Oh PANGINOON, lilibirin mo siya [ako] ng paglingap na gaya ng isang kalasag.
âAwit 5:12 Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)
Tila baga isang beses sa isang araw nasusumpungan ko ang aking sarili na naghahanap ng kaligtasan: upang proteksiyunan ang aking sarili, maaaring sa emosyonal, pisikal, pinansiyal, o sa iba pang pamamaraan.
Ang pagsisikap sa paghahanap ng proteksiyon ay kumalat din sa aking pagnanais na proteksiyunan ang aking mga anak. Sinong ina ang hindi susubok na proteksiyunan ng kaniyang mga anak? Ngunit aking natagpuan, noong ako ay labis na ginipit sa isang sulok, ang aking proteksiyon (para sa aking sarili at para sa aking mga anak) ay hindi kailanman naging proteksiyon.
Kung ikaw ay namuhay sa isang mapang-abusong sitwasyon, alam mong ang iyong buhay ay puno ng mga pamamaraan ng paghahanap ng kaligtasan at proteksiyon. Hindi mahalaga kung ang pang-aabuso ay sa pananalita o berbal, emosyonal, pisikal o sekswal, ikaw ay susubok na maghanap ng paraan upang mahinto ang anoman o sinomang lalapit laban sa iyo (at sa iyong mga anak).
Ito ay hindi hanggaât may isang humarap sa akin tungkol sa aking paniniwala tungkol sa pang-aabuso, at ang pinaka-malalang uri nito para sa isang ina (noong ang isang ama ay inaabuso ang kaniyang sariling anak), na narinig ko ang Panginoon na nagsalita sa pamamagitan ko noong nagliwanag ang ilaw ng karunungan! Sinabi kong, âHindi kayang proteksiyunan ng isang ina ang kaniyang sariling anak: hindi kung ang kaniyang asawa (o sa ibang bahagi ng buhay ng bata) dahil hindi siya kailanman maaaring makasama ng mga ito sa lahat ng panahonâtanging Diyos lamang ang makakapagprotekta sa kanila! Kapag inako natin ang posisyon ng proteksiyon mula sa Diyos, doon lamang natin lalong bubuksan ang ating mga anak sa mga atake na maaari sanang pigilan ng Panginoon kung ating ipinagkaloob ito sa Kaniya.â
Ang rebelasyong ito na ibinigay ng Panginoon sa akin ang nagdulot sa akin na tumigil at balikan ang aking sariling buhay kung saan aking nakikita ng malinaw na noong ako ay tuluyang sumuko sa pagprotekta sa aking sarili, doon lamang kinuha ng Panginoon at ako ay nakatagpo ng kaligatasan at seguridad na kulang sa akin!
Sa pagbabalik-tanaw sa lahat ng Kaniyang ginawa para mapataas ang antas ng aking pananampalataya sa puntong kaya ko na itong magamit ilang taon ang lumipas para sa aking mga anak. Ang unang beses ay noong sinabi ng aking asawa sa aking mga anak na ako ay kaniyang didiborsiyohin, at kinalaunan noong ipinakilala niya sila sa ibang babaeng nagging dahilan para ako ay iwan niya. Walang kahit na anong bagay ang makapagpapahinto dito mula sa akin o sa iyo upang pigilan ang pagkalantad na ito na kung tayo, ay mayroong pagpipilian, ay hindi kailanman hahayaan na pagdaanan ng ating mga anak. Sa totoo lamang, kung ikaw ang nasa posisyon ko at ikaw ay mayroong mga papeles ng diborsiyo na nagsasaad na ang iyong asawa ay ginantimpalaan ng mga ganitong karapatan sa batas, kailangan mong tandaan na kahit wala ang mga ganitong kasulatan, ibinigay ng Diyos ang ating mga anak sa bawat magulang (ikaw at ang kanilang ama). Kaya ano ang mangyayari kung mangyari ang mga bagay ayon sa direksiyon na na hindi natin pinlano, at magsimulang dumungaw ang takot?
