Noong nakaraang linggo tayo ay natapos sa lingguhang mensahe sa katotohanang ito:
Ang naiiwan kadalasan sa mga biktima ay pagkaramdam ng pagkakonsensiya, maling pagpapahintulot na ang sisi ay mabaling at manatili SA kanila—upang—ang taong nagkasala na nangangailangan ng pagpapatawad ay hindi makaramdam ng buong epekto ng kanilang kasalanan.
Kaya, sa muli, kung kinuha mo ang konsensyang hindi naman nararapat para sa iyo—gaano man kalaki o kaliit—at ikaw ay hindi nagtagumpay sa pagpapaalis nito (hindi pagkalaya mula rito), ngayong linggo, ay nagagalak aking ibahagi ang mas MARAMING katototohanan, na kapwa nakamamangha at napakasidhi. Makikita mo kung bakit nagpapatuloy na pahirapan ng kalaban ang BIKTIMA, upang ang taong nagkasala ay hindi maapektuhan man lamang.
Sa aking byahe pabalik sa amin, pagkatapos akong ipagmaneho ng aking hostess sa lugar kung saan siya napagsamantalahan, kung saan nakatira ang lalaking ito, at iba pang lokasyong hindi niya mapuntahan bago siya hilumin ng Panginoon sa Maling Pagkakonsiyang ito, sinabi Niya sa akin:
Mayroon lamang ISANG SET ng negatibong emosyon ang bawat pagkakasala. Kaya’t pag magkamali kang kuhanin ito ang tunay na nagkasala ay hindi makakaramdam ng pagsisisi. At kung walang pagsisisi, walang dahilan upang ang isang nagkasala ay tumalikod sa kasalanan—kaya’t ang nagksala ay mananatiling makasalanan at ang mas malala pa, kadalasang gagawin muli ang kasalanan at pang aagrabyadong ito ng paulit-ulit.
Sinabi sa atin ng paulit-ulit na magpatawad diba? At hindi lang kung kailan humingi ng pasensiya ang iba, ngunit agad-agad. Ang Diyos na lumikha ng mundi at lahat ng prinsipyo at batas, ang nagsabi sa atin kung gaano kahalaga ito at ito ay dahil sa maraming dahilan. Hindi tayo magkakaroon ng pagkahilom sa nangyari sa atin ang pinakauna at pinakamahalaga. Kahit pa makalimot ang ating isipan, naranasan ko nadin ang patuloy na pag-iisip ng tungkol rito at gamitin ang karanasang ito sa iba, ngunit walang negatibong emosyong kasama. Walang kahit na anong sakit o kahihiyan man lamang.
Ang isa pang dahilan na kapwa mahalaga rin kaya dapat tayong magpatawad ay upang maipahayag natin ang pag-ibig sa nagkasala laban sa atin. Dahil sa tuwing tayo ay nagpapatawad, tayo ay pinalalaya sa konsensiya (kung anonang dapat o hindi natin dapat na ginawa), ang nagkasala ay tuluyang MAKAKARAMDAM ng buong epekto ng kaniyang kasalanan.
Maraming halimbawa ang lumilipad sa aking isipan, ngunit hayaan ninyong gamitin ko ang isa sa aking paborito na aking inaasahan na tutulong sa inyong magkamit ng abilidad na patawarin kahit pa ang mga pinakamatinding nagkasala.
Noon ang aking pamilya ay naninirahan sa Pensacola, kung saan itinatag ang RMI, mayroong 3-milyang tulay na napaka delikado. Kahit ang aking bayaw ay nawalan ng pinsan noong ito ay nasagasaan ng isang lasing na drayber sa tulay isang taon bago siya rin ay namatay. Kaya’t tuwing kami ay makakarinig ng isang aksidente tungkol sa 3-milyang tulay nauto, isa itong malaking balita.
Ang trahedya ay tumama sa isang malapit na pamilya sa amin na buo ag pagseserbisyo sa pagmiministeryo. Isang araw nakatanggap sila ng tawag na kinatatakutan ng lahat ng magulang: ang kanilang anak na lalaki ay napasama sa isang aksidente sa sasakyan sa 3-milyang tulay na ito, at inilipat sa pamamagitan ng himpapawid at ang mga pulis ay patungo na sa kanilang tahanan upang dalhin sila sa ospital. Habang sila ay nagmamaneho sa kabilang banda (ang paparating na traffic ay dulot ng paghinto ng mga sasakyang napasama sa aksidente), ang mga sirene ay umaalingawngaw, nakita nila kung ano lamang ang natira sa sasakyan ng kanilang anak at sila ay naniwalang hindi siya makaliligtas dito. Hindi maitatangging milagro na siya ay nakaligtas—ngunit ngayo’y naglalakad na isang lumpo at hindi magamit ang kanang kamay.
