Ang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito;

ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.

Mateo 10:39 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

 

Ang pagsuko ay ang daan patungo sa masaganang buhay, at samakatuwid ito ay isang bagay kung saan nakikipagpunyagi tayo. Ang pagsuko ay nangangahulugang pagpapaubaya ng kontrol at ibigay ang ating kapalaran sa kamay ng iba. Gayunpaman, hangga’t nananatiling may kontrol tayo sa kahit na anong aspeto ng ating buhay, nawawalan tayo ng oportunidad para sa tunay na kalayaan, ang kalayaan na nagdudulot ng ligaya at kapayapaan.

Sa pinakaunang beses na isusuko natin ang ating “buhay” sa Panginoon at tanggapin ang Kaniyang plano ng pagkaligtas, ating sinimulan ang unang hakbang. Lahat tayo ay nakakaalala sa kalayaan at kaligayahang hatid nito: kalinisang dulot, pagpapatawad, at sa unang pagkakataon, ang ating kinabukasan ay maliwanag. Ngunit hindi kuntento ang Diyos (Salamat, Hesus) na pabayaan tayong ganito. Sinabi Niya sa atin na nais Niya tayong dalhin mula sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian (2 Corinto 3:18).

At habang tayo ay patungo mula sa sa kaluwalhatian patungo sa kaluwalhatian, ang Kaniyang Espiritu Santo ay unti-unting magpapakita sa atin ng ibat-ibang bahagi ng ating buhay na kailangan pang maging pino. Sa huli, hihingiin Niya sa atin na isuko ang isang bagay (o tao) sa ating buhay sa sa Kaniyang mapagmahal na kamay—ang KANIYANG plano para sa ating buhay o “Sundin ang kaniyang kalooban.” Ito ay kadalasang magsisimula sa isang pagsubok o pakiramdam na nakakapuspos sa atin: hindi natin ito kakayanin o kayang harapin man lang. Ito ay pagtapos nating subukan na gumawa ng “isa pang plano” bago natin maamin na tayo muli ay nasa lugar kung saan kailangan nating sumuko.

“Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.”( Juan 15:4 Magandang Balita Biblia (MBBTAG). Dinala ako ng Panginoon sa pagsuko ng maraming bagay at tao sa aking buhay na iisipin ng isang tao na wala nang naiwan upang ibigay sa ating Taga-pagligtas. Ngunit naniniwala ako ngayon na (sa edad kong 50 anyos) na ang ating listahan ay magpapatuloy at hindi mauubusan, at ikaw at ako ay hindi kailanman mapupunta sa ilalim ng bariles.

Halimbawa, noong ako ay tumuntong sa edad na kuwarenta, at sa pagsilang ko ng aking bunsong anak, natuklasan kong ako ay may problema sa timbang. Ang mga diyeta na kadalasang nakasanayan ko noon ay hindi na ngayon umuubra at hindi matanggal ang “baby fat” na naiwan pagkatapos kong manganak. Upang palalain ang mga bagay, ang aking pamilya ay mayroong kasaysayan ng problema sa thyroid. At kahit pa karamihan sa aking mga kapatid ay mayroong medikasyon na pang habang buhay, sila padin ay nakikipagtunggali sa kanilang timbang, pagkaantok, malamig na mga kamay at paa, pawang mga sintomas na nagsusumigaw sa akin pagkatapos kong manganak sa aking bunso, ngunit ang salamin sa aking harapan ang higit na nakapukaw ng aking pansin.

Ngunit hindi hahayaan ng Diyos na dalhin ko ang bigat na ito, “Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”  (Mateo 11:30 Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001). Sa halip, mabait Niyang “inipon ang lahat ng bigat” hanggang hindi ko na ito makayanang buhatin pa. Mula noong oras na iyon, (hanggang ngayong araw na ito) hindi ko na kailanman tinimbang ang aking sarili o minatyagan ang aking kinakain, o manghingi ng tulong pang medikal para sa sintomas ng aking problema sa thyroid kagaya ng pamimilit ng mga kapatid kong gawin ko.

Siyempre, kung inakay ako ng Panginoon sa daan na ito upang huingi ng tulong, ako ay susunod. Hindi masamang humingi ng tulong mula a mga doctor kagaya ng ginawa ni Haring Asa: “Nang ikatatlumpu't siyam na taon ng kanyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng karamdaman sa kanyang mga paa; ang kanyang sakit ay naging malubha. Gayunman, maging sa kanyang pagkakasakit ay hindi niya hinanap ang PANGINOON, kundi humingi ng tulong sa mga manggagamot.”(Cronica 16:12 Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)). Gayunpaman, nais ng Diyos na magtungo muna tayo sa Kaniya at Siya ang magdadala sa atin sa daan patungo sa kalusugan, maaaring sa pamamagitan ng mga doctor o iba pang pamamaraan.  Ang aking pansariling paniniwala ay nakadepende ito sa iyong particular na paglalakbay at kung nasaan ka sa iyong pananampalataya.

