Ako'y sa aking mahal, at ang mahal ko ay akin . . .
masumpungan ko siya na iniibig ng aking kaluluwa;
Pinigilan ko siya, at hindi ko hinayaang umalis . . .
Ako'y may sakit na pagsinta.
— Awit ng mga Awit 6:3; 3:2-4; 5:8
Nang simulan ko ang kabanatang ito, salamat na lang sa Kaniyang pag-ibig dahil nahirapan akong isulat ito. Alam ko kung saan kami papunta, ngunit alam ko rin na takot ang dahilan ng aking pag-aalinlangan. Kahit na sinabihan na kami ng 365 beses sa Bibliya na huwag matakot, at tulad ng nasulat ko na rati, lalo na ang takot sa iisipin ng iba, nag-alinlangan ako at pinatagal ang pagsulat sa kabanatang ito. Ang pag-aalala ko ay dahil alam ko na anumang sabihin ko ay maaaring mapukaw ko ang inyong damdaming may takot para sa mga umaasang mabuo ang buhay may-asawa at ang kanilang kasal, ang kalaban ay maaring gamitin ito upang manghina ka.
Kasabay nito, anumang ibabahagi ko ay talagang nakakapanabik mula sa aking pananaw, gusto ko talagang ipagsigawan ito sa pangkalahatan. Kung paano man ito mailathala, ang pagnanais ko na maisulat ang kabanatang ito ay upang matulungan ka na maintindihan na ang puso mo ang iniiisip ko. Umaasa ako na hindi ka panghinaan ng loob o mag-alala o di kaya ay kahit ano mang negatibong emosyon na maaring sumaklob sa iyo dahil sa aking nasusulat.
Isa sa maaring masamang epekto sa iyo ay ang nakikita nating mga paglalakbay kung saan ang iba ay tinatawag at di natin maiwasan na mapaisip, “Paano ako nito maapektuhan? Ito rin ba ang magdadala sa akin?” Madalas, ang katotohanan ay, Hindi, at hindi ka Niya tatawagin sa daan kung saan ay tinawag Niya ako (pati ang iba). Kung kaya’t sa bawat sandali na mag-alala ka, tumigil at hayaang ang Kaniyang pag-ibig at katiyakan ay pakalmahin lahat ng iyong pag-aalala dahil imposibleng ang plano Niya sa iyong hinaharap ay hindi magniningning, nakakapukaw at nalulunod sa Kaniyang pagmamahal. Tandaan, namatay Siya upang maibigay sa iyo ang Masaganang Buhay, tama?!
Kaya, sa paninimula, paki-usap na magtiyaga ka ng sandali pa dahil mag-iiba lamang ako ng paksa panandalian. Kamakailan ay nagbabasa ako ng libro ng isang may-akda at nakita kong ang sarili ko na naliligaw na sa halos kalahati ng kaniyang naisulat. Ito ay dahil isinulat niya ito nang nasa isip ang kaniyang mga “tagasubaybay” o mga tagahanga. Kaya kinakailangan kong simulang ang kabanatang ito sa paglahad ng aking personal na kinalalagyan, upang hindi malito ang mga bago sa aking libro o sa samahan na RMI ni Erin sa aking ilalathala.
Isa sa pinakamahirap na pinagdaanan ko nang umalis ang aking asawa at ako ay kaniyang diniborsyo, nang muli, ay ang katotohonan na ang aking personal na paglilingkod at pagtulong sa RMI ay nag-ugat sa katotohanang ang sarili kong buhay mag-asawa ay naibalik. Matapos ang ilang taon na paglapit ko sa Diyos upang buohin ang aking buhay may-asawa, sinagot Niya ang aking mga dasal, nang nagtiwala ako na bubuohin Niya ito, habang natututo at masigasig na sinusunod ang mga prinsipyo ng pakikipagbalikan na nakita ko sa RMI, na agad agad kong nakukumpirma dahil agad ko itong sinusuri sa aking Bibliya. Dahil dito, matapos na magkabalikan kami, ang mga kababaihan sa sarili naming simbahan na lumapit sa akin para sa tulong at patnubay ay naging dahilan upang magkaroon ako ng sarili kong ministro sa aming simbahan. Matapos nito, nagbukas ang mga oportunidad upang makapagsalita ako palibot ng mundo — nagdadala ng pag-asa sa mga kababaihan na nasa gitna ng pagsubok sa kanilang buhay may-asawa at hindi maibsang sakit na nagnanais din na maibalik ang kanilang buhay may-asawa.
