Natagpuan mo ba ang iyong sarili na may biglaang krisis?
O ikaw ay malungkot, laging umiiyak o sadyang nalulumbay? Kami ay umaasa na ang pahinang ito ay magtuturo sayo kung paano mapatnubayan ng âtubig na pahingahanâ kung saan kaya ng Panginoon âpanauliin ang aking kaluluwa.â
Ang unang tanong ay:
Sino ba ang karaniwan mong tinatakbuhan sa tuwing tumatama ang kiris? Ang telepono, ang internet, para kumuha ng tulong o lakas ng loob mula sa kaibigan o miyembro ng pamilya?
Kung HINDI ka unang pumunta sa PANGINOON, SAMAKATWID TUMIGIL KA NGAYON at gawin mong mag-isa kasama Siya. Dumaing sa Kanya at magsisi sa Kanya sa HINDI Niya pagiging una sa iyong buhay. Mangako sa Kanya ng HINDI pakikipagusap sa iba BAGO mo Siya UNANG kausapin. Tandaan, sabi sa Exodo 20:3, âHuwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.â
Ang âBiglaang Krisisâ ay mula sa KAAWAY
Pagkatapos mong magsisi at nangako ka na pumunta MUNA sa Panginoon, kasunod ay kailangan mong maintindihan kung SAAN galing ang biglaang krisis.
Kapag, bigla-âbiglaangâ tumama ang krisis, isa itong gawa ng diablo para NAKAWIN ang iyong KAPAYAPAAN. âKayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya: Na siya'y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan. At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo.â -- 1 Peter 5:8-10
Makikita mo na kapag NILABANAN mo ang kaaway dahil matatag ka sa iyong pananampalataya-- dahil sa PANGINOON ka UNANG tumatakbo-- hindi ka muling mapapatakbo ng kaaway sa bangin. Ilang beses siyang nagtagumpay sa pag-sira sa iyo ng paulit-ulit dahil nakagawa siya ng krisis na nagpatakbo sayo sa ibang tao at hindi sa Panginoon, at lalong naging katakot-takot ang kinalabasan?!?!
Ang iyong pananampalataya sa Diyos, hindi pananampalataya sa iyong kaibigan, hindi pananampalataya sa iyong pari, hindi pananampalataya sa iyong asawa o kasintahan, hindi pananampalataya sa iyong kalagayan--- kundi PANANAMPALATAYA SA DIYOS-- ang makakapigil sayo mula sa pag-gawa ng isang bagay na iyong PAGSISISIHAN. Tandaan mo itong berso sa susunod na tumakbo ka para gumawa ng panglunas sa krisis na gawa ng kaaway, Siyang ânagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.â -- Mga Kawikaan 19:2
Sa tuwing tumatama ang krisis, ngayon na alam mo na SAAN galing ito: HUWAG KUMILOS,
HUWAG TUMAWAG o KUMAUSAP KANINO MAN at KAILANMAN AY HUWAG GUMAWA NG KAHIT ANONG DESISYON hanggang mahinahon ka na at WALANG DAMDAMIN nakakabit sa pangyayari.
PAANO?
Paanong walang damdaming nakakabit dito?
Pumunta sa silid dasalan (kahit saan na tahimik at maari kang mag-isa: sa banyo, sa iyong kotse, sa maliit na silid, sa kuwarto or opisina). Magtatag ng âsilid dasalanâ sa bahay at trabaho, pumunta DOON at magdasal hanggang mawala ang pagka-balisang naramramdaman at sa halip ay umaapaw ka sa KANYANG kapayapaan.
At sa pagsabi kong magdasal, ang ibig ko lamang sabihin ay kausapin mo ang Diyos gaya ng pagkausap mo sa akin o sa iyong kaibigan at sabihin lahat sa KANYA. Pagkatapos ay umupo nang tahimik at subukang DINGGIN ang Kanyang sinasabi. Maari kang magsimulang magtanong sa Kanya at UMASA na MAKARINIG mula sa Kanya.
âDinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.â âJuan 10:27
âAt ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.â âIsaias 30:21
âKilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.â Mga Kawikaan 3:6
Ang ibig sabihin ng âKilalanin ang Panginoonâ ay maunawan na andiyan siya kasama mo para tulungan ka, bigyan ka ng kapayapaan, at gabayan ka para malaman kung ano ang dapat gawin. Ang pangunahing bagay ay WALANG gagawing anuman kung HINDI lubos na sigurado kung ito ang tamang gawin! Ang pagkilos agad ay siguradong magdadala ng MADAMING sakit at MADAMING pinsala kaysa sa naunang krisis o pag-atake. At madalas ay makikita mo na kapag nag-antay ka, nalulutas din ang sitwasyon!
Pahintulutan ninyo akong ibahagi itong halimbawa ng agad na pagkilos sa krisis:Â
Noong bata pa ang aking mga anak na lalaki, ako at ang aking ina ay may nadiskubreng MALAKI, MAKAPAL, ITIM NA MARKER na mga sulat sa harap ng isang napaka mahal at malubhang sentimental na antigong kabinet (binili ito ng aking mga magulang sa kanilang pulutgata habang nagmamaneho mula New York City hanggang Hollywood noong 1930âs).
