa pagkamatay ng aking inay. Dahil hindi ako humingi ng tulong medikal, at kasama ko siya nang mamatay at hindi tumawag sa 911 nang alam kong namamatay na siya, ako ay inaakusahan na kumitil sa kaniyang buhay.

Tulad ng nasabi ko, kinakailangan talagang isa itong hiwalay na libro, ngunit tulad ng hula mo, ang pag-aakusa ay sa kalaunan nawala matapos ang mahabang pag-iimbistiga. Ngunit matapos ang mga kaso pang-kriminal, nasundan ito ng Family Services na inakusahan ako ng “pang-aabuso, pambalewala, at pagsamantala sa nakakatanda.” Ang mga akusasyon na ito ay nawala din, makalipas ang maraming buwan, at matapos ang mahahabang pagiimbistiga. Dahil dito ay hindi ako nakadalo sa burol ng aking ina at kinailangang makakuha ng espesyal na permiso para mapayagang lumipat ng estado kasama ang aking pamilya.

Hindi na kailangang sabihin na isa itong bangungot na iilang lamang ang haharap. Siningil ako ng napakalaki para sa parangal at pagsunod sa kagustuhan ng aking ina, ngunit tulad ng nasabi ko na, kung kinakailangan ko itong muli gawin, maligaya akong gagawin muli ito.

Isang bagay ang sigurado akong alam ko ay nabigyan ko ng parangal ang aking mga magulang bilang kanilang anak. Kaya’t ako ay sigurado na ang aking mga anak ay paparangalan din ako at nakikita ko na ito na nagagawa ngayon. Sa buong buhay may-asawa ko, nakita ko ang dati kong asawa na napapahiya ang kaniyang mga magulang. Nang hindi naiintindihan ang malubhang kahihinatnan nito, siya at ang kaniyang nakakatandang kapatid ay kilalang pinapangunahan ang kanilang magulang, lalo na ang kanilang ina. Maraming maingay, sa publiko at hindi pagkakaunawaan, madalas kung paano niya ginugugol ang kaniyang oras at pera. Wala kailanman ako sa posisyon na kausapin ang dati kong asawa noong kami ay kasal pa (dahil isa rin itong paraan ng hindi pagpapasakop). Matapos namin madiborsyo, nakausap ko siya ng sandali tungkol sa bagay na ito.

Sa ngayon, ang dati kong asawa ay nakatira kasama ang kaniyang ina. Kahit na hindi kami nag-uusap ngayon (siya ay kasalukuyang nakatakdang magpakasal; kami ay nakikisama kahit na hindi na kami magkaibigan tulad dati), sinabi niya na napaka sama na tratuhin siya ng kaniyang ina na parang bata. Naisip ko na maaring ang Diyos ay binibigyan siya ng pangalawang pagkakataon na maitama ang lahat sa kaniyang ina. Hindi ako sigurado kung alam niya, o kung kukunin nya ang pagkakataon upang maparangalan ang kaniyang ina, ngnit ang kapalit nito ay mas malaki sa kaniyang naiisip. Kahit na ang aking mga anak ay napaka galang sa lahat ng namumuno, ako ay gulat na gulat nang wala ni isa sa kanila ang sinabing makipag-ayos sa kanilang ama. Sa totoo lang, hindi nila ito gusto. Nang lumayo siya papuntang ibang estado, at sumunod ay ninais na bumalik kung saan kami nakatira “kung may pera siya,” ang mga anak namin ang hindi nagnais na bigyan ko siya ng pera. Ang hindi pagpapasakop ay kasalanan at malinaw ang Bibliya, kung ano ang ating tinanim, ay siyang siguradong ating aanihin.

Tulad ng nasabi ko, hindi ganito ang aking mga anak. Ni minsan ay hindi sila naging bastos sa kaniya, nagsalita laban sa kaniya, o di kaya ay tumanggi na makita o makausap siya. Ang masasabi ko lamang ay totoo ang katagang ito:

“Huwag kayong padaya; ang Diyos ay hindi maaaring lokohin, sapagkat ang anumang ihasik ng tao, ay siya rin niyang aanihin” (Galacia 6:7).

Ngayong natalakay na natin ang tungkol sa hindi pagpapasakop, ano ba ang ibig sabihin ng pagtalima? Minsan, kinakailangan nating makita kung ano ito hindi upang lubos na maunawaan kung ano ang pagtalima. Ang isang halimbawa ng hindi pagtalima ay mula sa manonood natin na napansin ko kagabi. Ako ay naanyayahang magpalipas ng gabi kasama ang isang miyembro (na sa pagkakaalam ko ay naglakbay sa lugar na ito), na sa aking pagkagulat ay hiwalay sa kaniyang asawa. Ngunit, sa huling sandali, ang asawa ng babaeng ito ay sinabing hindi siya kumportable na makasama niya ako sa kanilang tahanan. Ngunit, magiging malaking gastos ito kung hindi ako sa kanila tutuloy, kaya sinabi niya na maari akong tumuloy sa kanilang tahanan tutal ang kaniyang asawa ay maagang nakaalis at hindi na niya ito malalaman. Gulat na gulat ako, ngunit hindi niya naisip na ang kaniyang ginawa ay hindi pagtalima at paghimagsik. Ang babaeng ito ay minamahal ang Panginoon ngunit wala siyang kaalam alam na may mali siyang ginagawa.

