Noong nakaraang linggo, natapos tayo sa aking pagbabahagi ng kagustuhan kong makatulong sa bawat isa sa inyong mapalaya kayo sa inyong mga pagkakasala. Ngunit, naniniwala ako na para sa nakararami sa inyo, lalong lalo na yoong mga naglakbay na ng matagal sa kanilang Pagpapanumbalik kasama ang Panginoon (pagkatapos makaranas ng panahon ng lubos na pagkawasak na kinakailangan, na sinamahan pa ng katulad ng pagtangis ni Maria Magdalena sa paanan ng Panginoon), aking nararamdaman  na karamihan sa mga gatilyo o “sensitibong” parte ay hindi naman talaga “pagkakasala”. Kaya’t naramdaman ko din ngayong araw na nais Niyang mas matuto pa tayo tungkol sa akusador. Sa pag-aaral kung paano niya ipinararamdam, ng may katalinuhan, sa atin na tayo ay makasalanan sa pamamagitan ng mga tukso.

Ilang linggo na ang nakalipas habang nagbabasa ako ng Ulat Papuri upang payagan ang nilalaman nito, may nabasa ako mula sa isang ministro na masyadong malabo. At kahit pa ako ay nagsimula ng magtrabaho para sa darating na Lingguhang Mensahe, na nakatakda para sa Setyembre 14, na aking inaasahang makapagbabahagi ng kaunting karunungan tungkol sa “tarangkahan ng pagiging sobrang malabo o sobrang maingat,” na kabaligtaran ng kadalasan nating (o lahat tayo) tambayan—ang pagpapamalas ng kawalan ng pag-iingat…

Hayaan mong sabihin ko ngayon upang hindi mo na kakailanganing maghintay upang hindi ka maiwan ng kaaway sa tarangkahan kung saan naninirahan ang karamihan sa mga kababaihan, hindi niya kailanman pahihintulutang maglakbay ng maligaya sa makipot na daan. Isang halimbawa, sa halip na maling paratangan ka na kulang sa mabuting pagpapasya hanggat matigilan ka at paunti-unting umaatras, palapit ng palapit sa dulo ng kabilang panig— hanggang sa huling isang mahinang tulak, ikaw ay tuluyang aatras at mahuhulog sa tarangkahan kung saan ano man ang iyong sabihin o isulat ay SOBRANG “may pag-iingat” na ito ay naging malihim na o sobrang pinagtakpan—kaya’t anoman ang sasabihin mo ay wala ng silbi.

Patawarin niyo ako, ako ay naglakbay sa isang maiksing mental na pagliliwaliw, ngunit ako ay nagbalik na.

Ang nais ko sanang isulat ay tungkol sa, at hiling ko na mapalaya kayo mula rito, ay isang bagay na kahanga-hanga na ipinakita sa akin ng Panginoon ilang taon na ang nakalipas tungkol sa tunay na kahulugan ng tukso.

Ito ay nagsimula noong ako ay *nagalit sa tuwing Ako ay nakababasa ng komentaryo mula sa mga “iskolar” na nagsasabing si Hesus ay natuksong magkasala, na nangangahulugang naisip Niyang “magkasala.” Walang paraan!

Hindi dahil ipinakita ni Satanas kay Hesus ang mga bato, at ipinaalala sa Kaniyang kaya Niyang baguhin ang bato para maging tinapay o tumalon sa bangin, sa inyong palagay ba “isinaalang -alang” ni Hesus na gawin kung ano man ang ipinanunukso sa Kaniya o kahit inisip man lang na gawin ito!?!?! Siyempre HINDI!

At para sa nakararami sa inyo, na tunay na naging Kaniyang babaeng nakatakdang pakasalan, at nakaranas na maging Kaniyang Asawa, wala sa inyong nagsaalang-alang man lang ng tuksong inyong naririnig o naiiisip sa inyong utak.

Patawarin niyo ako, ngunit kailangan ko kayong dalhin muli sa isang mental na pagliliwaliw, upang maipaliwanag ang tungkol sa matuwid na *galit dahil aking nabanggit  ang tungkol sa galit sa itaas. Oo, mayroong bagay na kagaya ng matuwid na galit, ngunit kaunti lamang ang nagpapamalas ng matuwid na galit. Kung paano mo malalaman ay  kung ito ay nag-ugat o nagmula sa isang galit para sa inosente. Ang makatutulong sa inyo upang matukoy kung ano ang kahulugan nito, ay ang pagbulay-bulayan ang bersikulong ito sa loob ng isa o dalawang linggo:

Mga Kawikaan 24:11-12—“Iligtas mo silang dinadala sa kamatayan, pigilan mo silang natitisod patungo sa katayan.