“Pagkatapos ay iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. Tingnan mo, inilagay kita sa araw na ito sa ibabaw ng mga bansa at ng mga kaharian, upang bumunot at magpabagsak, upang pumuksa at magwasak, upang magtayo at magtanim” (Jeremias 1:9-10).
Kaya nang muli akong iwanan ng aking asawa, at diniborsyo matapos ang labing-apat na taon na nagkabalikan kami (siya, na naibahagi ko na isa sa mga pastor sa aming simbahan kung saan ako nagmiministro), maraming kababaihan sa aming samahan ang tumiwalag na kasing-bilis ng lumulubog na barko— ngunit sino ang makapanisi sa kanila? Ang mga naiwan ay natigilan, nagulat, at napa-iling dahil hindi nila maiwasang isipin ang sarili nilang buhay may-asawa at natatakot silang ang kanilang pakikipagbalikan ay hindi rin “magtatagal”. Nakakagulat na marami ang umaasa na bigyan ko sila ng panghihikayat at suporta sa panahong ako mismo ay pinagdadaanan ito, pati ako ay nalilito, at hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap ko, o sa aking samahan, o sa aking mga anak, o sa aking mga gastusin, o sa aking kinabukasan.
Kakaiba man pakinggan, ngunit dito nagsimula na buksan Niya ang mga pinto para sa akin na magsimulang bumiyahe (tatlong linggo matapos mawakasan ang aming diborsyo). Inanyayahan ako ng maraming simbahan kung saan sinasabi nila na maraming kababaihan ang may katanungan sa kung paano nito mababago ang kanilang pakikipagbalikan. At, isa sa mga pinaka tinatanong nila ay tungkol sa aking hinaharap na “pakikipagbalikan” — kailan at paano ito mangyayari “sa pagkakataong ito”. Ang natutunan ko mula sa muling pang-iiwan ng aking asawa (at maiintindihan mo ito kung basahin mo ang aking libro Facing Divorce— Again), ay ang ganitong kalaking krisis ay may kakahayang baguhin ang kanyang biktima sa nakakamanghang paraan. Hindi lamang ako nito dinala sa ibang klaseng relasyon sa ating Panginoon; ito ay napakalalim na hindi ko naisip na posible o hindi ko narinig sinumang nagbahagi ng ganito, kahit sa isang kanta.
Itong bagong pinahusay na relasyon na nakita ko ang magiging paksa ng aking buhay. Hindi ko na iniintindi ang aking kinabukasan o anumang bahagi ng aking buhay, lalo na ang kahit anong pakikipagbalikan sa aking asawa. Nakakamangha na ang atensyon ko ay nasa Kaniya na iniibig ako ng higit sa kaya kong isipin. Nang nangyari ito, napagtanto ko na desperada akong kumakapit sa Kaniyang lambing anuman ang pagkakataon. Ang aking pagkadesperada ay nakakahumaling lalo na sa panganib. Sa lahat ng oras na makatatanggap ako ng email o kaya ay matanong “Michele ako ay nasasabik na malaman kung kailan ang susunong mong pakikipagbalikan? Sinabi ba ng Diyos kung paano ito mangyayari?” Kung tatanungin ako ninoman tungkol sa hinaharap na pakikipagbalikan sa aking dating asawa, nakikita ko ang aking sarili na nilalaliman ang hukay sa puso ng aking Minamahal dahil ayaw kong alisin ako ninoman sa kung ano ang natagpuan ko— SIYA at ang Kaniyang pag-ibig. Pag-ibig na binababaran ko, araw araw, bawat araw at lalo na sa aking pahinga sa gabi.
Sa mga pagkakataong ako ay nababahala, ay ang mga panahong nakikiusap ako huwag Niya akong bibitawan, madalas ay ginagabayan Niya akong magbasa, “Ang babaeng walang asawa at ang dalaga ay nababalisa sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu, ngunit ang babaing may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya bibigyang-kasiyahan ang kanyang asawa. Sinasabi ko ito ngayon para sa inyong ikabubuti, hindi upang lagyan ko kayo ng silo, kundi kung ano ang nararapat at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang sagabal...Ngunit batay sa aking kuru-kuro, siya ay higit na maligaya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan. At iniisip ko rin naman na ako'y may Espiritu ng Diyos” (1 Corinto 7:34-40).
