Noong nakaraang linggo, habang aking binabasa ang 1 Corinto 6:18 at hinikayat kayong basahin ang bersyon sa Bibliyang Mensahe para sa mas higit at  pang matagalang kaalaman, pagsasabing ito ay maaaring magamit upang maibahagi sa mga taong inyong minamahal at handang marinig ang katotohanan. Habang sinusulat ko ang nasabing pahayag, sinabi Niya sa akin kung ano ang nais Niyang isulat ko para sa mensahe ngayong araw. Isang mensaheng nasasabi Niya sa akin ng madalas at ako ay nanabik na maibahagi na sa inyo ngayon.

Kadalasan, kami ay hindi gumagamit ng Ulat Papuri na ipinsa dahil sa kadahilanang ang laman nito ay tungkol sa Pangangaral.

Karamihan sa tao, lalo na iyong nasa kalagitnaan ng kasalanan, ay HINDI kailanman nagnanais na sila ay mapagsabihan ng dapat nilang gawin. Ito ay karaniwan sa mga simbahan at sa mundo. Sa halip, sinabi Niyang bawat isa sa atin ay dapat na maging Kalatas [isang liham o paraan ng pakikipag-usap] na nababasa ng mga tao. Sa madaling salita, ang ating buhay ay ang dapat na nababasa nila sa atin—kung ano ang nakikita nila sa ating pamumuhay.

Gayunpaman, isang kalokohang isipin, kahit na isang saglit lamang, na ang pamumuhay ng may katuwiran o relihiyosong buhay ay makakaengganyo sa kaninoman na ikaw ay sundan o hingiin ang payo mo o maging bukas sa kahit na anong nais mong ipabatid. Sa halip, ang mga taong nagkakasala ay maaakit LAMANG at lalapit sa iyo kapag ikaw ay nagpamalas na ng walang katumbas na pag-ibig at hindi mapanghusgang asal patungo sa kanila at sa iba pa.

Basahin ang mga bersikulong ito upang mailathala ang pundasyon ng mga prinsipyong ito,

Juan 3:17 (ABTAG2001)—“Sapagkat hindi sinugo ng Diyos ang Anak sa sanlibutan upang hatulan (ayawan, upang hatulan, husgahan) ang sanlibutan, kundi upang ang sanlibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.”

Mga Kawikaan 20:19—“Ang naghahatid ng tsismis ay naghahayag ng mga lihim; kaya't ang nagsasalita ng kahangalan ay huwag mong kasamahin.”

1 Pedro 4:8—“8 Higit sa lahat, magmahalan kayo nang tapat, sapagkat ang pagmamahal ay pumapawi ng maraming kasalanan.”

1 Corinto 13:8—Dahil “Ang pag-ibig ay walang katapusan.”

Kung ako ay pahihintulutan ninyo, hindi ko mapigilang isipin ang aking ina habang binabasa ang mga bersikulong ito. Kahit malayo siya sa pagiging perpekto, ang kaniyang pagmamahal para sa kaniyang mga anak ay perpekto. Hindi siya nagsalita ng laban sa kaninoman, at kung kami ay makagagawa ng ganoon, sinasabi niyang, “kung wala kayong magandang masasabi sa kahit na kanino, huwag nalang kayong magsalita.” At kahit pa hindi niya mapanatili ang aming tahanan (na alam ninyo mula sa pagbabasa ng Manggawa sa Tahanan), o hindi siya kailanman dumating sa tamang oras (sa halip laging siyang nahuhuli ng ilang oras), sa kabila ng lahat ng kamaliang ito, ang parte na kadalasang napapansin sa kaniya ng lahat ay ang pag-ibig niya sa amin at sa iba! Walang sinoman sa kaniyang mga anak ang makapagtatanggi ng katotohanang ito, at wala sa kaniyang mga anak ang naligaw kailanman. At ganito rin niya pakitunguhan ang lahat ng taong kaniyang masasalamuha.

Hindi ako tiyak kung may kakayanan akong magmahal ng ganoon, ngunit pinaniniwalaan kong ako ay nagpapamalas ng katulad na pagmamahal, dahil narin sa halimbawa ng aking ina, sa aking sariling mga anak at iba. Ngunit kung aking huhulaan, masasabi kong ang pagsaksi sa kalagas ng kaniyang buhay ang naging dahilan upang naisin kong maging tulad niya, bagamat, ang karanasan ko sa Kaniyang pagmamahal ang nagpabago sa akin! Kung wala ito, hindi ko kailanman makakayanang mahalin ang mga taong hindi kaibig-ibig. At iyon kadalasan ay naipapamalas sa pagpapakita ng tiyaga at hindi pangangaral sa ibang tao.

1 Corinto 13:4-8—“Ang pag-ibig ay matiisin at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog; hindi magaspang ang kilos. Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali. Hindi ito natutuwa sa masamang gawa, kundi natutuwa sa katotohanan.Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig ay walang katapusan. . .”

