Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw,
pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay
magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
 âJuan 10:10
Ano ang Masaganang Buhay?
Ang masaganang buhay ay ang buhay na aking ngayong tinatamasa. Ito ang buhay na mayroong âkaligayahang hindi matumbasanâ dahil ito ay puno ng Kaluwalhatian ng Diyos! Ito ang buhay na, sa aking paniniwala, ibinigay ni Hesus sa atin noong siya ay nangamatay, ngunit iilan lang sa atin ang nakakatagpo sa kanilang buhay! Sa Amplified na Bibliya, ipinapaliwanag na ito ay ang buhay na âmasagana [pagkamit ng mas malaking perpeksyon kaysa pamumuhay sa buhay na ito].â
Sa mga nagdaang ilang buwan, dinala ako ng Panginoon sa bagong buhay, isang buhay na masagana. Ang buhay na ito ay tila mahirap marating para sa akin at karamihan sa mga Kristiyano. Ang aking buhay ay puno ng pakikibaka, hindi ang buhay na madali kagaya ng sinabi ni Hesus sa Mateo 11:29. âPasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.â
Dahil ang aking paglalakbay patungo sa masaganang buhay ay hindi pa kumpleto, aking masasabi sa iyo na narating ko na ang kapahingahan para sa aking kaluluwa at kaligayahang hindi matumbasan, puno ng kaluwalhatian!!!
âUpang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y sinusubok sa pamamagitan ng apoy, ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo: Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwaâ (1 Pedro 1:7-9 Ang Biblia (1978 ABTAG1978).
Tayo ay nagbabasa ng mga bersikulo tulad ng sa Juan 16:33. âAng mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.â Tayo ay nakatuon lamang sa âSa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian,â dahil ganoon tayo mamuhay sa araw-araw.
Ang buhay na ito na puno ng kapighatian, ng pakikibaka, ng sakit at ng kalungkutan ay hindi plano ng Diyos. Hindi ito ang dahilan kung bakit dumating si Hesus sa mundo upang mabuhay at mamatay para sa atin. Naniniwala ako na dapat tayo ay mamuhay ng buhay na puno ng kaligayahan na hindi kapani-paniwala at hindi mo ito maipaliwanagâisang kaligayahang hindi masabi dahil puno ito ng kaluwalhatian ng Diyos!!
Kagaya ng kapangyarihan ni Hesus na dumating sa pamamagitan ng krus, ako ay naniniwala na ang ating krus din, ang magiging dahilan upang tayo ay magkaroon ng ganitong klaseng buhay na kaiinggitan ng mundo. Ang ating buhay ay dapat maging isang buhay na magsisilbing liwanag sa kadiliman ng mundo ngayon; ang buhay na nagbibigay liwanag na gabayan ang buhay ng mga kababaihang naliligaw sa kadiliman. Sa kalagitnaan ng kanilang kadiliman, ang ating liwanag ang magtuturo sa daan patungo sa nag Iisang makakapagbigay sa kanila ng masaganang buhay. âSapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutanâsa makatuwid ay ang ating pananampalataya.â (1 Juan 5:4).
Huwag mong kalilimutan na âKayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutanâ (1 Juan 4:4).
Tayo ba ay kailangang maghintay hanggang makarating tayo sa langit bago âAt papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam naâ (Apocalipsis 21:4)?
Akala ko rin dati ay ganoon, ngunit hindi na ngayon.
Simula ng matagpuan ko ang ganitong buhay, nagkaroon ako ng walang kabuluhang kagustuhan na ibahagi ang buhay na ito sa bawat babaeng aking kakilala! Ito ay higit sa kalayaan, higit sa paghahanap ng kapayapaanâito ay isang buhay na magdudulot sa iyo na kagustuhan na kumanta at sumayaw!!
