Isa sa pinaka paboritong gawain ko upang maigugol ang aking oras ay ang basahin ang libro ng Mga Awit. At ang pinaka paborito ko ay ang Mga Awit 23. Marahil ito lamang ang alam mo sa iyong puso, o ang isa sa mga narinig mo na.
Mga Awit 23 (Magandang Balita Biblia)
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang;
pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan,
at inaakay niya sa tahimik na batisan.
Pinapanumbalik ang aking kalakasan,
at pinapatnubayan niya sa tamang daan,
upang aking parangalan ang kanyang pangalan.
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,
wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,
na nakikita pa nitong mga kalaban ko;
sa aking ulo langis ay ibinubuhos,
sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos.
Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay;
at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.
Ang Mga Awit 23 mula sa bersyon ng Magandang Balita Biblia na matalinhaga.
Susunod, kahit na walang katapusan ang Prinsipyo sa Buhay, mga nakatagong hiyas, sa susunod na anim na linya ng Mga Awit 23, mayroong TATLONG simpleng salita na kinakailangan mo pagtuunan ng pansin ngayong linggo:
GINAGABAYAN NIYA AKO.
Ang paraan upang maging malapit at makilala ng lubos ang Panginoon ay sa oras na malaman mo kung gaano Siya kalapit sa iyo. at sa pagsabi ng TATLONG salitang ito: GINAGABAYAN NIYA AKO, sisimulan mong maranasan ang bagong paraan ng pamumuhay.
Ito pa ang dalawang mga linyo na makukumpirma ang Prinsipyo sa Buhay na itutuo ko sa iyo ngayong linggo na kinakailangan mong idagdag sa iyong mga linyang pinagninilayan sa araw at gabi.
Isaias 30:21
At ang iyong mga pandinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, “Ito ang daan, lakaran ninyo,” kapag kayo'y pumipihit sa kanan, at kapag kayo'y pumipihit sa kaliwa.
Juan 10:277
Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking kilala, at sila'y sumusunod sa akin.
Ang aralin sa linggong ito ay ipagpatuloy ang pagdagdag sa mga napili o “susi” na mga linyang TAPAT na itatabi sa higaan; binabasa sa UNANG pagkakataon sa umaga at MULI sa gabi bago matulog—sa madaling salita—pagnilayan sila sa umaga at gabi!
At, ang mas nakkatutuwa: ang aking “ligaya ay nasa batas ng PANGINOON.” kaya’t sa halip na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa sarili na walang saysay at sa totoo lang ay nakakaloko (dahil sa totoo lang paano mo malalaman ang mga sagot na kinakailangan mo?). MAKIUSAP sa Panginoon na gabayan ka sa pamamagitan ng pagsabi ng tatlong salitang ito sa bawat panahong may kinakailangan kang gawin gaano man kasimple o kahirap ito. “GINAGABAYAN NIYA AKO.”