Marami sa ating mga Ministro, at ibang kababaihan (na nagsasalita nang walang humpay tungkol sa  ), ay nagpapakitang hindi ito makatotohanan— na hindi naman tunay na nakikita nila Siya bilang kanilang Asawa, kung kaya’t sinulat ko ang Paghanap sa Aking Asawa sa Langit.

Aming sunod na napansin, matapos ang ligayang maintindihan na ang Kaniyang pagmamahal, ay tulad ng maraming mag-asawa, ang babae ay ang siyang patuloy na nagsasalita at bihirang makinig sa kaniyang bagong Asawa. Sa   ngayon, umaasa akong maiayos ang gulong ito sa .

Tulad ng ibang relasyon, hindi ito basta basta pakikipag-usap lamang SA kung kanino at pagbahagi ng iyong naiisip at iyong ideya at iyong emosyon. Gaya nito ang iyong relasyon sa Panginoon.

Tulad ng ibang magandang buhay may asawa, ang lalake ang unang parating nagsasalita. Binasa mo ang Kaniyang Salita, ang Kaniyang mga sulat ng Pag-ibig sa iyo, ang Kaniyang nakikita at pinaniniwalaan sa lahat ng bagay. Sa kasamaang palad, sa oras na lumipas ang bagong karanasang ito, ikaw ay nagiging pangkaraniwang asawa imbis na nobya.  Nagsisimula nang ikaw ang parating nagsasalita, nagdedesisyon, at babalik ka na rin sa dating ikaw.

Upang mapanatili ang iyong pagmamahal at manatiling Kaniyang nobya, kailangan mong huminto at makinig at kausapin Siya tungkol sa lahat ng bagay— tulad ng ginagawa mo dati. Para magkasama kayo sa totoong relasyon, hindi lamang nagmumula sa isa, ang mapagmahal at matagumpay na relasyon.

Madalas, nakakalungkot at nakakawala ng loob kapag binabasa namin ang mga spiritually mature na kababaihang nagbabahagi kung paano nila ginawa ito o kung ano ang naramdaman nila dito o doon, pero nakikita naming hindi nila binabahagi ang sinabi ng PANGINOON sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin para malunasan ito.

Paulit-ulit nilang ginagawa ang kanilang pagkilos o gumagawa ng ibang bagay na inaasahan nilang makakatulong o  pinapasan ang kanilang negatibong emosyon. Sa tabi nila mismo ay mayroong Isang Tao na nagtataglay ng lahat ng kasagutan.

Kadalasan ay sumusulat kami pabalik at nagtatanong, “So, ano ang sinabi ng Panginoon sa iyo na gagawin mo?” na siyang patunay na hindi na sila naging mabuting nobya kundi ay naging malayang asawa — tinalikuran ang kanilang Asawa.

Isang kalokohan na hindi humingi at makipag-usap sa Kaniya tungkol sa lahat ng bagay! Hindi, sa bandang huli o sa tuwing nalilito ka (o nalilito ang iba dahil sa iyong walang katuturang ginagawa). Lumapit ka sa Kaniya dala ang lahat at para sa lahat at makikita mo na ang mga daanan mo ay tuwid at maligaya dahil ikaw ay talagang naglalakbay kasama Siya!

Hayaan mong bigyan kita ng halimbawa. Nang una kong nagbabalik sa aking buhay may-asawa noong 1989 at ang lahat ay nagdadasal “kontra” sa aking napalalapit na diborsyo, na narinig ko ay sinampa ng aking asawa. Ngunit, sa hindi malamang dahilan, hindi ako nakaramdam ng bugso ng damdaming magdasal laban dito.

Nagtataka, tumigil ako at NAGTANONG sa Panginoon, “Matutuloy ba ang aking diborsyo?” Ang sagot Niya dito, “Oo, pero mapagkakatiwalaan mo Ako.” Kaya nagtiwala ako. Simple!

Matapos akong magtanong, at marinig ang Kaniyang sagot, nang bumalik ako sa maliit na samahan at ang mga kababaihan ay nagsabing nagdadasal sila “kontra” sa aking diborsyo, nasabi ko na lang, “Oh, hindi na kailangan. Ang Panginoon na ang nagsabi na matutuloy ito ngunit magtiwala sa Kaniya.”