Ang buhay na ito ay hindi narating sa paraang hindi magagamit at hindi matatamo sa kahit na sino. Ibig sabihin kung ano ang mayroon ako ngayon, maaari mong makamtan, at maibabahagi sa iyong mga kaibigan, sa iyong anak na babae, sa iyong ina o iyong kapatid na babae! Nakakabigla, hindi ito sa aking nakamtan, ngunit, sa katotohanan, noong nawala sa akin ang lahat!
Hindi ba sinabi ni Hesus sa atin? Noong hindi tayo nakikinig, o wala tayong karapatan na marinig ito? âSapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaonâ (Mateo 16:25).
Bilang Kristiyano, tila madalas ay mayroon tayong âkaalamanâ ng prinsipyomg jto at ng marami pang ibang prinsipyo na sinabi sa atin ni Hesus noong Siya ay nagmministeryo sa Kaniyang mga apostol o noong Kaniyang ibinahagi ang. Eatitudes sa liboângunit hindi natin binubuhay ang buhay na iyon. Hindi natin nilalakaran ito. Mayroon tayong pananampalataya na maniwala na ito ay gagana, ngunit hindi natin isinasabuhay ang pananampalatayang ito; samakatuwid, âang pananampalataya na walang mga gawa ay patayâ (Santiago 2:26).
Para sa karamihan sa atin, ang ating buhay ay tila patay o namamatay. Ngunit, namatay si Hesus upang magkaroon tayo ng masaganang BUHAY! Ang salitang masagana ay nangangahulugan sa akin na isang buhay na naguumapaw ng magagandang bagayânag-umpisa sa kasiyahan!
Mga kababaihan, ang buhay na ito ay maaaring marating ng bawat isa sa atin. Natagpuan ko sa paglipas ng mga nakaraang buwan na matatagpuan ito sa pagkawala ng buhay na pinipilit nating pantalihin. Ito ay sa tuluyang pagsuko n gating buhay at pamumuhay ng mga prinsipyo na matatagpuan sa Bibliya, ngunit hindi talaga isinabuhay, na magbibigay sa atin ng kaligayahang mailap sa atin.
Sa pagdaan ko sa aking unang restorasyon, aking isinabuhay ang mga prinsipyong matatagpuan sa Restore Your Marriage na libro at nagtamo ng naipanumbalik na pagsasama. Gayunpaman, aking isinabuhay ang mga prinsipyong ito ng may takot at pag-aalinlangan dahil sa antas ng aking pananampalataya ng mga panahong iyon. Ang mas malala, gayunpaman, ay ang aking paghahanap sa buhay na aking gusto. Hindi pumasok sa aking isip na ako ay magiging masaya (at maligaya) kung hindi ibinalik ng Diyos ang aking kasal sa aking asawa. Kaya ako ay nagdasal ng may partikular na nais (kagaya ng turo sa atin sa mga Bible Studies na gawin) at sundin ang mga prinsipyo (na tinuturo ng ating ministeryo na gawin ng mga kababaihan). Simula ang mahanap ko ang aking masaganang buhay (noong nawala ang lahat sa akin), Aking naunawaan na si Hesus ang nagsabi sa atin kung paano magdasal, kung saan âSundin ang loob mo.â
Ang nakapukaw sa aking atensyon ay noong nagsimula kong makita ang mga kababaihan na naipanumbalik ang kasal, ngunit nabubuhay sa buhay na puno ng pakikibaka, sakit at pusong sugatan, at yun ang naghikayat sa akin na lumipat kung saan ako naroonâsa panig na ito ng Jordan. Ang panig na ito ng Jordan ay malapit sa disyerto ngunit nanatili sa pampang ng ilog. Mukha itong berde na may masaganang tubig, ngunit hindi ito ang lupang ipinangako.
