Ang Pag-dyornal ang magbabago sa iyo!
Ang Pag-dyodyornal ang maghahansa sa iyo upang maipanumbalik ng DIYOS ang iyong buhay may-asawa!

Huwag lamang panghawakan ang aming salita para dito. Sinabi ng Diyos na, “Sila ay nilupig nila sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng salita ng kanilang mga patotoo. Hindi nila minahal ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.” Pahayag 12:11 ASND

Sabihin sa amin kung PAPAANONG nangyari ang Panunumbalik ng iyong buhay may-asawa Astrid,pagtapos ng imhigit isang buwan mula nang siya ay umalis at ako ay naiwang mag-isa sa bahay, pagbabasa ng Bibliya, pag-aaral ng mga aralin, pagbubuhos ng laman ng aking puso sa aking dyornal, noong ako ay tawagan niya at nagtanong kung nais ko bang lumabasa kasama siya..mayroon akong lubos na kapayapaan na hindi ko inaasahan! Sinabi kong lalabas ako kasama siya, kaya sinundo niya ako at kami ay lumabas. At doon niya muling sinabi sa akon na nais niyang subukang muli, at ngayon ay nakikita niya na ang panibagong buhay kapiling ako.

~ Astrid “Inakala Kong Sa Tuwing Nais Kong Pabalikin Siya, Lagi Lamang Siyang Andiyan!

★★★★★

Noong simula, ginamit ko lamang ang piling bagay sa aking buhay. Hindi regular ang pagkuha ko ng kurso at prinsipyo, ngunit nagpasya akong maging responsible at sumunod noong nabaa kong ang mga aralim at ang dyornal ko ang dapat gawin ARAW-ARAW. Walang higit na nakatulomg. Kahit mali ang aking simula, ako ay nagiging bagong tao araw-araw. Kailangan mong magdyornal! Maniwala la sa akin na walang mas magpapabago sa iyo tulad ng mga kayamanang ito at ang Salita ng Diyos.

~ Alexandra "Dinala Ako Sa Saykayatriko Kung Saan Ako Ikinulong"

Ang naganap na sumunod ay hindi maipagkakakailang isang himala, dahil pagkatapos kong basahin ng basahin ang mga libro, pagdyodyornal sa mga aralim, pagbalik sa mga ito ng lima hanggang sampung beses, napansin ng asawa ko ang pagbabago sa akin ngunit sinubukan itong huwag intindihin.

~ Penelope "Nagsinungaling Siya Sa Babae Niya Upang Makasama Kami" 

Ang pagbabasa sa mga aralin at libro ang magdudulot ng kaginhawahan ngunit ang pagdyornal ang magpapabago sa iyo.

~ Elizabeth NAIPANUMBALIK “Napanalunan Ko Siya Nang Hindi Nagsasalita At Ang Asal Ko Ang Humikayat Sa Kanya

Magbasa ng ganito at marami pa sa aming

Word of Their Testimony Series

Ang pagdyornal ang Susi upang magbukas sa iyong milagro.

Manonood

• Hangga’t hindi KA tatakbo sa karera

• Hangga’t hindi mo ibubuhos ang iyong PUSO sa iyong mga dyornal

• Hanggat hindi ka nagpapasa ng ISANG form kada araw

Huwag mong asahang mapapanalunan mo ang premyonh kumakaway sa iyong Patotoo ng iyongNAIPANUMBALIK na Pagsasama.

 

MANALO!!

1 Corinto 9:24

“Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga tumatakbo sa isang takbuhan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang tumatanggap ng gantimpala? Kaya't tumakbo kayo sa gayong paraan upang iyon ay inyong mapagwagian.”

Ang nakalulungkot, halos 80% porsyento ng mga kababaihang nagsasagot ng aplikasyon ng aralin ang NAGSASABING magsasagot sila ng mga forms, ngunit hindi. Kailangan mo lamang basahin lahat ng mga “Patotoo ng mga Naipanumbalik Na Pagsasama” na nagbubuhos kung saan halos LAHAT ay nagsasabing hanggat hindi nila sinimulan ang pagdyornal ay hindi nila (at ng iba) nakita ang mga pagbabagong kinakailangan para sa pagpapanumbalik.

Eclesiastes 5:4-5

“Kapag ikaw ay gumawa ng panata sa Diyos, huwag kang magpaliban ng pagtupad; sapagkat siya'y walang kasiyahan sa mga hangal. Tuparin mo ang iyong ipinanata.Mas mabuti pa na hindi ka gumawa ng panata, kaysa ikaw ay gumawa ng panata at hindi tumupad.”

