Nang nakaraang linggo ay pinag-usapan natin kung paano kung tayo ang hindi nakaalam na mga biktima at walang paraan upang “dapat nalaman natin” ito.
Ngayong linggo, gusto kong pag-usapan natin ang mas nakakabahalang sitwasyon kung saan ang mga kababaihan ay sadyang nilalagay ang kanilang sarili sa kapahamakan. Kung gayon, hindi kasing daling makalaya tulad ng mga hindi nakakaalam, at ito mismo ang gagamitin ng kalaban upang pahirapan ka.
May pag-asa ba para sa mga kababaihan na hindi lubusang walang alam? Ang mga babaeng umiinom o sadyang inilagay ang kanilang sarili sa kapahamakan o piniling mapag-isa kasama ang lalake, kahit na naramdaman nilang may panganib dito? Sa madaling salita, dapat alam nila.
May pag-asa ba para sa mga babaeng bahagya o ganap na masisisi?
OO NAMAN!
Ang susi na ang siyang pundasyon ng ating pananampalataya ay “Noong tayo ay makasalanan pa!” (Roma 5:8) Hindi namatay si Hesus dahil tayo ay mabuti o kahit medyo mabuti, walang malinis sa atin mula sa kasalanan. Wala. Ito ay noong tayo ay makasalanan, na minahal Niya tayo ng lubos sapat para kaniyang ikamatay!
Ang ibig sabihin nito ay kahit na nakilahok tayo sa nangyari sa atin, Siya ay nag-aabang ang Kaniyang bisig, handang magsalita ng kabutihan at mapagmahal sa atin!! At hindi lamang natin tinatanggap ang Kaniyang pag-ibig, ngunit Siya ay gumagawa ng higit pa sa kaya nating maisip!
Isaias 40:2— “Magsalita kayo nang sa puso . . . at sabihin ninyo sa kanya, na ang kanyang pakikipagdigma ay tapos na, na ang kanyang kasamaan ay pinatawad, sapagkat siya'y tumanggap sa kamay ng PANGINOON ng IBAYONG bahagi para sa lahat niyang kasalanan.”
Kaya, ang ibig sabihin nito, kung ikaw ay nakikipagdigmaan laban sa kahihiyan at pagkakasala — na may panghihinayang at paulit ulit na nakikita sa iyong isipan na “Dapat alam ko!!” at marahil bahagyang totoo, OO, dapat alam mo ang mas nakabubuti— ngunit panahon na upang ibigay sa Kaniya ang laban at igugol ang iyong lakas at ituon ang pansin sa pag-ani ng DOBLENG biyaya na ikinamatay Niya upang maibigay sa iyo!
Exodo 14:13— “Huwag kayong matakot, magpakatatag kayo, at masdan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na kanyang gagawin sa inyo ngayon…”
Kung hindi mo kinakailangan mangumpisal sa mga bagay na hindi dapat napasama ka, itanong sa Panginoon kung paano Niya nais na harapin mo ito. Huwag mahintay, tanungin mo na siya ngayon. Kaya, sa oras na inaakusahan ka o pinahihirapang muli maari mo na ipaalala sa iyong sarili na ikaw ay napatawad, at hindi lamang ipinatawad, kundi nabiyayaan ka ng doble!
Mula sa sandaling ito, sa lahat at bawat pagkakataon na subukan kang pahirapan ng kalaban, makakangiti ka at titingala ng may pasasalamat sa iyong puso, dahil ang katotohanan na ang kalaban ay hindi kayang nakawin ang kapayapaan sa iyo. Tapos na.
Ang paglinis sa iyong nakaraan ay hindi mo kinakailangang gawin na tila isang proyekto. Sa halip ay harapin mo ito isa isa habang pumapasok sila sa iyong ulo at isipan.
Isa sa dapat na sigurado ka, at ang katotohanan na magpapalaya sa iyo, ay kahit na (at malamang) maalala mo, kung ibibigay mo ito sa Panginoon at lunasan ang sakit, kahihiyan at lahat ng masasamang nararamdaman— kung maisip mo ito muli, WALA ng negatibong pakiramdam na nakakabit dito. Sa ibang salita, OO, maalala mo ngunit sa isipan mo lamang ito, at wala ng mararamdamang nakakabit sa iyong puso.
Importante na malaman mo ito dahil ang kalaban ay matalino at maparaan, ibig niya na pagsinungalingan ko upang pahirapan ka lalo: kapag naaalala mo, sasabihin niya ito dahil naaalala mo pa, ibig sabihin ay hindi ka pa nakapapagpatawad. Kasinungalingan iyan.
Ipinapaalala NIYA sa iyo dahil lamang sa isang kadahilanan— upang magministo ka at makatulong sa ibang kababaihan! Dahil ang sakit, kahihiyan at lahat na ibang negatibong nararamdaman ay wala na, nag-iiwan ng dobleng biyaya, at ito ay magsisimula sa pamamagitan ng “pagtanim” ng katotohanan sa buhay ng ibang tao.
At upang matulungan kang gawin ito, hinihikayat ka namin na magsimulang hanapin ang Diyos para sa kaalaman tungkol sa pagsulat ng iyong sariling Kwentong Lakbay ng Panunumbalik.
Kung tapat mong sinagutan lahat ng aralin habang nagsusulat sa Panginoon, ikaw ay nagdodokumento na ng iyong paglalakbay na maaring magamit sa mga kabanta ng iyong libro.