Salamat na lamang na may isang babaeng “lumaban” sa akin (na sa kalaluan ay hiniling kong umalis na lamang dahil sa mga isyu ng samahan sa kaniya). Kinontra niya ako at sumigaw, “Kailangan mong MANIWALA!! At kailangan mong magdasal LABAN DITO!!” Malinaw na hindi niya iniintindi ang Kaniyang kagustuhan at bilang Kristiyano, tayo ay madalas na sinasabihang “dumaan sa lambak ng anino ng kamatayan” upang sa dulo ay magkaroon ng testimonya. At nagdudududa ako kung siya ba ay tumigil kailanman upang pakinggan Siya. Sa halip, mayroon siyang sariling kagustuhan tulad rin ng iba sa inyo.

Ibig sabihin nito, sa oras na matapos mo ang iyong Lakbay ng Panunumbalik, dapat alam mo na at nasanay ka nang KAUSAPIN Siya tungkol sa lahat. Tulad ng:

Matutuloy ba ang diborsyo?

Ano ang nais Mong gawin ko tungkol sa (ituloy ang pangungusap)?

Bakit ako nahihirapan sa nararamdaman ko (sabihin kung ano)?

Napatawad ko na ba si (pangalanan ang tao) dahil kung nagawa ko na, bakit lagi ko siyang naiisip (ang taong ito)?

Walang katapusan ang listahan!! Ang listahan ko ay walang katapusan. Mula sa sandali na ako ay magising hanggang matulog, kahit sa gitna ng gabi kung ako ay magising — kinakausap ko Siya at nakikinig ako sa Kaniyang kausapin ako.

Para makatulong na mapatunayan ito, ito ang aking pinaka paboritong linya tungkol sa paksang ito na kinakailangan mong markahan at basahin hanggang ang bawat prinsipyo at naukit at natatak na sa kaluluwa mo.

Isaias 45:11— “Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng Maylalang sa kanya: “Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating…’

Isaias 42:9-10— “Narito, ang mga dating bagay ay lumipas na, at ang mga  bagong bagay ay ipinahahayag ko; bago sila lumitaw ay sinasabi ko sa inyo ang tungkol sa kanila. Pagpupuri sa Diyos dahil sa Pagliligtas. Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit, at ng kapurihan niya mula sa dulo ng lupa!”

Isaias 30:21 — “At ang iyong mga pandinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, “Ito ang daan, lakaran ninyo,” kapag kayo'y pumipihit sa kanan, at kapag kayo'y pumipihit sa kaliwa.” Ngunit kailangan ay nakikinig ka.

Isaias 48:6— “Mula sa panahong ito ay magpaparinig ako sa iyo ng mga bagong bagay, mga kubling bagay na hindi mo pa nalalaman.”

Ibig sabihin nito ay kailangan mong lumapit sa Kaniya at tanungin Siya ano ang iniisip Niya, ano ang Nararamdaman Niya, ano ang gusto NIYANG gawin mo, bilang magkapareha. At ito ay nagsisimula sa simpleng mga bagay:

Panginoon, ano ang gusto Mong suot ko ngayon?

Panginoon, paano Mo gustong ayusin ko ang buhok ko?

Panginoon, ano ang plano Mo para sa hapunan ngayong gabi?

Kung hindi ito ang iyong normal na gawain sa araw araw, masasabi ko sa iyo na ikaw ay nagkukulang. Ipapakita Niya sa iyo ang mga bagay na magmumukhang maganda sa iyo— mga bagay na hindi mo maiisip na suotin. Isa pa, maaring magsuot ka ng hindi naayon sa ulat ng panahon, ngunit dahil alam Niyang talaga ang panahon, ikaw ay handa para dito!

At kung hindi sapat ang iyong damit, maaring pabilhin ka pa Niya! Kilala akong pumapasok sa mga tindahan na umiikot at iniisip sa aking sarili, “Ano ang ginagawa mo dito!?!?” At tatanungin Siya (katulad ng lagi kong ginagawa at pinagsanay kong gawin ng aking mga anak),”Panginoon, ipakita mo na lamang sa akin kung ano ang gusto mong bilihin ko. Kung ano man ang piliin mo para sa akin at kung bakit mo ako pinapunta rito.” Sa higit na isang pagkakataon may mga bagay na biglang naipapasa sa akin o nahahagis sa aking cart.

