Naalala mo nang sinabi ko nung ika-10 na linggo: “Kung hindi ka pa nakaharap ng ganitong sitwasyon, magtiwala ka, haharapin mo ito”?
Sa pag ministro nang napaka tagal, napagtanto ko ang isang bagay— ang kalaban ay hindi ganoon katalino— kaya ginagamit niya ang parehong bitag upang pakagatin sa pain ang karamihan sa mga babae.
Ang kagustuhan na mahalin ng lalake ay isang bagay na inaasam ng karamihan sa kababaihan mula pagkabata. At lalo itong nabibigyang halaga kung ang kanilang ama ay hindi sila minahal sa paraang karapatdapat.
Sinasabi sa atin ng Bibliya na ang lahat ay natutukso sa parehong paraan, at ito ay totoo rin para sa mga kababaihan. At kahit na hindi mo pinapansin ang sala ng pagiging hindi tapat (sa iyong asawa sa lupa o Asawa sa Langit), ipaparamdam sa iyo ng kalaban ang kahihiyan, kukumbinsihin kang ikaw ang dahilan ng kung ano man ang nangyari dahil sa ginawa mo.
Kahit na maaring totoo ito, madalas (kung malayo ka na sa iyong lakbay ng panunumbalik at naranasan ang Kaniyang pagmamahal), hindi mangyayaring pansinin ang pagnanasa sa ibang lalake. Kung hindi ka pa gaanong nakalalayo, at naghahanap ka pa ng ibang lalake, hihikayatin kitang basahin at muling basahin Sino ang nagnanais na Mahalin ka sa Paghanap sa Aking Asawa sa Langit. Mabalik sa paksa ngayon…
Nang sinulat ko at muling binasa ang bahagi ng “pain at kahihiyan” at lalo na— “piliting ikaw ang sanhi kung bakit ito nangyari dahil sa iyong nagawa” ay dinala agad ako pabalik ng panahon. Ito ay nang taong 2005 at dinadalaw ko ang ilang ministro at kaibigan sa Colorado.
Isang miyembro na hindi ko pa nakikilala, na nakapanumbalik, ay inanyahan akong tumigil sa kabundukan na may napakaliit na bayan. Sa isang tahanan na nasa pamilya na niya sa loob ng napakaraming henerasyon. Masasabi kong hindi ako naalagaan o naramdamang ganito ka napahinga kailanman? At maaring ito ang naging dahilan na naranasan ko sa unang pagkakataon ang pagyakap sa Kaniya.
Ngunit, ang pag-akyat na iyon sa kabundukan ay mas tungkol sa bagay na tinatawag Niya akong gawin kaysa sa biyayaan Niya ako. Ngunit hindi ko naisip agad ito.
Habang nasa maliit na kubo sa kabundukan, naririnig ko ang agos ng tubig at tumigil ako upang tanungin kung nasaan ito. Ipinaliwanag niya sa akin na ang naririnig ko ay ang tubig na umaagos mula sa taas ng bundok nang matunaw ang mga nyebe, tinuloy ko at tinanong siya kung maari ba namin itong makita. Marahil dahil nakatingin ako sa ibang bagay ay hindi ko nakita ang takot sa kaniyang mukha, ngunit narinig ko sa kaniyang boses. Dahil narinig ko ang pangamba sa kaniyang boses, hindi ko na itinuloy, ngunit maya maya lamang ay tinatanong ko nanaman kung maari namin itong makita.
Sa totoo lang, hangga’t hindi ko naiaakyat sa Panginoon matapos ko ibaba ang aking sarili dahil sa katangahan dahil sa muling pagtanong kung maaring makita ito ay naintindihan ko. Sa totoo lang tingin ko ay may mali sa akin dahil parati ko itong binabanggit. At isang “aha na sandali” ang nangyari, at napagtanto ko na may rason kung bakit ninanais nIya na pumunta ako dun kasama Siya.
Nang naglalakad kami pabalik mula sa bayan, nakita ko ang isang lakaran malapit sa bahay, at tinanong ko kung papunta ito sa ilog. Nang tumango siya, walang sinasabi, naramdaman kong kinakailangan kong maglakad papunta doon. Hindi ko sigurado kung ang kasama ko ay nasa likuran ko pa o wala na, ngunit masasabi kong, sa pagtayo ko sa makitid na tulay sa taas ng rumaragasang tubig ay napakaganda at nakakaaliw!!
Agad ay napansin kong ang kasamahan ko ay nasa paanan na ng tulay. Ang babaeng sinimulan ko nang mahalin at kung sinong alam ko ay minamahal na rin ako dahil sa pareho naming minamahal ang Panginoon, ang aming Asawa. Sa loob ng maraming minuto nang nakita niya ako, at nang napangiti ako at binuksan ang aking mga bisig, lumapit siya palapit sa akin. Nang kasama ko na siya sa tulay, ay kumawal na siya at humagulgol, nanginginig, at bumigay sa mga bisig ko.
Matapos niyang umiyak, naglakad kami pabalik sa bahay, at doon na lamang siya nag kwento at sinabing sa akin, nung kaniyang kabataan, siya ay nagahasa. Ito ay nangyari sa tulay kung saan siya ay naloko at kinuha siya, kinaladkad papunta sa kotse nito. Wala akong masabi at ang puso ko ay napakalakas ng tibok, ngunit sinigurado ko na makikinig ako at sa Panginoon na nagbabahagi sa akong ng mga bagay kasabay nito sa aking isip at puso. Mga bagy na hindi ko kailanman maiintindihan noon at hindi kapanipaniwalang napakalaman.
Ang nangyari sa biktimang ito at sa karamihan ng mga biktima ay ang pakiramdam ng pagkakasala dahil sa maling nahayaan na masisi at manatili ang sisi SA kanila.
Paulit ulit sinabi niya sa akin “dapat ay alam ko!!” sa tuwing sinusubukan kong pakunsweluhan siya. Ngunit, habang sinasabi ko ang mga pangyayari sa kaniya, unti unti na niyang naiintindihan na walang paraang mahulaan ang bitag na itinakda nito: May nagsabi sa kaniya na ang kaniyang matalik na kaibigan ay hinihintay siya at sa halip ay ang lalake ang nandoon na naghihintay, nagtatago sa palumpong ng mga halaman sa kabilang banda.
Kaya, kung ikaw ay nakukunsensya sa salang hindi sa iyo, kahit gaano kalaki o kaliit. At hindi ka matagumpay na nakakalaya mula rito. Sa susunod na linggo ay ibabahagi ko sa iyo ang MARAMI PA sa katotohonang ito na parehong nakakamangha at matindi— at kung bakit ang kalaban ay patuloy na pinagdurusa ang mga BIKTIMA kaya ang taong tunay na nagkasala ay tila hindi naapektuhan.
Pansamantala, nakikiusap akong TUMIGIL ka na ngayon (o magtakda ng petsa) upang mag-selah sa kung ano ang natutunan, sa ibang salita, manahimik at magnilay tungkol sa lahat. AT maniguro na hindi mo lamang iisipin kung ano ang natutunan, ngunit magtakda ng oras para sa iyong Asawa upang ma-solo Siya at SABIHIN sa Kaniya na ibahagi sa iyo kung paanong ang mensaheng ito ay naaangkop sa iyo at lahat ng kinakailangan mong TANUNGIN sa Kaniya. At maupo ng taimtim at makinig at panatilihin ang pag-ibig mo na buhay sa pamamagitan ng pamumuhay ng ganito araw araw.