Sa simula, sa tuwing sasagot ako ng mga katanungan tungkol sa susunod o pqngalawa kong pakikipagbalikan, nakita ko ang akong sarili na natutulala o di kaya ay lumilipad ang isip. Sa napakaraming taon na nagsilbi ako kasama si Erin sa pagtulong sa mga kababaihang desperado (tulad ko noon) na muling mabuo ang buhay may-asawa, kaya siymepre, nang panahong iyon ito ang nag-iisang paksa ng aking pagmiministro.
Kaya, sa pagbabago ng mga pangyayari sa aking buhay, agad kong napagtanto na kahit mawala ang aking posisyon sa RMI pati ang aking buong samahan na nabuo sa ing simbahan, kasama ng aking mga pagbabahagi (at nangangahulugang mawawala lahay ng aking kikitain, lahat ito ay gumuguho na sa aking paanan), pakiramdam ko kinakailangan kong maging tapat at maibahagi ang tunay kong nararamdaman —hindi ko na inaasam na makipagbalikan, at sa totoo lqng, hindi ko na ito gusto.
Ako'y sa aking mahal, at ang mahal ko ay akin . . . Masumpungan ko siya na iniibig ng aking kaluluwa; Pinigilan ko siya, at hindi ko hinayaang umalis . . . Ako'y may sakit na pagsinta” (Awit ng mga Awit 6:3; 3:2-4; 5:8).
Nang nangyayari ito, hindi pa ito napaguusapan sa samahan, salamat na lamang, ang patungkol dito (ang hindi pagnanais na magkabalikan kaming mag-asawa) ay hindi na nakakabigla tulad ng dati. Sa kasamaang palad, dahil ako ang unang sumambit ng kalokohang ito, nakita ko ang pagtalikod sa akin ng maraming kababaihan. Ang bagong paksa ng aking samahan ay higit pa sa kanilanv kakayanan, at nakakalungkot na inisip nilang hindi na ako naniniwala sa pagbabalikan ng mag-asawa dahil hindi ko na ito inaasam para sa aking sarili.
Dinala ko ang pala-isipang ito at minsan, isang pagkakataon bago sumikat ang araw habang ako ay nasa higaan pa, napasigaw ako sa Panginoon at sinabi kong susundin ko siya anuman ang hilingin Niya sa akin l, ngunit… hindi ko gustong makipagbalikan sa asawa ko dahil ayaw ko Siyang iiwan! Nagtalukbong ako, at sa ilang sandali ay napaiyak sa pag-iisip kung gaano ko napahitapan ang aking Asawa dahil sa tigas ng ulo ko. Habang may luha, humihikbi, tinanong ko kung nabigo Siya sa akin. Nagulat ako sa aling narinig, at naniniwala akong magugulat ka rin. Sinabi Niya na hndi ko Siya inabala, datapwat ay nabiyayaan Siya at nahipo ang Kaniyang puso!!
Natigilan, ipinaalala Niya kung paanong si Joshua ay nagrebelde mula sa utos ng Diyos na lumayo mula sa Bundok ng Zion (dahil sinomang lumapit ay mamamatay) habang si Moses ay nandun at hinaharap Siya. Lalong ginusto at kinailangan ni Joshua ang Diyos — anuman ang maging kapalit nito. Matapos, naalala mo ba na si Joshua ang humalili para kay Moses nang ang galit nito ay muntik na maging dahilan upang hindi sila makarating sa Naipangakong Lupain. Kung kaya’t ang kaniyang ginawa na taliwas sa nais ng Diyos ay nagantimpalaan.
Sunod, ipinaalala Niya sa akin si Ruth at kung paano niya tinanggihan ang pagpipilit nito na iwanan siya at balikan ang kaniyang mga tao. Si Ruth ay nagpumilit na manatili kasama ang kaniyang biyenan— at ang Diyos ay lalo siyang biniyayaan at naging asawa siya ni Boaz— siya ay napabilang sa angkan ng Panginoon.
Kasunod, ipinaalala sa aking ng Panginoon si Elisha na tinanggihan si Elijah sa tuwing pipigilan siyang umalis. Biniyayaan siya ng Diyos at makikita sa Bibliya na si Elisha ay mas nabiyayaan ng espesyal na tawag at layunin mula sa Panginoon, higit pa sa natanggap ni Elijah.