Nang makita ko ito ay agad akong tumakbo pababa sa hagdan, nagdarasal sa Panginoon na tulungan akong malaman ang dapat gawin. Nang dumating ako sa kabinet panglinis, nadama kong sabihin sa akin ng Panginoon na dalhin ang panglinis sa bintana, gayunman, pagbalik ko sa silid dala ang panglinis sa bintana, natanggal na ng aking ina ang isa sa mga sulat gamit ang PANGTANGGAL NG KYUTIKS SA KUKO! Oo, natanggal ang marker, ngunit naiwan naman ang isang MALAKING bilog na kulay puti sa kahoy (isang marka na hanggang ngayon ay naroon parin paglipas ng 25 na taon). Winisikan ko ng panlinis sa bintana ang natirang mga sulat at matapos ay pinunasan-- natanggal lahat ito, walang naiwang bakas ng pangyayari! Bagaman nakakalungkot na ang gamit na ito ay habang-panahong may sira, ginagamit ko ito na tagapagunita sa prinsipyong ito. Sa tuwing nakikita ko itong kabinet, patuloy akong pinaalalahanan ng Panginoon sa resulta ng pagmamadali!
Ang dapat na katumbukan ng iyong Restoration Journey ay matutunang MATGUMPAYAN ang mga bagyo ng iyong  buhay bilang ganap na mananampalataya. Sinasabi sa atin ng Mga Kawikaan 3:25: âHuwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli.â Sinasabi satin ng Diyos sa Mga Awit 55:22 na: âIlagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka: hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.â
Pag-lakad nang Nauuna sa Iyo
Nalaman ko na kapag tapat akong nanatiling malapit sa Panginoon na lagi Niya akong HINAHANDA sa ALAM NIYANG mangyayari. Nangyayari parin ito hanggang ngayon, makalipas ang dalawang dekada. Hindi ako kailanman nababalisa sa anumang nangyayari. Oo, nagugulat ako, pero kaagad Niyang ipapaalala sa akin ang sinabi o pinakita Niya NOONG UNA. Hindi Niya ganap na sinasabi kung ano, pero alam ko na may darating. Kadalasan, katulad ito ng pagkakaintindi na nauuna ang hangin sa bagyo, kaya pag BIGLANG bumuhos ang ulan, handa ako at nakabukas ang aking ispiritwal na payong.
Narito ang testimonyo nang una kong malaman na inihahanda ako ng Panginoon para sa anumang hinaharap.
Ito ay malapit na sa katapusan ng aking pagsubok sa aking buhay may-asawa, isang tanghali natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sahig ng silid-pambihisan sa isang department store, malapit nang maiyak. Walang malaking nangyari, basta buong araw lamang ay mayroong sunod-sunod na âmaliliitâ na pagsubok! Mga bagay na sadyang nakakapanghina ng loob-- lahat ng bagay mali mali! Kaya alam ko na kailangan kong humanap ng âsilis dasalanâ at nang tanungin ko ang Panginoon, niliko Niya ang titg ko sa silid-pambihisan doon sa store. Doon ko nahanap muli ang aking KAPAYAPAAN at habang nagdarasal ako, mapaghimalang âtinuwid ng Panginoon ang aking landas,â palayo mula sa KRISIS na BIGLA nang darating.
Nang ako ay nanglulupaypay, pinadala ko halos lahat ng aking mga anak palabas sa isang partikular na pinto kasama ang aking ina (sinabi ko na may isusukat lang ako) kaya ang panganay kong lalaki lamang ang kasama ko. Halos narinig ko ang Panginoong sabihin âkumanan ka!â likas na hinawakan ko ang aking anak sa balikat at niliko siya pakanan, papunta sa pasilyo. Ang aking hinaharap pala ay ang asawa ko at ang ibang babae, kung saan ilanag buwan ko sinangga ko aking mga anak (wala silang alam tungkol sa kanya)! Kung hindi ako nagkaroon ng sunod-sunod na mga pag-subok na ito, na likas na nagdala sa akin sa aking silid dasalan para âmatahimikâ sa harap ng Panginoon, hindi ko nabatid ang âmarahang bulong na tinigâ ng Panginoon. Naging matapat ulit ang Panginoon na isanggalang ang aking mga anal mula sa kaalaman o pagkakalantad sa taong ito na kasama ng aking asawa (kanilang ama)! Nang sandaling pagliko ko, nagawa kong senyasan ang aking asawa na andoon ang aking anak na mabilis TUMAKBO sa kabilang labasan! Ito rin ay mapaghimala at ikinagalit ng ibang babae na matagal nang nakikipagusap na makilala ang kanyang mga anak.
Tandaan, âAt ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, Ito ang daan, lakaran ninyo; pagka kayo'y pumipihit sa kanan, at pagka kayo'y pumipihit sa kaliwa.â âIsaias 30:21 kapag nahanap mo ang iyong KAPAYAPAAN at unang pumunta sa KANYA.
Ito pa ang isang halimbawa kung paano gagamitin ng Panginoon ang âmaliitâ na mga pagsubok para ihanda tayo sa mas malaking krisis na BIGLANG Â gustong dalhin sa atin ng kaaway para mapatakbo tayo sa bangin.
Isang gabi, pauwi na kami ng aking mga anak mula sa bukid sa may labas ng aming lungsod. Nagsimulang magpautal-utal ang kotse at humina. Kaagad kong sinabi sa mga bata na magdasal at malakas kaming nagdasal. Napagpatuloy nitong umandar ang kotse, ngunit kasing bilis lamang ng aming pagsasalita. Sumunod ay lumanta kami ng mga âawit papuri.â Biglang bumilis ang kotse. Sa halos ISANG ORAS ay kumanta kami ng mga papuri sa Panginoon ng walang tigil hanggang sa makauwi kami. Pagod na pagod ang mga bata (dahil pinakanta ko sila ng malakas đ ) at dumiretso sila sa taas para maghanda na matulog-- nang BIGLANG may kumatok sa pinto.
