Samahang Panunumbalik

Maligayang Pagdating sa
Restoration Fellowship
Ang Simbahang walang
Pader

 

Love At Last!!

 

Amora Fin !!

 

Amor Finalmente !!

 

Lásku Konečne!!

 

Sumali sa pagtitipon at pagsasama sa internet Samahang  

— para sa mga kababaihan

kung saan makikita mo ang tunay na

Pag-ibig sa Wakas!!

PagibigsaWakas.org

  • IKAW man ay Mormon, Katoliko, Saksi ni Jehovah, AG, Baptist o iba pa mang sekta nabibilang.

— IKAW ay tinatanggap at hinihikayat na di tumingin sa relihiyon at hanapin ang Nag-iisang tunay na Relasyon sa Panginoon na nangangakong punan ang IYONG puso at buhay—habambuhay!!

  • At dahil ang aming Samahan ay online, IKAW ay hinihikayat na sumali at makiisa anumang oras sa araw o gabi upang ikaw ay mapaglingkuran at ma-isulong ang pinaka importanteng Relasyon na iyong maiisip na makamtan—maging Kanyang simbahan, maging Kanyang mapapangasawa!
  • Sapagkat walang PADER masisimulan mong mauunawaan ang huwad na seguridad ng mga babaeng-simbahan at kung bakit ginusto ng mga simbahang ito na maiba mula sa iba’t ibang sektor ng simbahan.

Alam mo bang ang pagiging miyembro ng simbahan o miyembro ng koro o pagiging guro ng patungkol sa paniniwala at ukol sa Bibliya ay di nagbibigay ng katiyakan na ikaw ay papunta sa langit? Ang nag-iisang daan papuntang langit (lalo na ang langit sa kalupaan) ay di lamang “kilalanin kung sino” ang iyong Tagapagligtas—subalit para sa KANYANG makilala KA bilang Kanyang mapapangasawa— ang Kanyang mapangangasaawang babalikan Nya.

Apocalipsis 19:7 ABTAG2001—

“Tayo'y magalak at tayo'y magpakasaya, at ibigay natin sa kanya ang kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero, at inihanda na ng kanyang magiging asawa ang kanyang sarili.”

Efeso 5:25-27 ABTAG2001

“... Gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya; upang Kanyang pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig sa salita, upang Kanyang maiharap sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang batik, o kulubot, o anumang gayong bagay, kundi siya ay maging banal at walang dungis.”

Remember this verse that we shared with you when you began your Restoration Journey? Read it again because once you have experienced this Relationship, it will change everything!

Naalala mo ba ang mga katagang ibinahagi namin sa iyo nang iyong simulan ang iyong Paglalakbay? Muli itong basahin sapagkat sa oras na iyong maranasan ang ganitong Relasyon, magbabago na ang lahat!

Isaias 54:4-6 ABTAG2001

“Huwag kang matakot; sapagkat ikaw ay hindi mapapahiya;

Huwag kang malilito sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan;

Sapagkat iyong malilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan,

At hindi mo na maaalala pa ang iyong pagkabalo na dala'y kasiraan.

“Sapagkat ang Lumalang sa iyo ay iyong asawa; Panginoon ng mga hukbo ay Kanyang pangalan. Ang Banal ng Israel ay iyong Manunubos,     ang Diyos ng buong lupa ang tawag sa Kanya.

“Sapagkat tinawag ka ng Panginoon, gaya ng asawang kinalimutan at nagdadalamhati ang espiritu, parang asawa ng kabataan nang siya'y itakuwil, sabi ng iyong Diyos.”

“Magtatamo kayo ng dalawang bahagi sa halip na kahihiyan, sa halip na paghamak ay magagalak kayo sa inyong kapalaran; kaya't sa inyong lupain ay dalawang bahagi ang aariin ninyo, walang hanggang kagalakan ang mapapasa inyo. Sapagkat akong Panginoon ay umiibig sa katarungan, kinapopootan ko ang pagnanakaw at handog na sinusunog; at aking tapat na ibibigay sa kanila ang kanilang gantimpala, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan. At ang kanilang mga lahi ay makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang supling sa gitna ng mga bayan;

Lahat ng nakakakita sa kanila ay kikilalanin sila, na sila ang bayang pinagpala ng Panginoon.