Tila ang Diyos ay natutuwa sa hindi nawawalang katapatan, malasakit at ang uri ng pag-ibig na hindi pumapayag na iwan ang Kaniyang presensiya.
Kahit na gumanda na ang pakiramdam ko, napapansin kong balisa at takot pa rin ako na ang Panginoon ko ay magnanais na ibalik ang aking asawa, malamang para sa Kaniyang kaluwalhatian. Isang araw habang nasa South Africa, ang aking pinakamamahal na punong-abala ay nagtanong kung maari ba siyang magtanong ng isang personal na bagay. Nang tinanong niya ito, marahil ito ang katanungan sa isip ng marami, “Tatanggapin mo bang muli ang iyong asawa?” Sinagot ko siya tulad ng pagsagot ko sa mga nakaraang hindi mabilang na pagkakataon:
“Anuman ang ninanais ng Diyos, gagawin ko . . . hindi mahalaga kung ano ito.”
Nang gabing iyon, habang nasa higaan, may ginawa akong bagay na tila napaka simple, ngunit ni minsan ay hindi ko naisip gawin hanggang sa sandaling iyon. Tinanong ko ang Panginoon, “Irog, pag may nagtanong sa aking ng ganoong katanungan, paano Mo gustong sagutin ko ito?”
Ang narinig ko mula sa Kaniya ay iniwan akong nagulantang; sabi Niya, “Sabihin mo lang na hindi mo kaya.”
Lumipas ang ilang linggo na maraming linya mula sa Bibliya ang tumatakbo sa aking isipan habang pilit kong iniintindi at binibigyang kahulugan ang sinabi Niya sa akin. Ano ang ibig Niyang sabihin na, “. . . hindi ko kaya”?
Dahil walang linya o prinsipyo ang pumapasok sa aking isipan, nagigising akong atat na magsimulang hanapin sa aking Bibliya ang mga salitang maaring makatulong sa akin na umintindi. Ngunit nang umaga na papunta ako sa Kenya, hindi ko dala ang paborito kong BIbiliya. Nang nagsimula na ang sunod sunod na pagbiyahe ko, hindi ko na ito dinadala, dahil minsan na itong nasira habang nasa biyahe ako, kaya umaasa na ako sa aking Bibliya sa laptop na nakukunekta sa internet. (Ito ay bago pa nagkaroon ng app ang mga Bibliya sa ating mga telepono at internet saan ka man naroon sa mundo.)
Habang nagbabalik tanaw, nakakatawa na ngayon, dahil sinabi Niya nang gabi na nagmamadali ako pabalik sa aking eroplano papuntang Kenya, at iyon ay isang bansa na ang internet ay imposibleng makakuha. Walang internet sa lugar na tinutuluan ko, at iisa lamang ang mga pampublikong internet café na ginagamit ko upang kumonekta sa aking mga anak. Bakit Niya hinayaan na malaman ko ang mga bagay ngunit wala akong pagkakataon na makapaghanap tungkol dito? Dahil ang gusto lamang ng Panginoon ay ang manahimik ako at hanapin Siya; panahon na manatili, makinig sa nais Niyang sabihin sa akin.
Ano man ang narinig kong babasahin ninyo sa susunod na kabanata. Ngunit katulad nang pinagawa ng Panginoon na maputol ang ugnayan sa lahat, sinabi Niya rin sa akin na pabayaan ka, na bigyan ka ng oras upang manahimik at hayaan ang Panginoon na kausapin ka. Huwag lamang tumigil ng ilang minuto bago basahin ang susunod na kabanata, ngunit, palipasin ang ilang araw, o di kaya ay hayaan ang Panginoon na kausapin ka tungkol sa sinabi Niya sa akin at kung ano ang ninanais Niyang maibahagi ko. Naniniwala ako na bubuksan Niya ang puso mo, hahayaan kang masimulan mo ang pinangangarap mong pamumuhay ng masagana!
Alalahanin, “Ngayon, sa kanya na makakagawa ng higit na sagana kaysa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin!” (Efeso 3:20 ABTAG2001).
Kaya't naghihintay ang Panginoon, na maging mapagbiyaya sa inyo; kaya't siya'y babangon, upang magpakita ng habag sa inyo. Sapagkat ang Panginoon ay Diyos ng katarungan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kanya” (Isaias 30:18).