Wala nang higit na makapagpapaligaya sa akin kundi ang marinig
ang balitang namumuhay ayon sa katotohanan ang aking mga anak.
—3 Juan 4 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Nagtapos sa pagpapaubaya ko sa Panginoon ng napakaraming bagong bahagi sa aking buhay sa huling kabanata ng “Pagsuko”. Isa sa may pinakamalalim na nagpapabagabag sa akin (bago ko pa ibigay ito sa Panginoon) ay ang pag-aaral ng aking mga nakababatang anak.
Kagaya ng ibang bahagi na aking ibinigay sa Kaniya upang tapusin Niya ang Kaniyang trabaho, mayroon palaging panahon ng paghihintay na kinakailangan bago Siya gumalaw. Ito ay panahon ng pagsubok at pagpapahinga—at ng pagtitiwala. Habang naghihintay, ang kalaban (o maaaring ang ating laman lamang) ay maguudyok sa ating “may gawin!” Kung tayo ay nagtitiwala sa Panginoon para sa pagbabawas ng ating timbang, tayo ay matutuksong “kahit papaano” ay uminom ng mas maraming tubig, ihinto ang pagkain ng matatamis, o pagkuha ng kaunti. Ngunit kailangan nating labanan ang tukso at siguraduhing sabihin sa ating Panginoon na tayo ay walang kalaban-laban at walang ka-pag-a pag-asa kung wala Siya para mangalaga sa aspetong ito ng ating buhay.
Sa parehong paraan ako naghintay sa Panginoon na kumilos sa aspetong ito ng pag-aaral ng aking mga anak. Ako ay nakahandang ipadala sila sa paaralan: pribado man o pampubliko (bagay na aking sinasabing labag sa aking paniniwala). Ngunit, ang pagsuko ay nangangahulugang pagpapaubaya ng ating kagustuhan para sa Kaniyang kalooban, na nangangahulugang ang kalaban ay gagawa ng lahat ng kaniyang magagawa upang pigilan ang plano ng Panginoon para sa atin. Kaya’t noong lubos kong isinuko ang lahat nagsimula nadin ang kalaban na hikayatin ang aking pag-iisip (tandaan ang laban ay kadalasang naipapanalo o naipapatalo sa ating mga isipan) na ang Panginoon na lubos kong pinagtitiwalaan, ang nagpahintulot sa aking dumaan sa nakakaeskandalong diborsiyo, at—ang pagpapadala sa aking mga anak sa pampublikong paaralan ay siguradong sunod sa Kaniyang listahan. Ngunit, habang ako ay patuloy na nagpupuri sa Kaniya kahit na sa posibilidad na iyon, sa kaalaman din, na dahil sa mga nakakahiya at naging pamoso, ang aking diborsiyo ay nagdala din sa akin ng hindi masukat na biyaya na hindi kayang pangarapin o isipin man lamang na posible pala! Doon ay muli akong kinausap ng Panginoon na kagaya ng Kaniyang pagbibigay ng biyaya sa aking nakababatang kapatid na babae (na tila “may kahirapan sa intelektwal at emosyonal” na tumira malapit sa akin, upang matulungan ko siyang maalagaan ilang buwan lang ang nakaraan), sa parehong pamamaraan, siniguro Niya sa akin na bibiyaaan Niya rin ang aking mga anak ng isang bagay na kamangha-mangha, isang bagay na hindi ko maiiisip kailanman! Kaya’t aking ibinahagi ito sa aking mga nakababatang mga anak ay naginhawaan sila at nagkaroon ng buong pananampalataya kasabay ko habang kami ay naghihintay.
Tatlong araw na lamang bago ako umalis patungo sa paglalakbay patungong Europa (at pag-iwan sa aking mga anak sa loob ng tatlong lingo ng wala akong kaide-ideya kung paano nila magagawan ng paraan ang kanilang pag-aaral habang ako ay wala), ng magsimulang gumalaw ang Panginoon!!! Ang aking kapatid na babae, na aking nasabi na may dinaranas na kahirapan, ay napakaraming nakamamanghang biyayang taglay. At dahil alam kong ito ay Kaniyang plano, noong sinabi ko sa aking kapatid na ako ay patungo sa Paris (bilang isa sa maraming destinasyon), siya ay nagsimulang magbigkas sa akin ng mga maiiksing parirala sa salitang Pranses. Ilang araw lamang ang nakaraan ay may biglang nakapag-paaala sa aking at tinanong ko sa kaniya kung siya ba ay interesadong magturo sa aking mga anak ng “kaunting Pranses”. At ipinaalala muli ng Panginoon sa akin na siya ay tumira din kasama ang isang pamilya sa Mexico at marunong din siyang makpag-usap ng espanyol. Sinabi ko sa kaniyang maaari din siyang magturo ng Espanyol sa kanila kapag siya ay naubusan na ng pranses na salitang maituturo.