Maraming kababaihan ngayon ang tumatakbo palayo: minsan para sa âkapakanan ng mga bataâ at minsan para sa kanilang pansariling kaligtasan. Ngunit sa totoo lang, sino sa atin ang nais maging pugante, na tumakbo palayo mula sa kanilang mga tahanan, kaibigan at pamilya at mamuhay sa patuloy na pagtakbo at takot na matagpuan ng nag-iisang tintakbuhan natin? Tumatakbo ang mga babae dahil pakiramdam nila ay ito lang ang pwede nilang pagpilian, ngunit ito nga lang ba? Maaari nga ba talagang pagtiwalaan ang Diyos na protektahan tayo kung ating ibibigay ang ating tiwala sa Kaniya? At, minsan, ang mas mahirap na katanungan ay ang: Mapoprotektahan nga ba ng Diyos ang ating kaibigan o kapatid na babae o aking anakâo sinomang mahal natin kung ating ibibigay sa Kaniya lamang ang ating pagtitiwala?
Alam natin mula sa banal na kasulatan na si David ay nagkaroon ng hindi magandang asal ng pagtakbo. Kahit pa nakita niyang tinulungan siya ng Panginoon na patayin si Goliath, tumakbo siya mula kay king Saul at ilang taon ang nakalipas, tumakbo siya mula sa kaniyang sariling anak. Karamihan sa atin ay dumating sa ganoong lugar. Tumakbo tayo, ngunit mayroong iba na nanatili at lumaban. Sa aking personal na opinion, ako ay naniniwala na hindi ang kahit na aling pagpipilian ang magpprotekta sa ating mga kababaihan. Ang mga babae ay nangungulila at nangangailan ng proteksiyon. Kayaât uulitin ko, maaari ba nating pagtiwalaan ang Diyos upang protektahan tayo?
Marami sa atin ang nagtiwala sa Kaniya para sa atin walang hanggang kapalaran, noong tinanggap natin Siya bilang ating Taga-pagligtas, ngunit kaya Niya ba talaga tayong iligtas ngayon mula sa paparating laban sa atin, o paparating sa mga mahal natin at mga nais nating protektahan? Ang sagot ay Oo, sigurado, Oo. Ang kinakailangan lamang ay ang ating paglalakad sa ating pananampalataya, panananampalataya SA KANIYA, upang makitang maging buhay ang proteksiyong ito.
Ang proteksiyon, mula sa pananampalataya, ay kagaya ng pagtitiwala: kailangan natin itong pabayaan sa kamay ng Diyos lamang. Kapag pinagtiwalaan natin ang Panginoon para sa ating kaligtasan, Siya lamang ang nag-iisang gagawa nito, hindi tayo âupang hindi tayo makapagyabangâ âatin lamang itong tatanggapin. Hindi ito anomang bagay na ginawa natinâatin lamang tatanggapin ang libre Niyang regalo at maniwala na ginawa Niya na ito. Tayo ay maglalakad lamang ng patuloy at magtitiwala na tayo ay ligtas na.
Kapag ating ipinagkatiwala sa Panginoon ang ating pananalapi, Siya lamang ang Nag-iisang nag-bibigay ng âbawat kailangan natin ayon sa Kaniyang kayamanan kay Cristo Hesus.â Kung sa ating kahangalan ay susubukan nating tulungan Siya, makikita nating ang ating pananalapi ay hindi sasapat upang mabayaran ang ating mga utang. Kailangan ng pagtitiwala. Mapagkakatiwaaan ba Siya?
Sa aking palagay upang masagot ang katanungang iyan sa bagong bahagi ng ating buhay, makatutulong na tignan at balikan kung paano Niya tayo pinrotektahan sa ibang bahagi ng ating buhay. Kung ating bibigyan ng panahn na bilangin ang ating mga biyaya, at ang maraming paraan na pinrotektahan Niya tayo sa nakaraan, pagbibilang at pagsasabi sa kanila isa-isa, makakatulong ito sa pagbuo ng ating pananampalataya. Ito ang aking ginawa, kasabay ng pagbalik tanaw sa mga pagkakataong sinubukan ko ito sa aking sarili, at ako ay lubos na nabigo.
Tayo ay magsimula sa ating pananalapi dahil ito ay malaking bahagi para sa karamihan sa inyong mga dalagang ina. Noong ako ay naharap sa ganitong suliranin, kasama ang napakaraming anak na namumuhay sa tahanan at walang suportang pinansyal, sinimulan ng Diyos na pagpatungin ang lahat ng problema laban sa akin sa pagpapadala sa aking pamangkin upang manirahan kasama naming, at sumunod ang aking nakatatandang kapatid na babae. Alam mo, hindi dapat tayo mabigla o magulat o madismaya kapag ang mga bagay ay nagpatong-patong, dahil ito ang pamamaraan ng Diyos. Ito ang Kaniyang paraan upang ipakita sa atin ng Kaniyang pambihirang kapangyarihan.