Dahil sa mga katanungang ipinadala sa akin ng mga kababaihang napupuno ng pakikibaka, sakit, takot at pagkalito na akin ding naranasan, ako ay naghanap muli sa Diyos para sa kagustuhan Niya sa aking buhay:
âSapagka't ganito ang sabi ng PANGINOON ng mga hukbo, âMinsan na lamang, sangdaling panahon, at aking uugain ang langit, at ang lupa, at ang dagat, at ang tuyong lupa. . . Ang huling kaluwalhatian ng bahay na ito ay magiging lalong dakila kay sa dati,â Â sabi ng Panginoon ng mga hukbo; âat sa dakong ito ay magbibigay ako ng kapayapaan,â sabi ng PANGINOON ng mga hukboâ (Hagai 2:6, 9).
Sa katotohanan, wala akong ideya kung ano ang aking hinahanap, ngunit ang Diyos ay tinatawag ako upang umakyat sa mas mataas at maghanap ng hindi pamilyar na teritoryo upang mabiyayaan ang Kaniyang mga anak na babae na ipinagkatiwala Niya sa akin.
Ang aking natagpuan ay ang bukal ng kabataan, kapayapaan ng loob, ang tunay na kahulugan ng buhay, ang sikreto ng buhay at kung bakit tayo nilikhaâlahat sa isang iglap. Nahanap ko sa bersikulong ito na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon mahigit sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi ako pinatahimik hanggang ilang linggo lang ang nakaraan. Akin itong binabasa araw araw at itinatanong sa iba kung ano ang sa palagay nilang kahulugan nito. Alam kong ibinigay sa akon ito ng Diyos, at maaaring ito ang susi ng masaganang buhay na aking hinahanap.
âKaya't ganito, ang sabi ng PANGINOON, âKung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kitaâ upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanilaâ (Jeremias 15:19).
Maaaring simple lang ito, ngunit ang tunay na kahulugan nito ay naging mailap sa akin ng ilang taon. Akin muli itong binasa, dinagdagan pa nga ng dalawang salita sa hulihan ng bersikulo noong hiningi ko sa Diyos na bigyan ako ng pang-unawa. Eto ang aking nababasa, âKaya't ganito, [Michele], ang sabi ng PANGINOON, âKung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kitaâ upang ikaw ay makatayo sa harap ko [mag-isa]; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila [para humingi ng pag-asa o tulong]â (Jeremias 15:19).
Ang âmay halaga sa walang halagaâ ang nagpabagabag sa akin ng husto. Ako ay patuloy na naghahanap sa ibaât ibang bagay sa aking buhay at sinubukang ikumpara ito upang makita kung ito ay may halaga o walang halaga upang malaman kung kailangan kong tanggalin ito sa aking buhay. Inabot ako ng maraming taon upang madiskubre kung ano ang alam ko na sa aking isip, ngunit kailangan kong madiskubre sa aking puso. Mga Kababaihan . . .
Siya ay mahalagaâat lahat ay walang kabuluhan!
Maaaring maisip mo na alam mo na ito at iisipin mo na ako ay sobrang mangmang. Ngunit, hanggat hindi mo isinasabuhay ang nagsusumigaw na prinsipyong ito, ito ay mananatiling kaalaman sa isip lamang!
Alam ko na noong oras na ânakuha ko naâ tatawagin ako ng Diyos upang Kaniyang maging tagapagsalita! Bago ang rebelasyong ito, ako ay isang babae na masaya kung hindi siya aalis sa kaniyang bahayângayon ako ay naglalakbay sa buong mundo! Ang prinsipyong ito, aking pinaniniwalaan, ang nagpabago sa mga apostol ni Hesus mula sa pagtatago sa mataas na silid patungo sa mga kalalakihang magiging martir at ipapako sa krus.
Ang masaganang buhay ay isang buhay na isinuko. Isinuko sa lahat ng kagustuhan na tingin natin ay magpapaligaya sa atin at lahat ng kontrol na tingin natin ay kailngan natin sa ating buhay (at sa buhay ng mga tao sa paligid natin). Ako, kagaya mo, ay inisip na ito ang aking buhay na isinasabuhay. Ginawa ko si Hesus na Panginoon ng aking buhay, ngunit hindi ko lubusang napagnilayanang paghahanap sa buhay na inilkiha para sa akin, na ngayon ay akin ng isinasabuhay.
