Nang nakaraang linggo, hinikayat namin kayo na tigilan na ang pakikipaglaban o paghihirap o pagsubok na i-control ang iyong nararamdaman, at sa halip ay ialay ang bawat isa sa mga masamang nararamdaman sa Panginoon.
Ilan sa inyo ang nagsimulang maramdaman na katabi Siya? Ilan sa inyo ang napagtanto na matiyaga Siyang naghihintay na sambitin mo ang Kaniyang katotohanan ng pagmamahal, kapatawaran at dakilang mga planong mayroon Siya para sa iyong kinabukasan— kung kailan napag-isipang ialay ang lahat sa Kaniya?
Ito ay importante dahil ang mga kababaihan na walang alam kung paano pahihilumin ang sugat na nagsisimulang hilumin ang kanilang sarili sa ibang pamamaraan upang hindi na maramdaman ang sakit.
Wala na bang panlunas sa Gilead? Wala na bang manggagamot diyan? Bakit hindi gumagaling ang aking bayan?
Karamihan sa ginagawa ng mga “mabuting” tao upang mawala ang negatibong pakiramdam ay sa pamamagitan ng pag gawa, na naglalagay lamang ng band-aid (o plaster) sa sugat ng ating mga emosyon. Ang plaster ay makakatulong na hindi na makita ang sugat at nagiging daaan upang maipagpatuloy ang mabubuting gawa upang makatulong sa atin na “mapalitan” ang ating maling mga nagawa. Madalas, kung tutuloy ito, nagsisimulang lumaganap ang ating mga gawa at sa kalaunan ay nagiging “relihiyoso” tayo at sinisigurong alam ng lahat ang ating nagawa o kung ano man ang ating ginagawang tama ayon sa relihiyon.
Hayaan mong bigyan kita ng halimbawa. Hindi sa nakita natin o alam ng isa sa ating mga ministrong “nagkasala” pero ang kaniyang ugali ay nagsasabing may ibang nangyari. Ang aming napansin ay mabulaklak, malulusog na mga salita ng papuri na tila walang laman. Agad, dinoble niya ang kaniyang “ikapu” ngunit siniguro niyang sumulat siya at nagbigay ng mga komento tungkol dito sa bawat pagkakataon. Susunod, ipinahayag niya na sya ay nag-aayuno, hindi lamang minsan, kundi kung saan saan at sa lahat ng tao.
Hayaan mong tumigil ako sandali at ipaliwanag na hindi rin niya naintindihan, na kapag dinoble mo ang iyong ikapu, hindi na ito ikapu, ngunit ikapu at pag-aalay. Dahil ang salitang ikapu ay nangangahulugan ng 10% kaya anumang higit dito ay pag-aalay.
Maaalala mong nabasa ang Malakias 3:8-10 “Ang tanong ko nama'y, matuwid bang pagnakawan ng tao ang Diyos? Hindi! Ngunit pinagnanakawan ninyo ako. Sa paanong paraan? Sa mga ikasampung bahagi at mga handog. Isinumpa ko kayong lahat sapagkat ako'y pinagnanakawan ng buong bansa.”
Kaya, oo, napakaganda na magbigay ng sobra pabalik sa Panginoon, sa pagbigay hindi lamang ng iyong ikapu kundi pati pag-aalay. Ngunit ang mahalaga ay ang dahilan kung bakit ka nagbibigay. Parating kung bakit natin ginagawa ang kahit anong kabagayan ang mahalaga dahil kung bakit natin ginagawa ito ay salamin ng kung ano ang nasa puso natin.
Ang pag-aayuno din ay dapat ginagawa ng pribado, sa inyo lamang ng Panginoon, tulad ng nasasabi sa Mateo 6:16-18.
Ngunit, bawat sitwasyong ito ay hindi mahalaga sa atin dahil ito lamang ay mga sintomas kung ano ang sinusubukan nating itago para gumaan ang pakiramdam natin. Kasalanan. At kung malaki o maliit na kasalanan O kung ano mang KASINUNGALINGAN, ito ay masakit, nakakahiya, kaya kailangang patayin.
Madalas alam ng kalaban na ninanais mong mapalapit sa Panginoon, kaya ang kalaban ay magaling magtanim ng mga kasinungalinngan, na nagdudulot na makunsensya ka, at kung hindi mo ilapit sa Panginoon ang iyong naramdaman, ay maghahatol sa iyo, magdadala sa iyo sa kahihiyan, na magdudulot sa iyo na magtago sa likod ng mabubuting “gawain.”