Ang isa pang kawili-wili ay, ang ating pinakamahirap na pagsubok ay HINDI ang unang pagsuko, ngunit ang mga susunod na tatlo o apat na buwan na tayo ay matutuksong gumawa ng “kahit na ano”. Kung ang iyong timbang ang iyong isunuko, mananatili kang mapapaisip na dapat “kahit papaano” ay magbabawas ka ng kinakain mo, o iinom ng mas maraming tubig, o magdaragdag ng maraming prutas at gulay sa iyong menu. Maaaring ang pageehersisyo ay matapat mo dapat na ginagawa. Ngunit kung iyong tatanggihan ang lahat ng tukso, hindi kalaunan ang Espiritu Santo ay mapapasaiyo. At sa iyong paghihintay, maglaan ng maraming oras kasama ang Panginoon at sa tuwing iyong maaalala ito, mapatuloy sa pagsuko nito sa Kaniya. At gawan ng pabor ang iyong sarili na lumayo sa tukso na tulungan ang Diyos—ginawa ko na iyon at hindi iyon gumana.

Ang bunga ng pagsuko ng aking timbang ay hindi ko na kailangang magdiyeta kailanman. Pinanatili ako ng Diyos sa timbang na nararapat sa akin at hindi Siya huminto rito. Ang aking mga anak, lalo na ang mga kababaihan, ay nagagalak na ako ay nakakapagdamit ng nasasabay sa panahon upang ipamalas ang Kaniyang kaluwalhatian, hindi ang aking kagustuhan. Ang luwalhati sa lahat ng ito sa aking buhay ay magagamit ko ang oras na kadalasang nailalaan sa pag-iisip at pagtutuon ng pansin sa pagdidiyeta (ano ang aking kakainin, pagtitimbang sa aking sarili, pageehersisyo ng husto atbp. Atbp.), sa paghahanap sa Panginoon at pagiging Malaya na maglaan ng maraming oras sa pag-iisip sa Kaniya! Ito ang aking paboritong bersikulo na aking pinauli-ulit at kinapita sa aking isip at puso:

“. . . Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa [inyong iinumin] upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? Ngunit higit sa lahat ay bigyang-halaga ninyo ang kaharian [ng Diyos] at ang pamumuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito” (Mate9o 6:25,33).

Pagkatapos, noon lamang nakaraang taon, noong ibinigay sa akin lahat ng pananalapi at lahat ng utang na kasama rito sa aking diborsiyo (kagaya ng nasabi ko noon sa mga nakaraang kabanata), agad-agad ako ay nalula, kaya’t ipinasa ko nalang ang bigat sa aking Pinakamamahal na Asawa. Ngunit, habang Siya ay nagpatuloy sa paghukay sa akin at magbigay ng karunungan at kaalaman na kulang sa akin, nagsisimula akong mangatwiran at magplano—upang makaramdam lamang ng pagkalula at takot kagaya noong simula. Sa muli’t muli, uli-uli, kailangan kong sumuko at tanggapin na “walang anoman ang nilikha ng hindi sa pamamagitan Niya” (Juan 1:3)! Ang bunga ay ang kapayapaan at kaligayahan na sumusunod sa tuwing isinusuko ko ang bahaging ito ng aking buhay, at ang tangi kong trabaho ay ang umiwas sa pagpaplano o pag-iisip ng tungkol rito.

“Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin.” (Mga Kawikaan 3:5-6).

Ang totoo ay—ang pag-iisip at pagdadahilan ay magdudulot ng pag-aalala at takot, na kumukuha ng oras at lakas mula sa pagiging malapit sa Panginoon. Sinabi Niya sa akin ng pauli-ulit na hindi Niya kailangan ng asawang babae o katulong—dahil Siya ay kumpleto na. Nananabik Siya para sa isang babaeng nakatakdang magpakasal sa Kaniya na hindi kunsumido at puno ng problema.