Ang unang dahilan kung bakit tayo ay nilikha ay upang makisama sa Diyos. Noong ako ay nag-umpisang mangulila sa kaibuturan ng aking kaluluwa na lumakad kasama ang Diyos sa âlilim ng arawâ kagaya ng ginawa ni Adam, lumakad kasama ang Diyos kagaya ng ginawa ni Enoch at makita Siya sa mukha kagaya ni Moses, hindi ko alam kung paano gawin ito. Kaya hiningi ko sa Diyos na ituro sa aking kung paano, dahil lahat ng karunungan ay galling sa itaas at ibibigay Niya ang karunungan sa sino mang hihingi.
Sa aking paghahanap, ang aking puso ay nagumpisang magbago patungo sa kung ano ang nagtutulak sa akin na malaman kung paano magkaroon ng ganitong pagpapalagayang-loob sa Panginoon. Sa halip na gustuhin kong ano ang maidudulot ng pagpapalagayang-loob na ito para sa akin, natuklasan ko di kalaunan na magkaroon ng pagpapalagayang-loob sa Kaniya, aking Minamahal. Nais ko higit sa ano man na maging babaeng Kaniyang nilikha na maging ako â Kaniyang katuwang! Nais kong mapalapit kami sa isaât-isa upang makisama kami ng sabay at mapamahal ng husto sa Kaniya (dahil iyon ang dapat sa Kaniya) kagaya Niya sa akin.
Ang pagkakatuklas ng mahalaga at walang halaga ay natagpuan noong may misyonerong dumalaw sa aming simbahan at nagpahayag ng kwento ng isang batang babae na kaniyang nakita na namumuhay sa kalsada at malapit ng pumanaw. Ang misyonero ay tinawag upang umalis na sa India upang bumalik sa states. Kinailangan niyang magpaalam sa batang babae na ito, at alam niyang ito na ang huling pagkakataon na makikita niya itong buhay. Noong niyakap niya ang batang babae, siya ay lubusang nadurog at nalungkot noong sinabi ng batang babae na, âHindi mo kailangang malungkot para sa akin, dahil nasa akin si Hesus. Si Hesus lang ang aking kailangan. Siya ang lahat. Ang lahat ng kailangan ko ay nasa akin.â Ito ang ikalawang taon na narinig ko ang kwentong ito, ngunit ngayon binago nito ang aking buhay magpakailanman!
Inumpisahan kong sabihin sa Panginoon na Siya lang ang aking gusto, Siya lang ang aking kailangan at kung nasa akin Siya, nasa akin na lahat ng aking kakailanganin! Sa tuwing sinasabi ko ito ng madalas, lalo Siyang nagiging pag-ibig ng aking buhay. Ang aking sinasabi ay nagiging laman ng aking puso! Kapag dumarating ang pagsubok sa aking buhay, sasabihin ko sa Panginoon na Siya lang ang aking gusto at kailangan. Agad-agad, anoman ang dumating laban sa akin ay hindi na mahalaga, at nawala na ang sakit at epekto nito sa akin.
Ang ganitong pag-iisip ang nagpabago sa aking puso na hindi lang makayanan, kundi upang malagpasan ang pagkawasak na dumarating laban sa akin (sa aming pamilya at aking ministeryo) ng sinabi ng aking asawa na ako ay kaniya ng didiborsyohin. Sa kalagitnaan ng mga ganitong krisis ay madadala ka sa rurok ng kaligayahan na hindi mo maipapaliwanag!