Kung iyong sinasabi, “Narito, hindi namin ito nalalaman.” Hindi ba niya alam ang sa mga puso'y tumitimbang?

At siyang nagbabantay sa iyong kaluluwa, hindi ba niya nalalaman? At ang bawat tao ayon sa gawa niya ay di ba niya gagantihan?

*kung iyong pipindutin ang Mga Kawikaan 24:11-12 matatagpuan mo ang dalawang sanggunian na maaari pang makatulong.

Ngayon, tayo ay magbalik na sa ating pangunahing paksa: ang Tunay na kahulugan ng Tukso.

Maraming taon na ang nakakalipas noong sumangguni ako sa Kaniya para sa karunungan, ginamit ng Panginoon ang eksena kung saan ako ay naglalakad sa Walmart (na malapit sa aking tahanan noong mga panahong iyon) at hinayaan Niyang isipin kong may taong nagtatago sa likod ng damuhan, at tinatawag ako, upang alukin ng isang “mumurahing” bisikleta. Bisikletang alam kong galing sa nakaw.

Bagamat narinig ko siyang tumatawag kahiy hindi ko pinapansin ang kaniyang panunukso at ako ay naglakad ng mabilis palayo, ang taong iyon ang sumusubok na “tuksuhin” ako. Tama ba? Ibig sabihin ako ay tinukso. Oo, si Hesus ay natukso, ngunit hindi Niya, o ako, isasaalang-alang man lang na pagbivyan ang sinasabi ng manunukso. Tama ba?

Kapag aking isinaalang-alang man lang sa aking isip o puso ang pagsunod sa kaniyang panunukso ay saka mabubuo ang pagkakasala. Katulad ng paghihikayat sa ideya.

“…Ngunit ang bawat tao ay natutukso ng sarili niyang pagnanasa, kapag siya ay nahila at naakit nito. (Ang kahulugan ng “pagnanasa” ay pangungulila sa isang bagay na ipinagbabawal.) At kapag ang pagnanasang iyon ay naipaglihi, ito ay nanganganak ng kasalanan, at ang kasalanan kapag malaki na ay nagbubunga ng kamatayan. Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.” Santiago 1:14-16*.

Isa pang paraan ng pag-iisip ng tukso ay kapag ating pinahintulutang libangin tayo ng panunukso—katulad ng pagpayag sa pagpasok ng isang pus asa iyong tahanan. Kapag iyong pinayagang makapasok ang pus asa iyong bahay, kahit isang beses lamang, sa oras na ito ay iyong pinapasok, kahit ISANG beses, it9 ay hahanap ng pagkakataong makapasok tuwing bubuksan mo ang pinto.

Kaparehas nito ang kasalanan, kahit pa ang pagsasaalang-alang nito kahit isang beses kamang, o paglilibang nito sa iyong isipan, ito ay magdudulot ng bitak na magdudulot nga buong lakas na panunuksong kailangan mong labanan ng paulit-ulit muli. Haya HUWAG “paglibangan” ang pagkakasala kahit kailan. At kung mayroong bagay na nanunukso sa iyo, isarado at kandaduhan ang pinto at tumalikod para gumawa ng isang MABUTING bagay na makapaglilibang sa iyo.

Mga Awit 34:14—“Lumayo ka sa kasamaan, at ang mabuti'y iyong gawin; hanapin mo ang kapayapaan at ito'y iyong habulin.”

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)—“Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti.

Hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.”

Kaya’t HUMINTO  ngayon at Selah sa iyong natutunan, sa madaling salita, pagbulay-bulayan ang lahat. AT tiyaking hindi lamang pag-iisipan ang iyong natutunan, ngunit gumawa ng lakad kasama ang iyong Asawa upang mapag-isa kayo at mahiling sa Kaniyang ibahagi kung paano makatutulong ang mensaheng ito sa iyo.

*Maglaan ng panahong pinduting ang BAWAT isa sa mga koneksiyon sa bersikulo sa bibliya (sa itaas) dahil ang pagkukumparang ito ang magdudulot upang lubos mong maunawaan ang kahulugan nito. At kung hindi Tagalog ang iyong pangunahing lenggwahe, gamitin ang mga tampok nito at humanap ng iba sa mga pagpipilian.

Dyornal