Noong nakaraang linggo ay nangako akong magbabahagi ng ikalawang halimbawa ng hindi kinakailangang sakit at pagdurusang dulot ng hindi pagdadala o hindi pagpunta sa ating Makalangit na ama o Makalangit na Asawa upang aminin ang ating kasalanan at mayakap ng Kaniyang pagpapatawad at pagmamahal.
Sa panahong ito, isang matalik na kaibigang aking nakaharap sa unang pagkakataon sa Timog na bahagi ng Afrika. Nakilala na namin ang isat-isa sa loob ng maraming taon at nagtrabaho ng magkasama sa RMI kaya ako ay lubos na nagagalak na makilala siya. Dahil ako ay dumating ng maaga mula sa aking byahe, iminungkahi niyang magkaroon kami ng isang Timog Afrikan na almusal sa isang marangyang hotel sa paliparan. Ako ay hindi makapaniwalang nandoon ako sa ZA at ang maitre'd ay hindi nakatulong na magpakalma sa akin dahil siya ay nakasuot ng katutubong palamuti sa ulo at kapani-paniwalang roba.
Ngunit, kahit ako may pananabik, ako ay may kutob na kakaibang pakiramdam na tila nangingibabaw sa aming lamesa. Katulad ng ginagawa ng nakararami sa atin, sa halip na mapagtanto na hindi ito kadalasang tungkol sa “atin”, Inakala kong nadismaya siya marahil sa pakikipagkita sa akin o maaaring hindi niya talaga nais na magpunta ako
Buti na lang siya ay nagpasyang “umamin” habang ako ay nagpapakasaya sa mga tanawin habang kami ay naglalakbay pauwi sa kanilang tahanan. Bigla-bigla, siya ay bumalimg sa akin at halos mapasigaw ng, “Alam mo, hindi ba!! Masasabi konh alam mo at halos patayin ako nito!!!”
Ang nakakatawa ay, wala akong kaide-ideya kung ano ang inaakala niyang “alam” ko, at sa pagkakataong ito hindi ko padin maalala kung ano ang kaniyag “inamin”. Ang masasabi ko lang sa inyo ay kung ano man ang ainabi niyang kaniyang nagawa, hindi niya kailangang aminin dahil kung ano man ang kaniyang inamin ay hindi naman mali. Tama, ang kaniyang dinadala sa panahong iyon, sa takot na siya ay aking itaboy kapag aking nalaman, ay walang halaga talaga. Ngayon lang, naalala kong ito ay tungkol sa kaniyang diborsyo. Na hindi ang kaniyang asawa ang naghain kundi siya dahil inutos nito sa kaniya. Ngunit sinong may pakialam dahil sino ba sa atin ang hindi nakagawa ng kasalanan? Lahat tayo ay “nagkulang sa kaluwalhatian ng Diyos” kaya’t kinakailangan nating lahat ng Tagapag-ligtas.
Hindi naglaon pagkatapos kong maipaliwanag sa kaniya, siya ay nagalak, kinikilig halos, na tila kaya niyang lumakad sa alapaap. Napag-alaman ko na hinahabol siya ng kalaban mula ng nalaman niyang ako ay darating sa Timog Afrika upang bumisita, pagsisinungaling sa kaniyang ito ay malalaman ko at ito ang magiging katapusan n gaming pagkakaibigan at ititiwalag ko siya sa ministeryo.
Salamat nalang hindi siya naghintay na akin pang “mapag-alaman” at sinabi agad ito, kagaya ng aking naibahagi, halos pasigaw, at ang aking reaksiyon, sa aking paniniwala ay, ako ay natawa, na nagwaksi agad-agad sa namumuong tensyon. Kung hindi siya “umamin”—naiisip nyo ba kung ano ang mangyayari sa oras ko kasama siya? Tama, pilit, hind komportable at malayo sa pagiging kagiliw-giliw. Sa halip, sa pag-iwas sa patuloy na pagkaramdam ng “pagkakasala” ng dahil dito, na nagdulot ng pakiramdam na nahatulan at naakusahan, na nagpatuloy sa hiya, na nagpatuloy upang magdulot sa kaniyang itago ito mula sa akin—siya at ako ay napalaya upang tamasahin ang mga linggong mayroon ako habang siya ay aking binibisita at tintuklas ang ZA.
Kamakailan lamang, may isang ministro na umamin sa isang ulat papuri noong kaniyang sinabing, “Ako ay nagsisi kailan lang sa Panginoon dahil hindi Siya ang nauuna sa aking pagbibigay ng ikapu. Naunawaan ko na simula noon na magbayad muna sa Kaniya bago ako magbayad ng kahit na anong bayarin ko. Hindi ko din agad napansing ipinapakita sa akin ng Panginoon ang pagkakasalang ito ako ay madalas na iritable, kapos at napakasalbahe sa ibang tao dahil ako ay nasusukluban ng kasalanan.” Ito ang nagkumpirma ng epidemyang ito. Ito ang kadalasang nagpapasakit sa karamihan sa inyo at isang tunay na usaping na kailangang malaman.
Hayaan mong magpatuloy ako sa parehas na usaping ito, upang magbahagi ng isang kawili-wiling bagay na nangyari kailan lamang. Hindi nagtagal pagkatapos akong akayin ng Panginoon na hilingin sa aming mga Ministro at nga Ministrong nagsasanay upang tapusin at ipasa ang mga nawawalang aralin, aming napansin na ang iba ay mahinahon na nagpatuloy sa pagsulong, walang duda pagkatapos makipag-usap sa kanilang HH, kaya sila mahinahon. Habang ang iba ay nagmadaling matapos, ang iba ay nagpapanic. Ito, inuulit ko, ay isang bagay na dapat italakay at dalhin sa ating HH dahil hindi Siya kailanman nagmamadali. Kahit pa ilan sa atin ay nais na lumipad patungo sa kanilang destinasyon, tinatapos ang kanilang Paglalakbay sa Pagpapanumbalik agad-agad, upang makarating sa ating patutunguhan sa madaling panahon, mayroon Siyang ibang plano para sa atin.
Alaming kilala ko siya sa pagkakakilala ko, mas nais kong gawin ang mga bagay ng may kabagalan upang aking mas namnamin ang paglalakbay kasama Siya! Habang ako ay naglilibot sa buong mundo, sa isang mas linahabang pulot-gata kasama ang aking Hh, alam ko ngayon na mas nais niyang magbyahe ako ng mas mabagal tulas ng sa tren, kaysa sa isang eroplano, maupo at pagmasdan ang tanawin. Oo, ako ay nagsasalita ng pasimbolo o matalinghaga ngunit literal din.
Ang kawili-wili pa, kung ano ang sumambulat sa isang ministeryong hinging kumpletuhn ang nawawalang aralin, ay galit— noong nagkaroon siya ng pakiramdam na tinawag siyang “sinungaling” at lumabas ang panic.
Karamihan sa atin ay mayroong gatilyo, isang bagay na nagpapainit sa atin. Ito ang susunod nating tatalakayon. Pansamantala, siguraduhing huminto at Selah, sa madaling salita, pagbulay-bulayan ang iyong natutunan. AT siguraduhing hindi mo lang pag-iisipan kung ano ang iyong natutunan, ngunit maglaan ng araw kasama ang iyong Asawa upang mapag-isa kasama Siya at hingin sa Kaniya na ibahagi sa iyo kung paano mo magagamit ang mensaheng ito.