Nang buksan ko ito, nakatayo doon ang serip at nagtanong kung ako si Erin Thiele. Nang sumagot ako, âooâ inabot niya ang kanyang kamay na may mga papel at sinabi, âHinahablahan ka ng diborsyo⌠Pakiusap na pumirma ka dito.â Nanghina ang mga tihod ko, pero ang aking espiritu ay puno ng lakas at kapayapaan mula sa pagawit ng mga musikang papuri para gabayan kami pauwi. AT ang mas importante, WALA doon ang mga anak ko para masaksihan itong nakakatakot na karanasan. Ang mga bata ang laging sumasagot sa pinto! Kung wala Siya para gabayan kami bago itong pagsubok, malamang na nadawit sila sa krospayr!
Kung huminto ako para tumawag ng tulong para sa aming sasakyan, Hindi nakumpleto ng Diyos ang Kanyang perpektong plano para sa ALAM NIYANG mangyayari. Ito ang pangunahing punto-- SINO kundi ang PANGINOON ang nakakaalam sa darating? Kaya KAMANGMANGAN ang kumusap sa iba o makinig sa iba kung ang PANGINOON ang nakakaalam kung ano ang mangyayari! Alam Niya kung ano ang nangyayari (kaya huwag kang makinig sa mga tsismis na kadalasan, kung hindi man palagi, ay galing sa kaaway para takutin ka at gumawa ng hangal na bagay.)
Ilang beses din ginamit ng Panginoon ang sakit, lalo na ang pagkakasakit ng aking mga anak, para âmatahimikâ ako o âhumiga sa tubig pahingahanâ pagkatapos ng malaking atake-- para GUMALING. Ang ibig sabihin nito, huwag humadlang (pagpigil na matupad ang layunin) sa mga oras ng krisis, sa halip ay purihin ang Panginoon. Kapag nanatili kang matapat sa Kanya, bilang Kanyang kasintahan, magiging matapat din Siya sayo at isang paraan na ituturo niya sayo ang âKaniyang mga Daan.â Sinasabi sa Isaias 55:8, âSapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad,â sabi ng Panginoon. PAG-ARALAN ang Kaniyang mga daan at lalakaran mo ang mga bagay nang hindi nasasaktan!!
âNarito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.â âLucas 10:19
MGA SAPA SA DISYERTO
3 6 6 Â ARAW-ARAW NA
DEBOSYONAL NA BABASAHINÂ
By L. B. COWMAN
Pebrero 1
Ang bagay na ito ay mula sa akin. (1 Mga Hari 12:24)
Ang mga kabiguan sa buhay ay nakatagong mga tipanan lamang ng pag-ibig. C. A. Fox
Aking anak, may mensahe ako sa iyo ngayon. Hayaan mo akong ibulong ito sa iyong tenga nang anumang mga bagyo ang maaring maganap ay magniningning ng kaluwalhatian, at ang mga magasapang na lugar na iyo mang lalakarin ay magiging patag. Ito ay apat na salita lamang, ngunit hayaan mo itong lumubog sa iyong pangloob na pagkatao, at gamitin ang mga ito na unan para pahingahan ang iyong pagod na isipan. "Ang bagay na ito ay mula sa akin."
Minsan mo bang natanto na anumang mga nauukol sayo ay nauukol din sa Akin? "Sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata." (Zacarias 2:8). "Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang." (Isaias 43:4). Kaya ito ay sadyang aking galak na turuan ka.
Nais kong matutunan mo sa tuwing ang mga pagsubok ay umaatake sayo, at ang kaaway ay dumating "na parang bugso ng tubig" (Isaias 59:19), na "ang bagay na ito ay mula sa akin" at kailangan ng iyong kahinaan ang Aking lakas, at ang iyong kaligtasan ay nasa pag payag mo sa Akin na lumaban para sayo.
Nasa miharap na kalagayan ka ba, napapalibutan ng mga taong hindi ka naiintindihan, hindi nagtatanong ng iyong opinyon, at lagi kang iniisang tabi? "Ang bagay na ito ay mula sa akin." Ako ang Diyos ng mga kalagayan. Hindi ka napunta sa lugar na ito nang aksidente-- ikaw ay  ganap na nasa lugar kung saan mismo kita ninais.
Hindi mo ba hiniling sa akin na pagpakumbabain ka? Ngayon tignan mo na nilagay kita sa tunay na paaralan kung saan tinuturo ang araling ito. Ang iyong kalagayan at ang mga tao sa paligid mo ay ginagamit lamang para matupad ang Aking kalooban.
May problema ka ba sa pera, hirap kang makamit na mapagtagpo ang mga dulo? "Ang bagay na ito ay mula sa akin," dahil ako ang nagpapanatili ng iyong mga salapi, at gusto kong matutunan mo na umasa sa Akin. Ang Aking panustos ay walang hanggan at "pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo" (Mga Taga Filipos 4:19). Gusto kong mapatunayan mo ang Aking mga pangako nang walanb makakapagsabi, "hindi kayo sumampalataya sa Panginoon ninyong Dios" (Deuteronomio 1:32)
Ikaw ba ay dumaranas ng panahon ng kalungkutan? "Ang bagay na ito ay mula sa akin." Ako ay "isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman" (Isaias 53:3). Pinayagan ko na biguin ka ng iyong mga makamundong taga aliw, nang sa pagbalik mo sa Akin ay makatanggap ka ng "walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa" (2 Mga Taga Tesalonica 2:16). Ikaw ba ay nananbik na gumawa ng mahalagang gawain para sa Akin ngunit sa halip ay naisantabi sa pagkakasakit at kahirapan? "Ang bagay na ito ay mula sa akin." Sa dami ng iyong ginagawa hindi Ko makuha ang iyong atensyon at gusto kong ituro sa iyo ang ilan sa Aking pinakamalalim na katotohanan. "Naglilingkod din ang mga nakatayo lamang at nag-aantay." Sa katunayan, ilan sa Aking pinakadakilang manggagawa ay ang mga pisikal na hindi makapaglingkod, ngunit tatutunan na gamitin ang mabisang armas ng pagdarasal.
