Tuklasin ang Iyong
âBagong Pangalanâ
 Ingles
Ang Iyong Banal na Pagtatalaga
Ang iyong buhay ay nagbago â magpakailanman !!
Nung araw na dinala ka ng panginoon upang mahanap mo ang Pag-asa sa Wakas , at nawaây natuklasan mo din ang Pag-asa sa Wakas, ay mararamdaman mong ikaw ay nagbago! Nagsimulang tumibok  muli ang iyong puso.
Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon! Isaiah 42:10-16 ASND
Para ang Kanyang karunungan na iyong natutunan ay gumabay at bumulong sa iyo na âAt pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.â Mga Kawikan 6:22 ABTAG1978
It Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao; binago na siya. 2 Corinto 5:17 ASND
Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago. 2 Corinto 5:17
Ang Iyong Katauhang Likha ng Diyos
Katauhang Likha ng Diyos : âKaya't dapat kayong maging ganap tulad ng inyong Amang nasa langit.â Mateo 5:48 FSV
Sila'y nagsitingin sa kaniya, at NANGALIWANAGAN: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man. â Awit 34:5 ADB1905
 Kalakasan at kamahalan ay siyang kaniyang suot. At kaniyang tinawatawan ang panahong darating. Kawikaan 31:25 ADB1905
 At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon. - Isaias 62:2 ADB1905
Isang Bagong Pangalan
Mahal kong Nobya,
Nagbago na ang buhay mo, di ba? Una Natagpuan mo ang Pag-asa sa Wakas at sinimulan mo na rin ang iyong Paglalakbay sa Pagkakabalikan ng iyong asawa.Â
Bakit isang Bagong Pangalan?
Ang pagkakaroon ng isang Bagong-Pangalan mula sa Diyos ay nakakatulong upang mabitawan ang nakaraan, ang iyong pagiging mabungangang babae upang magiging kaaya-ayang babae na hinuhubog ng Diyos.Â
Dagdag pa dito, ang pagkakaroon ng bagong Katauhang Likha ng Diyos na sisimulan  sa pagkakaroon ng Bagong Pangalan mula sa Diyos ay paraan din upang ikaw ay manatiling pribado. Ito ang magiging unang hakbang upang iwanan  ang iyong iyong dating buhay, isang bagong pangalan para gagamitin kapag tatangap ng bagong bagong email, at tanggalin ang  iyong mga lumang social media account (na nakatuon lamang sa iyong sarili) at sa pamamagitan ng iyong bagong pangalan ay magsisimulang tumu-on sa  iba . Sa pamamagitan ng pagtulong  o "paglilingkod" sa ibang kababaihan na nasasaktan, habang  malaya mong maihahayag ang iyang sarili,  ay nangangahulugang ikaw ay patungo na sa bagong buhay na nilikha ng Diyos para sa iyo, sa kasalukuyan, at hindi na mag-aantay pa hanggang sa magkabalikan kayo ng iyong asawa.
Ibinubuhos mo man ng iyong puso sa iyong mga talaarawan, o sa mga ulat na papuriâ o kalaunan  sa Ministry kapag tinawag ka ng Diyos upang magsimula ng iyong sariling Ministry. Hinihikayat namin ang bawat babae na dito sa Pag-asa sa Wakas na iwanan ang kanilang lumang buhay buhay at yakapin ang kanilang bagong buhay, ang kanilang  Katauhang Likha ng Diyos  tulad ng bawat isa sa aming mga ministro na gumamit ng Bagong Pangalan â upang maglingkod sa iyoâ na nagbigay daan upang sila ay malayang makapagpahayag.
Bago ka umiwas sa konsepto ng "paglilingkod", mahalagang maunawaan ang kahulugan ng isang "ministro" na isang PANDIWA o isang Aksyon na nangangahulugang: pag-aalaga, alagaan, tingnan, tulungan. Malamang ikaw ay "naglingkod" o nagmamalasakit na sa iyong pamilya at mga kaibigan o katrabaho. Ngayon ay magagawa mo ito  nang hindi kailangang idetalye pa ang mga kasalanan na mas mainam na manatiling seckreto.
Gayundin, ang dahilan kung bakit tayo dinala ng Diyos sa anino ng kamatayan, na nagsimula sa ating Paglalakbay tungo sa Pagkakabalikan, at kung bakit hinayaan  Niyang mangyari ang krisis na ito sa ating buhay, ay upang makapaglingkod tayo (tumulong at pangalagaan) at maipa-abot sa iba pang mga nalulumbay na kababaihan â magbibigat sa kanila ng pag-asaâ Pag-asa sa Wakas !
Kaya naman, tulad ng aming mga ministro, kailangan mo ring manatiling pribado at simulang gamitin ang Bagong Pangalan na bigay ng Diyos para  maprotektahan ang iyong pamilya at ang iba pa na bahagi ng iyong testimonya. Paano mo malalaman kung ano ito at kung ano ang proseso nito?
