Ang pundasyon ng pagsasabuhay ng isang Masaganang Buhay, sa oras na ikaw ay mayroon ng personal na relasyon sa Panginoon, ay ang pag-aaral mamuhay ng mga prinsipyo ng Diyos—ang mapa ng daan ng buhay.
Ang unang hakbang ay ang pag tapik sa kagila-gilalas at mapangahas na pangako mula sa Diyos na matatagpuan sa pinaka unang Mga Awit. Basahin ang buong bersikulo, ngunit maglaan ng pansin ang san naka-bold na bahagi.
Mga Awit 1
1 Mapalad ang taong
hindi lumalakad sa payo ng masama,
ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya,
2 Kundi nasa kautusan ng Panginoon ang kanyang kagalakan,
at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan.
3 Siya ay gaya ng isang punungkahoy na itinanim sa tabi ng agos ng tubig,
na nagbubunga sa kanyang kapanahunan,
ang kanyang dahon nama'y hindi nalalanta;
sa lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.
Sinasabi ng Prinsipyo ng Buhay na ito na kung tayo LAMANG ay magninilay-nilay sa Kaniyang mga batas, at susundin iyon dahil ikinalulugod natin ito, Siya ay nangangakong ano man ang ating gawin tayo AY magtatagumpay!
Ngunit paano, eksaktong, ang prinsipyong ito ay MADALING maisasakatuparan?
Ang paraan ng aking pagbalik dito ay noong 1991 (ang taon kung kailan unang inilagay ng Panginoon sa aking puso ang kagustuhan ng Diyos na maipanumbalik ang aking buhay may-asawa) noong aking nadiskubre itong prinsipyong ito, ay sa pamamagitan ng paggamit ng index cards, 3x5 cards, at pagsusulat ko ng bawat bersikulong nais kong mabasa upang mabago ang aking pag-iisip at mapalakas ang aking espiritu. Nagsulat ako ng madaming bersikulo sa isang card at patuloy na nagdagdag rito. Lagi ko itong dinadala at inilalabas sa tuwing ako ay nakararamdam ng takot. Hindi ko sinubukang sauluhin ito, ngunit hindi naglaon ay natagpuan kong ito ang “bumubusog” sa aking kaluluwa. Sa tuwing kinakailangan ko sila ay natatagpuan sila ng aking isip, at patuloy silang binabanggit ng aking puso ng paulit-ulit.
Ngunit siya'y sumagot, “Nasusulat, ‘HINDI SA TINAPAY LAMANG MABUBUHAY ANG TAO KUNDI SA BAWAT SALITANG LUMALABAS SA BIBIG NG DIYOS.'" Mateo 4:4
Gayunpaman, kung ikaw ay kasalukuyang wala sa estado ng pagiging deperadong kagaya ko, ang pinakamadaling paraan ay ang paglalagay ng mga “target” o “susing” bersikulo sa tabi ng iyong higaan. Basahin MUNA sila sa iyong paggising, at MULI bago ka matulog sa gabi—sa madaling salita—pagbubulay-bulay sa kanila araw at gabi! Maaari mo ring ilink ito sa iyong telepono o computer sa Biblegateway, upang iyong mabasa at mapakinggan—ng ang Kaniyang mga Salita, Kaniyang mga pangako ay tumatak!
Ito ang karunungang binigay ng Panginoon sa aking nagbibinatang anak noong napag-usapan naming ang Prinsipyo ng Buhay na ito. Lahat ng nakababatang lalaki at babae ay nagnanais magtagumpay, ngunit walang katiyakang binibigay ang mundo. Tanging ang Diyos lamang ang matapat at ang ating kasiguraduhan! Ang aking anak ay nagsimulang magbulay-bulay araw at gabi habang nagmamasid ang mga tao sa kaniyang pagpupunyagi ng kaniyang buhay!
MAGSIMULA ngayon na mismo! Isulat ang susing bersikulong Mga Awit 1 sa isang index card O icopy at ipaste ito sa email o ibang dokumento. Basahin ito sa iyong telepono o magprint ng mga ganitong bersikulo. Hayaang akayin ka ng Panginoon, na magsisilbing susunod na Aralin sa Pamumuhay!
*At siguraduhing idiscuss ito sa Kaniya sap ag-uumpisa o pagdararagdag sa iyong