Ngayong araw, ilalagay ko ang saro ng banal na langis sa iyong mga kamay. Malaya mong gamitin ito, Aking anak. Pahiran mo nito ang bawat bagong kalagayan, bawat salitang nakakasakit sayo, bawat pagantala na sanhi ng iyong pagkayamot, at bawat kahinaan na ikaw ay mayroon. Mawawala ang sakit sa pagkatuto mo na makita Ako sa lahat ng bagay. Â
Laura A. Barter Snow
"Ito ay mula sa Akin," sabi ng Tagapagligtas,
Sa mababang pagyuko Kanyang hinagkan ang aking noo,
"Dahil ang Siyang nagmamahal sayo ay pumatnubay.
Tanging magpahinga sa Akin, maging matiyaga ngayon,
Alam ng iyong Ama na kailangan mo ito,
Bagaman, kung bakit marahil ay hindi mo makitaâ
Huwag magdalamhati sa mga bagay na tila sayo ay nawala.
Ang bagay na Aking padala ay pinakamabuti sayo.
Pagkatapos, tumitingin sa aking mga luha, ako'y nagmakaawa,
"Mahal na Panginoon, ako'y patawarin, hindi ko alam,
Na hindi pala mahirap dahil nilakad mo,
Bawat landas na hinaharap ko dito sa ibaba."
At tiyak para sa ikabubuti ko ang bagay na ito,
Kanyang pagpapala ay sapat sa bawat pagsubok.
Kaya't tuloy ang aking pag-awit, "Anuman ang
Landas ng Diyos para sa akin ay laging pinakamabuti."
Huwag Maniwala sa AKALA Mong Nakita Mo
O Iyong Narinig
Kadalasan, ang sinabi sayo o ang akala mo na "nakita" mo ay bahagyang o ganap na kasinungalingan! Sabi sa Juan 8:32 "... makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.."
Narito ang kamangha-manghang paliwanag: Isang bagi noong aking Restoration Journey, nagmamaneho ako pauwi kasama ang aking ina at apat na mga batang anak sa likod. BIGLANG NAKITA ko ang sasakyan ng OW palabas sa aming kalye (na maiksing dead-end) kasama ang asawa ko na nagmamaneho at ang di kilala ay nakaupo sa tabi niya! Tumingin sa akin ang aking ina sa malaking takot!!
Nagsimulang pawisin ang mga kamay ko at ang puso ko ay pumapalo sa akinh dibdib! Lumiko ako sa aming kalye para lang makita ang kotse ng asawa ko na nakaparada sa harap ng bahay at nang pumasok kami andoon ang asawa ko, nakaupo sa loob ng aming townhouse, matiyagang nag-aantay sa amin!
Ano ang nakita ko? Hindi ko alam. Hindi ko malalaman. Ngunit nakita namin mag-ina PAREHO, hindi lamang ako! Naniniwala ako na tinuturuan ako ng Panginoon na huwag kailanman maniwala sa lahat ng "akala" ko nakita ko. At lalo na huwag kailanman maniwala sa isang bagyay na sinasabi ng iba na nakita nila!
Binago sa isang SAGLIT!
At kahit na totoong may NAKITA kaâkaya ng Diyos na baguhin LAHAT sa isang SAGLIT!! Dumaing lamang sa Kanya na makakapaghinahon sa mga dagat at magliligtas sayo mula sa pgkalunod:
"At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangatatakot, Oh kayong kakaunti ang pananampalataya? Nang magkagayo'y nagbangon siya, at sinaway ang mga hangin at ang dagat; at humusay na totoo ang panahon."
"At pagdaka'y iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinawakan siya, at sa kaniya'y sinabi, Oh ikaw na kakaunti ang pananampalataya, bakit ka nagalinglangan?" âMateo 8:26; 14:31
Nang nagsimulang maging "maalon" habang-daan sa aking dalawang-taong Restoration Journey,
Pinagsabihan ako ng Panginoon na "humawak sa laylayan ng Kanyang Damit." At ang paraan na aking "hinawakan ang laylayan" ay pagiging sobrang malapit sa Kanya, sa pananatili sa Salita, sa paglalaan ng madami pang tahimik na oras kasama Siya at sa pagtangakang lalo pang marinig Siya. Umalis ako sa aming simbahan at sa anumang mga ginagawa ko na maari ko alisan. Alam ko na para matapos ko ang aking Restoration Journey, kailangan kong maging tahimik, para hindi ako magugulat ng "biglaang pagkatakot." "Huwag kang matakot ng biglang pagkatakot, ni sa pagkabuwal man ng masama, pagka dumarating: Sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong pagtitiwala, at iingatan ang iyong paa sa pagkahuli." âMga Kawikaan 3:25-26
Nalaman ko na may mga mabagyong alon na hinaharap at ibig sabihin nito ay kailangan maging TAHIMIK muna ang buhay ko nang matapos ko itong pakikipagbaka na nilagay niya sa harap ko para lakbayin. Binalaan Niya ako sa pagbibigay ng bersong ito sa akin, âPagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.â Isaias 43:2 Maniwala ka, MADAMING mga mabagyong at kasindaksindak na mga alon, pero nalagpasan ko ang lahat ng ito sa pananatili kong malapit sa Panginoon at ikaw din!!
"At ipinamamanhik nila sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nangagsihipo ay pawang nagsigaling." Mateo 14:36
Huwag mong ipagkatiwala ang iyong kinabukasan sa KAHIT SINO. Huwag tumakbo sa ibang tao, kahit kanino, na HINDI kayang magpahinahon sa malakas na bagyo. Pagpunta mo sa iba na hindi alam kung ano ang haharapin ay isang bagay na inaasahan ng kaaway na makakasira sayo!!