Masyadong nasabik ang aking kapatid at sumagot ng gustong-gusto niyang magturo sa kanila, Ngunit ang kaniyang lubos na hilig ay ang pagbabaybay! Doon ko naalalang mayroon siyang nakamamanghang talento para sa pagbababaybay! Kaya’t akin siyang kinuha upang magturo sa mga bata sa tatlong paksa na ito! Ang rebelasyong ito ang nagdala sa akin upang sundan ang Kaniyang hakbang at tanungin ang aking pamangking babae (na nagtungo at maninirahan sa amin sa loob ng isang taon), na mayroong mahusay na talento sa matematika, na magturo sa aking mga anak sa tuwing darating siya sa bahay mula sa paaralan. Ang aking pamangkin ay lubos na nakaramdam ng karangalan at agad siyang sumang-ayon, at nagkwento agad sa kaniyang mga pinsan at magulang kung gaanong pagpapahalaga ang kaniyang naramdaman ng dahil dito. At nagdulot din sa akin na tanungin ang aking panganay na anak (na mahusay sa pagsusulat) sa pagtuturo sa mga bata sa kanilang mga sulating ulat (siyensya, kasaysayan at heograpiya). Sa panghuli, tinanong ko ang aking lalaking anak na may espesyal na pangangailangan upang tulungan ang mga bata sa pagbabasa at mahasa ang kanilang kakayahan bilang mananalumpati (pagbabasa o pagsasalita ng malakas) dahil pakiramdam niya ay may kakulangan siya sa mga paksang ito. Kaya’t ang pagtuturo sa kanila ay makakatulong sa kaniya habang siya ay tumutulong din sa kaniyang mga nakababatang kapatid! Sa loob lamang ng isang araw (at tatlong araw bago ako umalis), nagawa ng Panginoon (hindi ako) ang lahat ng ito!!
Ang resulta ay nakamamangha. Sa unang beses na aking nakausap ang aking mga anak sa isang chat habang ako ay nasa Europa, sa aking kwarto sa hotel sa Belfast, Ireland, habang kami ay nagpapaalam sa isa’t-isa, ang aking anak na lalaki ay lumapit sa camera at bumulong ng, “Je t’aime Maman, Je t’aime” ” (binibigkas bilang za tem ma’ma). Ito ay nangangahulugang, “Mahal kita Inay, Mahal kita”! Kapwa ko mga kababaihan, wala akong nagawa kundi ang lumuha! Gaano kahalaga ang ating pinakamamahal, napakalambing na Asawa—hay naku, hindi natin lubusang mauunawaan ang Kaniyang pag-aalala para sa atin! O ang laki at lalim ng Kaniyang pagmamahal!!!
Pagpapalaya
Dahil sa testimonyang aking ibinahagi, hayaan ninyong kausapin ko kayo, aking mahal na mambababasa tungkol sa iyong kabiguan sa pagpapalaya sa iyong pagpapanumbalik ng pagsasama sa iyong asawa, sa paghahanap ng isang asawa (para sa mga hindi pa naikasal), o sa isang mabuting pagsasamang mag-asawa (para sa ilan na nananatiling kasal ngunit miserable). Kadalasang ibinabahagi ni Erin kung paano niya kayo gusting matulungan ng husto, kaya’t nais kong tulungan siya dahil lubos niya rin akong natulungan.
Kung ako ay nakumbinsing pahihintulutan ng Diyos na ipagpatuloy ang pag-aaral ng aking mga anak sa tahanan, at kung ako ay nanatiling nakakapit (sa halip na magpalaya) sa tunay na posibilidad ng pagpapadala sa aking mga anak sa pampublikong paaralan, maaaaring hindi ako nakapagbigay ng puwang, o sa aking puso ay hindi ko mapagkakatiwalaan ng husto ang Diyos. Kung kaya’t hindi siya kailanman makakakilos sa bahaging ito ng aking buhay. Kaya, ikaw rin, na tumatangging magpalaya sa sa mga “pangakong” binigay ng Panginoon sa iyo tungkol sa iyong pagsasamang mag-asawa (kasalukuyan, nakaraan o hinaharap na mga kasal).
Ang Panginoon din ang nagbigay sa akin ng mga kaparehang pangakong ganoon. Ngunit, habang ang aking pagiging malapit ko sa Kaniya ay lumalalim, gayon din naman ang aking kagustuhan para sa Kaniya lamang. At sa puntong iyon, wala ng ibang mahalaga, at lahat ng Kaniyang pangako, ay ibinalik ko sa Kaniya. Ang Kaniyang ibinigay sa akin, bilang kapalit, ay ang Masaganang Buhay na aking tinatamasa ngayon. Ako ay nilikha upang mamuhay ng ganito. Ito ay hindi ko ginusto o pinlano, ngunit sa kagaya ng pagkakaalam nating lahat, ang Kaniyang paraan at Kaniyang pag-iisip ay sobrang taas kaysa sa ating pag-iisip at plano!!!
“Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad:
Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang” (Mga Kawikaan 16:9)
“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” (Jeremias 29:11).
‘“Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip”’ (Isaias 55:8-9).
Kung aking kinapitan ang mga “pangako” sa pagpapanumbalik ng aking kasal (Panginooon, ikaw ay nangako!!), halimbawa, ay hindi ko mararanasan ang buhay na ito at patuloy parin akong makakaranas ng paulit-ulit na sakit! Patuloy na nakakakita si Erin ng ganitong uri ng sakit sa mga ulat na papuri at ako ay nakabasa ng higit sobrang uri ng sakit na naisulat mismo ng mga pinuno ng RMI—sakit na tinanggap na karaniwan na lamang gayong hindi ito parte ng Kaniyang plano! At kinausap ko si Erin tungkol dito dahil alam kong nagluluksa din siya.
Sa oras na lahat ng taling nagbubuklod sa ating puso ay maputol na (sa bawat pangangailangan sa mundong ito:pisikal, material, at emosyonal), at ang pangako ay inilagay na sa altar (bawat isang pangako), doon mo lamang mararanasan ang “wala ng luha at wala ng kapighatian.” Hayaan mong bigyan kita ng halimbawa.
Noong aking narinig na mayroon ng nakatakdang araw para sa kasal ng aking dating asawa, hindi ako nasaktan, kahit kaunti. Sa halip, sa totoo lang, ako ay nagpakaligaya, sa kaaalamang ang aking kinabukasan sa piling ng aking pinakamamahal na Asawa ay mas sigurado na kaysa noon!! Noong aking narinig na lahat ng aking mga anak ay hindi lamang pupunta sa kasal ng kanilang ama, ngunit magiging parte pa ng kasal na ito sa PB (Panibagong Babae- Another Woman), ito ay panahon upang magdiwang sapagkat nakikita ko kung paano nila sinusunod ang aking halimbawa sa pagtitiwala sa Panginoon sa mga aspeto kung saan maraming kabataan (at matatanda) ay nakasusumpong na imposible. “Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan” (3 Juan 1:4).
Mahal kong mambabasa, ang pagsuko ay nangangahulugan na kalayaan sa pag-aalala, sakit, pagkalito at lungkot. Ito ay lugar kung saan makapagpapahinga habang ikaw ay makasasaksi ng mga milagrong magaganap sa harap ng iyong mga mata. Ito ang magpapalaya sa iyo upang magkaroon ka ng mas maraming panahon at magpakasaya sa pagiging malapit sa Panginoon, kagaya ng gusti Niya para sa atin! Nais Niyang maglaan ng oras sa atin, hindi para pag-usapan ang ating mga kailangan at mga problema, tulad ng diskusyon na nagpapalapit sa pagsasama ng mag-asawa!
Bagamat kung hindi ka tuluyang susuko, hindi mo mararanasan ang tunay na kaligayahan at kalayaang ibinigay ng Panginoon sa iyo nung Siya ay namatay! Isang trahedya!! Nakakadurog ng puso katulad ng mga taong hindi tumatanggap ng kalayaan mula sa impyerno at walang hanggang pagkakasalang hatid ng ng Kaniyang kamatayan. Ngunit mas nakadudurog ng puso kung para sa ating minamahal na Taga-pagligtas na nananatiling nakaluhod na nagtatanong kung maaari ka Niyang maging Asawa. Gaano Siya nangungulila para sa puso ng bawat isa sa inyo, ngunit ang iyong puso (ang iyong isip, kung ano ang iyong sinasabi, kung ano ang iyong pinapangarap, at kung ano ang iyong sinsulat) ay tungkol lamang sa iyong makamundong asawa o kasintahan. Maaari nga bang maikumpara mo ang dalawa? Ang taong nakikita mo ba ay talagang kailangan mo kung mayroon namang hindi nakikita na May kakayanang makamit at higitan ang mga pinapangarap mo sa iyong tanang buhay—at higit pa sa kay among pangarapin?
“Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya” (Isaias 64:4 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
“Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin” (Efeso 3:20 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978).