At sa oras na subukan nating Pagtakpan ang bagay na madali sanang mapagaling, kung aamin lamang tayo, sa halip ay nalulugmok tayo, dahil sa pagbuhat ng ating sariling mga pasanin.
Hayaan mong magbahagi ako ng naranasan ko sa pagtulong sa aking nakatatandang kapatid para matulungan kang maintindihan ang prinsipyong ito ng mas malinaw. Sa mahabang panahon, mahirap pakisamahan o makasama ang kapatid ko. Ang kaniyang disposisyon ay mapanambulat at hindi mo alam kung kailan siya sasabog. Kaya’t ang tanging paraan ay iwasan siya hangga’t maari. Dahil ako ay mas bata ng siyam na taon, hindi ko alam na hindi naman siya parating ganito, dahil mula nang ako ay mapanganak, hindi ko gugustuhin na galitin siya o magalit siya sa akin.
Ilang taon pa lamang ang nakalilipas nang malaman ko ang katotohanan. Isang araw ay tumawag siya sa akin at siya ay umiiyak. Inabot ng magpakailanman para masabi niya ang nais niyang sabihin. Naririnig ko na sinasabi niya ng paulit-ulit sa gitna ng kaniyang mga hikbi na “kung alam mo lang”...
Matapos ang napakatagal na sandali, nasabi na rin niya sa akin nang tila pabulong na nagkaroon siya ng anak sa kaniyang pagkadalaga, isang sanggol na ipinamigay niya para ma-ampon ng iba. Natigilan ako. Hindi dahil sa kung ano ang inamin niya, kundi natigilan ako dahil inakala niyang hindi ko alam. Hindi namin kailanman napag-usapan. Hindi niya binabanggit, kaya siyempre, hindi ko rin binabanggit.
Nang marahan kong sabihin, “Pero alam ko naman iyon” tumigil ang kaniyang pag-iyak. Nagulat siya at naginhawaan. Ngunit, ‘sing bilis nito, muli nanaman siyang nalugmok sa kaniyang kalungjutan nang sinabi niyang, “Pero hintayin mo sa oras na malaman ng mga anak ko, kamumuhian nila ako!!” Kaya ipinaliwanag ko na malamang ay alam na rin nila. Sinabi kong kung alam ng isa ay malamang alam na rin ng iba, at alam ko ito dahil isa sa kaniyang mga anak ay naka-usap ako tungkol dito.
Buong buhay niya ay dinala niya ang bigat ng “kasalanan” na ni sinoman ay hindi sinumbat sa kaniya. Wala sino man sa aming mga kapatid o sa kaniyang mga anak ang nagsalita ng masama sa kaniya dahil sa bagay na ito. Ang katotohanan ay ang mga puso namin ay nasasaktan para sa kaniya. Alam ng lahat na napakahirap mamuhay ng alam mo na may anak kang namumuhay sa mundo na huli mong nakita bilang maliit na sanggol.
Ang mga pangyayaring ganito ay naipakita na sa mga palabas sa telebisyon, ang kahihiyan at sakit at paghatol na natatanggap ng mga dalagang ina (at binatang ama minsan) na nasa sitwasyong ito— pagsuko ng mga anak nila pagkasilang. Ngunit ang tunay na trahedya ay ang negatibong emosyon na pasan ng tao— mabigat at masakit, na dinadala nila sa anumang paraang kaya nila. Madalas mapanambulat, madalas ginagamot, iyan ang pamamaraan ng kapatid ko na nagbigay daan sa iba pa niyang komplikasyon.
Alalahanin, lahat ito ay dala ng negatibong emosyon mula sa kalaban sa kaniyang panunuya at pangkukutya sa iyong kasalanan— mayroon namang Ama sa langit na nagnanais na lumapit tayo sa Kaniyang kanlungan para masabing ayos lang ang lahat. O ang Asawa na naghihintay lamang sa iyo na lumakad sa katahimikan upang masabi Niya sa iyo ang katotohanan, habang nakabukas ang Kaniyang mga bisig upang maipaalala Niya sa iyo na ang mga kasalanan mo ay naipako na sa lumang krus.
Sa susunod na linggo ibabahagi ko ang isa pang halimbawa ng Pagtatakip habang nagmumuni sa iyong mga natutunan. AT siguraduhin na hindi mo lamang isipin kung ano ang natutunan mo, kundi magsantabi ng oras para makasama ang iyong Asawa upang masolo Siya at makausap Siya upang maibahagi sayo kung paano mo magagamit ang mensaheng ito.