Sana at panalangin ko na gagamitin mo ang iyong natutunan at hanapin ang "At ang kapayapaan na di masayod ng pagiisip" sa gitna ng iyong bagyo. Ito ang lagay ng isip, lagay ng puso at lagay ng espiritu na kailangan mong agad mahanap sa bawat at lahat ng pagsubok na hinaharap mo. Saka mo lamang mahahanap ang iyong daan PALABAS sa disyerto at makalakbay sa ilog patungo na iyong Lupang Pangako.
Isang dahilan kung bakit hindi kami nagbibigay ng payo sayo ay dahil alam naming HINDI kami Diyos at HINDI kami sapat. Hindi rin namin alam ang kinabukasan , hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyayari, at sa gayon ay hindi namin alam kung ano ang alam ng Panginoon na nagtatangkang sabihin sayo BAGO ito dumating sayo ng BIGLA sa isang krisis.
Hanapin ang iyong Sulok sa Krisis, magtatag ng silid dasalan, para ibahagi ang iyong krisis sa iyong Asawa, ang Panginoon at WALA NG IBA. Manatili doon hanggang ikaw ay mapayapa at madali mong maririnig ang Kanyang marahang bulong na tinig. Huwag magdesisyon kung hindi ka sigurado na alam mo ang sinasabi Niya na gawin mo. Huwag mo rin tanungin ang opinyon ng iba, dahil maguguluhan ka lamang.
Ang hangad namin ay patuloy kang himukin na pumunta sa Panginoong Hesukristo sa LAHAT ng iyong pangangailangan, at hindi umasa sa lamanâsarili at sa sino man.
"Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. Sapagka't siya'y magiging gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, lupaing maalat at hindi tinatahanan.
Mapalad ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon. Sapagka't siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga." Jeremias 17:5-8
Hinihimok ka namin na ilagay LAHAT ng iyong TIWALA sa Panginoon, Tanging sa Kanya lamang dumaing, pero ang pinaka mahalaga, huwag mag-antay sa krisis. Maglaan ng oras kasama ang Panginoon palagi. Gumawa ng "silid dasalan" sa tahanan at sa iyong trabaho kung saan ka pupunta para kausapin ang Panginoon sa buong araw. Nagyon, sa tuwing tatama ang krisis, pumunta ka doon at makinig sa Panginoon na nagpapatahimik sa mga bagyo sa iyong puso.
Huwag Pakinggan ang Masama
Isa sa mga paraan na nakakagawa ng MALAKING pinsala ang kaaway (na umaasa kaming natututunan ninyong gawin) ay sa bahagi ng kung ano ang mga sinasabi natin. Bago natin nabasa ang mga DAHILAN kung bakit hindi tayo dapat magsalita kundi tumahimik, madami tayong nagawang pinsala, diba?
Gayon man, kahit na natututo ka at pinipigilan mo ang iyong dila, maaring nakakatanggap ka ng iba't-ibang klaseng mga bagay na sinasabi sayo at tungkol sayo-- kahit sa iyong mukha mismo, sinisigaw ng ibang tao ang masagwang mga bagay sayo.
Maaring ang asawa mo ay pinaupo ka para sabihin sayo ang lahat ng uri ng mga bagay na maaring magdulot ng pinsala na hindi maaring mapawalang-bisa, na tiyak na gusto mong maiwasan, ano man ang halaga kung maari. Kaya kung hindi ka magsasalita ng mga bagay na mag-uudyok ng gaintong mga silakbo, makikita mo na paunti ng paunti ito, garantisado.
Ngayon, kung HINDI ka tatahimik, at ipagpapatuloy mong maglabas ng mga bagay sa iyong bibig, wala ng dahilan para ipaliwanag ko itong prinsipyo sa iyo. Subalit, kung binabantayan mo ang iyong dila at ikaw ay maingat sa mga sinasabi MO, labis kang makikinabang sa susunod na prinsipyo na gusto kong ituro sayo. Mula ito sa bersong ito:
"Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon" âMga Awit 112:7
Ang bersyon na kinabisado ko ay mula sa KJV na ganito ang pagkasabi,
"Hindi siya matatakot sa masamang mga balita: ang kanyang puso ay hindi magbabago, tumitiwala sa Panginoon."
Binigay ito ng Panginoon sa akin matapos akong sabihan ng paulit-ulit ng mga bagay na nakasakit at/o kinatakot ko. Tatawag ang asawa ko o bibisita para kausapin o tanungin ako, at karaniwan ito ay isang bagay na layuning sirain ako.
Hindi, hindi ito ang asawa ko (o noong siya ay dati kong asawa) na gusto akong sirain. Sana ay naiintindihan mo na ngayon kung "sino" ang nasa likod ng lahat ng ito, at kung paano ang iyong asawa ay alipin ng kanyang sinusunod.
"Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo'y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid?" âMga Taga Roma 6:16
Ang ibig sabihin ay hindi lamang ito kahibangan, kundi ibig sabihin ay pakikipagaway sa isang tao na ginagawa lamang ang maruming gawain ng taong bumihag sa kanya. Totoo, nasangkot niya ang kanyang sarili sa kanyang kasalanan "Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan."âMga Kawikaan 5:22. Ngunit sino ba sa atin ang "walang kasalanan para tayo ang unang bumato"? (Tandaan, sinabi ito ni Hesus tungkol sa babae na nahuling nangangalunya.)
Payagan mo akong ipahayag ito ng isa pang paraan: kung may kilala kang tao na tinali sa kadena ng sa isang taong napakasama, na pinayagan lamang makalaya para mahatid niya ang malupit at masamang bagay sayo, aawayin mo ba talaga ang naghatid ng balita? Umaaso akong hindi. Ang taong nagpadala mg mensahe ang dapat na tamaan ng matindi, at ang taong iyon ang tunay na kaaway... ang deablo mismo. *Sa katapusan nitong leksiyon ipapakita ko sayo kung paano bigyan ang masamang kaaway ng pasa sa mata.