Doon lamang Siya magsisimulang pumasok at gawin ang imposible. Ngunit kinakailangang magmukha muna itong imposible sa simula. Sa pagbibilang at pag-iisa isa ng mga pagkakataon na pinrotektahan Niya ako: Noong ang aking pamilya ay lubusang inatake sa pinansiyal, hindi ako nawalan ng tahanan, o bumaba man lang ang uri ng pamumuhay ng aking pamilyaâsa totoo lang ito ay maging mas maayos!! Hindi kung kailan ako nagsimulang humawak ng pananalapi, at nagsimulang magkontrol ng mga bagay, kaya nagsimula akong matakot at ang aming pananalapi ay nagsimulang mawala unti-unti. Nagsimulang nagging mabuti ang sitwasyon noong ako ay nagsimulang magdesisyon na huwag tignan o subukang alamin (na napakahirap gawin) na nadsikubre ko ang aking mga account sa banko ay puno muli at nag-uumapaw. Maaari nga ba tayong proteksiyunan ng Diyos sa panananalapi kapag tayo ay nagtiwala (at sumunod) sa Kaniya? Ang sagot, kung iyong ibibigay ang lahat sa Kaniya, âOo.â
Sumunod
Alam mong ang pagsunod ay may Malaki ring parte sa ating proteksiyon. Kadalasan, tayo ay ânapapahamak dahil sa kakulangan sa kaalaman.â Kapag tayo ay lumabag sa mga prinsipyo ng banal na kasulatan (na isang espiritwal na batas: kagaya ng batas ng grabidad) ng paulit ulit, tayo ay mayroong maling paniniwala na hindi tayo pinoproteksiyunan ng Diyos, ngunit sa totoo lamang, tayo mismo ang naglagay sa ating sarili sa lugar ng kapahamakan.
Isan halimbawa, dahil pinag-uusapan narin natin ang pananalapi, tayo ay mangmang sa utos na kailangan nating magbigay ng ikapu at kung hindi tayo ay nagnanakaw mula sa Diyos, at hindi kalaunan ay matatagpuan natin ang ating mga sariling nalulubog sa krisis pinansyal. Para sa atin na natutunan ang biyaya at ang pangako ng pagbibigay ng ikapu, at tayo ay sumusunod (kahit pa mukhang hindi natin kakayaning magbigay), at tayo ay nagtiwala sa Diyosâating matatagpuan na Siya ay matapat at puno ng pabor habang pinalilibutan Niya tayo ng kagustuhan ng ating mga puso, hindi lamang ang pagbibigay sa ating mga pangangailangan!! Personal kong natagpuan (kagaya nadin ng sinasabi ng nakararami sa akin) na habang lalo kong pinagtitiwalaan ang Diyos at nagbibigay (hindi mula sa kasaganahan, ngunit kadalasan kung kalian halos hindi sapat) na ang bintana ng langit ay nagbubukas, at umuulan ng biyaya sa akin!
Kahit gaano ko pa pagtiwalaan ang Panginoon para sa aking pananalapi, ang tiwalang ito ay hindi magbubunga sa kasaganahan kung hindi ko naunang natutunan ang pagbibigay ng ikapu at ang pagbibigay (kahit sa papeles ay nagsasaad na hindi ako magkakaroon ng sapat), at lumakad ng may pananampalataya at gawin ito. Kahit gaano mo pinagkakatiwalaan ang Panginoon na iligtas ka, hanggaât hindi mo tuluyan sinusuko ang iyong buhay at pagtiwalaan Siya, ay hindi ka magiging bagong nilikha. Gayondin naman sa iyong proteksiyon.
