Noong pasimula palang ang buwan ng Agosto, nabanggit kong ako ay umaasang makapagsulat pa ng mas marami tungkol sa pagkahulog sa sangkahan ng pagiging sobrang malabo o sobrang maingat. Pagpapaliwanag na ito ay kabaligtaran ng sangkahan mula sa ating madalas na tambayan—ang sangkahan ng pagpapamalas ng kakulangan sa karunungan.
Mga Kawikaan 11:22—“Tulad ng singsing na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang isang magandang babae na walang dunong.”
Noong linggong iyon din ay sinabi ko sa iyo na kung hindi kaya ng kalaban na panatilihin ka sa sangkahan kung saan naninirahan ang mga kababaihang kulang sa karunungan, hindi rin siya papayag na hayaan kang maglakbay ng maligaya sa makipot na daan sa oras na iyong natutunan at naisabuhay ang prinsipyong ito.
Sa halip, ang gagawin niya ay pasinungalingan at akusahan ka ng pagiging hindi maingat hanggat ikaw ay umatras ng umatras—palapit ng palapit sa kabilang dulo hanggang sa isang mahinang tulak pa, ikaw ay mahuhulog na sa kabilang sangkahan.
Ang sangkahan kung saan ang sinasabi mo o ang iyong sinusulat ay “sobrang maingat” na naging ito ay malihim na o sobrang pinagtatakpan na nakakabigong ng basahin. Kaya naman ang sinasabi mo ay napatunayang walang silbi at nakakairita para sa mambababasa.
Kamakailan lamang ay lumiham ako sa isa sa aming mga kamangha-manghang ministro na nagpasa ng kaniyang Ulat Papuri na masyadong malabo, na nagdulot sa aking mag-isip na mayroong higit pa na panganib na espiritwal na kaniyang nais ibahagi. Sa totoo lang ay mahigit sa isang beses akong sumubok upang hayaa siyang gumapang palabas sa malihim na sangkahan upang maibahagi kung ano ang tunay na nangyayari.
Dahil ang partikular na maling paratang na ito ay isa sa mga pakana na ginagamit ng kalaban, ating pag-usapan kapag ikaw ay nakararamdam ng pagkatukso, ngunit ang uri ng tuksong ating napag-usapan sa Ika-8 Araw “Mga Tukso”.
Naaalala mo ba, tuwing tintukso k ang kalaban, at ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makuha ang iyong pansin ngunit patuloy mong binabalewala ang kaniyang panunubok, hindi hinahayaang malibang k asa kung ano man ang inihahain niya sa harapan mo? Ito ang aking nakuha pagkatapos kong magtanong at nagpapasalamat ako na ako ay naginhawahan pagkatapos ko itong mabasa.
Para lubusan mong maunawaan at masagot ang ilan sa mga katanungang mayroon ka, kailangan kong magbahagi ng ilang detalye dahil wala ng ibang paraan pa. Sinasabi ng kalaban sa akin na ako ay magpatuloy na, sumuko na at magpadala. Pagkatapos, sinabi niya sa aking kung paanong may ibang taong nakalaan pa para sa akin at ito ay magiging mas madali, tinulungan pa nga niya ang isang kaibigan kong magtanim ng binhi sa pagsasabing mayroong “ibang taong” interesado sa akin. Alam ko na ang mga iyon ay pawang kasinungalingan, ngunit minsan, hindi ko kaagad ito nalalaman at ito ay nakalulusot sa aking depensa; ngunit sa bawat pagkakataong ibinibigay ko ito sa Kaniya, at paulit-ulit kong naririnig na ito ay isang “pagsusulit”. Sa simula, sinusubok kong labanan ito sa aking sarili ngunit simul ang ako ay nagpasa ng aking Ulat Papuri, akin ng isinuko ang buong sitwasyon sa Kaniya, sa pagkakaunawang wala akong kahihinatnan kung ako ay aasa sa aking sarili at dahil dito ay malayo na ang aking narating ;).
Ang “taong” ito na aking kinatatagpo ng dalawang beses sa isang linggo ngunit pag minsan ay hindi, depende sa linggo. Alam kong mayroon Siyang plano na alisin ako mula sa aking pinapasukan sa ngayon upang hindi ko na makasamuha ang taong ito ng madalas. Sinubukan kong maging bastos, hindi siya pansinin, at ang pagliban sa trabaho (kahit pa andoon dapat ako) para lang hindi ko na siya makasama, ngunit ako ay bigo, dahil alam kong Siya dapat ang gagawa ng paraan tungkol dito. Ang sakit na nasa aking Ulat Papuri ay mula sa sakit sa akin sa pagnanais na lumayo, sa literal na pamamaraan, ako ay napag-isip na lumipat sa ibang estado, ngunit aking narinig na sinabi Niyang ako ay manatili at kailangan ko itong pagtiisan. Ang magandang balita ay ang pagsusulit na ito ang nagtulak sa akin upang lalong mas mapalalim sa Kaniya at hayaan akong hindi lamang hanapin Siya kundi umasa sa Kaniya ngayon higit kailanman dahil alam kong ang kahit anong uri ng pag-iisip na kakayanin koi to sa sarili kong lakas o pag-iisip—ako ay mabubuwal at ang pagbuwal na ito ay hindi lang basta makasasakit sa akin kundi sa Kaniya rin, na hindi ko kailanman ginusto!!