Ngayon na sana ay nalinaw na natin iyon, payagan mo akong simulang ipaliwanag kung PAANO at KAILAN ko ginamit ang bersong ito.
Una, pwede mong kunin ang iyong talakasan ng 3x5 index kard para basahin ito tuwing kailangan mo, o hanapin ito sa Bibliya na meron ka sa iyong telepono! Kailangan mong itago ito sa iyong puso. At kahit na "akala" mong hindi ka magaling kumabisado, sa pagbabasa nitong berso (at iba pang kailangan mo) araw-araw, at lalo na kapag binasa mo ito ng ilang ulit sa isang araw--- mamaya ay magugulat ka na lang kung paano ito malalim nang nakatago ma sa iyong puso--- magpakailanman!
Sa paghahanap sa Diyos para sa kaalaman, pinakita Niya sa akin na may ugali ang asawa ko ng "pakikiusap na makausap ako" na sinabi ng Panginoon na isipin ito bilang pulang watawat na wumawagayway sa aking puso. At ito rin ay NOONG sinabi ng Panginoon na simulan kong ulitin ang berso na binigay Niya sa ng paulit-ulit sa aking isip at puso!
"Hindi ako matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon"
"Hindi ako matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon"
"Hindi ako matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon"
"Hindi ako matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon"
Anong nangyayari tuwing ikaw ay inaabala ng isang tao habang ang isa pang tao ay kinakausap ka? Tama iyan-- hindi mo naririnig yung isang tao! Kaya habang sinasabi ko ito sa Panginoon, sa totoo lang hindi ko marinig kung ano talaga ang sinasabi ng asawa ko! Sapat na ang narinig ko para malaman kung kailan iiling ang aking ulo para ipaalam sa kanya na narinig ko ang sinabi niya at sumasangayon ako (para hindi niya ulitin gaya ng ginagawa niya dati tuwing hindi ako sumasagot). At naririnig ko siya ng sapat para sumagot kung may tanong siya sa akin. Pero hindi LAHAT ng salita ay tumagos sa aking puso!
Bakit ko sinasabi ang Salita at hindi na lang sabihin sa sarili ko ang tulad ng "Huwag makinig, hindi niya sinasadya ito"? Dahil sa Isaias 55:11 sabi ng Diyos,
"Magiging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan."
At bakit Niya sinugo ang Kanyang Salita?
"He sent His word and healed them, and delivered them from their destructions"âPsalm 107:20.
Lagi ba itong Matagumpay? Malaki ang naging pagbuti akala ko talaga na gumagana ito ng ganap na ganap. Subalit sa sandaling natanto ko na minsan ang sinabi niya ay nakapasok sa kalasag ng pananampalataya na itinayo ko. Gayon man, ito ay rin naging kapaki-pakinabang dahil gaya ng lahat, dinala ko ang problemang ito sa Panginoon para tanungin Siya kung ano ang dapat kong gawin. Ang sinabi Niyang sagot sa akin ay napaka simple, ngunit tulad ng lahat na simple sa atin, ang kasimplehan nito ay tinatakasan tayo.
Sinabi ng Panginoon, "Tanungin mo ako." Ang ibig Niyang sabihin at ang sinimulan kong gawin, ay sa tuwing nauudyok ang asawa ko na magsabi ng malupit at masamang mga bagay sa akin, ang mga naririnig ko (kahit na binabanggit ko ang Mga Awit 112:7 ng paulit-ulit), pagkalipas, dadalhin ko ang mga ito sa Panginoon. Tulad ng kapag nakakasakit siya at sinabi niyang "kahit kailan ay hindi na ako babalik," itatanong ko ito sa Panginoon, at sasabihin Niya sa akin ang Kanyang Salita na tinago ko rin sa aking puso,
"Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang." âMga Kawikaan 16:9
Sa tuwing sasabihin niya "Wala na akong nararamdaman para sa iyo" tatanungin ko ang Panginoon, "Panginoon, sabi niya na wala na siyang nararamdaman para sa akin, ano ang sasabihin mo tungkol dito?" At sasabihin Niya sa puso ko,
Tulad ng sabi sa Mga Kawikaan 21:1, "Ang puso ng hari ay nasa kamay ng Panginoon na parang mga batis: kumikiling saan man niya ibigin" ngayon hindi Ko ba kayang palikuin ang din ang puso ng asawa mo?
At sasabihin Niya pa, Sino ang "naglayo ng manliligaw at kaibigan mula" sayo Erin? (Mulas sa pagtatago ng Mga Awit 88:18 sa aking puso). Sino ang "naglayo ng mga kakilala mo" sayo at Sino ang "ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila" (tinutukoy ang Mga Awit 88:8 na tinago ko rin sa aking puso). At sasagot ako, "IKAW PANGINOON!"
At pagkatapos (ito ang pinakamagandang bahagi) itataas Niya pa ako--- malayo sa itaas ng mga makamundong bagay ng puso. Sasabihin Niya, "Ngunit tandaan, 'inibig kita ng walang hanggang pagibig: kaya't ako'y lumapit sa iyo na may kagandahang-loob.' (Jeremias 31:3) at iyan ay dahil "Ako ang Asawa mo" Erin.