Ilan, sa maraming bagay, na gusto ko sa Panginoon ay ang mabait Niyang pagkakaloob ng maraming kabigatan—ng sabay-sabay sa loob lamang ng nagdaang taon, upang aking ibigay sa Kaniya lahat ng ito at namnamin ang buong taon na tila pulot-gatang hindi makatotohanan. Karamihan sa atin, na hindi alam o nauunawaan ang pag-ibig na mayroon Siya para sa atin, ang nagdadahilan na kapag may hindi magandang bagay na nangyari, o masyadong maraming bagay ang nangyayari ng sabay-sabay, ay tila baga pinaparusahan sila ng Diyos o wala ito para sa kanila—lalo na kapag ang mga bagay ay nakakalunod na para sa kanila, at wala silang makitang daan palabas. Ngunit ito ay malayo sa katotohanan! Ang totoo ay mahal Niya tayo ng sobra kaya hindi Niya gusto na makipaglaban tayo o magdala ng kahit na pinakamaliit na bagay na nagpapabigat sa kalooban natin. Alam Niyang hanggat hindi sobrang bigat nito para ating dalhin ay hindi natin ito ilalapag sa Kaniyang paanan.

Habang ako ay naghahanda at nagiisip-isip para sa kabanatang ito, aking naunawaan na ako ay masyadong nalula sa maraming bahagi sa aking buhay na wala akong ideya na akin paring pinanghahawakan at pinipilit masolusyunan sa aking sarili. Pakiusap unawain na sa bawat aspeto ng aking buhay, ako ay humingi ng tulong sa Diyos, ngunit sa pagkakataong gumuho ang aking naipanumbalik na pagsasama sa aking asawa kasama ang pag-aanunsyo na ang aking asawa ay maghahain ng diborsiyo, aking napagisipan na ako (sa loob ng maraming taon) ay nagsikap gampanan ang tingin kong aking gusto sa aking buhay. Ginusto ko lamang na maging isang mabuting maybahay, isang ina na magtuturo sa kaniyang mga anak sa tahanan, at maging tagapangalaga ng aming tahanan. Ang talagang totoo ay ay masaya ako at kuntento na nasa bahay lamang, ako ang magiging pinakamasaya kung hindi ko kinailangang umalis sa bahay ng mahigit isang linggo.

Hanggang dumating ang isang araw nagpabago bigla sa Aking buhay. Wala akong magagawa, sa totoo lang, bukod sa hanapin ang Panginoon ng husto at isuko ang Aking kinabukasan sa para sa Kaniya. Agad-agad, Ako ay naglalakbay, na isang bagay na Aking kinatatakutan dahil ayokong nakikisalamuha sa mga bagong kakilala o kakaibang mga lugar. Agad-agad Ako na ang nag-iisang tagapagtaguyod ng Aking napakalaking pamilya, at agad-agad, Ako ay naging pastora at tagapamahala ng isang napakalaking simbahan at ministeryo sa telebisyon sa buong mundo. Ngunit sa aking pagtingin sa taas, sa mukha ng aking Pinakamamahal, Aking nagagawa “ang lahat” at magawa ito ng madali, dahil lamang isinuko ko ang lahat sa Kaniya. Sa halip na aking subukan, ang Kaniyang lakas, ang Kaniyang karunungan, na pinalakas ng Kaniyang pagmamahal na nakagawa ng lahat ng ito.

May siyam na buwan na ngayon magsimula ng mangyari ang lahat, at ako ay hininging harapin ang isang bahagi ng aking buhay na aking pinakaiingatan: pagtuturo sa tahanan—ano ang gagawin sa pag-aaral ng aking mga nakababatang anak. Dahil sa aking pagbyahe, na hindi naman isang bagay na kailangan pagpilian (kung ako ay mananatili sa posisyon ko at ng aking dating asawa sa simbahan), kasabay ng pagkakataong nagbukas para sa aking mga nakatatandang mga anak kaya’t hindi na nila ako matutulungan sa tahanan mula ngayon, ang aking mga nakababatang mga anak ay kadalasang nag-aaral ng mag-isa. Mayroon itong taglay na mga benepisyo, ngunit kung hindi ito susundan o gagabayan man lamang, aking nakikitang hindi nila nakukuha ang edukasyon na nararapat nilang matanggap. Naging malinaw sa akin kamakailan lamang na kailangan kong isuko sa Kaniya ang bahaging ito ng aking buhay, ngunit hindi bago nagsusumigaw na sinasabi ng kalaban sa aking tenga na, “ano ang iisipin ng mga tao pag ipinasok ko ang aking mga anak sa paaralang pampubliko!” at ipinaalala Niya sa akin ang “kahihiyang aking pinagdaanan noong nalaman ng lahat ang tungkol sa aking diborsiyo. Na nagpapatunay na ang pampublikong paaralan ang tiyak na kapupuntahan ng aking mga anak” at nagpatuloy ang kalaban.

