Kaniyang Mga Kautusan

Napakahirap yakapin ng Salita ng Diyos at ang Kaniyang mga Prinsipyo kapag ikaw ay dumating na sa parte tungkol sa “mga kautusan”. Sinabi ng Diyos na para tayo ay magtagumpay sa lahat ng bagay na ating gagawin, kailangan nating “magalak” ang ating sarili sa mga KAUTUSAN ng Panginoon at magbulay-bulay sa KAUTUSAN na iyon araw at gabi. Paano tayo magagalak sa ating sarili kung ang “utos” ay isang bagay na ating kinamumuhian?

Kung nabasa mo na ang Unang Kabanata ng aking RYM "Restore Your Marriage" na libro, maaalala mong nabasa na ito (sa ibaba). Maglaan ng ilang minuto na basahin muli ito nang matulungan kang maintindihan ang LP ngayong linggo.

Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon
At sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.

Ang Bibliya ay puno ng mga KAUTUSANG ESPIRITWAL ng Kaniyang mga nilikha. Noong nilikha ng Diyos ang mundo, hindi lang Niya ito nilikha kasama ang mga kautusang pisikal, ngunit tulad ng batas ng grabidad, nilikha rin Niya ito kasama ang mga KAUTUSANG ESPIRITWAL. Katulad ng paglabag sa batas pisikal ng grabidad ay magdudulot sa iyong matisod o mga bagay na malalaglag, gayundin ang paglabag sa mga prinsiyo ng Banal na Kasulatan…

Kapag lamang nilabag lamang natin ang mga kautusan ay saka natin ito kinamumuhian. Ang katotohanan dito ay, ang mga kautusan ay nandiyan, upang tayo ay turuan, para sa ating proteksiyon. Ito ay mistulang hindi nakikitang harang ng proteksiyon na pumapalibot sa atin! Hindi sa kinukulong tayo sa loob nito, ngunit, ito ay ang Kaniyang proteksiyon at pabor na pumapalibot sa atin.

Kapag lamang nilagay natin sa ating isip na nais nating maglakbay sa labas ng proteksiyong ito ay saka lamang natin inilalagay ang ating sarili sa panganib ng pagbagsak sa bangin o pagkalamon ng buhay ng kalaban. Ito ay ang simpleng pagtingin natin sa kautusan, ang ating hindi nakikitang balot ng proteksiyon na pumapalibot sa atin, ang makapagsasabi ng tagumpay o pagbagsak ng ating kinabukasan.

Bawat bersikulong pinagbubulay-bulayan mo ay magbibigay sa iyo ng karunungang kakailanganin mo upang magtagumpay.

Oseas 4:6
Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka

Dyornal