Sa wakas, ako ay nakarating sa lugar kung saan alam kong hindi ko kayang gawin ito: ang pagpoprotekta sa aking sarili o pagpoprotekta sa aking mga anak. Ako ay naniniwala na kapag tayo ay nagtiwala sa Panginoon (para sa ating mga anak at sa ating mga sarili) na palagi Niya tayong âililigtasâ mula sa mga pagsubok o krisis. Hindi ipinangako ng Diyos na tatanggalin nya ang masamang darating laban sa atin, ngunit Siya ay nangakong gagamitin ito para sa kabutihan natin habang atin itong pinagdadaanan. Kadalasan, tinatawag Niya tayo upang dumaan sa apoy, ang magpalipas ng gabi sa kulungan ng leon, at ang maglakad patawid sa Red Sea. Kahit pa gustuhin nating iwasan ang mga ganitog sitwasyon, ito ang ga pangyayaring magdudulot sa atin bilang bagong nilikha na nagpapakita sa iba kung gaano tayo naiiba, at gaano kalaki ang ating pinagbago. Ang pagdaan ko sa diborsiyo (ang ikalawa o ikatlong beses para sa aking mga nakatatandang mga anak) ay nagdulot sa aking mga anak upang maging iba mula sa karamihan. Ito ang nagdulot sa kanila, sa aking mga anak, ng halatang maka-Diyos na pagkatao (kung paano ang kalooban nila, sa likod ng saradong mga pinto, at kung paano sila tumugon tuwing sila ay ginigipit). Ang maka-Diyos na katangiang ito ang gusto ko para sa aking mga anak: kung kayaât, ako ay patuloy na nagpapaubaya, sinusuko ang aking control sa kanilang mga sitwasyon, at pagbubuhos ng LAHAT ng aking tiwala sa nag-iisang mapagkakatiwalaanâang aking Pinakamamahal!
Gaano ako kahangal upang paniwalaang magiging mas mahusay kong magagampanan ang pagpoprotekta sa aking mga anak kaysa sa Panginoon?
Kamakailan lamang, naramdaman kong kailangan kong protektahan ang aking kapatid na babae na may espesyal na pangangailangan na nanganganib na mailagay sa ospital ng mga baliw ng isang direktor ng kaniyang lugar na tinitirahang paupahan. Sa kalagitnaan ng aking pagpupulong para sa mga kababaihan, wala akong ganoong panahon para sa ganoong paglilitis! Habang ako ay nagmamaneho patungo sa paliparan, kinausap ko ang Panginoon patungkol rito, pagkatapos kong mabigo ng sinubok kong protektahan ang aking kapatid. Doon din ay pinaalala sa akin ng aking Pinakamamahal kung paano, nooong nabigyan ng pagkakataon (dahil inilipat ko ang aking proteksiyon patungo sa Kaniya sa halip na protektahan ko ang aking sarili), pinrotektahan NIYA ako, at gagawin din Niya iyon para sa aking kapatid. Nagpatuloy ako sa paglakad n aking pananampalataya at hindi sinubok na protektahan ang kaniyang reputasyon o mula sa mga eksaminasyon na maaaring (kung ang Diyos ay walang kontrol) magdala sa kaniya sa ospital ng mga baliw.
Kung hindi ko kayang pagtiwalaan ang Diyos, sino nalang ang pagtitiwalaan ko? Ang alam kong sigurado ay Siya ay matapat, at, ang mas nakabubuti ay ang kapayapaan na nagmumula sa pagpapaubaya ko at pagsuko sa Kaniya. Paano ba tayo hindi na mag-alala at/o magtraahp para sa isang bagay, na alam naman nating hindi natin maaabot, kung maaari naman nating ibigay ito sa Kaniya kaysa piliting gawin sa sarili nating pagsisikap?
Marami ang nahihilig magkwento sa akin ng isang sitwasyong nauwi sa trahedya dahil ang taong ito raw ay âtuluyangâ nagtiwala sa Diyos. Ngunit, sa aking pagtatanong sa kanila, di kalaunan ay inaaamin din nila na ang taong kanilang tinutukoy ay nagbabawi ng control at sumubok na protektahan ang kanilang sariliâhindi ba lahat naman tayo? Kaya sa aking palagay ay ang sitwasyon ng iba ang nagdudulot sa atin ng pagkailang at hindi pagtitiwala sa Diyos, at nagdudulot din ng pagkalito. Walang tunay na nakakaalam sa nangyayari sa buhay ng isang tao, kahit pa ang taong iyon ay kapatid natin o sarili nating anak.
Huwag gawin ang pagkakamali ng pagtingin sa akala mong nakita mo sa buhay ng isang tao o narinig mo. Walang sinoman kundi ang Diyos lamang ang nakakaalam ng kondisyon ng kanilang puso at ng buong sitwasyon. Sa mga gumagawa ng desisyon base sa kanilang pananampalataya sa narinig na testimonya ng ibang tao ay nanganganib dahil maaari silang makagawa ng malaking pagkakamali, na magdudulot ng napalampas na biyaya at pagiging mahina sa mga hindi kinakailangang paghihirap.