At ang puso ko ay "maliliwanagan, at ang aking puso ay titibok at lalaki" (Isaias 60:5)â malayo pa sa KAPAYAPAAN na hinahanap ko. At ito ay kung kailan nasabi ko, "ako'y may sakit, na pagsinta." (Awit ni Solomon 5:8)
Ang kasamaan na hangad ng kaaway sa akin (hindi ang asawa ko kundi ang nasa likod nito), ay naging para sa aking kabutihan muli! "At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa." âMga Taga Roma 8:28
At gaya ng pinangako, ito ang paraan para bigyan ang kaaway ng pasa sa mata! Ang pagbabahagi ng katotohanan sa isang pang babae ay makakagawa ng sobrang pinsala sa totoong nagsasabi ng mga bagay na iyon, at mamaya ay hihinto na ang kaaway sa panggugulo sayo! Iyan ang nangyari sa akin. Ang mas maraming bagay ang sinabi sa akin, mas lalo akong naniwala sa KATOTOHANAN ng sinabi sa akin ng Diyos nang TINANONG KO siya. At nang lalo akong naniwala, lalo kong binabahagi ang katotohanan sa iba! At sa wakas nang matanto ito, sa wakas huminto na rin ang kaaway mula sa pag-gamit sa asawa ko ng pagsabi ng kanyang masasamang salita. Subukan mo ito.
Subukan mo ito at ibahagi mo sa amin kapag sinabi mo sa amin ang iyong natutunan. Hindi lamang ang sarili mo ang iyong matutulungan, pati ang iba ay matutulungan mo sa pamamagitan ng iyong testimonyo! Ito lamang ang paraan na maitutulong natin sa ibang nga babae na magtagumpay sa masama, "dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo!" âPahayag 12:11
Ikaw ba ay naghahanap ng âkapayapaanâ na hihigit sa ANUMANG pang-unawa?
Natatandaan mo ba sa Pag-Asa Sa Wakas, noong sinabi kong iniwan ako ng aking asawa para sa ibang babae, ako ay Kristiyano na? Ngunit hindi ko talaga Siya ginawang PANGINOON ng aking buhay. Kung ikaw ay nandito sa lugar na ito ngayon o kung hindi ka kailanman nagkaroon ng personal na ugnayan sa Panginoon, ito ang perpektong pagkakataon upang kuhanin ang makapagbabagong-buhay na hakbang patungo sa isang buhay na punk at mayroong nag-uumalaw na kapayapaan.
Ang mas mahalaga sa iyong buhay problema sa iyong may-asawa(o iba pang relasyon o sitwasyon na nagdudulot sa iyo ng pasakit sa ngayon), ay ang pagkakaroon ng mas maayos na espiritwal na kalagayanâna magpapabago sa BAWAT aspeto ng iyong buhay.
Karamihan sa mga naloko o inabandona, ay dumadaan sa krisis ng mag-isa at may takot, dahil hindi nila alam ang dapat gawin. Ang kinakailangan mo talaga ay Isang Taong nakakaaala, ng hinaharap at makapagbabago ng daliy ng iyong buhayâat ang hindi KAILANMAN iiwan at pababayaanâHINDI KAILANMAN!
AT hindi ka lamang Niya babaguhin AT aaluin, Kaya din Niyang ibaling pabalik sa iyo ang puso ng iyong asawa o matatandang anak o kahit na sinong kasali dito. Nangangako Siyang aaluin ka Niya kapag wala ng naiwan para samahan ka, kapag wala ng nakakaintindi, at kukuhanin ka Niya at itatago sa ilalim ng proteksiyon ng Kanyang mga pakpak. Pupunuin ka Niya ng pag-ibig na pinangarap mo lamang, na pagdating ng panahon, ay gagamitin mo upang mahalin ang iyong asawa. Kaya rin Niyang hilumin ang iyong nasira at nasasaktang katawan,p at mabiyayaan ang iyong pananalapi. Kaya ng Diyos gawin ang imposible sa LAHAT NG BAGAY, hanggat ibinibigay natin sa Kanya ang ating mga puso at humingi ng Kanyang tulong.
 âSapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.â âLucas 1:37 MBBTAG
Bawat isa sa aming nakaranas ng naipanumbalik na pagsasama sa aming mga asawa ay sasabihin sa iyo ng totoo na sa tuwing kami ay dumadaan sa pinakamatitinding karanasan sa aming mga buhay (krisis na talaga namang wawasak sa karamihan), bawat isa sa amin ay nagkaroon ng kapayapaan na hindi kayang maunawaan! At habang mas taglay mo ang Diyos sa iyong buhay, mas lalo kang kikinang at higit na mabibiyayaan sa ganitong krisis na dumudurog sa karamihan ng tao.
Ang nakakapanabik ay sa tuwing nalalaman ng tao kung anonang iyomg pinagdaanan (lalo higit sa kalagitnaan ng krisis) hindi nila mapaniwalaan kung paano ka nagtaglay ng kalmadong espiritu at masayahing mukhaâat kung kinakailangan ay ang pagpapatawad!
Sa panahong maranasan mo ang KANYANG kapatawaran, matatagpuan mong tutulungan ka Niyang MAGPATAWAD sa lahat ng nanakit at umapi sa iyo! Ang kapatawaram ay ang magtatanggal ng bigat na dala mo at hihilom sa nagdusa mong kaluluwa.
Maaaring mayroong pagkakataon na naisip mong manalangin, ngunit hindi mo alam kung papaano. Maniwala ka o hindi, ang pinakamabisang panalangin ay ang pakikipag-usap lamang sa Diyos. Hindi Niya nais ang pormal at mabulaklak na panalangin. GUSTONG-GUSTO Niya na magkaroon ng madamdamibg pakikipag-usap sa iyo.
KAYA HUMINTO NA NGAYON
- Sabihin lamang sa Diyos gamit ang sarili mong mga salita na kailangan mo Siyaângayon na upang tulungan ka, AT kung hindi mo talaga alam kung totoong may Diyos at buhay Siya, sabihin sa Kanyang ipakita ang Kanyang sarili sa iyo.
