Ngayon nais kong tumalon agad sa isang konsepto na may kasamang maraming prinsipyo na aking pinaniniwalaang sobrang mahalagang matutunan at maunawaan (upang) manatiling malaya—may layang maranasan Siya at ang Kaniyang mga Salita ng husto.

Karamihan sa inaasahan natin ay ang ating mga “damdamin” —at bilang mga babae alam nating ang ating mga emosyon ang nag-uudyok sa karamihan sa atin.

Nilikha ang bawat isa sa atin ng perpekto kagaya ng sinabi saMga Awit 139:14—“Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas;  Kagilagilalas ang iyong mga gawa,  At nalalamang mabuti ng aking kaluluwa.”

Taglay ang kaisipang ito, mas mauunawaan nating mabuti kung paano tayo gumagalaw, paano tayo nilikha, higit, na aking pinaniniwalaan, na tayo ay makikinabang mula sa ating kadalasang pabigla-biglang emosyon. Nais Niyang maunawaan natin an gating mga sarili bilang babae, upang makapag ministeryo tayo ng ibang kababaihan “ sa paraan ng may pang-unawa”, at matutunang huwag bumigay o pagbigyang masolo natin ang mga emosyon. Sa halip, ang malalim nating mga nararamdaman ay isang dahilan kung bakit pa lalo natin Siya kailangan ng husto.

Magsimula tayo sa ating nararamdaman tuwing tayo ay nagkakamali. Kadalasan kapag tayo ay nagkakamali, tayo ay nakararamdam ng paghahatol o pagkakasala. Ang pagkakaiba sa dalawang emosyon na ito at ang madalas o normal na emosyon, ang pagkakakasala, ay kadalasang hindi maganda sa pakiramdam.

Ang pagkakasala ay pumapailalim sa mga negatibong emosyon, at ang pagtuligsa ay kadalasang kasama o dulot ng pagkakasala. Kaya sa kadahilanang ang nga ito ay negatibong pakiramdam na umabalot sa atin, saan o kanino niyo tingin nagmula ito ang mga ito?

Tama, sa kalaban.

Ang mga negatibong pakiramdam ng pagkakasala at pagtuligsa ay HINDI nagmula sa Diyos.

Ang pakiramdam ng pagkakasala at pagtuligsa at kahit ano pang kaisipang nagmula dito ay hindi kailanman ang nais sabihin sa iyo ng Panginoon. Kaya sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong sarili kung ANO ang iyong nararamdaman at pagtuloy kung ang iyong nararamdaman ay negatibo, malalaman mo agad kung saan nagmula ang mga pakiramdam at isiping iyon, HINDI mula sa Kaniya! Sa halip. Ang mga negatibong pakiramdam ay kasinungalingan at mga bagay na kailangan mong ipagpag tulad ng ahas. ( Basahin ang Mga Gawa 28:5 at tandaan ang iyong paboritong bersyon).

Ito ang katulad na pakiramdam na napag alaman kong maaaring naranasan ni Adan at Eba, kaya sila nagtago mula sa Diyos. Dahil ang isang kasama pa ng pagkakasala at pagtuligsa at hiya at ang hiya ang magtutulak sa iyong magtagp. Magtago mula sa iba, magtago mula sa Diyos, at itago ang iyong (inakusahang) kasalanan.

Ngunit, ito ang talagang pagkakataon kung kailan kailangan nating magtungo sa ating Ama o lumapit sa ating Makalang na Asawa. Sa bawat pagkakataong tayo ay napapahamak dahil sa tila pakiramdam nating ating nagawang mali, kailangan nating tumakbo, sa halip na lumayo sa Kaginhawahan at katotohanang ating kailangan.

At ito rin ang panahon kung kailan natin dapat alamin kung saan nanggaling ang pakiramdam na ito: sila ba ay mabutii o negatibo? Doon tayo ngayon tatakbo PATUNGOs a halop na palayo mula sa Nag-iisang may kakayanan na ituwid tayo at bigyan tayo ng katotohanan. At kapag ito ay ating nagawa, doon lamang natin mararanasan ang Kaniyang pagmamahal na “magwawaksi ng lahat ng takot” at tatakpan ang “karamihan” ng ating pagkakasala at kung bakit Siya namatay noong “tayo ay makasalanan pa.”

Maging handa, ang kalaban ay laging nag-aabang upang wasakin ang kahit na anong mabuting isisilang mo. At kung wala siyang pahintulot na nakawin ito, gagawa siya ng nas matalinong panamaraan—ang batuhan ka ng mga negatibong emosyon, na magdudulot sa iyo ng pakiramdam  na nais mong magtago, upang masundan niya pa ito ng mas matalino niyang mga pamamaraan.

Buti na lang, sa oras na ating maranasan ang pagmamahal ng Panginoon ng husto at talagang nararanasan nating Siyang magung ating Asawa, at tayo ay kumapit ng husto sa Kaniya, hindi natin hinahayaan an gating sarili na malayo mula sa Kaniya o hayaan ang mga negatibing pakiramdam na manatili sa atin. Kaya bilang Kaniyang bride, kailangan nating magsanay at magbahagi sam ga kababaihang hindi man lamang alam kung paano magpunta sa Kaniya, kausapin Siya tungkol sa lahat, hayaan Siyang mahalin tayo, maramdaman ag Kaniyang pagpapatawad, upang matulungan Niya tayong maitama ang lahat ng bagay sa kahit na sino.

NGAYONG ARAW, sa halip na labanan o pagdusahan o kontrolin ang iyong pakiramdam, dalhin ang bawat isa dito sa iyong HH ngayon. Siya ay nakaupo sa tabi mo at naghihintay na sabihin sa iyo ang katotohanan sa Kaniyang pagmamahal, pagpapatawad, at sabihin sa iyo lahat ng magagandang plano na nais Niya para sa iyong hinaharap—kung dadalhin mo lamang ang lahat ng kailangan mo sa Kaniya.

Dyornal