Sa oras na isinuko kong subukang protektahan ang aking reputasyon, noon lamang nagkaroon ng mas malaking pagkilala ang aking reputasyon sa halip na kabaliktaran ang nangyari. Simula ng sinukuan kong protektahan ang aking emosyon, naramdaman ko ang pagmamahal ng Panginoon na bumalot sa aking puso kahit pa maraming bagay ang dumadating laban sa akin: diborsiyo, panibagong babae, at ang pagiging bahagi ng aking mga anak sa kasal ng aking asawa. Sa tunay na mundo, ang mga ganito ay makakawasak ng isang asawa at inang tulad ko. Sa halip, dahil sa nagtiwala ako sa Panginoon (at dahil sa nagtiwala akong poprotektahan Niya ang aking puso), ako ay namamayagpag at sa halip nakaramdam ng pagmamahal na hindi ko dinanas noon!
Ang Panginoon ay nagtatrabaho sa lugar na ito ng aking buhay ilang taon na. maaaring mahigit dalawang taon na mula ng umikot ang aking buhay dahil sa wakas ay tinalikuran kong protektahan ang aking sarili mula sa lahat ng klase ng pang-aabuso na nangyayari kapag ang mister ay hindi na masaya. Ang isang mister na hindi na masaya ay naniniwala na kasalanan ito ng kaniyang misis at siya ang pagbubuntunan nito. (Ganito din ang katotohanan para sa isang babaeng hindi masaya at sinisisi ang kaniyang mister ). Maraming babae na may mabuti at busilak na puso ang sumusubok na lugurin ang kanilang asawa, ngunit kadalasan ang problema ay hindi sa kanila para ayusin.
Ang pagbabago ng aking sarili (sa pamamagitan ng pagsunod sa mga prinsipyo ng may busilak na puso) at pagprotekta sa aking sarili (ano mang paraan ang aking piliin) ay hindi gumana. Hanggaât hindi ko isinusuko at ibinigay sa Diyos at binigyan Siya ng pahintulot na protektahan ako, saka lang Niya ako iniligtas. Ngunit alam ko na kapag ako ay tumakbo o magpatuloy sa pagsubok sa aking sarili, ako ay patuloy na matatakot at maghahanap ng kaligtasan at seguridad. Ang biyaya sa pamumuhay sa kabila ng pagsubok ay ngayon alam ko nang ang Diyos ay ang Diyos na magpoprotektaâkayaât ipinagkakatiwala ko sa Kaniya ang aking mga anak. Alleluya!!
Mahal kong mambababasa, gaano man KALAKI ang iyong pagsubok, o kalaban, o pag-atake ng kalaban, MAS MALAKI ang Diyos. Hindi Siya natataranta o natatakot o nag-aalala tungkol sa mga bagay o taong humahabol sa iyo. Kaya Niyang makagawa ng kabutihan sa kabila nito at sa bawat sitwasyon basta magpatuloy ka sa pagsuko ng lahat sa Kaniya at magtiwala sa Kaniya para sa iyong proteksiyon (para sa iyong sarili at para sa lahat ng iyong minamahal).
Ang bawat apoy ay nakakapino at nakakapagdalisay. Kayang isara ang bibig ng bawat leon. At ang bawat dagat, gaano man kalaki, ay kayang patahimikin o hatiin mula sa isang salita lamang galling sa Diyos.
Epilogo ng Kabanata
Simula ng sinulat ko ito, ang Diyos ay nagsimulang kumilos para sa kapatid koâatin Siyang papurihan!
Una, kailangan nating parehas na isuko (kasama dito ang aking kapatid na babae na may pananampalataya at pag-iisip ng isang bata) at magtiwala sa director (na sumusubok na siya ay ipiiit) na gumawa ng appointment n mayroong potensyal na magpiit sa kaniya sa ospital ng mga baliw. Hindi ako nagdasal at nag-ayuno (hindi dahil sa hindi ako naniniwala sa dasal at pag-aayuno, ngunit dahil hindi Niya ako âtinawagâ upang mag-ayunoâako ay nagtiwala lamang sa Diyos), at ang resulta? Sinabi ng doktor sa kaniya na tingin nito ay hindi na niya kailangan ng mental na eksaminasyon!!
Kung hindi pa sapat iyon, ngayon, sinabi ng aking kapatid na ang director, na desperadong sumusubok na ipapiit siya, ay AALIS NA. Ganon-ganon lang!!! Ito ay humiling na mailipat. WOW. Mapagkakatiwalaan ba ang Diyos? OO NAMAN!!