MBC1

Ang Pusa sa Kamalig ni Macy

Mga Pangako

Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng DIYOS!!

Lucas 1:37 MBBTAG

 

 

 

 

MBC2Gustong-gusto ko ang mga pusa!

Gusto mo din ba ang mga pusa?

Gusto din ng lola ko ang mga pusa, ngunit ayaw ng Papa ko sa kanila.

Bago ako isinilang, pumanaw na ang papa ko. Kaya, noong ako ay 3 taong gulang pa lamang, binigyan ng mama ko ang kanyang ina, aking Lola, nang sarili niyang pusa bilang regalo sa Pasko.

 

 

 

 

MBC3

Spade

Pinangalanang Spade ni Lola ang kanyang Calico na pusa. Mahal ni Spade ang Lola ko pero ayaw niya sa akin. Hindi ako mabait kay Spade.

Kapag dinadalaw ko si Lola sa kanyang bahay, nagtatago sa akin si Spade sa ilalim ng lamesa o hindi kaya sa likod ng sofa.

Kapag siya ay nagtatago sa akin, gumagapang ako sa ilalim ng sofa susubukan kong hatakin si Spade palabas hawak ang kanyang mga paa upang mahawakan ko siya. Kapag hawak ko na siya, yayakapin ko siya ng mahigpit dahil kapag hindi, tatalon si Spade at tatakbong palayo.

Karamihan sa mga pusa ay mangangalmot o mangangagat o sumusutsot para patigilin ka. Hindi nangalmot, nangagat o sumotsot si Spade, ngunit hindi ako humihinto sa paghabol sa kanya.

Noong nagpunta na rin sa langit ang Lola ko para makasama si Papa, gusto kong mapasa-akin si Spade. Ngunit mayroon kaming napakalaking asong nagngangalang Sam.

 

Ang Aming Asong si Sam

Si Sam ay isang German Sheperd at hilig niyang manghabol ng pusa. Ipinangalan namin si Sam mula kay Samson sa Bibliya na napalakas. Ang aming aso na si Sam, aymalakas at tagapagtanggol ng aming pamilya.

Ang German Sheperd ay mabuting mga aso at si Sam namin ay sanay sa labas at mayroong makapal at malangis na balahibo. Dahil hindi namin pwedeng isama si Spade sa loob dahil may allergy ang aking kapatid na lalaki sa balahibo ng pusa at hindi diligtn as si Spade sa labas kasama si Sam, hinanapan siya ng Diyos ng bagong tahanan.

MBC6

Isang mabait na babae ang kumupkop kay Spade dahil mahilig din siya sa pusa. Dahil hindi ako madalaw ni Spade, gustong gusto ko tuloy magkaroon ng pusa at ako’y mapaiyak. Kaya tinanong ko sa aking ama at sinabi niyang,”Hindi mo na kailangang umiyak dahil lilipat na tayo sa isang sakahan. At kung may kamalig tayo, pwede kang magkaroon ng Pusa sa kamalig.”

Noong lumipat kami sa sakahan namin, masayang masaya ako dahil marami kaming kamalig. Ngunit nung humiling ako sa papa ko ng pusa, sinabi niyang, “Hindi”. Noong umiyak ako kay mama, sinabi niyang, “Huwag mo ng hilingin sa muli papa mo, magdasal ka lang Macy, at tignan mo kung ano ang gagawin ng iyong Makalangit na Ama.”

 

MBC8

Dininig ng Diyos ang Aking Panalangin

Kaya sa tuwing maiisip ko ang pusang hindi napasa-akin, o kaya si Spade, hinihingi ko sa aking Makalangit na Ama na bigyan ako ng pusa sa kamalig.

Isang araw, may nangyaring hindi maganda na ginamit ng Diyos para sa kabutihan, at ito ang paraan Niya upang sagutin ang aking mga panalangin noong una ko Siyang tinanong!

