EnglishEspañolPortuguêsFrançaisSlovenský • Afrikaans • Dutch • Türkçe

Ang Tagabuo ng Tulay

Orihinal Ni Will Allen Dromgoole,
Binago ni Erin upang makatulong sa mga kababihan.

Isang matandang babae lumakad sa isang highway,
Dumating, nang kinagabihang malamig at kulay-abo,
Sa banging malawak at malalim at malapad.
Kung saan dumadaloy ang nagagalit na tubig
Ang matandang babae tumawid sa gitna ng labong dulot ng sakit
Ang humahagupit na pagdaloy ay walang takot sa kaniya;
Ngunit siya ay muling lumingon pagdating nya sa kabila
At bumuo ng tulay ‘sing-lawak ng pagdaloy.

“Manang,” sabi ng isa ring manlalakbay sa dapit,
“Inaaksaya mo ang iyong lakas sa pagbubuo dito;
Paglalakbay mo ay magwawakas na sa katapusan ng araw,
Hindi ka na muling daraan rito;
Natawid mo na ang bangin, malalim at malapad,
Bakit binubuo mo pa ang tulay sa madilim na pagdaloy?”

Ang tagapagtayo ay inangat ang kaniyang matandang kulay-abong ulo;
“Mabuting kaibigan, sa napagdaanan ko,” sabi niya,
“Susunod sa akin matapos ang araw na ito
Isang batang ang mga paa ay dapat ding dumaan rito.
Ang bangin na hindi ako inabala
Sa malagong buhok na bata ay maaring ikahulog niya;
Siya rin, ay kinakailangang tumawid sa gitna ng labong dulot ng sakit;
Mabuting kaibigan, ginagawa ko ang tulay na ito para sa kaniya!”

.

Huwag Maghintay

.

Ano ang Ginawa Natin Ngayon?

Marami tayong gagawin sa mga darating na taon,
Ngunit ano ba ang nagawa natin ngayon?
Ibibgay natin ang ginto natin sa magandang presyo,
Ngunit ano ang naibigay natin ngayon?
Iniaangat natin ang puso at tinutuyo ang luha,
Nagtatanim tayo ng pag-asa kaysa pangamba,
Magsasalita tayo ng tungkol sa pag-ibig at ligaya,
Ngunit ano ang nasabi natin ngayon?

Magiging mabait tayo sa paglipas ng sandali,
Ngunit ano naman tayo ngayon?
Magdadala ng ngiti sa bawat nalulumbay,
Ngunit ano ba ang nadala natin ngayon?
Bibigyan ang katotohanan ng magarbong kapanganakan,
At sa matatag na pananampalataya ay mas malalim na halaga,
Pakakainin ang mga nagugutom na kaluluwa ng mundo,
Ngunit sino ba ang napakain natin ngayon?

Aani tayo ng ligaya sa mga sandali
Ngunit ano ang naitanim natin ngayon?
Igagawa Niya tayo ng mansion sa kalangitan,
Ngunit ano nga ba ang nabuo natin ngayon?
Matamis magpakasawa sa pangarap walang ginagawa
Pero dito at ngayon, gawin ba ang gawain?
Ngunit, ito ang bagay na ang ating kaluluwa ay dapat tinatanong,
Ano ang nagawa natin ngayon?

Maging Ministro • Maging Mangangaral ng Ebanghelyo  Maging Mandirigma ng Panalangin

Maging tunay na Tagabuo ng Tulay― Kunin ang unang hakbang patungo sa sariling Ministeryo!

Mga Awit 23:1-3― “Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang; pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, INAAKAY NIYA AKO sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.”


INAAKAY NIYA AKO

Kunin na ang mga Hakbang upang Maging Ministro • Maging Mangangaral ng Ebanghelyo • Maging Mandirigma ng Panalangin

 

Hakbang 1 BP Tuklasin ang iyong “Bagong Pangalan.”

Hakbang 2 Alamin kung paano kumuha ng NAGLILIWANAG na Larawan.

Hakbang 3 Ipasa ang Form ng iyong Bagong Pangalan (dapat kasama na ang sa Hakbang 2 NAGLILIWANAG na Larawan).

Hakbang 4 Gumawa ng bagong Gmail account para sa ministeryo (gamit ang nakaraang 3 hakbang).

Hakbang 5 Gumawa ng 5 Social Media na Platform para sa Ministeryo (matapos sundin ang mga nasabing hakbang).