Ang pundasyon ng pagsasabuhay ng isang Masaganang Buhay, sa oras na ikaw ay mayroon ng personal na relasyon sa Panginoon, ay ang pag-aaral mamuhay ng mga prinsipyo ng Diyos—ang mapa ng daan ng buhay.
Ang unang hakbang ay ang pag tapik sa kagila-gilalas at mapangahas na pangako mula sa Diyos na matatagpuan sa pinaka unang Mga Awit. Basahin ang buong bersikulo, ngunit maglaan ng pansin ang san naka-bold na bahagi.
Mga Awit 1
1 Mapalad ang taong
hindi lumalakad sa payo ng masama,
ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya,
2 Kundi nasa kautusan ng Panginoon ang kanyang kagalakan,
at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan.
3 Siya ay gaya ng isang punungkahoy na itinanim sa tabi ng agos ng tubig,
na nagbubunga sa kanyang kapanahunan,
ang kanyang dahon nama’y hindi nalalanta;
sa lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.
Sinasabi ng Prinsipyo ng Buhay na ito na kung tayo LAMANG ay magninilay-nilay sa Kaniyang mga batas, at susundin iyon dahil ikinalulugod natin ito, Siya ay nangangakong ano man ang ating gawin tayo AY magtatagumpay!
Ngunit paano, eksaktong, ang prinsipyong ito ay MADALING maisasakatuparan?
Ipagpatuloy ang pagbabasa dito: https://pag-asa.org/araling-makabuhay/unang-linggo-ano-man-ang-kanyang-gawin-siyay-nagtatagumpay/
Araling Makabuhay https://pag-asa.org/araling-makabuhay/
Salamat mahal na Atarah sa pagbabahagi ng magandang aral na ito.
Ipinakikita sa atin ng Awit 1 kung gaano kalakas ang salita ng Panginoon, at kung gaano ito nagbabago, sapagkat ang nagbubulay-bulay sa Kanyang salita, na nananatili sa batas ng Panginoon ay uunlad at ito ang aking pinaniniwalaan. Ang salita ng Diyos ay may kapangyarihan at nakapagpapabago, nagbibigay lakas kapag tayo ay pagod at nabibigatan, at ito rin ay may kapangyarihang pagalingin at palayain tayo, at lalo na kapag ako ay malungkot o nag-aalala, binabasa ko ang Salita at ito ay nagpapanibago sa aking pananampalataya, sapagkat ang Panginoon ang nagsasalita.
Isang magandang araw para sa iyo!