Ang bersikulong ito ay maraming nasasabi na tila nagsusumigaw: katulad ng pagmamayabang.

Kadalasan, ang mga Ulat Papuri ay nagiging pagmamayabang at itong hindi magandang pag-uugaling ito, na nakalulungkot, ay nagiging talamak na sa maraming Kristiyano. Sila ay nagyayabang tungkol sa kanilang pagiging makatuwiran, habang ang kanilang katuwiran ay walang halaga tulad ng isang madumi, at mabahong basahan. (Basahin ang Isaias 64:6 upang makita kung gaano kadumi.)

Balik tayo sa pagiging mapangaral. Hindi naman palaging masama na magsalita tungkol sa isang babae sa ating mga Ulat Papuri, ngunit ito ay pagkatapos mo lamang maging totoo at tapat sa iyong sariling mga pagkakasala. At laging nasaisip na, una sa lahat—na SIYA ang higit sa lahat ang karapat-dapat  na makatanggap ng papuri kaya’t paano tayo makapagyayabang—liban nalang kung pagyayabang ito tungkol sa ating mga kahinaan? (Basahin ang 2 Corinto 12:9-10 para sa mas malawak at matagalang pang-unawa.)

Ngunit, ang higit na mahalaga sa pagpapasa ng Ulat Papuri ay kapag TAYO ay may kakayanang ingatan ang iba mula sa ating pangangaral: Paano naman ang iyong pangangaral noong ikaw ay maling napaniwala na ito ay makabubuti sa iyong mga ka-trabaho o iyong mga anak o iyong mga magulang. Sa palagay mo ba talaga na ang pangangaral o ang panghuhusga o ang pagkakaroon ng sariling katuwiran ay makatutulong sa kanilang makilala ang Panginoon? Hindi. Sa halip, maglalagay ito ng malaking hadlang sa pagitan nila at ng Diyos—at ang mas delikado ang pagkamuhi para sa Tagapag-ligtas na may kakayanang magpabago sa lahat at sa kaninoman, na sinasabi mong iyong sinusundan. Ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugan ng pagsunod kay Kristo ng literal.

Kapag lamang nakaramdam ng tunay na PAGMAMAHAL ang isang tao, lalo na kung ito ay hindi karapat-dapat, ay saka lamang ito magiging bukas upang pakinggan ang kahit na anong masasabi natin—samahan pa ito ng pagpapakumbaba—pagiging tapat kung paano tayo nagkamali.

—At ito ay nangangahulugang pagmamahal sa bawat tao “habang” ang taong iyon “ay makasalanan pa” tulad ng ginawa ni Hesus sa Kaniyang kagustuhang mamatay para sa kanila.

Tayo ay tinawag Niya upang maging Kaniyang sugo, na nangangahulugang tayo ay magpapakita ng pagmamahal at respeto na nararapat para sa kanila, na pumapalibot sa atin bilang Kaniyang babaeng nakatakdang pakasalan. Doon magsisimula ang mapagmahal na ugnayan, na walang panghuhusga, na sigurado at magiging pundasyon na ating sisimulang tayuan.

Magtiwala kayo sa akin na kung ang inyong kalatas, ang inyong buhay, ay mababasa sa ganitong pamamaraan, hindi mo kailangang maghanap—ang mga tao ang kusang darating upang magtanong sa iyo ng tungkol sa Kaniya—dahil sa iyong tunay na kababaang loob na magsisilbing balani.

Ang kabaliktaran ng “kalatas” na pamumuhay ay puno ng pagmamataas at pagmamalaki, kinamumuhian—nagtutukak sa lahat na lumayi hindi lamang mula sa iyo kundi sa Kaniya din.

Ang pagyayabang at pangangaral sa akin ay nagpapamalas sa akin bilang isang estudyanteng ipinagyayabang ang kaniyang magarang damit o sasakyan—kahit pa wala naman silang ginawa upang maging karapat-dapat para matanggap ito. Sa halip, lahat ng kanilang pagmamay-ari ay nagmula at galing sa kanilang mga magulang, kaya dapat sila ay magkaroon ng kababaang loob at magpasalamat sa halip na mapagmayabang.

Sa pagtatapos, ng may mapagkumbabang puso at utang na loob, laging tandaan na sa halip na mangaral—magpakatotoo at ipagmalaki ang iyong mga kahinaan—at tignan kung ano ang mangyayari. MAHALIN ang iba, pagmamahal na walang kondisyon tulad ng iyong nakukuha mula sa Panginoon at tignan kung hindi magbago ang iyong buhay. Kung ikaw ay naniniwalang ikaw ay nagsusumikap sa ganitong bahagi, tandaang baguhin ag iyong kaisipan sa pagbabasa ng mga bersikulonmula sa mensahengbiyo araw-araw, hanggang ang iyong pagnanais upang magbago ay mangyari.

Dyornal