 

MBC7

Nasa likod ako ng malaki naming kamalig noong ako’y natapakan ng isa sa mga kabayo namin sa paa. Namaga ang aking paa at nangitim. Sinubukan kong hindi umiyak  ngunit hindi ko mapigilan. Sinabi ng papa ko na, “Macy sabihin mo sa lahat na sumakay sa sasakyan. May pupuntahan tayong espesyal na lugar. Kukuhanin na natin ang pusa mo sa kamalig.” Sumakay ako sa malaki at mahaba naming sasakyan papuntang burol.

Noong sumakay ako sa sasakyan, nakalimutan ko na ang namamaga kong paa. Napakasaya ko!  Ginamit ng Diyos itong malungkot at masamang pangyayari para sa kabutihan—tulad ng ginagawac Niya sa lahat ng panahon. Sasagutin na ng Diyos ang aking panalangin at ako ay lubos na nasasabik!!

 

MBC9

Habang kami ay bumabyahe patungo sa burol, napadaan kami sa mababaw na batis bago kami huminto sa lumang sakahan. Lahat kami: ang aking tatlong kapatid na lalaki, ang aking dalawang kapatid na babae at ako ay lumundag palabas ng sasakyan kung saan nakita naming ang nagkalat na dose-dosenang kuting!!

Sinabi sa akin ng mama at papa ko na, “Macy, humayo ka at hanapin mo ang pusa mo sa kamalig”. Agad-agad kong natagpuan  ang aking pusa sa kamalig. Kinuha ko siya sa aking mga bisig, hinalikan at nagpasalamat sa Diyos na dininig Niya ang panalangin ko!

 

MBC10

Latte

Ang balahibo ni Latte ay parang tasa ng kapeng may maraming gatas—tulad ng gustong gusto ni mama na inumin!

Noong hinanap ako ni Mama, nakita kong hawak niya ang mama ni Latte, na tinawag kong Chichi, na katunog ng "She-she" na paboritong tinapay na pranses ni mama at kapares ng kanyang kape!  Sabi ni Mama, masyado pang bata si Latte para mahiwalay sa kanyang ina kaya binigyan ako ng Diyos ng DOBLE! Hindi lamang isang pusang kamalig ang nakuha ko kung hindi dalawa! Isang inang pusa at ang kanyang malambot na kuting!

 

MBC11

Natutunan kong kapag ikaw ay nanalangin, ang Ama nating Diyos, ay naririnig ang iyong dasal at nais Niyang mabiyayaan ka ng doble pa sa iyong inaasahan! Kung may isang bagay na hindi patas, na sinabi sa Bibliyang hindi makatarungan, nangangahulugan itong nais kang mabiyayaan ng DIYOS ng DOBLE o dalawa!

Isa ito sa milyong Pangako ng Diyos. Maaari mo itong mabasa sa Isaias 61:7-8 sa iyong Bibliya kung saan Niya iniwan ang lahat ng Kanyang Pangako para sa IYO at sa akin!

 

MBC12

Maligaya Magpakailanman

Hindi lamang ibig ng Diyos na mabiyayaan tayo ng DOBLE—sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng dalawa kapag tayo ay nananalangin!! IBIG ng Diyos ang salitang magparami—at ang magparami ay nangangahulugang ang dalawa ay maging apat at ang apat ay maging NAPAKARAMING Pusang Kamalig! Nabiyayaan ako ng Diyos ng maraming maraming pusa, maraming kalat.

Hindi nagtagal ay marami na kaming pusa kaya wala ng daga sa aming kamalig at bahay, na ikinasasaya ng papa ko na mayroong pusang kamalig!

                                                                                             Ang Katapusan

MBC13

Pagtatalaga

Ang librong ito ay itinalaga para sa mga apong babae. Huwag kalimutan ang kwento ni Macy at ang sinabi ni Mateo, Marco, at Lucas sa atin...

Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Sa mga tao, ito ay hindi maaaring mangyari, NGUNIT sa DIYOS, ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari.” Mateo 19:26 

Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, “Sa mga tao, ito'y hindi maaaring mangyari ngunit hindi sa Diyos; sapagkat sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay maaaring mangyari.” Marcos 10:27

Sinabi ni Jesus: Ang mga bagay na hindi maaaring gawin ng tao ay maaaring gawin NG DIYOS.” Lucas 18:27 ASND