Ang pagkakaroon ng pananampalataya ay napakahalaga kapag ikaw ay dumaranas ng mga paghihirap sa pag-aasawa, o anumang uri ng pakikibaka o kahirapan sa iyong buhay. Ang kanyang salita ay nagsasabi na “ang pananampalataya ay gumagalaw ng mga bundok”. Hindi tayo maaaring mag dalawang isip dapat tayong manampalataya sa Panginoon at matuwa at purihin Siya sa Kanyang mga sagot sa ating panalangin!! Noong kakaunti lang ang pananampalataya ko at lalo na kapag nasasaktan ako nagmakaawa ako sa Panginoon na bigyan ako ng higit na pananampalataya para maniwala ako na babaguhin Niya ang kalagayan ko at ginawa Niya!! \o/
Having faith is so important when you are going through marriage struggles, or any type of struggle or difficulty in your life. His word says that “faith moves mountains”. We cannot be double minded we must place our faith in the Lord and become excited and praise Him for His answers to our prayer!! When I had very little faith and especially when I was hurting I begged the Lord to give me more faith so that I could believe that He would change my circumstances and He did!! \o/
Kabanata 3 “Magkaroon ng Pananalig”
Sumagot si Hesus, ‘Manalig kayo sa Diyos.’
—Marcos 11:22
May Pananalig Ka Ba O Takot?
Ang takot ay isa sa mga pinakamatinding bagay na kailangan mong malampasan. Sinasabi sa atin ng Roma 12:21, “Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.” Nanakawin ng takot ang iyong pananalig at gagawin kang lubhang mahina sa kaaway. Kapag nakinig ka sa lahat ng sinasabi sa iyo ng iba tungkol sa kung ano ang ginagawa o hindi ginagawa ng iyong asawa, sa halip na ituon mo ang iyong mga mata sa Panginoon at sa Kanyang Salita, mabibigo kang tumutok sa Kanya at magsisimula kang lumubog!
Magkaroon ka ng pananalig sa kakayahan ng Diyos at sa Kanyang pagnanais na ayusin ang iyong buhay may-asawa. Muli, basahin mo ang mga testimonya ng mga naayos na buhay may-asawa; tapos PANIWALAAN mo na ang iyo ang madadagdag sa kanila!
Pedro, Isang Halimbawa ng Pananalig. Basahin mo ang kwento ni Pedro sa Mateo 14 simula sa talata 22. Inutusan ni Hesus si Pedro na lumakad sa tubig. Kapag inutusan ka Niya na lumakad sa tubig, bababa ka ba ng bangka? Tingnan mo ng humingi ng saklolo si Pedro kay Hesus—lagi itong nasusundan ng salitang agad. Kaagad, nagsalita si Hesus sa kanila at sinabing maging matapang. Pagkatapos ng nagsimulang lumubog si Pedro at sumigaw siya sa Panginoon, “agad siyang inabot ni Hesus” (Mateo 14:31).
Takot. Isang tanong na dapat nating tanungin ang ating sarili ay “bakit lumubog si Pedro?” “Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot” (Mateo 14:30). Kung titingnan mo ang iyong sitwasyon at ang labanan na sumisiklab sa harap mo, ikaw ay lulubog! Inalis ni Pedro ang kanyang mga mata sa Panginoon at ang naging resulta ay takot! Sabi nito, “siya’y natakot.” Kung aalisin mo ang iyong mga mata sa Panginoon, ikaw ay magiging matatakutin.
Sa halip, tumingin kay Hesus at PUMAIBABAW sa iyong bagyo. Kung ikaw ay nasa eroplano sa gitna ng bagyo, masyadong matagtag kapag ikaw ay umaakyat sa ulap. Pero sa sandaling ang eroplano ay nasa ibabaw na ng mga maitim na ulap na iyon, ang paglipad ay malumanay, ang araw ay sumisikat at halos nakikita at nararamdaman mo na ang Diyos doon! Nakakapagtaka, na sa dakong iyon, ang mga ulap sa ibaba ay maputi at malambot!
Ipagpatuloy ang pagbabasa dito https://pag-asa.org/buod-ng-mga-kurso/k1/k3/