NGUNIT ang sinasabi sa balita (sa telebisyon at sa ulo ng mga balita sa pahayagan) at paulit ulit na kumakalat sa buong bansa ang nakapukaw pansin sa lahat. Ang lalaki ay hindi lamang lasing kundi lango din sa alak at 7 beses ng DUI offender, at nagmamanahening walang lisensya. At kahit ganito nagpursige ang mga magulang na kausapin ang taong ito sa kulungan— upang ipaalam sa kaniyang pinatatawad nila siya kahit pa hindi makaligtas ang kanilang anak, na hindi niya dapat sisihin ang kaniyang sarili. Sinabi sa balita na ang lalaking ito ay bumigay at tumangis, at ang tatay ng biktimang alanganin ang buhay ngayon ay lumapit sa kaniya at niyakap siya habang siya ay tumatangis. Dahi lang mga magulang na ito ay nakapagpatawad ang taong ito na paulit-ulit na nagkasala—naramdaman niya ang buong epekto ng kaniyang pagkakasala. At sa kalagitnaan ng paglilitis, ang mga magulang ay nagbigay ng pahayag at nakiusap sa husgado para mahabag sa kaniya.
Ang pambihirang pagpapamalas ng pagpapatawad na ito ang nagbigay daan sa mga press na marinig ang paraan kung paano maliligtas, na nangyari din sa isang beses na pagbisita sa kulungan. Sa bawat nagdadaang araw pagtapos nilang mabisita ang kanilang anak, bilang mag-asawa, sabay nilang dinadalaw ang taong ito sa kulungan, upang: siguruhin sa kaniyang ang kanilang anak ay hindi na coma, nakapagsasalita na, at noong nagsimula na nitong magalaw ang kaniyang mga bisig. At dahil sa kanilang halimbawa ng pakikiramay, pagkalabas ng ospital, kahit pa hindi nakakalakad, ang unang pinuntahan ng kanilang anak ay sa kulungan upang patawarin ng personal ang taong ito—na napabalita rin!
Karamihan sa atin ay hindi matatawag na gumawa ng isang bagay na kamangha-mangha at sa publiko, ngunit bawat isa sa atin, araw-araw ay maaaring mamuhay sa paraang sinabi Niyang dapat natin gawin t baguhin ang buhay ng mga taong nag-oobserba sa ating buhay, na nagbabasa ng kalatas n gating buhay.
Sa isang banda: Ang mag-asawang ito ay nakaranas ng naipanumbalik na kasal! Noong aking nakilala ang kaibigan kong ito, ang kaniyang asawa ay buong-oras na nagsisilbi sa ministeryo sa loob ng maraming taon na, at namamahala sa isang lokal na soup kitchen na isa ring shelter at programa para sa mga babaeng nawalan ng anak ng dahil sa pakikialam ng husgado (kung saan ako nagboluntaryo at nagturo). Ibinahagi ng aking kaibigan sa akin na siya ay nailigtas mula sa magulong buhay, habang kasal, at pagkatapos ay, nagdasal para ang kaniyang asawa ay magkaroon ng “Damascus” na karanasan. At nagkaroon siya. Noong nahabag ng Diyos ang kaniyang puso, pagkatapos ay agad, nagsimula niyang bitbitin ang malaki nilang bibliya saan man siya magtungo. At ang isa sa pinakanakamamanghang bagay ang nangyari—ibinigay ng Diyos sa kaniya sa bawat salita ang lahat ng kaniyang nabasa.
Noong panahong iyon ay nagmamay-ari siya ng maliit na kainan at nagsimulang magbigay ng pagkakn sa mga walang tahanan pagkatapos nilang magsara sa gabi. Ito ang nagpaumpisa sa soup kitchen at kinalaunan ibinigay ng lungsod sa kanila ang lahat ng lupain sa ilalim ng freeway upang mapalaki. Kahit pa, sinabi nila sa akin, “Hindi ka maniniwala Erin sa mga biyaya at kung paano magbabago ang iyong buhays a oras na ikaw ay magsimulang mag ministeryo ng buong-oras. Ngunit tandaan mo, dito lamang mag-uumpisa ang mga pagsubok sa iyo, at hind isa pagtatapos nito.”
Muli, oras na para HUMINTO ngayon (o gumawa ng date mamaya) at mag selah ng iyong natutunan, sa madaling salita, pagbulayan ang lahat. AT tiyaking hindi mo lamang pag-iisipan kung ano ang iyong natutunan, ngunit gumawa ng date kasama ang iyong Asawa upang mapag-isa kayo at HINGIN sa Kaniyang ibahagi sa iyo kung paano makakatulong ang mensaheng ito sa iyo at iba pang bagay na nais mong ITANONG sa Kaniya. Maupo ng tahimik at makinig at panatilihinb buhay ang iyong pag-ibig sa araw-araw sa pamumuhay ng ganito.