Hindi ako interesado sa lalaking ito, o sa pagpapanumbalik ng aking pagsasama sa aking asawa. Nais ko lamang na makasama Siya at ang magkaroon ng mas higit sa piling Niya higit kailanman. Patawarin mo ako ngunit kailangan kong magpakatooo sa iyo at kung ito ay nakasakit sa iyo sa kahit na anong pamamaraan ako ay lubos na humihingi ng tawad. Nauunawaan kong kailangan mong Hanapin ang Diyos at ano man ang sabihin Niyang gawin mo, tatanggapin ko, nais ko lamang ang Kaniyang kalooban, salamat sa pagtatanong at alam kong Siya ang may nais na malaman mo ito.
Kung hindi mo pa hinarap ang ganitong sitwasyon, magtiwala ka sa akin, ito ay darating. Ang kalaban ay hindi ganoon katalino, ginagamit niya ang parehas na patibong na madalas na kinakagat ng nakararaming kababaihan. Ang kagustuhang mahalin ng isang lalaki kahit pa natagpuan mo na ang Lalaking iyong pinapangarap, ang Panginoon.
Tintukso tayo ng kalaban sa parehas na pamamaraan, nguni kapag hindi mo kinagat ang pain at hindi hinayaang libangin ka nito, ipaparamdam ng kalaban sa iyo na nakakahiya ka, ay kukumbinsihin kang ikaw ang nagdulot upang mangyari ito dahil sa bagay na iyong ginawa, o hindi mo ginawa. Maaaring ito ay totoo, kadalasan (kung ikaw ay malayo na sa iyong paglalakbay sa pagpapanumbalik at nakaranas ng Kaniyang pag-ibig), ang paglilibang sa pag-iisip ng tungkol sa ibang lalaki ay hindi na mangyayari sa iyo.
Makikita mo sa halimbawa sa email na ito, kung paanong sa huli, ginamit Niya ito para sa mabuti, ngunit ito ay dahil siya ay nagnais lamang na isiksik ang kaniyang sarili sa Panginoon kaysa sa tumakbo palayo sa Kaniya.
Hayaan niyong sabihin ko rin na noong ako ay sumagot, akin ding pinaalala sa kaniya na ang kaniyang pagnanais na tumakbo palayo ay hindi masama, at isang bagay na kailangan niyang Hanapin Sa Diyos. Dahil mayroon lamang isang sitwasyon sa Bibliya kung kailan sinabi sa ating kailangan nating tumakbo palayo-lumayo sa imoralidad (1 Corinto 6:18. Aking hinihikayat kayong magbasa ng ibat-ibang bersyon, para sa mas malawak at nagtatagal na pananaw. Lalo pa sa huling bersiyon ng Mensahe na Bibliya na maaaring maibahagi sa mga taong minamahal ninyo at bukas na marinig ang katotohanan. Marami pang tungkol dito sa susunod na linggo).
Umaasa akong simula ngayon mapapansin mo na ang lingguhang mensahe at ang lahat ng pa ay may pagkakapareha, isang similar na sinulid na nag-uugnay sa bawat isa dito. Na lahat ng bagay na nakakasakit sa iyo, lahat ng pagsubok na masusumpungan mo, ay maaaring maibsan at magamot sa pamamagitan lamang ng pagpunta sa Kaniya: pakikipag-usap sa Kaniya at pakikinig sa Kaniya.
Ikalawa, naunawaan mo ngayon na ang kalaban ay hindi lamang basta aalis at iiwan ka sa makipot na daan sa oras na ikaw ay makaalis sa sangkahan. Sa halip, maling paparatangan ka niya hanggat malayo ka sa pamilyar na sangkahang kinatatakutan mong balikan. At, kapag ikaw ay malapit na malapit na, ikaw ay mahuhulog sa kabilang sangkahan. Tandaan, ang makipot na daan ay ang tanging makapagdudulot ng pag-unlad sa iyo at ang Tanging makakatulong sayong baybayin ang daan na makipot na ito ay ang Tanging magdadala sa iyo sa tamang direksyon habang ikaw ay malapit at hawak ang Kaniyang kamay.
Maging makalupa o pangkaraniwang gawain araw-araw o isang mahirap na lambak ang iyong masusumpungang kailangan mong pagdaanan sa dilim, hindi mo lamang malalampasam ang pinapangarap mo kapag hinawakan mo ang Kaniyang mga kamau, ngunit sa prosesong ito ay mararamdaman at mararanasan mo ang Kaniyang pagmamahal, na plano kong talakayin sa susunod na linggo.
Pansamantala, pakiusap HUMINTO ngayon (o ayain siyang makipagkita mamaya) upang mag selah ng iyong natutunan, sa madaling salita, pagbulayan ang lahat. AT siguraduhing hindi mo lamang pag-iisipan kung ano ang iyong natutunan kundi makipagkita k asa iyong Asawa upang kayo ay mapag-isa at MAHINGI sa Kaniyang ibahagi sa iyo kung paano makatutulong sa iyo ang mensaheng ito at kahit ano pang nais mong ITANONG sa Kaniya. At maupo ng tahimik at makinig at panatilihing buhay ang inyong pagmamahalan sa pamumuhay ng ganito araw-araw.