Dalawang gabi pa lamang ang nakakaraan, kinausap ko ang Panginoon tungkol sa patuloy kong pagtulong sa RMI kagaya ng aking ginagawa pagkatapos kong ,agbasa ng mga ulat papuri at columns na ipinasa, ngunit hindi pa nailalathala sa website. Malinaw na karamihan sa kasapi ng RMI ang nagnanais parin na manumbalik ang pagsasama nilang mag-asawa higit sa lahat (at ang mga nakababatang babae ay gusto ng makamundong asawa, hindi ang Makalangit). Tila ang paksang ito ay nagsusumigaw sa akin sa bawat column at ulat papuri. At kung gayon nga, sino ako upang tulungang ang pamumuno kung sa totoo lamang ay hindi ko gusto ang panunumbalik sa sarili ko mismo? Oo, iyon ay totoong pahayag. Ako ay tuluyang naipanumbalik sa aking Asawa pagtapos kong maghintay ng buong buhay para sa Kaniya, at ngayon, nakikita kong Siya ay higit pa sa aking naisip na magiging Asawa ko! Kaya bakit ko gugustuhing manatili?
Kaya’t tuwing nakikisalamuha ako sa isang kasapi ng RMI, na nag-uumapaw ang pananabik sa kaniyang boses at nagniningning ang mata, at nagtataning sa akin kung naniniwala ba akong ang aking kasal sa aking asawa ay muling maipapanumbalik, tila nadudurog ang aking puso. Ang gusto king itanong ay, kung ipagkakaloob ng Diyos ang kagustuhan ng ating puso at ang iyong puso ay para maipanumbalik ng Diyos ang samahan naming mag-asawa, paano naman ang aking sariling puso at kagustuhan? Ang puso ko ay para sa aking Makalangit na Asawa, aking Pinakamamahal! “Kaya’t sino ako Panginoon,” aking tanong, “upang magpatuloy sa pagtulong kay Erin at maging pinuno sa katawan ng mga naniniwala (na nagnanais na maipanumbalik ang kanilang kasal o makakuha ng isang Kristiyanong asawa)?
Dito pinaalala ng Panginoon ang bersikulong ito na aking nababasa halos araw-araw sa loob ng sampung taon. Ilang buwan lamang ang nakaran noong aking lubusang naunawaan ang kahulugan nito:
“At kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig…” (Jeremias 15:19 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978).
“Ang may halagang,” tintukoy sa bersikulong ito, aking pinakamahal, ay ang Panginoon—nangangahulugang ang lahat ay walang halaga! Ibig sabihin ang pagpapanumbalik ng iyong kasal, (o paghahahanap ng isang Kristiyanong Asawa), pera, reputasyon, mga anak, posisyon, career, atbp. Maliban sa Kaniya ay walang halaga.
Ibig sabihin para sa inyong nagagalit sa akin o nadidismaya sa akin, o nanghuhusga na may kakulangan sa akin bilang pinuno ay hindi ako karapat-dapat na tumulong kay Erin, tandaan ninyong si Hesus ang nagsabi na, “Ang umiibig sa ama o sa ina ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin; at ang umiibig sa anak na lalake o anak na babae ng higit kay sa akin ay hindi karapatdapat sa akin” (Mateo 10:37 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)).
Sinabi ng Panginoon sa akin na noong ako, din, ay nagkaroon ng parehong “pagmamahal” at “pagkahumaling” para sa panunumbalik ng kasal kagaya ng aking nakikita sa ministeryo ng RMI, noon din ay hindi ako karapat-dapat na maging Taga-pagsalita Niya. Ngunit ngayong nakita natagpuan ko na ang liwanag, kagaya ng nakita ni Erin, at sa pagkakaalam kung Sino talaga Siya at kung ano ang kagustuhan Niyang maging sa aking buhay (at sa iyo rin), ako sa wakas ay naging Taga-pagsalita Niya at doon ako nagsimulang magbyahe sa buong mundo!
“Looking at him, Jesus felt a love for him and said to him, ‘One thing you lack: go and sell all you possess and give to the poor, and you will have treasure in heaven; and come, follow Me.’ But at these words he was saddened, and he went away grieving, for he was one who owned much property” (Mark 10:21–22).
“ Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo sa mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman” (Marcos 10:21-22 Magandang Balita Biblia (MBBTAG).
Higit sa yaman ng mundo,
Higit sa tunog ng boses ng aking kaibigan,
Higit sa pinakamalaking pangarap ng aking puso
At iyon lamang ang simula!
Higit sa pagkamit ng sinabing kong aking kailangan,
Higit sa pamumuhay ng buhay na aking ginusto,
Higit sa pagmamahal na kayang ibigay ng kahit na sino—
Ang pag-ibig mo!
Hawakan mo ako ngayon sa iyong mga bisig at huwag bitawan kailanman . . .
Hindi ko mapigilang mahulog sa pagmamahal sa Iyo!
Hindi ko pipigilang ibigin Ka ng husto!!!
Hindi ko mapigilang mahulog sa pagmamahal sa Iyo!
Hindi ko pipigilang ibigin Ka ng husto!!!