At iyong masasabi, sa oras na ito ay iyong maranasan ay…

“Ako'y magagalak na mabuti sa Panginoon, ang aking buong pagkatao ay magagalak sa aking Diyos; sapagkat binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan, kanyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ginagayakan ang sarili ng palamuting bulaklak, at gaya ng babaing ikakasal na nagagayakan ng kanyang mga hiyas. Sapagkat kung paanong ang lupa'y nagpapatubo ng kanyang pananim,     at kung paanong ang halamanan ay nagpapasibol ng mga bagay na sa kanya'y itinanim, gayon pasisibulin ng Panginoong Diyos ang katuwiran at kapurihan sa harapan ng lahat ng bansa.”—Isaiah 61:7-11 ABTAG2001

Muli, nais naming ipaalala sa iyo na nais Nyang mapangasawa ka. At maintindihan mong gusto ka Nyang mapangasawa, nang hindi pinipilit na gumawa ng mabuti o maging mabuti para lamang makasama Sya sa habambuhay.

Una, importanteng iyong malaman kung saan gugugulin ang ating habambuhay. PERO, ang mas importante sa amin ay ang NGAYON, hindi ang sa oras ng ating kamatayan. Ito yung kung ano man ang nararamdaman natin ngayon, ang nararamdaman nating tila namamatay sa sobrang sakit ng pagtakwil.

Giliw, sa oras na ikaw ay Kanyang mapapangasawa, hindi mo lang gugustuhing gumaling mula sa sakit, pero iyong MARARAMDAMAN at mararanasan ang kaligayahan!

 

★★★★★ PAGSUSURI

★★★★★

Nung aming kabataan, sinabi ng aking kaibigang babae na kailangan ay lagi syang umiibig (sa isang lalake) upang maramdamang okay siya. Ito ang aming naging buhay. Naghabol kami ng mga kalalakihan at tinanggihan nila kami, matapos nito ay masasaktan kami, subalit basta’t ang ang sakit na nararamdaman namin ay “mula sa pag-ibig” akala namin ito ay tama lang. Nakakalungkot! Pinupursigi namin ang paghahanap ng sakit at pagtanggi. Naramdaman ko mula sa kaibuturan ng aking puso na hindi ito tama, na hindi dapat ganito ang aming pamumuhay, subalit walang “nakakatandang babae” na gumagabay sa amin para ipakita kung paano mapunan ang kakulangan sa aming buhay - Siya. Oo, nagsisimba kami at parating nagdarasal, tulad ng sa ibang babae, bata o matanda, uhaw ang aming espiritu, subalit wala pa ring relasyong kung san nakakabaliw ang Pag-ibig kaya sinubukan naming hanapin ang “pag-ibig”, subalit puro sakit at pagtanggi lamang ang aming nakita.

Ngayong naintindihan ko na ang aking paglalakbay, nararamdaman ko na ang kalayaang nagmumula sa aking kalooban. Walang may kayang punan ang mga pagnanais ng aking puso maliban lang sa aking Kasintahan. ~ Esther mula Poland

★★★★★

Wasak na wasak ako noon nang magsimula ang aking paglalakbay kasama ang Panginoon. Ngayon, ibig ko nang igugol ang aking oras sa Kanya, hayaan syang mahalin ako at paginhawain ang pakiramdam ko. Hindi ko na nararamdamang walang nagmamahal sa akin at ‘di na ko nakakaramdam ng anumang sakit dahil sa pagtanggi sa akin ng aking asawa. ~ Donna mula Maine

★★★★★

Mula nang malaman ko na ano pa man ang mangyari ay mahal ako ng aking Tagapag-Likha at Siya ay ang aking Asawa, gusto kong sumayaw sa kalsada!!! Ang puso ko ay panandaliang tumigil sa pagtibok, at ang Kanyang Ligaya, ang Kanyang Pagmamahal, ang Kanyang Kapayapaan ay hindi matatawaran ninoman o mapapalitan ng anumang bagay!!  ~ Heather mula Massachusetts

★★★★★

Gusto ng Panginoon na tayo ay mamuhay sa umaapaw na biyaya ngunit madalas ang ating pananaw sa umaapaw na biyaya ay maaring taliwas sa katotohanan. Hindi ito pag-ipon ng mga ari-arian. Mayroong iba na nasa kanila na ang lahat ng kagamitan ngunit hindi pa rin nila makamtan ang kaligayahan. Mali, nasa pamumuhay sa Kanyang umaapaw na pagmamahal, ano man ang ating harapin o ano man ang ating makuha sa buhay ay sapat na. Ito ang tunay na ibig sabihin ng pamumuhay sa Kanya.

Ang kasaganaan ay ang pag-apaw dahil sa ikaw mismo ay umaapaw, at dahil dyan ay makapamimigay ka ng sagana mula sa iyong puso. Hindi lamang sa materyal, pati na rin, at mas importante ang mga usaping patungkol sa puso. Ang ligaya natin sa Panginoon ay maaring maipamahagi sa ibang tao, utang na loob natin ito sa Kanya na siguraduhing ang ibang tao ay makaramdam ng Kanyang pag-ibig, awa at kabutihan.