Sa totoo lamang, hindi nagsasabi ang Diyos ng kahit na anong tungkol doon. Gusto lamang niya na mapalaya ako at isuko ang isang bahagi ng aking buhay—na nagpapaalala sa akin kung gaano kahirap kong pinagsumikapan na maging perpektong asawa upang makita lamang na matapos ang aming pagsasama. Ang mga taong, kagaya ng kaibigan ni Job, ay nakapag-isip o nakapagsabi sa akin na maaaring hindi ko nasundan ang mga prinsipyo at turo sa Ang Babaeng May Karunungan ay malamang na nagdiwang noong nalaman nilang ang aking mga anak ay magsisimula ng mag-aral sa pampublikong paaralan.

Gayunpaman, andoon, ang isang maliit na boses na nagpapaalala sa akin kung paano Niya ako dinala sa lahat ng mahirap na pagsubok at nakakawasak na panahon ng aking diborsiyo at kung gaano ako KALIGAYA, ligayang hindi ko inakala na posible pa. Pinaalala Niya sa akin ang kaligayahang ito ay dumating noong ako ay nagsumikap na harapin ang aking takot kaysa umatras, at ang aking reputasyon muli, ay nasa Kaniyang kamay.

Kung aking babalikan ang simula ng aking pagbyahe, gustong-gusto kong umatras at magtago: ngunit sa halip, ako ay lumapit patungo sa aking takot, at doon ang mga kadena nagbibigkis sa akin ay unti-unting natatanggal. Hindi sila natanggal ng sabay-sabay, ngunit habang nagpapatuloy ako sa pagsuko sa halip na labanan ito, isa-isa, natatanggal sila. Sinasabi sa Bibliya na napagtagumpayan na natin, hindi dahil mayroon tayong abilidad sa ating sarili na magtagumpay. Ngunit sa halip, ang Panginoon ang nagdulot upang magtagumpay tayo habang binibigay natin ang ating tiwala sa Kaniya.

“Sapagkat napapagtagumpayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo—sa pamamagitan ng pananampalataya.” (1 Juan 5:4 ).

Ang pananalapi, din, ay nagsisimulang lumamon sa akin at magdulot ng takot. Ngunit habang ako ay naglalakad patungo sa takot, at piniling MAGBIGAY noong Siya ay nagbigay ng pagkakataon, ang Panginoon ay matapat na nagsimulang kunin ang lahat, at alam kong ako ay maiaalis din sa pagkakautang sa hindi pangkaraniwang pamamaraan sa lalong madaling panahon.

Ngayon ako ay nasa isang lugar sa aking buhay (sa wakas) na ako ay naniniwala (dahil sa patunay ng Kaniyang pagibig sa aking buhay) na lahat ng bagay na hingin Niyang gawin ko o pagdaanan ko ay magdudulor sa akin ng kalayaan at biyaya! Ang kailangan ko lang gawin ay maghintay sa Kaniyang ipakita ang Kaniyang sarili.

Pero, hayaan niyo akong maging tapat ng husto. Walang araw ang lumipas na hindi ko naiisip na kailangan kong gumawa ng plano na magbibigay sa aking mga anak ng magandang edukasyon o magtaka kung paaano ako makakatulong sa pagbabadyet, pagkukwenta, o pagtatala kung paano ako maiaalis sa problema sa pananalapi na aking kinasasangkutan ngayon. Ngunit sa awa ng Diyos, Ako ay nanlalaban na upang bigyan ng puwang ang Diyos na ipakita ang Kaniyang kaluwalhatian. Kailangan ko lang manahimik (sa isip, katawan at kaluluwa) at alamin na Siya ang Diyos.

Mahal kong mambababasa, ano mang bahagi ng iyong buhay ang iyong pinagdadaanan ngayon, isuko sa Panginoon sa halip na hawakan ito. Huwag mong gamitin ang iyong lakas o ano pang kakayanan upang maayos ito (at utang na loob, huwag humingi ng tulong kaninoman). Sa halip, unawain kung gaano katotoo ang babasahing ito at pagnilayan ito.

“Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. . . Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. (Juan 15:1-5).

Isuko ang alin mang nagpapalunod sa iyo sa Panginoon ngayon, sa oras na ito, upang mabigyan ka Niya ng masaganang buhay na hindi mo pinangarap na posibleng mangyari.

Talaarawan