Magiging mahalaga Siya sa iyo kagaya ng sa batang babae na malapit ng pumanaw at kung ano Siya sa akin ngayon. Kung hindi pa iyon sapat, âat ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo,â ang batang babae na malapit ng pumanaw ay gumaling, buo at malusog noong bumalik ang misyonero. Si Hesus ay nasa Kaniya, at Siya lang ang kaniyang kailangan upang mabuhay. Hindi pa ako papanaw, kahit ako ay diniborsiyo ng aking asawa isang buwan na ang nakakalipas, at ako ay isang dalagang in ang anim na anak. Ngunit nasa akin din si Hesus, at Siya lang ang kailangan ko upang mabuhay ng masagana!
Umaasa ako na ang unang kabanata na ito ang napaigting ang iyong pagkauhaw at kagustuhan na mapasaiyo si Hesusâmakilala siya ng mas malalim habang Siya ay nagiging lahat ng iyong kagustuhan at kailangan. Hindi mo kailangang bitawan ang kahit na ano, ngunit gawin mo lang ang hiningi ng Diyos na gawin mo. Umpisahan sa pagsasabi kay Hesus na Siya lang ang iyong gusto, Siya lang ang kailangan mo at kung Siya ay nasa iyo, lahat ng kailangan mo ay nasa iyo na. Kapag dumating ang mga pagsubok sa iyong buhay, paulit ulit sabihin ang mga salitang ito hanggat kung ano man ang nagaganap (o naganap na) ay mawawalan ng halaga.
Sabihin ang mga salitang ito pagkagising mo sa umaga at kung ikaw ay hihiga na sa iyong unan sa gabi. Sabihin ito ng malakas, sa iyong puso at tuwing ikaw ay pupunta sa iyong kwartong dasalan.
Pag ang kaalaman sa iyong isip ay maging kondisyon ng puso walang anonang makakasakit, walang makakapagpaguho sa iyo, at walang makakapagpanginig sa iyo. Kung ikaw ay nasasaktan, kung ikaw ay nakakaramdam ng pagguho, kung ikaw ay naninginginig o nangangatog ay kailangan mo pang higit Siya. Aking minamahal, ang higit pa sa Kaniya ay hindi matatagpuan sa pagbabasa ng tungkol sa Kaniya sa Bibliya, pagsasabi ng mga Banal na Kasulatan o pagtataboy ng demonyo. Ito ay natatagpuan sa pagkakaroon ng malalim na relasyon sa Kaniya.
Hindi ibig sabihin nito na hindi mo na babasahin ang iyong Bibliya (ito ang mga liham ng pag-ibig at pangako mula sa Kaniya.), at hindi din ibig sabihin nito na hindi mo na bibigkasin ang mga Banal na Kasulatan (dahil ito ang nagpapabago ng iyong isip kaya ikaw ay matututong magisip kagaya ng pagiisip ni Hesus), o hindi ka na magdarasal (sa halip ay umpisahan ang pagdarasal sa pagbabahagi ng iyong puso at lahat ng sakit ngunit ipapaubaya sa Kaniya ang lahatâSundin ang loob Niya!). Mula sa uri ng pagdarasal na aking ginagawa (pakikipaglaban sa labang espiritwal), natuklasan ko na bilang ang Panginoon ang aking asawa ibig Niyang labanan ang aking mga laban. Ang aking posisyon ay sa Kaniyang tabi, bilang Kaniyang Bride, at pagtuunan ng pansin ang aking pagmamahal at pagkalinga sa Kaniya kagaya ng Kaniyang inaasam.
Kung ikaw ay asawang pinabayaan at nagluluksa ang kalooban at asawang tinanggihan, tinatawag ka ni Hesus bilang Kaniyang Bride! Gusto mo ba? Kaya mo bang iwan ang lahat (ang pag-aalala, ang sakit, ang mga katanungan at ang mabibigat na relasyon) at hanapin Siyang mag-isa?
âSapagka't tinawag ka ng PANGINOON na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil,â sabi ng iyong DiosâŚSapagka't ang May-lalang sa iyo ay iyong asawa; ang PANGINOON ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siyaââ (Isaias 54:6-5).