- Ngayon, ibigay sa PANGINOON ang iyong buhayâbuhay na magulo at sira. Isang buhay na puno ng pasakit at pagkalito, at hingin sa Kanyang gawing BAGO ang lahat! Ibigay sa Kanya ang iyong puso, at magsimulang maranasan ang Kanyang PAG-ibig Na totoo at puno ng habag kaya matatagpuan mo ang KALIGAYAHAN sa wakasâisang bagay na hindi makukuha ng sinoman mula sa iyo!
âHuwag kang magtaka na aking sinabi sa iyo, âKailangang kayo'y ipanganak na muli.â Sumagot sa kanya si Jesus, âKatotohanang sinasabi ko sa iyo, âMalibang ang isang tao'y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.ââ âJuan 3:7,3.
Kung ikaw ay titigil at tatalikdan ang iyong magulong buhay at ibibigay sa Panginoon, mula sa oras na ito ang kinabukasan mo ay magsisimulang magmukhang BAGOâmagmumukha kang BAGOâna tila IPINANGANAK kang muli!
Wala kang kaalam-alam kung gaano ka kamahal ng Diyos, at kung papaanong ang PANGINOON ay nangulila para sa panahong itoâupang ikaw ay mapa sa KANYA.
âKaya't naghihintay ang PANGINOON, na maging mapagbiyaya sa inyo;kaya't siya'y babangon, upang magpakita ng habag sa inyo. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng katarungan;mapapalad ang lahat na naghihintay sa kanya.â âIsaias 30:18
Hindi ba kamangha-manghang ang ating mga buhay ay sobrang abala at puno ng mga tao at bagay na humahadlang sa ating maunawaan na ang PANGINOON ay nandoon lamang at naghihintay para tayo ay tulungan? Ito lamang ang NAG-IISANG dahilan kung bakit pinahintulutan ng Diyos ang krisis na ito (at bawat krisis) sa ating mga buhay. Kadalasan kailangan ang krisis upang humating tayo sa lugar kung saan magsisimula nating kailanganin Siya at handang isuko ang pagsubok at isuko na lamang sa Kanya ang lahat,
NGAYON, sa bawat ISANG pagkakataon na matatagpuan mo ang sarili mong kailangan ng tulong, ng pagmamahal, ng direksyon kapag gagawa ng bawat desisyonâkausapin ang PANGINOON tungkol dito. Wala ng iba.
âIpagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong ginagawa; magtiwala ka sa kanya at tutulungan ka niyaâ âSalmo 37:5 (ASND)
Kung ikaw ay hihinto at ibibigay ang iyong mga problema sa (maliit man o malaki) Panginoon, ipinapangako kong pupunta Siya para tulungan ka at iligtas ka o gabayan ka para pagdaanan ito.
âSa Panginoon ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasinâ âMga Kawikaan 3:5-6
Dahil hindi alam kung ano ang dalat gawin kapag dumating ang krisis, hindi alam na SIYA ang kailangan mong takbuhan, ay ang magdudulot sa iyong pagdudahan ang pagmamahal ng husto ng Diyos sa iyo at nais Niyang gabayan ka AT magdudulot sa iyong bumalik o manatili sa krisis.
âKunin ang KANYANG Kamayâ
Hayaan SIYANG Akayin Ka
Kahit pa ikaw ay desperado para sa isang taong, isang âtunayâ na tao upang matulungan ka, mayroon lamang ISANG PARAAN at Isang Taong magdadala sa iyo palabas sa âlibis ng kamatayan.â
Nag-iisa lamang ang nakakaunawa ng talagang nangyayari, sa parehas na panig, at may kakayanan na maibaling ang puso ng lahat ng sangkot.
Kaming nakaranas ng mga naipanumbalik na buhay may-asawa ay alam ng walang bahid ng kahit na anong pagdududa na HINDI mo kailangan ang kahit na sino maliban sa Panginoon upang akayin ka sa gitna at palabas sa iyong krisis.
âBagaman ako'y lumakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagkat ikaw ay kasama koââMga Awit 23:4
Panahon na upang BITAWAN ang lahat ng bagay at tao AT kuhanin ang kamay ng Panginoon, hayaan Siyang gabayan ka mismo.
Pahintulutan Siyang magsalita sa iyo at kausapin Siya lamang.
Kuhanin ang Kanyang mga kamay at maglakbay sa Pagbabago ng Iyong Kaisipan sa Kanyang sinasabi, Pagbubuong muli ng iyong buhay gamit ang Kanyang mga plano, at pagmasdan kung paano Niya maipapanumbalik ag lahat!!!
Taliwas sa kadalasang sinasabi na ang âpagpapayoâ ang sagot, HINDI namin iminumungkahi ang napatunayan ng HINDI gagana. Ang pagpapayo at Sikolihiyang Kristiyano ang nagtulak sa aking buhay may-asawa mula sa krisis hanggang sa tuluyang pagkawasak. Tulad ng ilang daang lalaki at babae na natagpuan ang kanilang daan patungo sa amin, ang pagpapayo ay hindi nakatulong sa kanilaângunit at tuluyang sumira sa kung anong maliit na natira sa kanilang pagsasamang mag-asawa.
Hindi namin iminumungkahi ang maling uri ng tulong o suporta. Ang iniaalok namin ay GUMAGANA!!!
Ngayong nagawa mo na ang makabagong-buhay na pasyang ito, NANGUNGULILA kaming hikayatin ka sa nalalabing PAGLALAKBAY mo sa panunumbalik sa pag-aalok sa iyo ng MAS MARAMING Salita ng Diyos. Upang magkaroon ng karunungan, kaalaman at pang-unawa.
Marcos 16:15 ASND â Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, âHumayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao.â
Isaias 52:7 âNapakaganda sa mga bundok ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Zion, âAng iyong Diyos ay naghahari!â