Noong nakalipas na linggo ating napag-usapan ang kadalasan (kung hindi man lahat) tayo ay mayroong tinatawag na gatilyo, isang bagay na nagdudulot sa atin na maging negatibo. At ako ay nakapangakong tatalakayin ang gatilyong ito ngayong linggo.

Kamakailan lamang isa sa aking mga anak ang nagpamalas ng parehas na reaksyon sa isang bagay na aking nasabi, sa pag-iisip (o maaaring ang naramdaman ay isang mas mabuting salita) na tinawag ko silang “bobo.” Siyempre, ang aking nasabi ay malayo sa pagtawag sa kanilang bobo. Ang aking nagawa ay ang pagtatanong sa kanila, pagtataning ng isang bagay na nagdulot na maramdaman nilang tinatawag ko silang ganoon. Kaya’t ako ay huminto at nagtanong, “Sino bang tumatawag sa inyong bobo?” At nagpatuloy na ibahagi ang testimonyang ito sa kanila.

Ilang taon na ang nakalipas ako ay inakusahang HINDI sumusunod sa aklat ng Ang Babaeng May Karunungan, sa aking mga naisulat sa maraming mga kabanata, at hinamon ako sa pagsasabing, “kung makikilala lang ng lahat kung sino ang tunay na Erin, ang lahat ay lalayo!!!” Sa umpisa, tulad ng lahat ay naramdaman ko ring ako ay napatunayang may sala  ngunit talagang inakusahan at hinatulan ako (ngunit noong panahing iyon ay hindi koi to napagtanto na dahil ito ay negatibo, kailangan koi tong dalhin sa Panginoon). Sa halip, ako ay mas lalong nagsumikap, sinubukang maging mas mahusay, gumawa ng mas marami, at patunayan ang aking sarili. Nakalulungkot diba?

Hanggang isang araw, buti nalang, ang “paggawa” ay naging sobra na para sa akin. At sa uulitin, dahil dapat akin lamang ginawa, ngunit ang nakalulungkot ay hindi ko alam kung paano—pagod at nasa hangganan ng aking pisi (alam kong maiintindihan ninyo), akin lamang SIYANG TINANONG. “Panginoon, totoo ba? Hindi ko ba sinusunod ang Ang Babaeng May Karunungan? Kapag nakilala ng iba kung sino ang “tunay” na ako, sila ba ay lalayo o mag-iisip ng masama laban sa akin?”

Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko malilimutan. Buong pagmamahal, unti-unti, na tila ba huminto ang pag-inog ng mundo ng mga oras na iyon, tinanong Niya ako mula simula sa pinakahuling kabanata ng aklat ng Ang Babaeng May Karunungan.

Erin, pinapalaki mo ba ang iyong mga anak kagaya ng sinasabi mo sa “Mga Turo ng Iyong Ina?”

Napahinto upang mag-isip, nasabi kong, “Oo, Panginoon.”

Erin, ipinagkatiwala mo ba sa Akin ang iyong pagdadalang-tao? Ikaw ba ay gumawa ng kahit na ano upang mapigilan ang iyong pagbubuntis?

Oo, Panginoon, Nagtitiwala ako sa Iyo lamang.

Erin, ikaw ba ay nagtatrabaho sa labas ng iyong tahanan? Ikaw ba ay natukso kahit kaunti noong ikaw ay inalok ng isang kapaki-pakinabang at mahalagang posisyon?

Panginoon, Alam Mong hindi ko pinangarap o inisip man lang na magtrabaho sa labas ng tahanan.

At nagpatuloy ang pagtatanong hanggang makaabot kami sa Aking Unang Minamahal…

Erin, sino ang una sa iyong buhay?

Oh, Minamahal ko, Ikaw lamang!

Erin, saan muling itinayo ANG bahay mo?

Sa Iyo Panginoon, Ikaw ang aking Bato.