Minsan kinakailangan ko ng bagong maibibigay sa aking apo, ngunit NAPAKA RAMI na niyang natanggap kaya wala na akong maisip na kinakailangan niya. Itinutulak ko ang cart ko sa pasilyo at isang hanger ang sumabit, at nakita ko ang isang designer bib. Natigilan ako at napa-isip na “Ano ang nangyari?” Pero alam kong bibilihin ko ito at ang aking manugang ay hindi tumitigil sa kasasabi na ito ay EKSAKTO sa kaniyang hinahanap ngunit hindi makita! At kadalasan ay kung ano ang ipinapakita Niya (o hinahagis sa ating cart) ay nakadiskwento— upang makumpirma na mula ito sa Kaniya.

Pangalawa, masasabi kong nakakasakit pa rin sa aking puso sa tuwing nakakakita ako ng napakaaaaa raming kababaihan, na nakalayo na sa kanilang Lakbay ng Panunumbalik, ngunit nakakalimutang parin na ang Diyos ay ginawa ang sangkatauhan (nagsimula sa mga unang tao, Adam at Eba) para sa samahan!! At ang Panginoon ay Tao, nilikha bilang Tao at sa gayon ay naghahanap at gusto ring makasama ang Kaniyang nobya. Sa lahat ng Kaniyang nagawa, hindi ka pa rin lumalapit sa Kaniya at naglalaan ng oras para sa isang bukas na usapan sa Kaniya. Marami pa rin ang nagsasalita “tungkol” sa Kaniya, nagsasabing Siya ay higit pa sa kung ano talaga Siya sa kanilang buhay.

Harapin natin ang katotohanan, ang Panginoon ay isang Ginoo, ibig sabihin uupo Siya ng tahimik habang nagsasalita ka ng paulit ulit— hahayaan kang gawin kung ano ang nais mong gawin. Hihintayin ka Niya hangga’t nalagay mo na ang iyong sarili sa napakalaking gulo hanggang tanungin mo na ang Kaniyang naiisip. Saka mo lamang malalaman ang katotohonan at makakalaya mula sa iyong sarili.

Isaias 55:8-9— “Ang sabi ni Yahweh, ‘Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.’”

Mga Kawikaan 3:5-6— “Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,     at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.”

Isaias 64:4— “Sangkatauhan ay wala pang nakikita o naririnig na Diyos maliban sa iyo; ikaw na tumutugon sa mga dalangin ng mga umaasa sa iyo.”

Mabalik tayo sa relasyon mo sa Panginoon, ano ang mangyayari kung ang taong nakakasama mo ay hindi NAKIKINIG o NAGTATANONG kung ano ang nararamdaman mo o kung ano ang alam mo? Ano ang mararamdaman mo? Tila tinanggihan ka. Ganyan ang Kaniyang nararamdaman.

Kung kailanman ay hindi ka tumigil upang MAKINIG o MAGTANONG kung ano ang nararamdaman Niya o ano ang alam Niya (kahit na alam Niya ang sagot sa lahat ng bagay!!). Anong klase o antas ng relasyon ang sasabihin mong mayroon kayo? Tila pareho ito ng relasyon ninyo ng Asawa sa Lupa mo na sinira mo bago ka napunta rito?

Ipapaliwanag ko sa iyo, madalas ang Panginoon ay hindi ibinibigay sa akin ang sagot, sa halip ay sinasabi Niya lamang, “Magtiwala ka sa Akin” at higit na iyan upang kumawala ako at malamang Siya ang bahala. Ito ay nakakagaan sa loob. Nang una kong sinulat ang Ang Matalinong Babae ay natuto ako kung paano maging asawa sa aking asawa sa lupa— mga bagay na dapat natutunan ko na bago pa man kami ikasal. Ngunit hindi ko ito nagawa sa sarili kong relasyon sa aking Asawa sa Langit nang nakita ko na tunay na nagbago ang buhay ko at naramdamang malaya ako at minamahal Niya.

Kahit na ang aralin ngayon ay mahaba kaysa sa karaniwan, HUMINTO ka (o di kaya ay magsantabi ng oras mamaya) upang namnamin ang natutunan mo, sa ibang salita, pagnilayan ang lahat. AT siguraduhing hindi ka lamang MAG-IISIP kung ano ang natutunan mo, ngunit makipag-usap sa iyong Asawa upang masolo mo Siya at SABIHIN sa Kaniya na ibahagi sa iyo kung paanong ang mensaheng ito ay naaangkop sa iyo at ang iba pang maari mong MATANONG sa Kaniya. Tapos umupo at manahimik at makinig. At panatilihing buhay ang iyong pag-ibig sa pamumuhay ng ganito bawat araw.

Dyornal