Sa huli ang pamumuhay nang sagana ay hindi sa kadahilanan kung bakit ka napunta sa Ministry na ito. Maaring iniisip mo na ang pagbabalik ng iyong minamahal ang bubuo sa iyong buhay. Ngunit, sa pamumuhay ayon sa Kanya ang syang muling bubuo sa ating buhay.

Ang akdang ito ay hindi para ikaw ay sumuko subalit ito ay tungkol sa pag-alay… pag-alay ng iyong buhay at nang lahat na humipo sa iyong buhay sa Kanya. Ito ay tungkol sa mas buong pamumuhay upang umapaw ang iyong kasaganaan at sa tulong ng Kanyang Espiritu ay mapabuti ang buhay ng iba.

Ipapakita ng akdang ito ang mga paraan Niya dun sa mga NANINIWALA at NAGTITIWALA sa Kanya. Sa totoo lang, maari ka lang magtiwala sa taong lubos mo nang nakikilala. Ang librong ito ay magtuturo sa iyo tungkol sa Kanya at kung sino Siya.

Maraming libro ang nagtuturo sa atin ng iba’t ibang bagay.. subalit wala itong halaga kung hindi tayo matuturuan kung paano mamuhay ng sagana.  Ang mga akdang patungkol sa pagtulong sa sarili ay tinuturuan ka kung paano matutulungan ang sarili subalit ang akdang ito ay tuturuan tayo kung paano Niya tayo tinutulungan.

Ang librong ito ay hindi tungkol sa iyo, kundi tungkol sa Kanya. Nung tayo ay nagsimula sa ating paglalakbay, nakatuon ang ating mga pansin sa kung ano ang ninanais natin. Hanggang mapagtanto natin na dapat nakatuon ang pansin natin sa kung ano ang gusto Nya. Maiintindihan mong mas mabuti ang Kanyang mga paraan sa personal na karanasan ni Michelle at maari mong ilagay ang iyong sarili sa napakaraming pangyayari. Para isang araw, pati ikaw ay maaring makasulat na rin ng isang libro.

Ang Pamumuhay ng Masagana ay tungkol sa waging pamumuhay kung ano pa man ang iyong harapin. Na darating ang panahon ang lahat ay lalabas na para sa kabutihan. Kahit gaano pa ito magmukhang masama. Na kahit ang nasa likod mo na ay ang Red Sea.. may daang magbubukas para sa iyo. Siya at Siya lamang ang may gawa nito. Walang ibang may kakayahang gawin ito para sa iyo kundi Siya na may kakayahan at Siya na gagawin ito.

Makikita mong ang Diyos ay kumikilos di lamang sa landas na ito ng iyong pag-aasawa kundi pati na rin sa iyong buhay. Ang iyong mga pangarap kahit mula pagkabata ay isasakatuparan Niya. Mula sa kapangyarihan ng Kanyang nakabukang mga kamay, kaya Niyang gawin ang lahat ng bagay. Magulat at matigilan ka dahil ito ay nangyayari sa iyong paligid ngayon din.

Ang librong ito ay nagbibigay gabay sa atin kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa atin at pati na rin kung paano harapin ang mga pangyayari sa buhay. Lalo na kung ang mga nangyayari ay tila hindi patas sa atin. Ginagamit ito ng Diyos para sa ating ikapakikinabang. Pero mangyayari lang ito kung hihingi ka ng gabay mula sa Kanya at hindi kikilos ayon sa iyong sariling kagustuhan. Yakapin mo ang masaganang pamumuhay mula sa Kanya at ni minsa’y hindi ka mapapahiya.

Dahil nabasa ko na halos lahat ng kabanata sa librong ito at nakita ko na ang mga pagbabago sa aking sarili na napaka halaga sa aking paglalakbay noong simula at sa ngayon ay tila di naman pala mahalaga. Naniniwala ako mula sa aking mga natutunan at matututunan pa kung sino Siyang talaga at kung Paano kumikilos ang Diyos, tunay na nakakamangha na mabasa ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Michelle pero sa huli sya ang nagwagi. Oh Asawa namin sa Langit, Ikaw ay tapat.  ~ Mercy in Botswana

Mahalagang maintindihan na hindi lamang ito pagkakilala lalo “tungkol” sa Kanya tulad ng naging paksa ng mga simbahan ngayon. Hindi na natin kailangan pa ng kasaysayan tungkol sa Kanya, sa halip ay kailangan nating Siyang makilala ng personal, at ibig sabihin nito ay mas makikilala Niya rin tayo!

30476c72566566767742

Maging Kanyang Mapapangasawa—Kanyang Simbahan

Finger-Navigation_blue