MAKABAGONG Buhay

Kahit pa sinabi mong hindi ka makapagsasagot ng mga forms, dahil marami kang ginagawa sa iyong buhay, Hanapin ang Diyos para sa karunungan at seryosohin ang Paglalakbay sa Panunumbalik. Ano pa ang mas mahalaga kaysa sa iyong MAKABAGONG buhay at pagdaan sa Makipot na Daanan na patungo sa buhay?

Mateo 7:13-14—“Pumasok kayo sa makipot na pintuan, sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang patungo sa kapahamakan, at marami ang pumapasok doon. Sapagkat makipot ang pintuan at masikip ang daang patungo sa buhay, at kakaunti ang nakakatagpo niyon.

At sa oras na mabuksan ang pintuan, ikaw ay tumakbo!

“Kaya't yamang napapalibutan tayo ng gayong kakapal na bilang ng mga saksi, itabi natin ang bawat pabigat at ang pagkakasalang madaling bumibitag sa atin, at tumakbo tayong may pagtitiis sa takbuhing inilagay sa harapan natin…” Mga Hebreo 12:1.

“Malalim na ang gabi, at ang araw ay malapit na. Kaya't iwaksi na natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng liwanag.”

Roma 13:12.

At kapag ang iyong mga anak ang dahilan kaya wala ka ng oras, basahin at pagbulay bulayan ang bersong ito.

Deuteronomio 30:19—

“Tinatawagan ko ang langit at ang lupa bilang saksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking inilagay sa harapan mo ang buhay at kamatayan, ang pagpapala at sumpa. Kaya't piliin mo at ng iyong binhi ang buhay upang ikaw ay mabuhay.”

Huwag mong lokohin ang iyong sarili sa pag aakalang maaari mo lamang BASAHIN ang mga aralin ng hindi NAKIKISAMA at mananalo ka ng premyo—kailangan mong GAWIN ang mga aralin—pagbubuhos ng iyong puso. Ang mga forms ay ginawa upang hayaan kang MAGDYORNAL ng iyong Paglalakbay sa Panunumbalik. Ito ang isang bagay na ginawa ni Erin at sinabi niyang nagpabago sa Kanya.

Pagbubuhos ng Iyong Puso

Habang ikaw ay sumusulat, binubuhos ang iyong puso sa Panginonn, matatagpuan mong nakikipagusap ka sa Kanya, at Siya sa iyo. Idagdag pa rito, may ilang kababaihang ang hinihingingnibahagi ang mga dyronal na ito sa iba, tulad ng may may-akdang na si Kelly Todd. Ang librong ito,at IYONG libro, ay pwedeng maging talaan habang iyong ibinabahagi ang iyong Paglalakbay sa Panunumbalik, tulad ni Kelly, at magpapatatag ng pangako ng iyong asawa sa iyo kapag binasa niya kung saan ka dinala ng Panginoon!

“Sapagkat kung ang sinuman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, siya ay katulad ng isang tao na tinitingnan ang kanyang likas na mukha sa salamin; sapagkat minamasdan niya ang kanyang sarili at umaalis, at agad niyang nalilimutan kung ano ang kanyang katulad.” Santiago 1:23-24.

Sa tulong ng Panginoon, na magsisimula sa UMAGA bawat araw sa iyong oras kapiling Siya, panghawakan ang pahayag na ito:

“Hindi sa ito'y aking nakamit na, o ako'y sakdal na; kundi nagpapatuloy ako upang iyon ay aking maabot, kung paanong ako ay inabot din ni Cristo Jesus.  Mga kapatid, hindi ko pa inaaring naabot ko na, ngunit isang bagay ang ginagawa ko, nililimot ko ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, nagpapatuloy ako tungo sa mithiin para sa gantimpala ng dakilang pagtawag ng Diyos kay Cristo Jesus.”— Filipos 3:12-14

 

Takdang Aralin sa Kolehiyo

Kapag ikaw ay nakaenrol sa kahit na anong kurso, upang matapos ito ay kailangan mong magpasa ng mga takdang aralin at kumuha ng quiz o pagsubok. Ang aming kurso ay walang pinagkaiba. Kung hindi ka magpapasa ng mga takdang aralin, hindi mo rin aakalaing matatapos mo ang kurso hindi ba?

 

 

Sumama sa Tagumpay!

Huwag manood lamang.

Ibuhos ang iyong puso sa mga Dyornal
At magpasa ng isa bawat ARAW!