âSapagkat ang iyong Tagalikha ang iyong magiging bagong Asawa; ang Panginoon ng mga Hukbo sa Langit ang kanyang pangalan! Siya ang iyong Manunubos, ang Isang Banal ng Israel, ang Diyos ng buong sanlibutan. Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios." Isaias 54: 4-6
Unang-una, kailangan mong maunawaan na tinawag ka Niya upang alisin ang iyong kalungkutan, at kasama ang iyong bagong Asawa ay maaari na kayong  (ang iyong bagong Asawa ang ikaw) maglingkod sa ibang mga kababaihan, na kagaya mo ay  inabandona at nawalan ng pag-asa.
Alam mo bang ang pagbibigay ng BAGONG PANGALAN Â ay kasama sa mga ginagawa ng Diyos kapag ikaw ay binago niya?
Kadalasan ang mga kababaihan na nabago ng Diyos ay tatawagin ang kanilang sarili na bagong likha nang hindi man lang inisip ang nakasulat sa Kawikaan 16: 9, " Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang." Ang mga tao ay gumagawa ng mga magagandang plano para sa kanilang buhay, ngunit ang Diyos na Walang Hanggan ay ang siyang gumagabay sa bawat hakbang."
Isa sa aming paboritong halimbawa ay ang isang babaeng nagbibigay aliw  sa club na balak magpalaglag ( kahit pa malapit na ang kabuwanan niya), ngunit nakilala ang isang ministro mula sa RMI. Sa halip, siya ay naligtas, at nang may tumawag sa kanya na "Frankie" ay sinabi niyang siya ay si âFrancesâ. Ito ang ibinigay na pangalan sa kanya ng Panginoon na gamitin niya muli sapagkat siya nasa tamang daan na. Â
Alam naman natin na ang ating Makalangit na Asawa ay tinatawag sa maraming pangalan " Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.. " Isaias 54:5 Anim na pangalan sa isang talatang ito.
Alam din natin na tinawag ka niya, âSapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Diosâ. "âIsaias 54:4-6
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Marcos 16:15 ADB1905
Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, âHumayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao. Marcos 16:15 ASND
Ang Sinabi ng DIYOS tungkol sa Iyong Bagong Pangalan
"Magkakaroon ka ng isang bagong-bago na pangalan na galing mismo sa bibig ng Diyos. Ikaw ay magiging isang nakamamanghang korona sa palad ng kamay ng Diyos, isang gintong hiyas sa kamay ng iyong Diyos. Wala nang tatawag sa iyo na isang Itinakwil, at ang iyong bansa ay hindi na tatawaging Lupaing Giba.
âikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin. Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon magagalak ang Dios sa iyo.â Isaias 62 ADB1905
Naaalala mo ba si Sarai, asawa ni Abram, at ina ni Isaac? Ang ibig sabihin ng Sarai ay "prinsesa" ngunit sa itinakdang oras ay binigyan siya ng Diyos ng pangalang Sarah na nangangahulugang "AKING prinsesa" at siya pinagpala sa Genesis 17:15.
Gayundin, ang Abram, na nangangahulugang ama, ay binago at nagiging Abraham nang inihayag na siya ay magiging ama ng mga bansang Hebreo. Genesis 17:5. Ipinahayag ng Diyos ang kanyang bagong pangalan: "Abraham" - "ama ng maraming mga bansa."
Nangangahulugan ito na kung ang binigay na pangalan mo ay Marah, Mara, Maura, Moira, na matatagpuan sa aklat ng Exodo at nangangahulugang "mapait" âang bagong pangalan na ibibigay ng Diyos sayo ay marahil Dulcie na nangangahulugang matamis o Deborah na nangangahulugang matamis at masipag.
Kung ang iyong pangalan ay may nakakapagpalakas-loob na kahulugan, maaring iyong bagong pangalan na ibinigay ng Diyos ay isa pang pangalan na may parehong kahulugan - magtiwala lang tayo sa KANYA na PAMUNAN tayo,  hwag manalig kundi kilalanin na ang Diyos ay nagsasalita sa atin patungkol sa kung anong mangyayari sa atinâ at kung ano ang aming ibinabahagi sayo sa aming SAGOT  sa iyong isinumite na porma para sa iyong Bagong Pangalan.
âAng Panginoon ang aking pastol,hindi ako magkukulang ng anuman.Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan, patungo sa tahimik na batisan akoĘźy kanyang inaakay. Panibagong kalakasan akoĘźy kanyang binibigyan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan upang siyaĘźy aking maparangalan.â Salmo 23:1-3 ASND
âMagtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. 6 Alalahanin mo ang Panginoon sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.â Kawikaan 3:5-6
âAt ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.â Isaias 30:21
âGanito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol sa aking mga anak, at tungkol sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akinâŚâ  Isaias 45:11
Tuklasin ang Iyong Bagong Pangalan
- HAKBANG 1: Ang iyong Bagong Pangalan ay ang unang hakbang sa iyong bagong katauhang likha ng Diyos.â
- Hilingin mo sa Diyos kung anong UNANG PANGALAN na napili niya para sa iyo na "Inakay Niya Akoâ mula sa mga ito;
- HAKBANG 2: Apelyido o HULING pangalan para sa iyong account sa GMAIL.
- Upang makahanap ng Apelyido, maghanap ng pangalan mula sa isang PABORITONG talata sa Banal na Kasulatan dito sa Surname website na ito.