Sa pag-usad sa bawat kabanata, ang aking pinakamamahal, ay pinalaya ako sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Mula sa pagkakataong iyon, ang mga akusasyon ay nahingo; ang takot sa pagtatrabaho upang magkamit ng inaakala kong (o nararamdaman) kong kulang ay naglaho—kasabay ang lahat ng “gatilyo”. Kinalaunan noong ako ay inakusahan ng parehas na taong iyon at di nagtagal—mas marami ng tao sa mga sumunod na taon. Walang kahit na anong ibinato sa akin (na katulad nito) na nasabi ang nakapagdulot sa akin ng parehas na reaksyon.

Ang pagsasabuhay ng pagkamatay sa sarili. Kung ang bagay na iyon ay na nasa iyo at patay na, maaari kang sipain o duraan ng kahit na sino, katulad ng pagsipa o pagdura mo sa isang patay na tao ngunit walang anoman ang makakainis sa kanila, tama?

Mayroon bang pagkakataon na may ibinigay akong bagay sa Panginoon na HINDI ako inosente? Oo naman! At iyon ang tatalakayin natin sa susunod na linggo.

Ngunit, bago magmadali, HUMINTO at humanap ng pagkakataong mapag-isa kasama ang Panginoon, at itanong sa Kaniya ang mga “gatilyong” nagpapasimula sa iyo.

Marami sa atin ang nasabihan ng mga kasinungalingan tungkol sa atin na nais Niyang linawin sa pamamagitan ng pagpapakita ng katotohanan sa atin. Kapag kaniyang naibunyag na ang gatilyo ay totoo, manatiling bukas at huwan tumakbo palayo sa Kaniyang pagmamahal na walang pasubali. Tandaang noong tayo ay “mga makasalanan pa” ay pinili Niya na tayong Kaniyang maging babaeng nakatakdang pakasalan.

Ang ating sagot dapat ay katulad ng mapagmahal Niyang tugon sa tuwing ipinapakita Niya sa atin ang ating pagkakamali. HINDI natin kailangan lumuhod, magmakaawa sa pagpapatawad, tanggalin ang ating espiritwal na kasuotan o magtaboy ng abo sa ating sarili. Hindi rin natin kailangang tumakbo sa Kaniyang madugong krus. Sa halip, nais Niyang ipalibot ang Kaniyang kamay sa atin. Nais Niya lamag na IBIGAY natin ang bigat na ating dinadala, tulad ng isang mapagmahal na asawa.

Kaya’t inuulit ko, HUMINTO, at gawing tama ang lahat. Katulad ng Kaniyang sinabi, “Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo kayo sa akin ng kapahingahan. sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”(Mateo 11:29-30). Nais Niyang ibigay mo ag lahat ng iyong pasanin at makawala ka sa isang hindi komportableng pamatok.

Ngayon, gumawa ng isang pangakong magmula sa oras na ito, sa bawat pagkakataong may hindi komportableng bagay ang dumating sa iyo, ito ay dadalhin mo sa Kaniya—upang ikaw ay mapalaya mula sa KASINUNGALINGAN o mula sa pasanin ng hindi naamin na pagkakasala.

Kahit pa nais kong magpatuloy sa pagtulong sa inyo na mapalaya kayo sa pagkakasala, para sa nakararami sa inyong naglalakbay na sa inyong Pagpapanumbalik kasama ang Panginoon, na naranasan na ang pagkawasak na kinakailangan (ang pagsuko at pagtangis sa paanan ng Panginoon katulas ng ginawa ni Magdalena), nararamdaman kong ang karamihan sa ating gatilyo o mga bagay na “sensitibo” ay hindi naman talaga pagkakasala. Kaya’t akin ding nararamdaman na nais Niyang pag-usapan natin ng mas madlas ang akusador at kung gaano katalino niyang ipinararanas sa atin na tayo ay makasalanan sa pamamagitan ng tukso, na ating Araling Makabuhay sa susunod na linggo.

Dyornal