Nang linggo ring iyon, isa sa mga kababaihan na nagsisilbi sa RMI ay hindi rin tumalima, sabay ng pagtanggi sa pagpapasakop ng hindi nagsasabi kay Erin (binigyan siya ng mga palatuntunin ni Erin ngunit pinili niyang gawin ang iba). Nang nakita ko ang mga nangyari, gumugol ako ng mahabang oras at sinikap ko na ipaliwanag kung paano sumunod, kung ano ang pagsuway, at kung ano ang mangyayari sa oras na tumangging magpasakop. Sa isang email, ang isang babae ay nagsabing hindi nya “sinubukan na sumuway,” kung saan sinabi ng Panginoon sa akin na “hindi mo kailangang subukan magpasuway, madali lamang ito at natural sa atin; kailangan mong subukan na sumunod.” Wow.

Naniniwala ako na ang ugat ng paghimagsik, pagsuway, at ang hindi pagpasakop, ay babalik sa relasyon natin sa Panginoon. Ilang beses na ba nasabi sa atin kung ano ang ating dapat gawin ngunit iba ang ating ginagawa? Ilang beses na ba tayo nagdahilan, hindi manasin, o nagsabing may ginawa tayong bagay na sinabi ng nasa pamunuan na huwag natin gawin o di kaya ay dapat nating gawin pero hindi natin ginawa?

Tulad ng nasabi ko kanina, pabalik na ako sa aming tahanan, makalipas nag maraming maraming paglipad. Ayaw ko pa ring lumilipad. Ayaw ko ring nawawalay sa pamilya ko. Ngunit kahit na ayaw ko ang paglipad (pero salamat at hindi akotakot na lumipad tulad ng nabahagi ni Erin), mas mahal ko ang Panginoon at ito ay nakikita sa pagsunod ko sa Kaniya. Baago pa man ako nakauwe, ang aming simbahan ay nakahanda na ng paglalakbay sa Africa at Europe na maaring makasama ang oras sa South America. Marami sa inyo n amahilig maglakbay ang naiinggit, ngunit sa mga malapit sa akin ay malinaw na mahal ko ang Panginoon ng aking buong puso, sapagkat alam nila kung gaano ko hindi gusto ang pagbiiyahe at mas nais ko ang manatili sa bahay. Subalit, mahal ko angPanginoon, at ito ay nakikita sa pagtalima ko sa Kaniya. 

“Kung mahal mo Ako . . .” (Juan 14:15)

Ikaw ba? Gaano ka susunod sa iyong buhay? Magtiwala ka, para sa marami sa inyo, wala kayong kaalam alam na kayo ay namumuhay sa paghihimagsik, pagsuway o hindi pagsakop. Kinailangan ko lang makita ang kababalaghan sa tatlong kasama sa simbahan na alam kong mahal nila ang Panginoon at buong pusong nais na mapalapit sa Kaniya. Ngunit, kung ang mga kasalanang ito (paghimagsik, pagsuway, o hindi pagpapasakop) ay aktibo sa buhay mo, ang pagiging malapit sa Panginoon ay imposible. Hindi ko ito opinyon kundi sa Diyos. At ang tanging paraan upang maputol ang ganitong takbo na nakakasagabal sa paglapit mo sa Kaniya, ay ang pag-amin na ikaw ay makasalanan.

“Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin” (1 Juan 1:8).

Pangalawa, sabihin sa Panginoon na ipakita sa iyo ang mga aspeto ng iyong buhay na ikaw ay hindi tumatalima. Ipapakita Niya ito.

Panghuli, simulang pansinin ang iyong ugali sa bawat araw para makita kung paano ka sumunod. Alalahaning hindi natin sinusubukang magpasaway, kundi sinusubukan nating sumunod. Sa oras na simulan mo ang iyong pinagtibay na paglalakbay, mamamangha ka kung gaano higit ang paglakad sa Diyos kung saan ikaw ay malilibutan ng Kaniyang kabutihan at biyaya. Isa sa pinaka malaking benepisyo ay ang makita ang sarili kong mga anak na “naglalakad sa katotohanan” bilang bunga ng aking pagsunod at ngayon ay maari na akong makibahagi sa sentyimento ni Juan: “Wala nang hihigit pa sa kagalakan kong ito” (3 Juan 1:4).

Talaarawan